Pumasok ito patungo sa isang silid na katabi ng silid ko. Ito ang ginagamit n'yan silid ngayon. Huminto lang ako sa pagsunod nang lumapit ito sa cabinet.
'Di napigil ang mapasinghap nang makita na itinulak nito iyon, umatras ang cabinet sapat para makita ko sa gilid ang lagusan na sa tingin ko ay dinaanan nito.
Sumunod agad ako nang pumasok na ito roon.
"Hoy!"
"Pag-aari na rin natin ang kabilang lote. Kaya naman ginawa kong extension. Hindi ito mapapansin dahil sanay na ang mga katabing bahay na pader sa pader ang pagitan ng mga bahay rito. Pinataasan ko rin ang bakod dito sa kabila.
Pagpasok namin ay bumungad sa akin ang bakanteng silid. Nakabuntot lang ako rito hangang sa lumabas ito sa silid na iyon, muling itinulak ang isang pinto at tumambad naman sa akin ang exit door, patungo sa parking lot.
"Dito na ako daraan sa tuwing may lakad ako sa siyudad. Palagi ka lang makipag-ugnayan sa akin kapag lumalabas ka upang hindi tayo kapwa nasa labas."
"Okay."
Isinara na nito ang pinto.
Saka kami bumalik sa bahay namin.
"Anong ginawa mo sa siyudad?" tanong ko rito.
"Doon tayo sa kusina." Yaya nito sa akin.
Mukhang pinagninilaynilayan pa nito ang dapat sabihin dahil seryoso itong nagtungo roon.
"Tori!" pukaw ko sa atensyon nito.
"May nakita akong larawan na kamukha nating dalawa."
"Larawan?" takang ani ko rito.
"Larawan ng ina ni Alforte Magalones sa kanyang pitaka."
"And?" biglang nakadama nang pagkainip.
"Hindi lang basta imbestigasyon sa sunog na kumitil sa buhay ng Nanay natin ang talagang puntirya ni Lady A na gawin natin dito."
"Ano pa?"
"Upang malaman natin kung ano ba talaga ang totoo regarding sa pagkatapos natin." Napasinghap ako sa tinuran nito. Bata pa lang ako tumigil na ako sa pag-asam na makilala ang tunay na pamilya. Namulat kami ni Tori sa isang bahay ampunan. Doon na kami nakilala ng Nanay Lenny namin at kinupkop.
Hindi mayaman ang nanay namin. Pero dahil sa sitwasyon sa bahay ampunan na iyon ay nakuha nito ang kustodiya para sa amin. Nagkaroon din kasi ng anumalya sa ampunan kaya naman naging madali ang proseso noon.
"Ibig mong sabihin may possibility na may pamilya pa tayo?" tanong ko rito.
"Hindi pa ako tiyak d'yan."
Pinukaw ang seryosong usapan namin ng tunog ng telephone. Agad na sinagot ko iyon.
"Lady A?" lumapit si Tori para makinig sa usapan.
"Kailangan ko nang magliligpit sa isang grupo d'yan sa Catalindang. May client na lumapit at gustong ipalinis ang mga drug den sa lugar na 'yan."
Walang sere-seremonyong ani nito. Nagkatinginan kami ni Tori.
"Lady A, wala bang available na girls?" tanong ni Tori na bahagya pang lumapit.
"Lahat sila nasa field."
"I'll do it." Prisinta ko na. Mas gamay ni Tori ang misyon namin nito. Alam kong kayang-kaya nito iyong gawin.
"Teri…"
"It's fine. Tiyak na saglit lang 'yon." Confident na ani ko rito.
"Okay. I'll send the details. Bye!"
Naputol ang tawag. Sinulyapan ko si Tori na ngayon ay seryoso na.
"Kung nag-aalala ka dahil hindi mo ako mamo-monitor, hihingi na lang ako kay Lady A nang mag-a-assist sa akin."
"Kailan ba kita ipinagkatiwala sa iba?" seryosong ani nito. Oo nga pala, pagdating sa field mission ko ay ito talaga ang nagmo-monitor sa akin."
"Oo nga, tama ka naman d'yan." Nagkibitbalikat na ani ko rito.
"Kikilos ka lang din kapag pareho tayong available."
"Opo, I understand." Ayaw kong salungatin pa ito dahil baka uminit ang ulo at ipasa sa iba ang misyon.
"Tao po." Nagkatinginan kami nito. Alam agad na si Tagpi iyon kahit hindi namin tignang dalawa.
"Ako na ang lalabas para hindi s'ya magtagal." Prisinta ni Tori, tama nga naman kaysa magtagal pa kapag ako. Lalo't matigas ang mukha ng lalaking iyon kapag ako ang kaharap, eh.
Nakasunod ako rito hangang sa one-way mirror. Pinanood ito nang harapin ang lalaki na ngayon ay parang biglang na intimidated nang makaharap si Tori. Tinap ko ang hikaw na suot ko upang komonekta kay Tori.
"Anong kailangan mo?" seryosong tanong ni Tori sa lalaki.
"Oh, bakit parang ibang tao ka na naman? Grabe talaga!" parang baliw na napapadyak pa ito. Ang gwapo-gwapo pero umaarte ng gano'n.
"Anong kailangan mo? Nakakaabala ka." Napaka-harsh talaga ng kakambal kong ito.
"Ouch naman, Teri." Reklamo nito."Gusto lang kitang yayain sa bahay. Pagaanin mo ang loob ni Nanay. Baka matuluyan na 'yon."
"Anong problema?"
"Parang nababaliw na sa sobrang problema. Hindi rin namin alam kung saan kami makakahanap ng pangremedyo roon sa itinapon mo." Binuksan ni Tori ang pinto. Umatras naman ako upang tunguhin ang laptop na nasa ibabaw.
Marunong din naman ako, hindi lang kasing talino ni Tori. Lahat ng girls ay na train sa ganito.
Pero sadyang expertise lang ni Tori ang nakakabaliw na mundo ng computer. Isa rin s'ya sa naging mentor sa organization kaya naman may mahuhusay na ring girls na tulad nito.
Nang makita ko ang CCTV sa kalsada at sina Tori at Tagpi ay tahimik lang akong nanood.
"Nasisiraan na s'ya ng bait. Hindi ko na alam ang gagawin ko."
"Magtrabaho ka."
"Sa tingin mo ganoon lang 'yon? Masyadong mataas ang TF ko kapag nag-model ako."
"Hindi papasang model ng dog food 'yang mukha mo. Oo, mukha kang aso pero kahit sa aso hindi pa rin pasok sa standard."
"Hoy, bibig mo nga. Grabe ka talaga sa akin." Pumasok na ito sa loob. Naririnig ko na lang ang mga ito dahil hindi naman suot ni Tori ang salamin n'ya.
Mukha ngang nasisiraan na ng bait ang Nanay ni Tagpi.
"I'll help you. Pero tiyakin n'yong hindi na kayo aangkat ng pinagbabawal na gamot."
"Talaga? Tutulungan mo kami? Marami kang pera? Pwede mo ba akong pautangin ng puhunan. Kukuha na lang ako sa ibang supplier."
"'Wag na pala. Hayaan ko na lang kayong patayin ng mga pinagkakautangan n'yo." Kahit hindi ko makita ang mukha ni Tori ay tiyak kong nakasimangot ito.
"Teri, nagbibiro lang ako. Magbabagong buhay na kami. Pangako 'yan." Pakiusap ng ginang.
"Siguruhin n'yo lang. Dahil hindi ako mabait, baka mas malala pa ako kung maningil." Tugon ng kakambal ko. Saka nakita ko ito mula sa cctv na lumabas ng bahay nila Tagpi. As usual, seryoso ang expression ng mukha.
Tsk, hayaan na nga. Bahala silang maguluhan sa aming dalawa.