Inabutan ko si Teri na namimilipit sa sahig pagpasok ko ng bahay. Tarantang lumapit ako rito at lumuhod sa harap nito.
"Teri? Are you okay?" worried na ani ko rito.
"Ang sakit…" daing nito na waring nahihirapan.
"Anong masakit? Sabihin mo sa akin." Natatarantang ani ko rito.
"W-ait, tatae lang ako." Mabilis itong tumayo. Nagpasabog pa talaga ng utot nito at kumaripas nang takbo patungong banyo. Takip-takip ang ilong na napasalampak ako sa sahig sa labis na panghihina.
Teri is my weakness. Kahit gaano ko pa ipakitang matatag ako, si Teri, s'ya at s'ya pa rin ang kahinaan ko at alam ng kapatid ko iyon. Kaya madalas inaabuso nito. Tsk!
Napansin ko ang cellphone nito na tumutunog.
Dinampot ko iyon at mabilis na sinagot ang tawag.
"Teri, may nakuha na akong impormasyon sa pinakiusap mo sa akin regarding sa trabaho mo ngayon. Mas mabigat na grupo pala talaga ito. Lalo't konektado sa kasalukuyang mayor d'yan sa Catalindang."
"Ulitin mo nga 'yang sinabi mo?" 'di ko na napigil ang magsalita na ikinasinghap ni Pluma.
"Tori?" see, nakilala agad ako nito.
"Hindi nabangit ni Teri sa akin 'yan. Tatawag ako sa 'yo mamaya. Mag-usap tayo." Ibinaba ko na agad ang tawag at nagtungo sa silid ni Teri. Saktong kalalabas nito ng banyo at bahagya pang hinahaplos ang t'yan.
"May mga detalye kang hindi sinasabi sa akin, Teri."
"Tumawag ba si Pluma?" tanong nito. Marahan akong tumango rito. Bumuntonghininga ito saka sumenyas na maupo ako. Ngunit nanatili akong nakatayo. Pinanonood ang mga kilos nito.
"Si Damien ang boss ng drug syndicate na naghahari rito sa Catalindang. Tiyak ako roon lalo't tumawag si Pluma at narito ka ngayon sa harap ko."
"Si Alforte Magalones ang kumuha ng serbisyo ni Lady A," bahagya lang itong nag-angat nang tingin.
"Kailangan muna nating masagot ang tungkol sa sunog, bago tayo kumilos kay Damien Bataler," ani ni Teri na tumitig na sa akin.
"Si Alforte Magalones ang mayor that time. Kung wala sa mga database ng government at secret groups ang tungkol doon, ibig sabihin ay na kay Alforte mismo ang impormasyon na kailangan natin."
"Kailangan natin iyong makuha sa kanya." Segunda ni Teri.
"Ako na ang gagawa no'n. For now, bantayan mo si Tagpi at Nanay Josephina."
"May inutusan na ako na gagawa no'n. Pagplanuhan na lang natin ang gagawin."
"HINDI BA TALAGA PWEDENG sumama ka sa akin? Gusto lang ni Mayor Alforte na makita ka."
"Wala pa bang results ang DNA test? Hindi pa rin ba nawawalan ng pag-asa ang taong iyon?"
"Hindi pa dumating ang DNA result. Pero hindi naman siguro masama na sumang-ayon ka munang sumama sa akin para magpunta sa kanya. Down na down kasi 'yong tao. Nasasaktan dahil sa sitwasyon ng asawa n'ya."
"Fine. Pero dadalhin ko ang sasakyan ko."
"Pwede naman tayong sabay na magpunta roon."
"Kung ipipilit mo ang gusto mo ay huwag na lang nating ituloy ang usapang ito."
"Fine, panalo ka na." Sumusukong ani nito.
7 pm kami magtutungo roon. Iyon ang napagkasunduang oras. Kaya naman 6:30 pa lang ay nakahanda na kami ni Teri. Para lang akong tumitingin sa salamin. Mula ulo hangang paa ay magkatulad kami nito.
Ang pagkakaiba lang siguro ay ang ngising nakapaskil sa labi nito habang ang akin ay mariin lang na magkalapat.
"Ready na ako." Excited na ani nito.
"Tara na." Sinadya kong ipasok sa mismong garage ang sasakyan upang hindi makita ang pagpasok ni Teri sa backseat. Nang makapwesto na ito ay saka ko binuksan ang harang. Saka ang gate. Naghihintay na si Demetrius na nakasakay na sa kotse n'ya.
Ang gara na naman ng sasakyan nito. Isa sa pag-aari nitong sasakyan na alam ko.
"Let's go?" ani nito. Ngunit hindi ako sumagot. Sumakay na ako sa kotse saka mabilis na binuhay ang makina. Kusang sumara ang harang nang makalabas ako kahit ang gate ay ganoon din.
Nang mailabas na ay sinusulyapan ko lang sa salamin si Demetrius. Saka mabilis na pinausad ang kotse.
"DAMN! DAMN!" sunod-sunod at malutong na mura ko habang sinusubukan na makahabol kay Teri. Waring naglalaro lang ito sa kalsada at aaminin ko, hirap akong makahabol dito. Mukhang sanay na sanay at hindi man lang nakadarama ng kahit na kaunting kaba habang matulin ang takbo ng sasakyan.
"The heck!" ani ko nang hindi man lang nito binawasan ang takbo nang marating ang kurbada.
Kaya nga nang marating ko ang bahay ng boss ko ay kalmado nang nakaupo si Teri sa couch.
"Hindi mo man lang ako hinintay." 'Di napigil na reklamo ko rito.
"Mabagal." Tipid na ani nito.
"Hindi kasi ako racer."
"Hindi rin naman ako racer." Sagot nito, sa simpleng salita parang naipamukha na nito sa akin ang pagiging mahinang nilalang ko.
Nang tignan ko ito ay inangatan lang ako nito ng kilay. Saktong bumaba si Alforte Magalones, ang mayor para sa akin.
"Hija, welcome." Bati ng matanda.
"Good evening, Mr. Alforte."
"Pasensya na kung na istorbo kita."
"You're right, naiistorbo mo nga ako." Napabungisngis ang matanda sa harsh na salita ng babae.
"Pero thankful naman ako na narito ka. Pwede bang puntahan natin ang asawa ko? Gusto ka raw kasi n'yang makita, hija."
"Okay." Sagot nito. Nagdesisyon akong huwag nang sumunod. Maglilibot na lang muna ako sa vicinity para matiyak ang safety ng mag-asawang Magalones. Lalo't palaging target ang mansion na ito ng mga kalaban.