15

985 Words
"Teri!" pukaw ni Demetrius sa atensyon ko. Hindi ko ito pinansin. Abala ako sa cellphone ko. Ka-chat ko si Teri. Nagpapabili ito ng manga. Nabwibwisit na naman ako rito sa kapatid ko eh. Bigla-bigla na lang magte-text or chat para mag-utos. "Ihinto mo." Mabilis na ani ko nang mag-angat nang tingin at makita ang mangang madaraanan. "Why?" bahagya kong binuksan ang bintana, sapat para makapasok sa loob ang bunga ng manga na mababa lang. Saka ko isinara ang bintana. "Sige, andar!" utos ko rito. Napapantastikahan na pinausad nito ang sasakyan. Kasabay nang pag-usad ay ang pagbagsak ng mga bunga sa hita ko. 8 pcs. 'yon na ikinangisi ko. Saka ko pinicturan at isinend kay Teri. "I can't believe this." Iiling-iling pa ito pero hindi ko ito pinansin. Pagdating sa bahay ay walang imik na bumaba ako bitbit ang mga manga at iniwan ito. Narinig ko na lang ang pag-usad ng sasakyan nito. Pagdating sa loob ay malawak ang ngisi ng kakambal ko. Nakahanda na ang kutsilyo, at sawsawan nito. Ipinatong ko lang sa table iyon at nilayasan ko ito. Nagtungo ako sa secret room ko at nagsimulang magtrabaho. Trinatrabaho ko ang pag-access sa files ng city hall ng Catalindang. Pero gaya nang una kong subok ay wala rin akong nahita. "Kumain ka na muna." Pukaw ni Teri sa atensyon ko. "Pwede mo bang pasukin ang bahay ni Demetrius?" natigilan ito, saka lumapit at hinila ang bakanteng upuan. "Bakit? Bodyguard lang naman s'ya ni Alforte Magalones, 'di ba?" "Base sa observation ko pinagkakatiwalaan ni Alforte si Demetrius higit kanino man." "Okay, madali naman akong kausap." Pareho kaming napatayo nang makarinig nang malakas na putok. "What's going on?" takang ani ko saka mabilis na chineck ang CCTV. Saglit na pinanood ako ni Teri, ngunit mabilis itong tumakbo palabas nang makita ang nangyayari sa tapat ng bahay namin. Sapilitang isinasakay sa kotse ang Nanay ni Tagpi. Nakita ko si Demetrius na mabilis na lumabas ng bahay. Si Tagpi na nakikipagbuno sa dalawang lalaki. Si Teri naman ay agad na inundayan nang suntok ang driver. Isang sapak lang nawalan agad ito ng malay. Tama nga naman, kasi hindi makakaandar ang sasakyan kung ang driver ay walang malay. Saka nito sununod na binanatan ang lalaking pilit na isinasakay ang ginang. Ang ginang na nakawala sa pagkakahawak ay tumakbo papasok sa gate namin. Nagtago ito sa paso. "Teri, kailangan ni Tagpi nang tulong." Gwapo nga, hindi naman kayang depensahan ang sarili. Bugbog sarado na ito pero hindi pa rin pinakakawalan ang mga lalaki. Si Demetrius ay mabilis na inawat si Teri at ito na ang lumapit kay Tagpi na pinagtutulungan. Ang tangi ko lang pwedeng gawin ngayon ay tumawag nang pulis at ambulance. Dahil mukhang malala ang tama ni Tagpi. Hindi ko mabistahan kung dahil sa tama ng bala o ano, dahil umaagos ang dugo sa balikat nito. Ibinigay ko lang ang address ng lugar. Alam na ni Teri ang gagawin dahil nagpapanggap na itong tumatawag nang tulong. Nang hindi na makagulapay ang mga kalaban ay tumayo na ako at nagtungo sa one-way mirror. Tanaw ang nagaganap at naririnig ang pinag-uusapan dahil kay Teri na naka-on ang device. "Are you okay? Hindi ka dapat lumabas. Kita mo namang nagkakagulo." Si Demetrius na hinawakan pa sa balikat si Teri. "Ayos lang ako." Seryosong tugon ng kakambal ko sa lalaki. Parang ako lang, kaya naman hindi napansin na ibang tao ang kaharap nito. Dumating ang mga pulis at agad na sinimulan ang trabaho. Sumama si Teri at Demetrius sa ginang na iyak nang iyak dahil wala nang malay si Tagpi. "IKAW? MAY MASAKIT BA SA 'yo?" tanong ng binata sa akin. Inaasikaso na si Tagpi, pati si Nanay Josephina na nagtamo ng ilang galos ay chine-check na rin. "Wala. Ayos lang ako." "I saw what you did kanina. Kaya mong makipagsuntukan ng gano'n?" takang ani nito. "Kaya kong protektahan ang sarili ko at ang ibang tao. Hindi ibig sabihin na babae ako ay mahina na ako." "Wala naman akong sinabi na ganyan." Inirapan ko ito. Saka bahagyang dumistansya. Ang gwapo ng lalaki, mahirap dumikit sa tukso. Unang kita ko pa lang dito ay aaminin ko na crush ko na agad ito. Mas gwapo kay Tagpi, may abs at mukhang yummy ang lalaki. Pinakaayaw sa lahat ni Tori 'yong nahahaluan ng ibang bagay ang isang seryosong misyon. Auto-pass kahit pogi. Kailangan kong magseryoso. Nang maupo ako sa upuan ay bahagya kong isinandal ang ulo ko sa pader. Abala si Demetrius sa phone nito. Hindi ko alam kung bakit pasulyap-sulyap ito. Inabala ko ang sarili ko na lang sa phone ko. Biglang nagsalita si Tori sa line. "Tinatawagan ako ni Demetrius." Tipid na ani nito."In-end call ko na." "Bakit ka tumatawag?" tanong ko rito. "S-orry, na dial lang." Naghihinala siguro ito. Pero para hindi na ito magtanong ay pinanatili ko ang seryosong expression ko sa mukha. Nagawi ang tingin ko sa lalaking nasa dulong bahagi ng pasilyo. Hindi nakatakas sa matalas kong tingin ang tattoo sa braso nito. "Dito ka muna. Bantayan mo sina Nanay Josephina. Bibili lang ako nang maiinon." Tinatawag ako nito ngunit hindi ko na ito pinansin. Napansin ata ng lalaki ang ginawa kong pagtayo. Kaya naman mabilis na umalis ito. Painosenteng sinundan ko ito. "Paki-monitor," ani ko kay Tori na gets naman ang simpleng salita. "Saan ka pupunta?" takang tanong nito. Naririnig ko ang mabilis na tunog ng keyboard. "May kahina-hinalang lalaki. Same tattoo sa mga binabantayan ko." "Nakita ko na." Tipid na ani ni Tori. Pasimple ko lang itong sinusundan. Sa parking lot na ito patungo kaya naman mabilis ang bawat hakbang ko. Sumakay ito sa elevator. Wrong move n'ya, dahil mabilis din akong nakapasok. "Can you handle it?" tanong ni Tori. Bahagya akong tumango, tiyak na napapanood na ako nito."Okay, enjoy." Hindi bubukas ang elevator na ito hangat hindi nagsasalita ang lalaki. Kahit hindi kami mag-usap nang detalyado ni Tori, sa simpleng kilos lang ay nagkakaunawaan na kami nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD