20

936 Words
Hindi na ako naghintay pa na kumilos. Sa pinto na mismo ako lumabas. After all, nasa baba na ang mga guards. Lakad-takbo ang ginawa ko. Walang ibang tao sa pasilyo, mukhang nagtungo agad ang mga ito sa labas para romonda. Mga bobo! May intruder bang mas pipiliin mag-stay sa labas? Sa railings ng hagdan nagpadulas pababa. Walang bantay sa sala, kaya deretso lang ang takbo ko. Nang marating ko ang garage ay mabilis na sumakay ako sa kotse ni Tori. Saka nagkubli. "Safe." Mahinang ani ko para ipaalam sa kapatid na nakabalik na ako sa sasakyan. "I need to go na, kaya ko ang sarili ko. Isipin n'yo na lang ang asawa n'yo." Dinig kong ani ni Tori sa lalaki. Tumutol pa ang matanda, pero dahil si Tori ang kaharap nito na singtigas ng bato ay hindi ito nakinig. "Teri, aalis ka na?" habol ni Demetrius. "Aalis na ako. Hindi mo na lang sana ako isinama rito. Excuse me." "Sandali, hindi kita maihahatid." "I don't care." Sigang ani ng kapatid ko. Malabo talagang magka-love life ang isang ito. Pero wait, pareho nga lang pala kaming single. Nang makasakay si Tori sa driver seat ay agad din nitong isinara ang pinto. "Hintayin mo na lang ako." Katok ni Demetrius pero dahil tinamaan din ng lintik si Tori ay binuhay na nito ang makina. Nanatili akong nakahiga sa sahig sa backseat habang palabas ng garahe ang sasakyan. "Pwede na ba?" tanong ko rito. "Not yet." Sagot nito sa akin. Pakiramdam ko nga ay malayo na ang natakbo. Pero not yet pa rin ang sagot nito sa tuwing nagtatanong ako. Huminto ang sasakyan. "Pwede na?" tanong ko ulit. "Baba na." Mabilis akong bumangon at hindi makapaniwalang tinignan ito. "How dare you?" nakasimangot na ani ko rito pero tumawa lang naman ito. Sa akin lang ito tumatawa ng ganito. Nagdadabog na bumaba ako pero humabol din dito at yumakap sa bewang nito. "Mukhang hindi tayo matutulog ngayon," sabi nito habang papasok kami. Tiyak na trabaho ang aatupagin namin sa magdamag. Nagpalit lang ng damit na magkaparehong-magkapareho. Saka hinarap na ang trabaho. "Tignan mo muna itong larawang ito." Ipinakita ko rito ang larawang kinuhanan ko kanina. Ang lampin na may burdang jewal, ang larawan ng kambal na sa tingin ko ay walang kinalaman sa sunog pero kinuhan ko pa rin. "Tori?" "Tayo 'yan, Teri." Takang tinignan ko ito. Biglang nalito sa sinabi nito. "What are you talking about?" "Alam kong may hinala ka na." "How about the double jewel?" "Sa tingin ko ang double jewel na nasa listahan ay isang misyon. Posibleng tayo ang misyon na iyon, kinuha tayo at inilayo sa magulang natin." "W-ait…" "Hinihintay ko lang ang results ng DNA na pinagawa ko kay Lady A." "Negative ang lumabas na results ninyo ni Mr. Alforte, 'di ba?" "Nagsuot ako ng wig noon." "Ay, de puta ka." Hindi ko napigil na sabihin iyon sa kapatid ko. Na-adapt ko lang naman 'yong kila Islah at Tatti eh. Masama ang tingin nito sa akin kaya parang maamong tupa na nag-peace sign ako. "Confidential?" ani nito nang magawi ang tingin nito sa folder na nakuha ko sa ilalim ng cabinet kanina. Ito na ang nag-check no'n. Sa unang buklat ay may nakita agad kaming compact disc. Iginilid muna nito iyon pansamantala at sinimulang i-check ang content. Nakisilip na rin ako. "Ito nga ang kailangan natin para masagot ang katanungan natin regarding sa sunog." Seryosong ani ni Tori na ipinakita ang isang line na naka-bold."Pag-aralan mo, ibigay mo sa akin ang buod ng information na makukuha mo." Biglang tayo at dinampot ang CD. "Ako lang?" may pagtutol sa tinig na ani ko. "Kaya mo na 'yan." INIWAN KO SI TERI NA bubulong-bulong. Dumeretso ako sa secret room. Sana lang ay gumagana pa ang compact disc na ito. Hindi naman siguro ilalagay iyon doon kung wala itong gamit na makatutulong sa amin. Isinalang ko agad iyon. Mabuti na lang at gumana. "Sino ang nagpasunog ng palengke." Naririnig ko ang tinig ni Alforte Magalones. Napapanood ko ngayon ang isang clip ng matandang luhaan na nakaluhod at mag-isa. Hindi kuha sa background ang tinig nang nagtatanong. "Papatayin n'ya ako oras na nagsalita ako." "Sino?" Ngunit hindi sumagot ang lalaki. Nakarinig ako nang pagkasa ng baril. Kita rin ang bumalot na takot sa expression ng mukha nito. "'W-ag, 'wag ang anak ko." Nagmamakaawang ani ng lalaki. Nakarinig ako nang pag-iyak sa background. Iyak nang batang lalaki. Pinakikinggan ko ang iyak na iyon, parang narinig ko na. Pero impossible naman na may matandaan pa ako na gano'n. "Sino ang nagpasunog ng palengke?" "Si Boss Damien Bataler po, s'ya po ang nagpasunog ng palengke. Pero kapag nalaman po n'yang alam n'yo na Papatayin daw po n'ya ang lahat ng mamamayang makasalubong n'ya. May itinanim din s'yang mga bomba sa ilang parte ng Catalindang." Sunod-sunod ang naging mura ni Alforte sa narinig. "Sisirain n'ya ang Catalindang at tinitiyak n'yang pati ang kambal n'yong anak ay madadamay." Naririnig ko ang pagtangis ni Alforte Magalones na waring wala nang maisip na gawin sa sobrang frustration. "Alam mo naman pala na si Damien ang nakakaalam kung nasaan ang anak mo, pero bakit hangang ngayon wala pa rin sila sa 'yo?" bulalas ko habang mag-isang nanonood. "Palabasin n'yong aksidente ang sunog. Para makatiyak kayo na mabubuhay pa rin ang mga taong pinahahalagahan n'yo." Nang matapos sa eksenang iyon ay larawan ng sunog na palengke ang sumunod. Si Damien ang mastermind pero hindi sapat ang video para tanggapin sa korte. Tiyak na madali lang iyong mababaliktad dahil pinaamin ni Alforte gamit ang pananakot ang lalaki. Kung hindi kaya ng batas. Kami na ni Teri ang bahala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD