17

813 Words
"May plano ka bang ayusin ang misyon natin o ano?" seryosong ani ko sa kapatid. Pabagsak itong tumingin sa akin na waring wala sa sarili."Teribelle!" Hindi naman ito ganito sa ibang misyon n'ya. Kahit pasaway at nilalaro ang dapat na dapat nitong gawin ay alam pa rin nito ang ginagawa nito. "Chill." "Paano ako magchi-chill?" inis na ani ko rito. "Hindi pa naman n'ya ako nahuhuli, hindi pa naman n'ya alam ang katauhan ko." "Teribelle, kailangan bang umabot sa gano'n? Bal, alalahanin mo si Nanay Lenny ang reason kung bakit narito tayo." "S'ya lang ba? O baka may iba pa? Chill ka nga lang, Victoria." "Parang bigla kang nagbago." Seryosong ani ko rito. "Imagination mo lang 'yon. Promise, magpapakatino na ako." Tumayo ito at humalik sa pisngi ko."Nood muna ako, ha?" "Teribelle!" napapadyak na ako nang kumaripas na ito nang takbo patungo sa kanyang silid. Saktong may tumawag sa pangalan nito sa labas. Mabilis akong kumilos at lumabas. "Demetrius?" seryosong ani ko rito. "Ang bilis mo namang nakapagbihis." Gulat na ani nito. Napatingin ako sa aking suot, saka inayos ang salamin. Gusto kong kastiguhin ang aking sarili sa biglang action na nagawa. Hindi ko naisip iyon. "May kailangan ka?" dinaan na lang sa seryosong tanong dito. "Anong may kailangan ka? 'Di ba niyaya kitang mag-dinner sa bahay." "H-a?" "Sorry, bal. Ikaw muna kumain sa kanila. Tapusin ko lang itong pinanonood ko." Dinig kong ani ni Teri. Gusto kong murahin ang kapatid ko. Kaya ba naputol na ang line kanina nang pauwi ang mga ito? "Tara na?" wala na rin naman akong choice kaya binuksan ko na ang gate at sumunod dito. Tahimik lang ako nang marating namin ang bahay nito. Malinis ang lugar, hindi tulad sa kwarto ni Teri na daig pa ang basurahan. Hindi naman pwedeng galawin dahil malilito raw s'ya kapag may ibang nag-ayos ng mga kalat n'ya. May nakahanda ng pagkain. Mukhang take out food lang ang mga iyon na iniayos nito sa lagayan. Pinaghila ako ng upuan. "Thank you." Tipid na ani ko. Pinagmamasdan ako nito na waring kinakalkula kung ano ang dapat na sabihin. "Talk now." "Magkaibang tao kayo." Seryosong ani na rin nito."Bakit n'yo ako pinaglalaruan? Tiyak kong ako lang dahil ako lang naman ang ilang beses n'yo nang nakasalamuha rito." "Hindi ka special para gawin ko 'yan sa 'yo. At sinong kayo?" seryosong ani ko rito. "Kayo ng kakambal mo." "Si Victoria? She's sick, pero hindi ko naman kailangan magpaliwanag para lang matahimik ang isipan mo. Go lang sa pag-o-overthink." Napasinghap ito na waring 'di talaga makapaniwala. "Let's eat." I just shrug it off. I really don't care naman sa opinion nito, basta manatili ang sekreto namin ni Teri ay okay na 'yon. "Tori!" tawag nito sa akin. Mabuti na lang napigil ko ang mag-angat nang tingin dito. "Pwede mong bisitahin ang kapatid kong si Tori sa mental hospital kung gusto mong makatiyak." Gusto kong ngumisi nang masamid ang kapatid ko at inihit ng ubo na ngayon ay nakikinig pala. "What do you mean? Gusto mo ba akong pumunta sa mental hospital na 'yon?" ani ni Teri sa kabilang linya. Matalino ito, you see naisip agad n'ya 'yong tumatakbo sa utak ko. Gusto kong sumagot ng yes pero dahil kaharap ko si Demetrius ay hindi ko iyon ginawa. "No need." Sagot nito, pero sa mga ganitong klase ng tao ay tiyak akong hindi naman titigil ang mga ito na malaman ang totoo. Nagsimula kaming kumain na tahimik na ito. Walang nagsasalita, halos makalahati na namin ang pagkain na wala ni isa ang nagbalak magbukas nang panibagong topic. "Kain ka pa." Iniusog nito ang plato palapit sa akin. Bahagya lang akong umiling nang makita kong bangus 'yon. "Hindi ka kumakain ng ganyan?" takang ani nito. Umiling ako rito. "Para kang si Mayor, allergic kasi s'ya d'yan." Casual lang naman nitong sinabi iyon. "I'm not interested na malaman." Tipid na ani ko rito saka nagpatuloy sa pagkain. "Pero paborito n'ya ang ginataang langka." Dagdag pa ng lalaki. Unti-unting napatitig ako sa langka na s'yang kanina ko pa inuulam. "Really?" bored na ani ko rito. "Yes." Halatang hirap itong umisip ng topic na wala naman akong pakialam. Nang tumunog ang phone nito ay agad itong nag-excuse. Pero nanatili namang nakaupo nang sagutin ang tawag. "Dem, hijo?" nasa tinig ni Alforte Magalones ang pagkataranta. "Yes po?" "Pakiiskortan mo naman ang doctor patungo rito." "Why?" tanong ni Dem, tumigil na ako sa pagkain at seryosong tumitig kay Demetrius. "Nahulog sa hagdan ang asawa ko. Tiyak naman akong walang malalang nangyari, 'yon nga lang mukhang napilayan." Naririnig ko ang mga ito dahil naka-loud speaker iyon. "Okay. Pupunta na ako." "Kasama mo ba si Teri?" tanong ng matanda. "Yes." "Pwede mo ba s'yang isama rito?" nagtatanong ang paraan nito nang pagtingin sa akin. Umiling ako rito. "Uuwi na ako sa bahay. Excuse me." Sabay tayo at hindi na hinintay pa ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD