Palihim kong sinusundan si Demetrius habang kasama nito si Alforte Magalones. Hindi man lang pansin ng mga ito at pagpasok ko rin sa restaurant na tinungo ng mga ito.
May reservation ang dating alkalde sa isang VIP room. Nakapag-reserve din ako ng vip room na katabi lang nang pinasok ng dalawa.
Pagpasok ko sa silid kung saan tumambad ang naka-set up na table ay mabilis kong inilapag ang bag sa lamesa. Pumasok naman ang waiter para kunin ang order ko rito.
'Yong pinakamatagal talaga na ihanda ang pinili ko. Sinadya ko pang dinamihan iyon. Akala nga ng babae ay may darating pa akong kasama.
Nang maiwan akong mag-isa ay inilabas ko na ang laptop. May access na rin ako sa CCTV ng restaurant kaya mapapanood ko ang mga ito roon.
Pwede ko namang gawin ito sa bahay. Ngunit gusto kong mas mapabilis ang trabaho.
Kausap ni Alforte ang kasalukuyang vice-mayor ng Catalindang. Naipuslit ko na rin kanina ang listening device sa kabilang silid. Nakalagay iyon sa likod ng vase.
"Tiyak naman akong mananalo ka. Nasira lang naman ang pangalan mo dahil sa nangyaring sunog noon, pero kalaunan naman ay na realize ng mga tao na wala kang kasalanan sa nangyari."
Nakuha agad ng mga ito ang atensyon ko.
"Pero dahil sa sunog na iyon ay natalo ako noong sumunod na election." Nanlulumong ani ng matanda.
"Tiyak na gagamitin na naman ni Damien ang tungkol sa trahedyang iyon sa pagdating ng kampanya."
"Sa tuwing tumatakbo ka ay tumatakbo rin s'ya at nakikipagtungali sa 'yo." Tugon ng lalaking kaharap ni Alforte.
"Gano'n talaga, ako naman ay pagtulong sa bayan ang hangarin ko. Kung gusto lang n'yang kalabanin ako ay wala naman akong magagawa roon. Gusto ko nga rin sanang i-train itong bata ko," sabay tapik sa balikat ni Demetrius. Ngunit hindi naman interested sa politika."
"Aba'y kung wala nga naman interest ay wala tayong magagawa d'yan. Bigyan mo na lang ng maraming apo ang Mama mo." Nagtawanan ang mga ito, habang si Demetrius ay bahagya lang umiling.
"Hindi pa 'yan ang oras, vice. Ngayon ay busy pa ako sa pagsunod-sunod dito kay Bossing."
"Naku! Bantayan mo itong mabuti, mainit talaga ang dugo ni Damien dito sa matandang ito."
"Sinong matanda?" kunwari'y tanong ni Alforte Magalones. Nagtawanan naman ang mga ito.
Natigil ang mga ito sa tawanan nang pumasok na ang mga server dala ang pagkain nila.
"Nga pala, anong balita roon sa pakiusap ko na linisin na ang bayan ng Catalindang?" tungkol ba ito sa drugs? Seryosong nakinig ako sa mga ito.
"I already talked to someone. S'ya na ang bahala roon sa request mo sa akin. Malaking pera pero tiyak naman akong garantisado sila kumilos." Dinampot ko ang cellphone ko at tinawagan si Lady A.
"Yes, Victoria?" hindi ko man kaharap, pakiramdam ko ay naglalaro ang ngisi sa labi nito sa paraan pa lang nang pagsasalita.
"Ikaw ba ang tinutukoy ni Alforte na taong nilapitan n'ya?" tanong ko rito.
"Bakit ako agad ang naisip mo?" bahagyang natawa na ani nito.
"Dahil kung hindi konektado sa 'yo, sa mga girls, or sa mga client ay hindi ka mag-uutos na linisin ang kalat dito."
"Hindi naman ibig sabihin ay ako na agad."
"Stop the crap, Lady A." Seryosong ani ko rito.
"Fine, fine, s'ya nga. Happy now? I'm busy, let's talk later." Binaba na agad nito. May gusto pa sana akong sabihin.
Na kay Lady A ang lahat ng sagot. Pero misteryosa ang babaeng iyon. Hindi ito magsasalita, unless kailangan.
Pero kung alam naman nito na kayang-kaya naming hanapan ng sagot ay mas lalo nitong ititikom ang bibig nito.
"Tori?" narinig ko ang hingal na tinig ni Teri. Si Damien ang sinusundan nito ngayon.
"Bakit hinihingal ka?" mabilis akong tumipa para i-track ang location nito habang patuloy pa ring nakikinig sa usapan sa kabilang kwarto.
"Paano ba naman kasi muntik na silang lumagpas sa akin. Galing sila sa isang hotel. May kasamang lalaki, bading ba itong Damien na ito?" tanong ni Teri.
"I don't know. Sundan mo lang, baka sakaling may makuha kang detalye. Pero kung alanganin huminto ka kaagad."
Natapos ang tawag. Sa kabilang silid ay patuloy pa rin ang usapan. Puro plano na ang mga iyon sa parating na eleksyon.
Si Demetrius ay pansamantalang tumayo at pasulyap-sulyap sa paligid ng private room.
Kanina pa dapat nito iyon ginawa. Tsk! Weak.
Hinawi nito ang vase saka tinitigan ang listening device na inilagay ko roon. Dinampot nito iyon. Saka waring alam na nanonood ako kaya naman tinitigan nito ang CCTV camera.
"Why?" tanong ni Alforte Magalones sa tauhan. Ipinakita ni Demetrius ang hawak.
"What is that?"
"Listening device, sir."
"What?" gulat na ani nito. Mabilis kong iniayos ang gamit ko. Saka hinintay na mai-serve ang pagkain na in-order ko.
Ilang minuto ang lumipas ay dumating din naman.
"Oh, thank God dumating na rin. I'm so hungry na eh." Ngumiti lang naman ang server.
Hindi na ako na gulat na pumasok din si Demetrius.
Siguro ay naglilibot na ito upang i-check ang vicinity.
"What are you doing here?" tanong ko rito.
"I'm with my boss. How about you?" salubong ang kilay na tanong nito. Iminuwestra ko naman ang pagkain.
"Lunch?" kunwari'y 'di pa tiyak sa sinasabi.
"May kasama ka?"
"Wala, nakipag-meet ako sa taong dapat noong nakaraan pa nakipag-meet sa akin kaso hindi nahintay. Kain tayo," bahagya itong umiling.
"I'm working right now. Excuse me." Tumalikod na agad ito. Mukhang pagdating sa trabaho ay istrikto ito.
Nagsimula na akong kumain nang marinig ko naman ang tinig ni Teri.
"Magagalit ka ba sa akin kung sabihin kong hindi ako nakinig sa 'yo..." natigilan ako sa pagsubo ng pagkain.
"What do you mean?"
"Delikado, tapos pumasok ako sa bahay ni Damiel."
"Stupid Teri!" naibulalas ko sa sobrang inis na mabilis na nabuhay dahil sa matigas na ulo ni Teribelle.
"Sorry na, need to exit na." Kailangan nito nang tulong para makalabas. Kaya muli kong inilabas ang laptop ko at nagsimulang tumipa roon.
Minsan talaga kailangan munang ikundisyon ang utak nito para kapag sumabak sa gera ay handa ito. Padalos-dalos kasi eh.