7

948 Words
"Doon nga raw s'ya nakatira." Bungad ni Teri pagpasok n'ya ng kusina. "Okay." "Tignan mo itong taong ito. Pinapunta mo pa ako roon tapos okay lang ang sagot mo?" "Papunta na ang mga pulis." "Saan?" "Sa bahay nila Tagpi." "Itinimbre mo?" nanlalaki ang matang tanong nito. "Nag-message si Lady A na linisin muna ang Catalindang. Inuna ko na." Mabilis na tumalikod si Teri. Patakbo sa pinto, lumabas ito. Mukhang babalik sa bahay ni Tagpi. Ilang minuto pa ay narinig ko na ang pagdating ng mga pulis. Nanatili ako sa kusina kung saan nakapatong ang isang laptop ko at napapanood ang mga ito. ABNORMAL DIN TALAGA si Tori. Bigla-bigla na lang itong nagde-desisyon. Pagdating ko sa bahay nila Tagpi ay nagulat pa ang dalawa nang makita ako. Kasalukuyan na silang abala sa ginagawa nila. "May mga pulis na parating. Kayo ang target." Mabilis kong kinuha ang mga iyon at hinanap ang banyo ng mga ito. Hindi sa pulis napamura si Nanay Jo, kung 'di sa ginawa ko. Mabilis kong itinapon sa bowl ang kontrabando ng mga ito. "Teribelle!" gilalas na ani ng ginang. "Maghugas kayong kamay. Dalian n'yo. Ayusin n'yo ang kalat n'yo." Nasa tinig ko ang pagmamadali. Si Tagpi ay hindi na nagtanong. Ginawa na lang n'ya ang iniutos ko. Nang pumasok ang mga pulis sa bakuran ng mga ito ay si Nanay Jo na ang lumabas para harapin ang mga ito. "Ano na naman bang atin? Weekly na lang kayo palagi rito." Masungit na ani ng ginang. "May nagtimbre sa amin na nagpapatuloy raw kayo sa gawain n'yo." "Sino na naman? Kahit tignan n'yo ang bahay ko wala kayong makikita." Pasimpleng sumalisi na ako. Nakabuntot si Tagpi sa akin. Sabi nito ay yakang-yaka na ng Nanay n'ya 'yon. "Paano mong nalaman na papunta ang pulis dito?" "Nakita ko lang." "Alam mo ba kung magkano 'yong itinapon mo sa bowl?" "Babayaran ko na lang. Saka pwede ba, itigil n'yo na ang ginagawa n'yo." "D'yan kumikita si Nanay. Hindi rin makakalas sa supplier dahil itutumba naman kami no'n." "Sinong supplier?" "Huwag mo ng alamin. Baka madamay ka pa." "Sabihin mo na lang." "Hindi na. Saka, huwag masyadong magpahalata na type mo ako." "Dapat pala sa 'yo ko ipinalaklak 'yong droga. Eh 'di sana nahuli ka na ng mga pulis. "Ayiiee, gusto n'ya akong protektahan." "Hindi ako umuwi rito para gawin 'yon. Bumalik ka na sa inyo." "Hindi mo ba ako papapasukin?" nasa tapat na kami ng bahay at kulang na lang ay makapasok ako sa gate. "Hindi. Hindi ka rin welcome rito." "Naku naman! Ang sama talaga ng ugali mo, mas maganda talaga si Tori sa 'yo." "Wala akong pake. Iisa lang ang mukha namin ng kakambal ko. Ibig sabihin maganda ako." Nang makapasok sa gate ay mabilis ko ring isinara 'yon. Magrereklamo pa sana ito pero tinalikuran ko na ito nang matiyak na sarado na ang tarangkahan. "Napakagago mo, Tori!" ani ko sa kapatid na nginisihan lang ako. Sabi ko na, eh. Mas malakas ang topak nito kaysa sa akin. Abnormal din talaga ang isang ito. "Hindi naman sila nahuli kaya ayos lang." "Baliw!" ani ko rito saka nilayasan ko na ito at nagtungo sa kwarto. Magpapahinga muna ako. Kailangan ko nang maraming tulog dahil pakiramdam ko kailangan kong mag-ipon ng lakas dahil sa bagong kdrama na panunuurin ko. Hindi na rin ako naghapunan deretso na ang tulog. Kinabukasan sa kusina. Medyo nagulat pa ako kay Tori na tulad ko ay bagong ligo. Pareho kami ng outfit nito. Pati ang style ng buhok at sapatos na suot. "Anong pagkain natin?" tanong ko rito. "Bumili ka sa karinderia." "Ha? Bakit hindi na lang ikaw?" takang ani ko rito. "Kikilos o hindi tayo kakain?" "Naman, eh!" gusto kong magpapadyak dahil wala namang magandang choices sa sinabi nito. Itinuro nito ang wallet na magkatabi. Pareho ang desenyo no'n. Pati nga ang cellphone naming dalawa ay pareho rin. "Kumilos ka na." Naupo ito bitbit ang mug sa upuang nakaharap sa table kung saan nakapatong ang laptop. Wala na ring nagawa na kinuha ko ang wallet at phone saka lumabas na ng bahay. Saka ko lang na gets ang reason nang biglaang pag-utos nito. Katapat ng bahay ni Demetrius Zalazar ang karinderya na tinutukoy ni Tori. Pasulyap-sulyap ako sa bahay. Saktong bumukas ang pinto no'n. Mabilis akong nag-iwas nang tingin at dumeretso na sa tindahan. "Ate, pabili po rito." Hindi ko na inisip kung ano ba ang masarap. Basta itinuro ko na lang ang ulam. "Ilan?" "Dalawang order, 'te." Agad nanuod sa pang-amoy ko ang mabangong amoy ng lalaking patungo rito sa tindahan. Gusto ko sanang lingunin ito kaso baka mahalata ako nito. "Manang?" "Ito na 'yong order mo, Dem." Iniabot ng matanda ang nakasupot na order ng lalaki. Inuna pa nito iyon kaysa sa order ko. "Bago ka rito?" kunwari'y natigilan ako sabay dahan-dahang napatingin dito. Itinuro ko pa ang sarili ko. Saka umiling. "Dati na." "Liar." Nagsalubong ang kilay na tinignan ko ito. "Ngayon lang din kita nakita rito, ineng." Singit ng tindera. "Anak po ako ni Nanay Lenny Corpus." Waring nag-isip pa ang ginang. "Ah, 'yong may kakambal. Victoria o Teribelle?" tanong ng ginang. "Teribelle po. Nasa mental po si Tori." "Ay hala, anong nangyari?" "Nabaliw po." Narinig ko ang pagbagsak ng kung ano sa line ni Tori. Tiyak na nangigigil na naman ito. "Baka ikaw ang bago." Sinulyapan ko pa ang lalaki. Nagkibitbalikat lang ito. "I'm Teri," naglahad ako ng kamay rito. "Dem." Tipid na sagot nito. Hindi man lang nakipagkamay saka tumalikod na. Gwapo sana, kaso antipatiko. Matapilok ka sana, and that's what happened. Natapilok nga ito. Saka ito mabilis na tumingin sa akin. Waring naniniguro kung may nakakita. "Buti nga sa 'yo," ani ko sa loob-loob ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD