"Lumiko ka, ngayon na." Seryosong utos ko rito. Pero dahil anak ng teteng itong kakambal ko ay hindi agad ito sumunod. May kung anong nakakuha pa ng atensyon nito.
"What's that?" tanong ko sa isang notebook na nasipa nito at mabilis na dinampot. Mukhang nalaglag sa gilid ng kama iyon mabuti na lang nasipa ni Teri.
"I don't know. Let's check it later."
"Turn right. May bintana d'yan." Mabilis itong tumakbo. Malutong itong napamura nang makita ang taas ng bintanang tinutukoy ko.
"For real?" manghang ani nito. Mabilis akong tumipa.
Wala na rin itong choice eh. Mabilis namang sumampa si Teri sa pasimano. Lumambitin lang ito. Medyo mataas talaga.
"Stay still!" mabilis na pagtipa pa ang ginawa ko."D'yan ka lang muna. May romorondang guard sa baba mo." Malutong itong napamura. Sapat para marinig ko.
Napigil ko lang din ang paghinga ko nang tumapat ang bantay sa pwesto ng kakambal na nakabitin sa second floor.
Saka lang bumalik sa normal na kabog ang dibdib ko nang umalis na ang lalaki.
"Now." Utos ko rito.
"Ihanda mo na ang panghilot." Alam ko naman na kayang-kaya nito ang distansya. Pero dahil matigas ang ulo nito ay basta na lang itong bumitiw.
"Teri!"
"Char, safe!" mabilis itong tumayo. Maayos ang pagbagsak nito. Kaya hindi ito nasaktan.
Patakbo nitong tinungo ang pader. Sa bilis nito ay nakuha nitong sumampa sa pader.
She's too quick na hindi na kinailangan ng instructions ko. May style si Teri na sa kanya ko lang nakikita.
Mabilis ito, kahit madalas idinadaan sa laro ang lahat ay alam naman nito ang ginagawa.
"BAGO KA MAGALIT, pakingan mo muna ako." Nauna itong makauwi. Saka ako sumunod sa kabilang bahay ang daan.
Iwinagayway nito ang notebook.
"What is that?" initsa nito iyon sa pwesto ko. Mabilis ko namang nasalo. Dumeretso si Teri sa ref at nanguha ng inumin.
"s**t!" anas ko nang makita kung ano ang nilalaman no'n. Imbes na iinom ay mabilis na napalapit sa akin ang kakambal ko.
"What?"
"Listahan ng pangalan ito. Double jewel?" basa ko sa malaking salita sa upper right corner ng notebook.
"Double Jewel. Ano 'yon?"
Tahimik na binasa ko ang mga pangalan na naroon.
Saka ako tumayo at dumeretso sa secret room. Nakabuntot lang ito hangang sa marating namin ang silid.
Itinipa ko ang pangalan ng unang nakalagay roon.
"Silverio Dashlim." Basa ni Teri habang nakatayo sa likuran ko. Iyon ang itinipa ko at hinanap sa database kung mayroon pangalan doon ang taong iyon.
"S'ya ang dating direktor ng Bagong Paraiso Foundation."
"Ang bahay ampunan na pinangalingan natin?" tumango ako rito. Sunod kong itinipa ang iba pang pangalan.
"Konektado ang lahat nang nakalista rito sa foundation." Iyon ang nakumpirma namin ni Teri. Habang binabasa ang mga detalye na iprinint ko para ma-highlight namin ang mga impormasyong nakuha namin.
"Ang kailangan na lang nating alamin ay kung ano ba itong Double Jewel na ito," anas ni Terrible.
"For now, unahin natin muna ang tungkol kay Alforte Magalones. Baka nga alam n'ya kung ano ba ito, after all magkalaban na sila noon pa." Ibinaba ko ang highlighter at sumandal sa upuan.
"You're right."
"Umuwi na ba si Demetrius?" tanong ni Teri sa akin. Itinulak ko ang upuan at inikot ito upang maharap sa computer.
"Nasa bahay pa s'ya ni Alforte."
"What are you doing?" tanong nito nang makitang abala na naman ako sa computer.
"Shh!" saway ko rito. Nilakasan ang volume upang marinig naming dalawa ni Teri ang pinag-uusapan ni Dem at Alforte.
"Hijo, kung malagay man sa panganib ang buhay ko dahil sa plano kong pagtakbo sa eleksyon, sana'y ipagpatuloy mo pa rin ang trabahong naiwan ng iyong ama sa 'yo."
"Makakaasa ka, Sir." Trabaho? Ang ama ni Demetrius ay namatay ilang buwan pagkatapos ng sunog. Sa pagkakatanda ko ay tinambangan ang sinasakyan nito. Kinakasama ngayon ng Nanay n'ya ang dating kaibigan ng kanyang ama at sa pagkakaalam ko ay kasal na rin ang mga ito.
"Hijo, baka naman pwedeng isama mo ulit ang dalagang iyon dito. Magaan ang loob ko sa kanya, mukha ring matalino at hindi katulad sa mga chicks mo."
"Naku! Baka malabo ho 'yan. Mukhang masungit at may tama ho sa utak ang isang 'yon. Parang sa isang katawan ay may dalawang katauhan dahil sa bilis magbago ng mood."
"Basta, subukan mo lang naman." Nasa tinig ng matanda ang pakiusap.
"I'll try."
"Bakit kaya?" tanong ni Teri sa akin.
"Aalamin ko." Tumango naman ito.