Pinagtitinginan ng mga kapitbahay ang pagdating ni Teri. Pigil-pigil ko ang sarili na mapahalakhak. Nasabi ni Pluma na nag-shopping si Teri ng mga gamit na dadalhin dito. Hindi na rin ako nagulat na marami itong ibinababang gamit ngayon.
Hindi naman ako pwedeng lumabas upang tulungan s'ya.
Naririnig ko ang pagrereklamo nito. May lalaki pang lumapit dito upang mag-alok nang tulong.
"Hindi na, kaya ko na. Thank you," ani ni Teri sa lalaki.
"Hindi mo na ako naaalala?" pinagmasdan kong mabuti ang lalaking kaharap ni Teri sa monitor na nakabukas.
"Sino ka?" nakagat ko ang labi ko sa sinagot ni Teri rito.
"Hala, hindi mo na nga ako kilala. Ako si Tagpi."
"Aso?" wala sa sariling ani nito. Natawa na ako sa tinuran nito.
"Ang sama pa rin ng ugali mo, Tori."
"Anong Tori? Ikaw pala itong hindi nakakakilala. Ako si Teri, si Tori ay nasa mental hospital. Nabaliw s'ya after noong sunog. Hindi mo ba alam?"
"Ay, grabe naman pala ang nangyari sa kanya. Sayang, mas maganda pa naman s'ya sa 'yo."
"Gusto mo pa bang mabuhay, Tagpi? Lumayas ka sa harap ko. Chaka!" tawang-tawa ako sa nakikitang inis sa mukha nito.
"Ikaw rin, ayaw mo talagang magpatulong?"
"Ayaw ko. Baka dekwatin mo pa. Alis!" nailing na lang ako sa ginawa nito. Nang iwan ito ng lalaki ay nagpatuloy ito sa paghahakot. Nanatili lang akong nakaupo at pinapanood ito sa monitor. Tiyak na pagpasok nito ay magrereklamo na ito.
"Kainis, ito na ba ang bahay namin? Ang layo naman sa sinend ni Victoria." Bubulong-bulong na ani nito.
Mahigit 20 minutes bago ito natapos sa pagpasok ng gamit sa sala. Nang matapos ay tinawag na ako nito.
Saka lang ako tumayo at tinungo ang sala.
"Sis."
"Kainis ka, bumili pa ako ng mga kung ano-anong gamit. Akala ko talaga barong-barong pa rin ang titirhan natin."
"Iayos mo na sa silid mo 'yan. Maghahanda ako ng merienda."
"Kay." Muli na naman nitong hinila iyon sa silid na itinuro ko rito. Nagtungo ako sa sala at naghalungkat ng pwedeng merienda. Hindi naman nagtagal at lumabas din si Teri at nagpunta ng kusina.
"Nakita mo ba si Tagpi. Akala ko lalaking aso, tao pa rin naman pala. Pogi, 'no?" nakangising ani nito.
"Pogi?" inaalala ko ang mukha ng lalaki.
"Common." Tipid na sagot ko rito.
"Tsk, tatanda ka talagang single. Tapos pag-aalagain na lang kita ng mga anak ko."
"Okay." Sagot ko rito.
"Siguruhin mo lang, magmu-multiply ako mga Lima, tapos kaugali ko lahat."
"It's fine." Seryosong ani ko rito.
"Pangit ka-bonding, okay at fine lang paboritong salita." Nilayasan na ako nito. Hindi ko napigil ang ngiti sa labi ko.
Masaya ako na naiisip nito ang ganoon. At least, gusto rin nito ng anak.
Nagawi ang tingin ko sa garden sa harap ng bahay. Wala pang nagdilig doon.
Walang hilig si Teri sa paghahalaman. Kaya naman pagkatapos kong maghanda ng merienda nito ay lumabas ako at nagsimulang magdilig.
"Teri." Tawag ni Tagpi sa akin. Mabuti na lang napigilan kong lingunin ang bahay. Baka magtaka ito kapag ginawa ko iyon.
"Tagpi." Seryosong ani ko rito na ikinasalubong nito ng kilay.
"Bakit gano'n? Kanina ang pangit mo sa paningin ko, ngayon parang gumanda ka."
"Gano'n? 'Wag kang mag-alala, pangit ka pa rin sa paningin ko hangang ngayon." Narinig ko ang bungisngis ni Teri sa device na nakakabit sa hikaw ko.
Nakikinig na pala ito. Tiyak na nakatanghod ito sa one-way mirror.
"Ay, bad. Sabi ni Nanay masaya raw s'yang bumalik na kayo." Natigilan ako sa pagdidilig at tinignan ito. Para pa itong natakot at napaatras nang makita ang paraan nang pagtitig ko rito.
"Buhay pa ang nanay mo?"
"Napakasama talaga ng ugali mo. Syempre naman. Masamang damo si Nanay. S'ya pa rin nga ang distributor ng illegal drugs dito.
"Ang gago, proud na proud." Dinig kong ani ni Teri at tawang-tawa pa ito.
Well, natatandaan ko naman si Tagpi at ang nanay nito. Oo nga pala, noon pang mga bata kami nila Tagpi ay hindi na iyon lingid sa amin.
"Okay." Tipid na tugon ko rito.
"Nga pala, kahit matagal kayong wala rito malinis pa rin ang puntod ni Nanay Lenny. Nililinis ko palagi iyon. Syempre, ex 'yon ni Tatay. Mas mahal pa nga n'ya kaysa kay Nanay."
"Lalaki ka, pero tsismoso ka." Napakamot ito sa ulo.
"Alis na nga ako. Maganda sana, sama rin naman ng ugali. Dapat s'ya ang ipinasok sa mental, eh. Hindi si Tori."
Hindi ko naman sinasadya. Pero ang hawak na host ay naitutok ko rito. Sa sobrang hindi sinasadya ay mas itinaas ko pa nga iyon para lalong umabod dito na sa sobrang gulat ay napatalon at kumaripas na ng takbo. Muntik pa nga itong nasagi ng paraang sasakyan.
Bago ko ibaba ang host ay nagtama pa ang tingin namin ng driver ng sasakyan.