Kahit anong pindot ng lalaki ay hindi bumubukas ang elevator. Nang tumingin ito sa akin ay kita ko ang takot sa mukha nito.
Bakit naman takot na takot ito? Napangisi ako nang tarantang inilabas nito ang phone n'ya. Ngunit mabilis na umigkas ang paa ko patama sa kamay nito. Tumalsik ang phone, mabilis na inatake ko ito at mariing idinikdik sa wall.
"Anong kailangan n'yo kina Nanay Lenny?" seryosong tanong ko rito. Napaaray ito ngunit nanatiling mariing nakangudngud sa wall.
"Pinapatumba na s'ya ng boss ko. Hindi nakapagbayad." Takot na ani nito. Madali talagang paaminin 'yong mga takot at duwag. Kaya mabilis na nakuha ko ang impormasyon dito.
Duwag man, pero dumukot pa rin ito ng kutsilyo at akmang itatarak sa akin nang mabilis na napigil ko ang kamay nito at muli itong sinikmuraan.
"Gusto kong makipag-usap sa boss mo. Iharap mo s'ya sa akin. Dahil kung hindi ka susunod ay itutumba kita ngayon pa lang."
"'W-ag!" hirap na ani nito.
"Open it, Bal." Pagkasabi ko pa lang no'n ay agad nang bumukas iyon. Saka hila-hila ang nanghinang lalaki patungo sa parking lot.
"Saan ang sasakyan mo?" tanong ko rito. Nang hindi ito sumagot ay sinapok ko ito.
"No chill, bal?" ani ni Tori na bahagya pang natawa.
"Tigas ng ulo eh. Ayaw sumagot agad." Tugon ko rito.
"A-yon…" nanginginig sa takot na ani ng lalaki. Itinulak ko ito papasok sa passenger nang mabuksan n'ya ang pinto. Ang baril na nasa likuran ko na palaging nakasuksok ay inilabas ko at itinutok sa sintido nito.
"Sakay!" utos ko rito. Mabilis naman itong sumunod sa takot na makalabit ko ang gatilyo. Hinila ko ang necktie nito at iyon ang ginamit para itali ito. Saka ako umikot patungo sa driver seat.
"Saan mo s'ya dadalhin?" ani ni Tori.
"Sa location ng boss n'ya. Ihahatid ko lang, baka hindi marunong umuwi eh."
"Tsk. Kunin mo na lang ang impormasyon na pwede mong makuha. Bumalik ka kaagad sa ospital."
"I will." Sagot ko saka pinausad na ang sasakyan.
Halatang kabado ang lalaki.
"Pakawalan mo na ako, Miss. Kapag nagpunta tayo sa boss ko ay tiyak na itutumba n'ya ako." Nakikiusap na ani ng lalaki.
"Eh 'di patayin, sino ka ba?" mataray na ani ko rito.
"Sumang-ayon lang naman ako sa trabahong ito kasi may sakit ang anak ko." Napaiyak na sa nerbyos ang lalaki.
"He's Gregorio Garben. Single, walang anak at dating tauhan ni Mayor."
"Mayor?" takang ani ko kay Tori.
"Ang mayor na nakaupo ngayon sa Catalindang."
"Got it!"
"Ikaw si Gregorio Garben, walang anak at single. Huwag kang magsinungaling sa akin."
Nanlaki ang mata nito sa takot. Umiling-iling na waring nawala na ang katinuan.
"Sino ang boss mo?" mariin itong umiling.
"H-indi ko alam." Inip na tinignan ko ito.
"Aba'y gago. Anong tingin mo sa akin? Nakikipaglaro sa 'yo?" itinutok ko rito ang dulo ng baril saka ngumisi nang nakakaloko rito.
"Kaya kong tapusin ang buhay mo na iningatan mo ng ilang dekada. Segundo lang, pwede kitang maihatid sa ganoon kaiksing oras sa impyerno. Magsasalita ka o tapusin na lang kita?" humugot nang malalim na buntong hininga ang lalaki. Nagsimulang manginig ang tuhod.
"Hindi ko talaga alam."
"Boss mo ba si Mayor?" nanlaki ang mata nito at mabilis na umiling.
"Bal, pakisabi pakikuha ang lalaking ito rito." Saka ko ito pinukpok ng baril. Wish ko lang na sana ay buhay pa ito. Ang ibang girls na lang ang mag-interrogate sa kanya para naman hindi mapatid ang pasensya ko. Itinali kong mabuti ang kamay nito at binusalan ng panyo ang bibig saka chill lang na lumabas. Muntik pa ngang makalimutan ang baril na hawak. Saka ko lang inilagay sa likuran nang makasakay na ng elevator.
"Saan ka galing?" iyon agad ang tanong ni Demetrius.
"D'yan lang sa labas." Same voice like Tori. Pati ang simpleng hand gesture ay nagawa ko nang natural.
Tumango ito at hinawakan ang braso ko. Natural instinct na lang, mabilis kong nahawakan ang braso nito at mabilis na pinilipit at itinulak ito sa pader.
"What the heck, Teri?" dinig kong ani ni Tori sa akin. Tiyak na pinanonood ako nito. Kaya ganoon na lang ang gulat na tinig nito.
"S-orry." Napakamot sa ulong ani ko kay Demetrius na nanlalaki ang mata at hindi makapaniwala sa ginawa ko.
"What the hell?" ani nito.
"It's wrong na basta ka na lang manghawak ng kamay o braso kahit pa wala kang intention na masama."
"I can't believe this." Manghang ani ng lalaki na bahagya pang minasahe ang napilipit na braso nito."But you're right. Hindi kita dapat hinawakan. Tara na muna sa ward, naroon si Nanay Lenny ni Tagpi."
"Si Tagpi? May balita ba sa kanya?"
"Baka patay na." Napasinghap ako sa tinuran ng lalaki. Nagsalita si Tori s line.
"Don't expect na kausapin ka n'ya nang matino. Ang gulo mo, Teribelle. Pabago-bago ka, nalilito 'yong tao sa 'yo."
"I don't care." Nakangising ani ko, si Tori ang kausap ko pero sa salitang iyon, inisip ni Demetrius na para sa sinabi nito ang tugon na iyon.