Ako ang unang umapak sa bayan ng Catalindang. Sa bayan kung saan nanirahan kami sa isang bahay ampunan at tumakas, hangang sa alagaan na ni Nanay Lenny. Gabi ako nagtungo sa bahay na nakahanda para sa aming magkapatid. Ang bahay na dating pag-aari ni Nanay Lenny.
Nanatili itong malinis at naipaayos ko na rin sa tulong ng tauhang binabayaran ko upang matiyak na maayos ang lugar.
Ang dating bahay na gawa sa yero ang dingding ngayon ay kongkreto na.
Simple lang kung titignan sa labas ngunit pagpasok sa loob ay maganda ang set up. One-way mirror ang floor to ceiling na bintana sa sala. Nakapatay pa ang ilaw. Wala rin namang makakakita kung may tao o wala sa bahay lalo't walang liwanag na tatagos sa labas. Iyon ang kagandahan dito. Pwera na lang kung bubuksan ang pinto.
Tiniyak kong naka-lock na ang pinto bago ko binuksan ang ilaw.
Narito na ang mga gamit namin ni Teri, kahit ang mga computer na gamit ko ay nai-set up na rin sa isang silid sa bahay na ito.
Tiyak na magugulat ito kapag dumating dito. Wala itong idea na ganito na ang ayos ng bahay. Hindi ko alam kung magugustuhan n'ya or hindi.
Ito ang pangarap ni Nanay kaya tinupad ko lang naman.
Nang tuluyang kumalat ang liwanag sa loob ng bahay ay agad akong nagtungo sa kusina.
Pati ang mga cabinet at refrigerator ay intact ang laman.
Nagkasundo kami nitong mabilis lang na tatapusin ang misyon.
Huwag lang talaga itong magiging pasaway.
Kung mapatunayan man naming aksidente, aalis kami nang matiwasay rito sa Catalindang.
Pero oras na malaman naming hindi aksidente ang pagkawala sa amin ni Nanay Lenny ay tiyak na babaha ng dugo ang lugar na ito.
Tumunog ang phone ko na ilang segundo munang tinitigan. Alam ko kapag emergency or hindi ang tawag ni Teri.
Tiyak na dederekta ito sa gamit naming device para contact-in ako. Pero kapag sa personal number ko ay alam ko na agad.
Naputol ang tawag nito ngunit muling tumunog iyon.
Saka lang ako kumilos para sagutin iyon.
"Napakasalbahe mo talagang kapatid."
"What?" walang ganang sagot ko rito. Kumuha ako ng tubig sa ref saka sinalinan ang baso.
"Gusto ko lang malaman kung kakayanin ko bang tumira sa old house natin? Like, wala bang ipis? Wala bang mumu?"
"Wala." Tipid na sagot ko rito.
"How about snake?"
"Wala."
"Mosquito?"
"Wala."
"How come na wala? Saka masyado ng old ang bahay. Kaya ko ba talagang tumira d'yan?" nag-iinarte na naman ang isang ito kaya bago ko ito sagutin ay bumuntonghininga muna ako.
"Bumili ka ng kulambo mo. Magdala ka na rin ng unan mo dahil ang hihigaan mo rito ay karton."
"Wow, ang haba nang sinabi mo. That's so amazing." Inis na tinitigan ko ang phone kung saan naririnig ko ang tinig ni Teri na sobrang tabil talaga.
Saka ko tinapos ang tawag.
Nauna ako rito upang maiayos ko muna ang dapat gawin, bago dumating ang pasaway na iyon.
Pagod man sa byahe ay tinungo ko ang secret room kung saan naroon ang mga computer ko. Gamit ang fingerprint saka lang iyon bumukas. Walang access si Teri rito. Ngunit kung nanaisin n'ya ay ibibigay ko naman.
Pere maglalahong parang bula ang lugar na ito kapag nagkaroon ng force entry rito.
That's how it works.
Pagpasok ko ay agad na bumukas ang ilaw.
Nang bumukas ang lahat ng computer ay nagsimula na agad ako sa plano ko.
Kailangan ko ng mga access sa CCTV nang buong Catalindang.
Naririnig kong tumutunog ang phone ko ngunit binalewala ko iyon agad.
Habang abala sa harap ng computer ay wala pa ring tigil ang phone ko sa pag-ring kaya naman sinagot ko na iyon.
"Don't tell me nagtratrabaho ka na agad?" ani ni Teri.
"I'm not going to tell you."
"Workaholic. Well, pwede mo bang i-send sa akin ang picture kung ano ang itsura nang tutulugan ko? Ayaw mo bang mag-hotel na lang tayo or mag-rent ng house?"
Huminga muna ako nang malalim. Hindi pa rin ito naka-move on.
"Ise-send ko sa 'yo. Pero itanim mo sa isip mo ito, Teribelle. Hindi tayo pwedeng mag-rent or mag-check in sa hotel dahil tiyak na mahahalata agad na dalawa tayo."
Mabilis ang tipa sa keyboard. Naghahanap ng larawan para ipadala sa kapatid.
Nakakita ako nang larawan ng karton na nakalatag sa gilid ng barong-barong na bahay. Medyo madumi pa ang itsura ng karton at medyo basa ang lupang nasa left part ng karton. Ayos na siguro iyon. Tiyak na maniniwala na naman ito.
Ipinadala ko agad iyon dito.
"Nakita mo na?" tanong ko rito. May naglalarong ngisi sa labi.
"What the f**k? Are you sure?"
"Yes, see you." Mabilis ko nang tinapos ang tawag at muling nagpatuloy sa ginagawa.
Tiyak na hindi makakatulog ang isang iyon. Ano kaya ang eksena n'ya bukas?