CHAPTER 8

1524 Words
Kinabukasan habang nasa opisina sina Arthur at Kyla ay madaling nilapitan ni Lorrene ang kaibigan gusto niya itong makausap tungkol kay Francine, ayaw niya rin na magkimkim si Kyla ng galit sa kaniya dahil matalik niya itong kaibigan. “Kyla kailangan natin mag-usap, napansin ko lang bakit ang init ng dugo mo kay Francine? magkaibigan tayo ayokong magkasamaan tayo ng loob, sana naintindihan mo ako kung bakit mahal na mahal ko ang bata, wala siyang kasalanan sa kasalanan ng kaniyang ina.” Seryosong wika ni Lorrene. Tinititigan ni Kyla si Lorrene saka ito nagsasalita, “Lorrene, magkaibigan tayo alam mo naman kung gaano ko pinapahalagahan ang friendship natin pero hindi mo ako masisi kung mainit ang dugo ko sa bata dahil anak siya ng babaeng nanakit sa ‘yo at pumatay sa nanay mo, “Lorrene sana naman naiintindihan mo ang nararamdaman ko!” tugon ni Kayla habang nakanguso ito sa kaibigan. “Kyla mahal na mahal ko si Francine at tinuring namin siyang tunay na anak, kapatid siya ni Lorenz at tanggap na siya ni Lorenz magkasundo na sila sa lahat na bagay ayoko kong mag-away tayo dahil lang ayaw mo sa bata, tanggapin mo na lang na bahagi na siya ng buhay natin at lalo na sa buhay namin, dala-dala niya ang apelyido namin, at bahagi na rin siya ng buhay namin.” Paliwanag ni Lorrene kay Kyla. “Lorrene, balang araw mag- asawa na ang mga anak natin ang gusto ko kapag magkolehiyo na si Lorenz ay magkasama sila ni Clarissa sa America para makilala nila ang isa’t isa bago pa sila ikakasal para hindi na sila mahirapan pagdating ng araw.” Seryosong saad ni Kyla saka ngumiti sa kaibigan . “Kyla bakit kailangan sa America pa? bakit hindi na lang dito.” tanong ni Lorrene sa kaibigan. “Lorrene alam mo naman na mahal na mahal ko si Lorenz, gusto kong magkasama sila ng anak ko. Ayokong magkaroon siya ng ibang girlfriend ang gusto ko si Clarissa lang ang una at huling mamahalin ni Lorenz, papayag lang ako na haayaan ko ang ampon niyo basta papayag kayo ni Froilan sa gusto ko.” “Sige na Lorrene aalis na kami, pag-isipan mo ang mga sinasabi ko saka Lorrene balang araw sila ang magmanage nito kaya mas maganda kung sa America sila mag-aaral ni Clarissa.” Saad ni Kyla at mabilis na itong tinalikuran si Lorrene. Nagtungo si Lorrene sa opisina ni Froilan at sinabi niya ang napag-usapan nila ni Kyla. Hindi sang-ayon si Froilan sa gusto ni Kyla, at ayaw niyang pag-usapan muna ang tungkol diyan dahil mga bata pa naman sina Lorenz at Katrina. Nagtungo sina Kyla at Clarissa sa bahay ni Froilan dahil gusto nilang isama si Lorenz mamasyal sa mall. Nagpaalam na rin si Kyla kay Lorrene at ang sabi ni Lorrene ay daanan niya na lang sa mansiyon. “Lorenz, nandito si Tita Kyla mo isasama ka raw nila mamasyal sa mall, halika bihisan na kita naghintay sila sa ‘yo sa sala.” Saad ni Beth. “Francine halika na magbihis na tayo mamasyal raw tayo sa mall.” Masayang niyaya ni Lorenz si Francine kaya nagmamadaling nagbihis na rin ang bata. Pagbaba nila sa hagdanan nakabihis na silang pareho pero sumigaw si Clarissa. “No! hindi ka puwedeng sumama Francine! kami lang ni Lorenz ‘di ba mommy?” tumango si Kyla sumang-ayon siya sa gusto ni Clarissa. Hinawakan ni Lorenz si Francine pagbaba nila sa sala. “Tita Kyla hindi po ba puwedeng isasama natin si Francine? siya lang po kasi mag-isa dito sa bahay malungkot po siya kasi wala siyang kalaro. Saka behave naman po si Francine, ‘ di ba Francine?” tumango si Francine at ngumiti siya kay Kyla. “Tita Kyla puwede po ba akong sumama?” tanong ni Francine. “No! mommy no!” sigaw ni Clarissa. “Francine, Ayoko sa ‘yo! si Lorenz lang ang puwedeng sumama!” sigaw pa ng bata. “Francine I’m sorry pero huwag ka na lang sumama kasi nagagalit si Clarissa, nextime na lang iha okay? Lorenz let’s go. Matagal pa bago kumilos si Lorenz tiningnan niya muna si Francine. “Francine babalik naman ako nang maaga kaya huwag ka nang malungkot, nandito naman si yaya Beth.” Malungkot na saad ni Lorenz, pag-alis nila ay nakita ni Beth na tumakbo pa si Francine papuntang gate at nag-bye siya sa sasakyan na papaalis. Tumulo ang mga luha ni Beth dahil naawa siya kay Francine, Madali niya itong nilapitan, kinarga niya agad at hinaplos ang mukha. “Yaya Beth bakit po kayo umiiyak? malungkot po ba kayo?” tanong ni Francine. “Masaya ako Francine hindi ako malungkot? umiiyak ako kasi masaya ako dahil napakabait mong bata, hindi mo deserve ang masaktan. Tandaan mo mahal na mahal ka naming lahat. Kaya huwag kang malungkot kung ayaw ni Clarissa sa ‘yo.” Malungkot na saad ni Beth. “Mahal na mahal ko po kayong lahat yaya Beth, masaya po ako kasi mahal ninyo ako.” Niyakap ni Beth si Francine ng mahigpit at pinaupo niya ito sa sala. “Manood ka ng cartoon movie huh, magluluto ako ng popcorn para sa ‘yo.” Nakangiting saad ni Beth. “Yehey. . . salamat po yaya.” Wika ni Francine na tuwang-tuwa. Habang nanonood siya sa sala ng tv. ay nakaramdam siya ng antok nagulat na lang si Beth dahil nakatulog na si Francine. kaya hinayaan niya na lang itong makatulog. “Kawawang Francine, siya ang nag-suffer sa kasalanan ng kaniyang ina, napakasama ng ugali ni Clarissa! hindi man lang magawang disiplinahin ni ma’am Kyla.” Tsk!” bulong niya sa sarili. Pagdating ni Lorenz ay agad niyang hinanap si Francine, meron siyang dala na french fries para sa kaniyang kapatid, pero pagdating niya ay tulog pa rin si Francine. “Yaya Beth nandito na po ako, yaya bakit po nakatulog si Francine sa sofa? malungkot po ba siya yaya?” tanong ni Lorenz habang tinitigan niya ang mukha ni Francine na mahimbing na natutulog sa sofa. “Francine. . . gumising ka na nandito na ako.” Saad ni Lorenz. Habang niyogyog niya ang balikat ni Francine. “Lorenz, hayaan mo na lang muna siyang makatulog mamaya gumising din ‘yan.” Saad ni Beth. “Yaya Beth namimiss ko po si Francine mas gusto ko po na nandito sa bahay kasama si Francine, ayoko kay Clarissa yaya ang bad po niya eh, inaaway niya lagi si Francine hindi naman siya inaano. Yaya ako po ang kuya ni Francine dapat ipagtanggol ko siya sa mga bad ‘di ba?” seryosong saad ni Lorenz, Nakangiti si Beth habang nakikinig sa kaniya, dahil naalala niya ang sinabi ni Lorenz na gusto niyang pakasalan si Francine kaya ayaw niyang maging kapatid ‘to. “Lorenz, mahalin mo siya alagaan mo at ipagtanggol mo siya sa mga mang-aapi sa kaniya, pero huwag mong suntukin katulad ng ginawa mo kay Clarissa.” Nakangiting turan ni Beth. Ilang sandali pa ay gumising na si Francine at natutuwa siyang makita si Lorenz. “Kuya Lorenz, nandito ka na? nakatulog ako sa kahihintay sa ‘yo. Ang sad ko kuya wala akong kalaro. Kaya natutulog na lang ako dito sa sofa.” Wika ni Francine. “I’m sorry Francine hayaan mo ‘di na kita iiwan mag-isa ‘di na ako sasama sa kanila ni Clarissa ayaw kitang makitang malungkot kasi malulungkot din ako. Meron akong dalang popcorn Francine sinabi ko kay tita Kyla na gusto kong kumain ng popcorn pero ang totoo gusto kong ibigay ‘yan sa ‘yo.” Sumilay ang mga ngiti ni Francine sa labi at hinalikan niya si Lorenz sa pisngi. “Wow, kuya thank you.” Saad ni Francine at kinain niya na agad ang popcorn sinubuan niya pa si Lorenz at nagtatawanan silang dalawa. Masaya si Beth nang nakita niyang bumalik na ang ngiti sa mga labi ni Francine. Pagdating nina Lorrene at Froilan ay magkasabay silang tumakbo at humalik sa kanilang mommy at daddy, kinarga ni Froilan si Francine at hinalikan niya ito sa pisngi. “Daddy ako din po kargahin niyo.” Nakangiting saad ni Lorenz binaba ni Froilan si Francine at kinarga niya si Lorenz nagtatawanan silang lahat at napuno nang kasiyahan ang kanilang mansiyon. Nakikita nina Froilan at Lorrene ang kasiyahan ni Lorenz mula nang dumating si Francine sa buhay nila, kaya labis ang tuwa nilang mag-asawa dahil hindi na sila mag-aalala kung nasa trabaho silang dalawa dahil masayang naglalaro ang kanilang anak na si Lorenz kasama si Francine. Parehong minahal nila ang mga bata, pantay-pantay ang binigay nilang pagmamahal at mga materyal na bagay, kung ano ang meron kay Lorenz ganoon din ang kay Francine. Dahil ayaw nilang magkaroon nang inggit ang dalawa nilang anak sa bawat isa. Kinabukasan masayang pumasok sina Francine at Lorenz si yaya Beth na ang naghahatid nito kasama ang driver dahil meron importanteng meeting na pupuntahan sina Lorrene at Froilan. Mas lalong pinatatag ang pagmamahalan nilang dalawa, sobrang maalaga si Lorrene kay Froilan at ganoon na rin si Froilan kay Lorrene. Kaya busog sila sa pagmamahal kasama ang kanilang mga anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD