"Are you sure?" tanong ni Teri habang nakayuko at tinititigan din ang monitor kung saan hinahanap ko ang footage kaninang napadaan ang sasakyan."Sure kang bodyguard ni Mayor 'yon?" tanong pa nito.
"I'm sure. Natitigan ko s'ya kanina." Nang makita ang mismong video ay mabilis kong izinoom iyon at inistop nang mas malinaw na iyong makita.
Saka ako lumipat sa kabilang monitor. Hinanap kung saan ang ruta ng lalaki.
"D'yan s'ya nakatira?" tanong ni Teri sa akin nang makitang huminto iyon ilang bahay mula rito sa bahay namin at ipinarada ang sasakyan doon.
"Hindi ko alam. Alamin mo kaya?" ani ko rito.
"Mas madali mong malalaman 'yan. Check mo na lang sa computer mo." Tamad na ani nito.
"Lumabas ka, pasyalan mo si Tagpi. Obvious naman na ang bahay natin at ang bahay na hinintuan ni Demetrius Zalazar ang natatanging bahay rito sa Catalindang ang natatangi."
"So? Gusto mo akong maging tsismosa? After what you did to him?" tukoy nito sa pambabasa ko kanina rito.
"Just do it." Nakasimangot na ani ko rito.
"Tsk, fine." Nilayasan na ako nito.
Nakasunod ang tingin ko rito. Isinuot nito ang special sunglasses na may maliit na surveillance camera sa mismong gitna. Maririnig ko rin ang kahit anong ingay na masasagap nito.
Isinuot iyon ni Teri saka nagtungo sa kusina. Kumuha ito nang isang buong pakwan at lumabas na ito.
"Manang, saan ho ang bahay ni Tagpi?" tanong ni Teri sa nakasalubong na ginang.
"Tignan mo nga naman si Tagpi, babae pa talaga ang naghahanap sa kanya. Manliligaw ka ba ng binatang 'yon?"
"Hindi po." Napakamot pa sa ulong ani ni Teri. Buong street sa parteng ito ng Catalindang ay lihim na nalagyan ng surveillance camera.
Kusang tumipa ang kamay ko nang maalala ko iyon. May malapit na poste ang bahay na hinintuan ni Demetrius Zalazar kaya tiyak na may masasagap akong kahit katiting na impormasyon man lang. Iba kasi ang address na nasa database namin na address nito.
Pinanonood ko ang lalaki na kasalukuyan nasa balcony at nakahiga na sa duyan. Naka-boxer lang ito at waring nakaidlip na. Mukhang nakatira nga ito rito.
May babaeng lumapit dito. Napasinghap ako ng bigla na lang itong pumatong sa lalaki at naghalikan silang dalawa.
Hindi ko agad naialis ang tingin ko. Pero nang marinig ko ang tinig ni Teri ay in-exit ko na agad iyon.
"Nanay Josephina, kumusta po kayo?" magiliw na ani ni Teri sa ginang. Nakasalampak sa sahig ang ginang at nanonood ng tv. Walang upuan sa sala ng mga ito kaya naman umupo na lang din si Teri sa sahig.
Ang focus ng camera ay sa mukha ng ginang. Tiyak na roon nakabaling ang tingin ni Teri.
"Dalagang-dalaga ka na. Balak mo na bang asawahin itong si Tagpi kaya ka bumalik?" sunod kong nakita ay si Tagpi.
"Hindi, Nay. Nandito ako para hikayatin si Tagpi na itimbre ka na sa pulis."
"Santisima kang bata ka." Napailing ako sa kalokohan nito.
"Biro lang, Nay. Kung malakas ang angkat n'yo, idamay n'yo naman ako."
"Ikaw ay magtigil bata ka. Mukhang napaayos ang buhay n'yong magkapatid ah. Nasaan si Victoria?" tanong ng ginang. Naaalala pa kami nito.
"Nasa mental, Nay. Nabaliw po s'ya dahil nawala si Nanay Lenny." Pinanindigan talaga nito ang sinabi nito kay Tagpi.
"Ay? Kawawa naman. Nalulunong din ba sa droga?"
"Hindi naman po."
"Ikaw ba kumusta? Mukhang nakapag-asawa ka ng afam."
"Hindi ho, pero nakatikim na po ako ng afam."
This brat. Alam ko namang hindi iyon totoo. Nagtawanan ang mga ito. Mukhang tuwang-tuwa pa ang ginang.
"Ay, maiba ako. Kaninong bahay po 'yong malaki na kulay white?"
"Bahay? 'Yong kay Demetrius?"
"Demetrius po?"
"Oo, 'yong magandang bahay ilang blocks mula sa inyo. Bahay n'ya 'yon, d'yan n'ya inuuwi 'yong mga babaeng gusto n'yang tirahin."
"Tirahin?" nag-loading din ang kapatid ko sa sinabi ng ginang.
"Ano ka ba naman? Para ka namang virgin."
"Ibig n'yo pong sabihin, bengbangin?" mas napasagwa pa ata ang ipinalit nitong salita.
"Oo."
Sumingit si Tagpi sa usapan.
"Bakit? Type mo? Mas gwapo pa ako roon. Saka mas daks ako roon." Agad na bumaba ang tingin ni Teri. Tumutok ang camera sa gitna ng lalaki. Mukha nga itong gifted.
"Mukha nga, pero hindi kita gusto."
"Aba'y naku naman. Ang gwapo ng anak ko tapos hindi mo gusto. Masipag ito sa gawaing bahay. 'Yon nga lang ikaw ang magpapalamon dito. Ayaw kasi nitong magtrabaho. Gusto tumulong na lang mag-repack."
Napangiwi ako sa narinig.
Mukhang iniasa na lang talaga nila ang buhay nila sa illegal na gawain na 'yon. Siguro bago namin lisanin ni Teri ang Catalindang ay magawan namin ng paraan na matapos na sila roon.