Kilala ni Demetrius si Cristo. Iyon ang tiyak ko. Kung gano'n, possible na may itinatago pa ang lalaking ito na hindi ko man lang nalaman. Palibhasa'y si Alforte Magalones lang ang pinagtuunan ko ng pansin.
Nakaupo na kami sa sala. Si Demetrius ay nanatili sa kusina para maghanda ng pagkain. Titig na titig si Cristo sa akin habang nakangisi.
Ako ang unang nakakilala ng identity nito bago pa nagsimula ang misyon ni Tatiana. Alam na rin ni Lady A ngunit hindi ni Tatti.
"Mukhang nakikipaglaro kayo sa kaibigan ko." Kalmadong-kalmado na ani nito.
"Shut up." Seryosong ani ko rito. Inilabas ko na lang ang laptop ko at kunwari'y abala roon.
Pero sa totoo lang, inaalam ko na ang dapat kong malaman pa.
Bumungisngis si Cristo nang makita na wala na rito ang atensyon ko.
"Wala ka ring makukuha sa kanya. Kung s'ya hindi n'ya alam ang identity n'yo ni Teri, tiyak na kasinghusay mo lang din s'ya pagdating sa computer." Napasinghap ako. Anong ibig nitong sabihin? Mukhang tanga lang ang lalaki pero may ibubuga rin pala ito.
Nang lumabas si Demetrius ay bitbit ang tray na may laman ng pagkain.
Isinara ko ang laptop nang maupo ito sa tabi ko.
"Are you okay? Natakot ka ba kanina?" worried na tanong ni Dem. Hindi na ako nagulat nang humalakhak ng tawa si Cristo.
"Walang nakakatawa." Masungit na ani ni Demetrius.
"Come on, nakakatawa kaya 'yon."
"Tsk, anong kailangan mo?"
"Sigurado ka bang gusto mong marinig ng babae mo ang sasabihin ko?" kumuyom ang kamao ko sa sinabi nito
"Hindi ko s'ya type." Nakasimangot na ani ko rito.
Tawang-tawa na naman si Cristo.
"How about me? Feeling ko mas papasa ako sa standard mo."
"Feeling mo lang 'yon. Pero hindi rin kita type." This time si Demetrius naman ang tawang-tawa.
"Tsk, akala mo naman maganda ka."
"Yes, I am." Confident na ani ko rito.
"Yes, she is." Sang-ayon ni Demetrius na ikinangisi ko.
Napasimangot si Cristo.
"Hindi man lang makasakay," sabay tayo."Usap muna tayo."
Tumayo na rin si Demetrius at sumunod dito.
Kailangan kong makausap si Lady A. Bitbit ang gamit na tumayo ako. Walang paalam na iniwan na ang unit ni Demetrius.
Bumyahe ako papunta sa head quarters. Pero kinailangan ko pang lumipat ng sasakyan. Kung mahusay ang lalaking iyon sa computer, tiyak na magagawa nitong i-locate ang location ko.
Tinawagan ko si Teri na magpunta sa isa sa safe house, doon ko rin inilagay ang sasakyan pati na ang cellphone. Walang kahit na anong device na dala. Iniwan ko lahat iyon sa safe house. Saktong dumating si Teri na agad kong sinabihan kung ano ang gagawin.
Gamit ang motor na nasa garage ay nilisan ko ang lugar. Kailangan kong makausap si Lady A.
"Where is she?" tanong ko kay Cristo pagbalik namin sa sala.
"I think umalis na s'ya." Sagot ni Cristo na pabagsak na umupo sa couch.
"Ha?" naguluhang ani ko rito. Tinawagan ko ang tao sa baba upang kumpirmahin.
"Opo, boss. Umalis na ho s'ya."
"Thank you." Sabay baba ng phone.
"Anong gagawin mo?" tanong ni Cristo sa akin nang ilabas ko ang laptop ko.
"I'll try to locate her." Sagot ko rito. Hindi ko alam kung bakit ito natawa.
"Sa tingin mo mahahanap mo s'ya?"
"Walang hindi ako kayang gawin pagdating sa ganitong trabaho." Confident na ani ko rito.
"Let's see… interesting couple." Tatawa-tawang ani nito.
Minsan hindi maunawaan ang takbo ng utak ng taong ito. Itinikom ko na lang ang bibig ko.
Seryosong inabala ko na lang ang paghahanap ko sa location nito.
"Damn…" ani ko nang lumipas ang ilang minuto na hindi ko malaman kung bakit hindi ko mahanap ang dalaga.
For no reason, tawang-tawa ang gago kong kaibigan.
Kasama ko ito sa isang underground group.
Mas matino ako, kumpara sa lalaking ito.
Gagong tunay ang isang ito.
"Itigil mo na 'yan. Nagmumukha ka lang tanga. Madudurog ang pride mo, ako na ang nagsasabi sa 'yo."
"Shut up." Muli kong ibinato ang tingin sa screen ng laptop ko.
Pero kahit anong gawin ay bigo ako.
CCTV sa mga kalsada ang sunod kong tinignan.
Kasalukuyan ko pa lang na chine-check ang mga iyon nang kusang namatay ang laptop ko.
"What the f**k happened?" gulat na ani ko.