"Anong kailangan mo?" ilang araw kong hindi nakita ang lalaki. Sobrang abala rin kami ni Teri sa pag-aaral ng diskarte sa misyon.
"Walang Victoria na pasyente sa kahit na anong mental hospital." Salubong ang kilay na ani nito."Bakit ka nagsinungaling?"
Bahagya akong tumawa saka sumandal sa gate na nakabukas.
"Gusto mong makita ang kapatid kong na baliw?" nakangising tanong ko rito.
"Pinaglalaruan n'yo kami."
"Bukas ng umaga ay pupunta ako sa kanya. Gusto mong sumama? Para naman mapanatag ka na. Pero siguro naman pagkatapos nito ay titig ka na. Marami pa akong ginagawa pero willing akong pagbigyan ka."
"Fine. Sa ikatatahimik ko na rin." Sagot ni Demetrius saka tumalikod at iniwan na ako.
Baliw si Tori? Dahil si Teri naman ang nakaisip no'n, ipagagawa ko sa kanya ang bagay na 'yon.
"ARE YOU SERIOUS?" nanlalaki ang butas ng ilong na tanong ni Teri nang sabihin ko ang napag-usapan namin ni Demetrius.
"Yes."
"Victoria…" napapadyak na ito na malakas kong ikinatawa.
"That's not funny, bal."
"It is, 'di ba at idea mo ito?"
"Joke ko lang naman 'yon."
---
Joke? Hindi ako tumatanggap ng joke. Kasalukuyan kong pinagmamasdan si Teri na nakaupo sa gilid ng kama. Bahagyang nilalaro ang dulo ng buhok habang umaawit."
"Bumubuti naman na ang sitwasyon n'ya. Kung dati ay nagwawala at nananakit s'ya, ngayon ay nakakausap na s'ya." Sinulyapan ko si Demetrius na hindi magawang salubungin ang tingin ko.
"Okay ka na? Gusto mo ba s'yang makausap? 'Yon nga lang kapag nakita n'ya ako'y tiyak na hindi n'ya na naman ako pakakawalan."
"Hindi na. Tara na," seryosong ani ng lalaki saka ginagap ang kamay ko. Mabilis kong ipiniksi iyon upang mabitiwan n'ya.
"Let's go." Bumuntonghininga ito at sumunod na sa akin. Nandito kami ngayon sa siyudad. Nauna lang ng kaunti si Teri na dumating kaya nakapag-ayos pa ito. Tiyak na minumura na ako nito.
"Uuwi na ba tayo?" tanong ni Demetrius sa akin.
"Ha? Sabay lang tayong lalabas, tapos bahala ka na sa buhay mo."
"You're so mean. Sama ako sa 'yo." Masama ang naging tingin ko rito.
Tinalikuran ko na ito pero sumunod pa rin ito. Inagaw pa ang susi ng sasakyan ko.
"Ako na ang magda-drive. Saan tayo?" tanong nito sa akin.
"Ewan." Tipid na tugon ko.
"Sa condo ko muna tayo."
"Mayroon ka no'n?" angat ang kilay na tanong ko.
"Yeah." Tipid na sagot nito. Nagsuot muna ako ng seatbelt ganoon din ito. Nang buhayin na nito ang makita ng sasakyan ay wala kaming kibuang dalawa.
Sa isang sikat na condominium kami nakarating. Ang tingin ko kay Demetrius ay may pagdududa na.
"Oo, bodyguard ako ni Mayor Alforte pero may mga investment din naman ako. Sa akin din iniwan ng Lolo ko ang malaking percent ng ari-arian n'ya. Afford ko ito."
"Bakit nagtratrabaho ka pa sa dating mayor?"
"Nangako kasi ako sa ama ko na tutulungan ko si Mayor na mahanap ulit ang mga anak n'ya."
"Naisip n'yo ba na baka patay na sila?"
"Sa amang tulad ni Alforte Magalones...never na papasok sa isip n'ya 'yan. Gustong-gusto na n'yang makita ang mga anak n'ya, naisip din n'ya na baka gumaling ang asawa n'ya kapag kasama na nila ang kambal."
Nang makababa kami ng sasakyan ay nag-elevator naman kami mula parking lot patungo sa ikapitong palapag.
Nakabuntot lang ako rito.
Bakit hindi ko nakita ang ganitong property ng lalaki sa ginawa kong pagsasaliksik?
Ano pa ang mga bagay na tungkol dito ang napalagpas ko habang nagpro-profiling sa mga taong connected kay Alforte Magalones?
Naging pabaya ako sa parteng iyon.
Nag-text si Teri na uuwi muna ito sa unit namin sa head quarters.
Habang ako ay kasama pa ang lalaking ito na dapat ngayon ay iniiwasan ko na lalo't nakaramdam ako nang panganib. May mga hindi pa ako alam dito, mas delikado ang mga ganoong tao lalo't hindi ko alam kung ano ang pwedeng gamiting bala laban sa akin ng lalaking ito.
Pagpasok namin sa unit nito ay agad itong dumeretso sa kitchen. Pero pagpasok pa lang ay nakaramdam na ako na may mali.
Tulad ko ay napansin ko rin na naalerto ang lalaki. Mabilis itong lumapit sa akin, hindi s'ya ang reason kung bakit naalerto ako. May ibang tao sa unit na ito. Hinawakan nito ang pulso ko at hinila. Waring ikinukubli sa kanyang likuran. Hindi na ako nagulat nang ilabas nito ang baril n'ya mula sa likurang n'ya.
"May tao..." bulong ko. Nakatitig sa pinto ng kusina. Nakasiksik ito sa likuran ng pinto habang ang baril ay nakatutok sa amin ni Demetrius. Nang makita ni Demetrius ang tinutukoy ko ay itinutok din nito ang baril sa lalaking nagkukubli. Lumabas na ito sa pinagkukublihan nito.
"Tang*na mo, Cristo." Malutong na mura ni Demetrius nang lumabas ang lalaki at namukaan ang intruder.
Tang*na, kapatid ni Tatiana.