23

976 Words
"Ano ang dapat kong gawin kay Demetrius?" tanong ko kay Lady A nang matapos ito sa ginagawa at harapin ako. "Wala kang dapat alalahanin kay Demetrius Zalazar." "Hindi ba s'ya magiging hadlang sa misyon namin ng kapatid ko?" tanong ko rito. "Hindi. Magiging hadlang lang s'ya kung iibig ka sa kanya." Bahagya akong natawa sa sinabi n'ya. "Malabong mangyari 'yan, Lady A." "Hindi malabo, Tori. Tao ka, may possibility na umibig ka." "No. Hindi 'yan mangyayari." "Let's see." Nakangising ani nito saka sumenyas na umalis na ako. Tinawagan ko si Teri. Sinabi ko ritong uuwi na kami sa Catalindang. Kaso kasalukuyan daw itong may sinusundan, umalis pa rin pala ito ng safe house. Binalikan ko na lang ang mga gamit ko at sasakyan saka nagpasyang bumyahe na pabalik sa Catalindang. Kaso bigla na lang sumulpot si Demetrius lulan ng isang taxi. Agad itong humarang sa daraanan ko. "Lipat ka roon," utos nito. Dahil ayaw kong makipagtalo pa at advantage ko rin naman kung ito ang magmaneho ay kumilos na ako palipat sa passenger seat. Ito ang nagmaneho. Tahimik lang kaming dalawa, pero nang mapansin nito na may sumusunod sa amin ay mahigpit akong napakapit sa seatbelt ko. Wala pa naman kaming nakakasalubong na sasakyan. Papasok na ito sa liblib na parte bago makarating sa Catalindang. "s**t!" malutong na mura ni Demetrius nang pumutok ang gulong ng sasakyan. Sinubukan nitong makipagpalitan nang putok pero naubusan din ito ng bala. "Kailangan nating bumaba." Sa sinabi nito ay mabilis kong kinuha ang bag ko sa backseat. Bago pa man magsalitang muli si Demetrius ay nakababa na ako. Nataranta tuloy ito na sumunod sa akin. Nakahabol naman ito nang mabilis at ginagap ang kamay ko at ito na ang nagpatiuna. Hindi ako pwedeng humingi ng tulong or back up sa mga kasama ko dahil tiyak na magtataka si Demetrius. Mukhang nais ako nitong protektahan. Kaya naman hinayaan ko lang ito. Papadilim na at mahirap ang daan. Sinabayan pa nang pag-ulan kaya kung normal lang siguro akong babae ay tiyak na nahirapang na ako. Pero hindi, sanay kami sa training sa ganitong set up. Kaya naman hindi ako naging pabigat sa lalaki. "Bakit ba nila tayo tinambangan?" tanong ko rito na salubong ang kilay. Basang-basa na ang damit naming dalawa. Kapwa basa na rin ang mga bitbit na bag. Hindi ko alam kung maisasalba ko pa ang laptop ko eh. Pero ayos lang naman iyon. "I don't know." Sagot nito. Narating namin ang isang kubo. Nagtao po si Dem pero walang sumagot. Mas lumakas ang ulan. Pumasok na kami kahit alam naming trespassing iyon. Nang nasa loob na kami ay ang tanging gamit lang na nakita namin ay lamesa at upuan lang na kahoy. May isang silid na wala ring kagamit-gamit. Nangangatog ang katawan sa labis na lamig na naupo ako sa kahoy na upuan. Mabilis na hinubad ni Demetrius ang suot nitong jacket at t-shirt. Sunod ang pantalon nito. Mabilis akong nag-iwas nang tingin dito ng boxer shorts na lang ang naiwan. "Maghubad ka na rin. Mas lalo kang lalamigin kung suot mo pa rin ang basang damit mo." "Ayos lang ako." Tipid na sagot ko rito. "Hindi ka okay. Nanginginig ka na nga oh." Humakbang ito at akmang hahawakan ako nang mabilis na tinabig ko iyon. "Bahala ka nga. Ang tigas ng ulo." Malakas pa rin ang ulan, pati na ang hangin ay mukhang nakikipagsabayan. Pumasok si Demetrius sa silid at nahiga sa papag. Mukhang mas mainit sa silid na iyon kaya roon napili ng binata. Pero may paninindigan ako. Dito lang ako. Nang sipatin ko ang orasan ay 10 pm na. Hindi ko man lang napansin ang oras. Inilabas ko ang mga gamit ko. Pero napailing nang makitang basa na rin ang mga iyon. Hindi ko na pinilit pang i-check kong okay pa. Ibinalik ko na lang sa bag ko. Gabi na rin at baka kapag nalaman ni Teribelle na nasa ganitong sitwasyon ako ay sumuong dito sa kagubatan para puntahan ako. 11 pm. Hindi ko na kaya ang lamig. Tumayo na ako at nagpasyang hubarin ang saplot ko. Madilim naman kaya kampanti akong hubaril lahat iyon. Pumasok na rin ako sa silid at nahiga sa pinakagilid ng papag. "Nilalamig ka?" tanong ng lalaki. Hindi ko s'ya makita pero ramdam ko ang malakas na presensya nito. "H-indi." "Liar." Bahagya itong natawa."I'm sorry kung na damay ka sa nangyari. Tiyak na ako ang pakay ng mga 'yon." "Paano mo nasabi?" "Dahil delikado ang trabaho ko. Sa pagbabantay pa lang kay Mayor ay hindi ko na mabilang ang death threat na natanggap ko." "Okay. Don't talk na. I'm not interested naman eh." Bumungisngis ang lalaki. "You're so mean." "I don't care." Sagot ko at tumalikod na dito. Naramdaman ko ang pag-usog nito. "Nilalamig ako ako, Teri." Nakaramdam ako ng kilabot nang sabihin nito iyon. Lalo na nang dumikit ang matigas nitong katawan sa katawan ko. Napasinghap ako at akmang uusog pa ngunit sagad na ako sa dingding. "Stay..." napasinghap ako nang lumapat ang kamay nito sa bewang ko at hilain padikit sa katawan nito. Dapat sinapak ko na ito. Iyon ang dapat kong ginawa noong umusog pa lang ito. Pero mayroon kasing init sa katawan nito na dahilan kung bakit hindi ko s'ya nagawang pigilan. Magkalapat ang mga hubad naming katawan. Tiyak akong wala na rin ang boxer shorts nito dahil damang-dama ko ang sandata nito na ngayon ay ramdam ko sa guhit ng aking pang-upo. "s**t!" usal ni Demetrius. Hindi ko alam kung bakit. "Kapwa lang tayong dalawang nilalamig. Pero pigilan mo ang sarili mong tigasan dahil baka magising ka na lang na wala na 'yan." Seryosong ani ko na ipinikit na ang mga mata. Marahas na bumuntonghininga ang lalaki. Hindi nito inilayo ang katawan sa katawan ko. Kung may balak man ito laban sa akin, titiyakin ko talagang lalabas kami ng kasukalang ito na wala na s'yang p*********i.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD