3

831 Words
Chapter Three "Ayos ka na ba, Teri?" tanong ni Lady A sa kapatid ko. "Oks na oks po." "That's good. Let's start now." Umupo ako sa couch habang si Teri ay nanatiling nakasandal sa mesa ni Lady A. Tumayo naman si Lady A at binuksan ang laptop nito. Tahimik lang ako. Alam ko na ang lahat ng detalyeng nakuha namin. Pero hindi pa kami tiyak kung aksidente ang nangyari. May mga pangalan lumutang sa imbestigasyon ko. Ganoon din kay Lady A. Ang kailangan namin ay kumuha ng mga konkretong ebidensya na magtuturo ng sagot sa aming magkapatid sa kung ano ba ang nangyari sa palengkeng iyon. "Kailangan ninyong makalapit kay Alforte Magalones. S'ya ang mayor no'ng panahong iyon. Kontrolado rin n'ya ang media." "Nasaan na ang mga pulis na humawak sa nangyaring sunog noon?" tanong ni Teri. This time, seryoso ito. Marami ang namatay sa sunod na iyon. Araw nang palengke nang bigla na lang magsimula ang sunog. Marami ang hindi nakalabas dahil nagkaroon pa ng stampede. Kasama si Nanay Lenny na una kaming inilabas, saka binalikan ang kita namin ng araw na iyon na naiwan sa pwesto. Ang pangyayaring halos ikabaliw namin ni Teribelle. Habang nakikinig sa na buong plano ng leader ng organization ay pasimpleng pinagmamasdan ko ang kapatid. Nakikita ko ngayon ang determination nitong makinig sa plano. Kailangan naming magpanggap na iisang tao. Kailangan naming mapasok ang mundo ni Alforte Magalones. Pati na ang mundo ng katunggali ni Alforte Magalones na si Damien Bataler "Kanina ka pa tahimik." Puna ni Teri sa akin. Narating namin ang dining hall kung saan ay ilan lang ang tao ngayon. "Kailan ba ako nag-ingay?" walang kagana-ganang tanong ko rito. "Tsk, pangit mo talaga kausap. Kapag nawala ako mami-miss mo rin akong kausap. Sinasabi ko na sa 'yo." "Asa?" inirapan ko ito at naupo na. Ito kasi ang nagprisitang kukuha ng pagkain namin. Nang bumalik ito ay bahagya akong nailing nang makita ang malaking diperensya ng pagkain naming dalawa. Punong-puno ang plato nito, samantalang ako ay taktong dami lang ang laman. "Gutom na gutom ako. Huwag mo na akong kontrahin. Saka naidudumi ko rin naman lahat ng sobrang kinakain ko." Depensa nito. Samantalang hindi pa naman ako magsasalita regarding sa pagkain. "Eat, Teri!" ani ko na lang dito. "Kailangan nating magpanggap na iisa. Sino ang gagaya at manggagaya?" kanina ko pa iniisip 'yan. "Alam mo namang hindi ako artistang tulad mo." "I know, kaya naisip ko na ikaw na lang ang gagayahin ko. Kaya ko naman siguro 'yon, 'no? Victoria, lumuhod ka sa asin." Napasimangot ako rito sa paraan nang panggagaya nito. Pakiramdam ko ay maiinis lang ako sa acting nito, eh. "Aalis tayo mamaya." "Saan tayo pupunta?" tanong nito sa pagitan nang pagnguya. "Kailangan naming bumili ng mga damit na gagamitin natin. Ang hassle na kailangan ko pang maghubad ng damit kapag magpapanggap kang ako. "Tama ka naman d'yan. Sige, basta sagot mo ha." "Okay." Tipid lang na ani ko rito. Pagkatapos naming kumain ay umalis din kami kaagad. Sa lahat ng lakad ko ay dala ko palagi ang laptop ko. Mas kakambal ko pa itong laptop na ito kaysa kay Teri. Well, hindi naman ako ang nagsabi no'n. Kung 'di si Teri na noon ay nagseselos pa sa laptop kong ito. "Bagay ba?" bahagya akong nag-angat ng tingin dito. Pero patuloy pa rin sa pagtipa ang mga daliri ko. May pinapahanap si Tatti sa akin at alam kong kailangan nito iyon agad. Pero kailangan ko pa ring bigyan ng atensyon ang kulang sa pansin kong kapatid. Kanina pa ito, pero puro no ang sagot ko dahil hindi naman maayos ang mga damit na pinipili nito. "Hindi tayo pupunta sa city kung 'yang ang naiisip mo. Probinsya ang pupuntahan natin. Hindi angkop ang mga damit na 'yan para sa pang-araw araw natin." Muli akong nagbaba nang tingin. Kahit hindi ko tignan ito ay umiikot na sa inis ang mata nito. No, never! Hindi n'ya ako mapasusuot ng mga ganoong klase ng damit. Hindi ko alam kung nasaan ang isip ng kapatid ko. "Tapos na?" tanong ko rito nang umupo ito sa tabi ko. "Ayaw ko na. Ikaw na lang ang mag-decide, dahil sawa na ako sa no, change, yuck, at stupid na line mo." "Seriously?" bored na tanong ko rito. "Oo." Mukhang plano pa nitong magmatigas. Kaya naman tumango na lang ako rito at Inihinto ang ginagawa. Inilagay sa bag ang laptop at isinukbit na ang bag. "Let's go, ako na ang pipili." Tamad na tamad pang tumayo ito at sumunod sa akin. Sa bawat tingin ko, may sagot agad ako sa mga damit na nadaraanan namin. Tagasalo si Teri at ang staff sa bawat damit na hihilain ko or kukunin ko sa lagayan. "Ate, 2 pcs. po ng lahat ng 'yan. Kambal po kasi kami kaya kailangan pareho kami." Paliwanag ni Teri. Hindi naman na nito iyon kailangan sabihin, obvious naman na dahil magkamukhang-magkamukha kami. Madalas nga ay nagagamit pa namin ang pagiging kambal namin sa misyon. Madalas talaga naming magamit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD