8

833 Words
"Paalis s'ya ngayon." Imporma ko kay Teri. Natigilan ang kapatid kong parang hindi pa natutulog sa itsura nito ngayon. "Pwede bang ikaw muna? Ang sakit ng t'yan ko." Daing nito. Nakahawak ito sa sintido at hinihilot iyon. Hindi talaga maayos ang utak ng isang ito. Kailangan ko yatang ipasuri ang kakambal ko. Nakasimangot na tinignan ko ito at tumango. Paano kami magsisimula sa misyon kung ang plano pala nito ay tapusin ang nasa listahan nito nang panonoorin. "Huwag kang lalabas." Bilin ko rito. "Wala akong balak." Tipid na ani nito. Nakita ko pa nang lapitan nito ang pagkain na inihain ko at bitbitin iyon. Saka lang magaling ang isang ito kapag si Lady A ang kaharap. Ang sarap tuktukan. Lumabas ako na tanging cellphone at wallet lang ang dala. Pagdating sa gate ay saktong palabas ang sasakyan nito. Mabilis ko iyong pinara. Tiyak na kung si Teri ang gagawa no'n ay mas pipiliin nitong maglambitin sa likod ng sasakyan. Pero ako, hindi ko pahihirapan ang buhay ko. Takang nagbaba ng bintana ang lalaki. "Yes?" takang ani nito. "Saan ba ang sakayan patungo sa kapitolyo?" tanong ko rito. Nagsalubong ang kilay nito, sunod ay inabot ang pinto sa passenger seat. "Sa kapitolyo ang punta ko. Sumabay ka na, Teri? Tama ba?" ani nito. Tumango naman ako rito. Nagpasalamat ako saka sumakay. Tahimik lang ako habang umuusad ang sasakyan. Nakita ko si Tagpi na palabas ng bahay nila na gulat na gulat nang nakita akong nakasakay sa sasakyan ni Demetrius. "Saan sa kapitolyo ang punta mo?" hindi ko inasahan na magtatanong ito ng ganoon. "Sa kapitolyo lang ang tagpuan. May kikitain akong tao roon." Deretsang tugon ko rito. Kahit hindi ko ito lingunin ay pasulyap-sulyap ito sa akin. "Parang iba 'yong aura mo ngayon at kahapon?" takang ani nito. Kahit talaga magkamukhang-magkamukha kami ni Teri, napapansin pa rin ang pagkakaiba namin. "Talaga?" kunwari'y tanong ko rito. Nagkibitbalikat ito saka muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho. "Narinig ko kahapon na dati ka na rito, bakit ka bumalik?" salubong ang kilay na tinignan ko ito. "Bakit?" balik tanong ko rin rito. "I'm just curious." "Sayang naman ang ipinatayo kong bahay kung hindi ko uuwian." "You have a point. Okay naman dito sa Catalindang. Iwasan mo nga lang si Joseph at Josephine. Mag-ina 'yon na ilang bahay lang ang pagitan mula sa inyo. Madalas nire-raid ang bahay." "Okay." Tipid lang na sagot ko rito. Narinig kong umiiyak si Nanay Jo dahil problemado ito sa kontrabando na itinapon ni Teri sa toilet sa labis na taranta nito. Inutusan ko si Teri na gawan nang paraan, pero hindi pa ayos ang utak n'ya kanonood. Kakausapin ko na lang s'ya ulit mamaya. "Kapag may kailangan ka pwede mo akong ipatawag, nag-aayos ako ng mga tubo at construction na rin." "Are you sure?" pinagmasdan ko ito. Pormang yayamanin, halatang makapal ang bulsa at hindi hikahos sa buhay. Magara rin ang sasakyan nito. "Mukha lang akong mayaman. Pero sa bosing ko talaga ang sasakyan na ito. Kailangan ko ring sumideline," ani nito na seryoso lang talaga. Liar. Nakapangalan dito ang sasakyan na ito. "Okay. Kung kailangan kita, tatawagan na lang kita. Number mo?" "Smooth." Dinig kong ani ni Teri sa kabilang linya. At least naka-monitor din pala ito. "I-type mo na lang." Mabilis ko namang itinipa ang numero na sinabi nito saka isinave 'yon."Tawagan mo." Utos nito. Walang kibo na ginawa ko 'yon. Nag-ring ang phone nito. Narating namin ang kapitolyo na walang imikan. "Saan 'yong kikitain mo?" tanong nito. Pakiramdam ko ay biglang naging interesante ang mga bagay-bagay para rito. Nakapag-park na ito at sabay na kaming naglalakad patungo sa gusali. "Dito ang usapan. Pero wala pa s'ya." "Sino ba? Boyfriend mo?" tanong nito. "Hindi." Tipid na sagot ko rito. "Who?" "Pumunta ka na sa pupuntahan mo. Maghihintay na lang ako rito. Thank you sa pagsabay mo sa akin dito." Tumalikod na ako at naupo sa bench. Tiyak na kapag lumabas ito ng gusali ay makikita pa rin n'ya ako mamaya. Mas madaling lumapit kay Demetrius kaysa kay Alforte Magalones. Kaya ito ang gagamitin naming tulay ni Teri. "Sigurado ka?" hindi pa rin pala ito umalis. Mabilis naman akong tumango rito. Saka kunwari'y abala sa phone. Tumalikod na rin ito at pumasok sa gusali na katapat ng bench. Wala akong kikitain. Pero tiyak akong ang dating mayor ng Catalindang ay lalabas mamaya sa gusali na 'yan kasama si Demetrius Zalazar. "Pwede na ba akong manood? Ang sakit pa rin kasi ng t'yan ko." Daing ni Teri sa kabilang linya. Idinikit ko ang phone ko sa tenga. Para hindi naman magmukhang tanga kapag nagsalita akong mag-isa. "Umunom ka ng baby oil, baka sakaling gumaling 'yang sakit ng ulo mo na hinihilot mo ngayon. Wala sa ulo ang t'yan." Narinig ko ang pagsinghap nito. "Paano mo nalaman? Don't tell me pinanonood mo ako." "Instinct, bal." Sinulyapan kong muli ang gusaling pinasukan ni Demetrius pero wala pa rin ito. "Tsk, oo na. Kapag natapos na ako sa pinanonood ko magtratrabaho na talaga ako." I doubt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD