Francine, Lorenz bilisan ninyo late na tayo sa graduation ninyo. Tawag ni Lorrene sa kaniyang mga anak. Ngayong araw ang graduation ng dalawa ng Elementary kaya excited ang lahat. “Mommy nasa bathroom pa si Francine naliligo pa po.” Sigaw ni Lorenz, kinatok niya ang banyo kung nasaan naliligo pa si Francine. “Francine bilisan mo na! tinatawag na tayo ni mommy! sigaw ni Lorenz pero bumukas na ang pinto at lumabas si Francine pero tumulo ang mga luha nito, kaya nagtataka si Lorenz at nilapitan niya ito agad. “Francine anong problema bakit ka umiiyak? tanong ni Lorenz, pero yumuko lang si Francine at nahihiya ito. “Lorenz tawagin mo si mommy Lorrene please. . . kailangan ko siya.” Saad ni Francine at umiiyak pa ito. “Francine wait lang tawagin ko si mommy, sobra ang pag-alala ni Loren