Walang kahirap-hirap na nakasampa ako sa balcony ng silid, ay library pala ito. Nagpagpag muna ako ng kamay bago pumasok. Si Tori na ang bahala sa CCTV dahil trinabaho na nito iyon kanina.
Maingat akong pumasok sa loob. Hindi man pansin ni Tori, pero napag-aralan ko na talaga ang blueprint ng bahay na ito. May target ako ngayon, isang silid na rito sa library ang entrance. Kailangan ko lang mahanap ang lagusan papasok doon.
Inilapat ko sa pader ang palad ko. Nakiramdam, wala akong powers ha. Pinakikiramdaman ko lang kung malamig or hindi. Pero na-realize ko ring possible na maging malamig lalo't naka-aircon ang silid.
"Bal, pupunta ng library si Alforte." Dinig kong ani ni Tori kaya naman mabilis akong naghanap ng pwedeng pagtaguan.
Nang bumukas ang pinto ay hindi man lang nag-abala ang matanda na buksan ang ilaw. Tiyak ito sa pakay nito.
Isang rule sa organization namin, sa tuwing nasa misyon ay hindi kami pwedeng gumamit ng pabango. Kaya kahit amoy ay hindi pansin ng target.
Itinulak nito ang isang libro na bahagyang nakalabas. Saka kusang bumukas ang pinto. Mabuti na lang napigil ko ang mapasinghap.
Hindi ako pumasok. Nanatili akong nagkukubli sa pinagtaguan ko.
Nang matapos ito ay agad nang lumabas at hinila ang librong kanina lang ay itinulak nito.
Naiwan akong mag-isa sa silid. Tiyak na bumalik na ito sa kinaroroonan ni Tori. Kaya naman mabilis na tumayo ako at lumapit sa libro. Ginawa ko kung paano itinulak ni Alforte ang nakausling libro. Hindi naman ako nabigo dahil bumukas iyon. Pagpasok ko ay agad na bumukas ang ilaw. Kung may CCTV man dito ay tiyak na si Tori na ang bahala roon, hindi rin makikita ang aking mukha dahil nakakubli iyon sa itim na maskara.
Mabilis ang kilos ko na naghanap ng pwedeng magamit sa misyon namin ng kakambal ko.
Pero kusang huminto ako nang mapagmasdan ko ang nakahilerang mga larawan.
Larawan ng asawa ni Alforte habang karga ang dalawang sanggol. Ang isang larawan ay lampin na may nakaburdang jewel.
Jewel? Jewel? Iniisip ko kung bakit pakiramdam ko ay napakahalaga ng salitang iyon. Iyon ba ang pangalan ng mga sanggol na karga?
"Kilos, Teribelle!" paalala ni Tori.
Sa mga cabinet ako nagkalkal pa. Pero madalas ay napapatitig ako sa mga larawan.
Napansin ko ang isang folder na nasa pinakailalim. Mukhang na hulog or sadyang inihulog doon.
Mabilis kong kinuha at inilagay sa bag.
Lahat ng sa tingin ko ay interesting inilagay ko sa bag.
Saka ko rin kinuhanan ng larawan ang mga picture na naka-frame.
"Tapos na ako rito," ani ko kay Tori.
Walang tugon mula kay Tori. Pero alam ko namang narinig nito iyon.
Mabilis akong lumabas at itinulak pabalik ang libro. Nang sumara iyon ay mabilis akong lumabas sa terrace. Pero kusang napahinto nang makita si Demetrius sa ibaba no'n. Waring nagmamatyag.
"I'm sure! I'm sure na bakas ito ng tao. Umikot kayo ngayon dito." Mariing ani ni Demetrius.
"Sir Alf! Sir Alf!" tarantang pumasok sa silid ang isang guard."Intruder." Nakita ko ang takot sa matanda, sabay tingin nito sa asawang natutulog at sa akin.
"Hija, dito lang kayo. Huwag kang lalabas, okay?"
"Stay here. Aalis na po ako para hindi na dagdag alalahanin."
"Please, stay here muna." Pakiusap nito.
"Then stay, Mr. Alforte." Seryosong ani ko rito.
"Mabuti nga muna po na rito lang kayo. Mas ligtas kayo rito."
Naiwan kaming tatlo. Ini-lock ang pinto. Kampante naman ako kay Teri, alam n'ya ang gagawin n'ya dahil bago kami nagsimula sa lahat ng ito ay may plan A to C na kami nito.
Nang mag-ring ang phone ni Alforte ay agad nitong sinagot iyon. Kahit lumayo ito ay nabasa ko pa rin ang pagbuka ng bibig nito.
Lady A.
Habang nakikipag-usap ito ay kita ko ang pagbagsak ng balikat nito.
Sabay sulyap sa akin na waring maluha-luha. Pagkatapos nilang mag-usap ay lumapit ito sa akin.
"Umasa talaga ako na kayo ng kakambal mo ang nawawala kong anak." Simula nito."L-umabas na ang result, it's negative."
"I told you, hindi na kayo dapat pang umasa na maging positive iyon. Dahil malabo talagang maging anak n'yo kami."
"Tama ka." Malungkot na ani nito."Mahal na mahal ko ang mga anak ko. Ngunit na damay sila dahil masyado kong pinanindigan ang prinsipyo at paniniwala ko."
"Sino ang kalaban n'yo na posibleng gumawa no'n?"
"Hindi mo na dapat pang malaman, ayaw kong may iba pang madamay sa kademonyohan ng taong iyon." Bumuntonghininga ako saka tumango.
"Tama ka, ayaw ko rin namang madamay."