"Lady A?" nagulat si Lady A sa biglaang pagpasok ko. Hindi ako nagsabi na luluwas ako ng siyudad para kausapin ito. Hindi ko rin sinabi kay Teri ang tunay na dahilan sa biglaang pagpapaalam ko rito. Naiwan ito sa Catalindang para manatili sa bahay namin doon.
"Masyado ka namang nagmamadaling malaman ang totoo." May naglalarong ngiti sa labi nito. Bahagyang sumandal sa upuan. Ang ballpen nito ay nilaro sa mga daliri nito.
Kung alam ko na ang mga bagay mas higit ang babae. Mapaglaro ito, kahit pa kami sa grupo ay madalas paglaruan nito.
"Sino ba talaga kami?" seryosong tanong ko rito.
"Victoria, 'di ba't ang misyon n'yo lang ay alamin ang totoo sa nangyari sa sunog noon?"
"Pinaglalaruan mo kami. Tiyak kong alam mo na ang totoo, pero bakit mo kami inilalapit kay Alforte Magalones?" seryosong tanong ko rito.
"Dahil s'ya ang dating Mayor ng Catalindang." Hinampas ko ang mesa nito. Mas lalo itong napangisi.
"Hindi ako bumyahe para lang makipaglaro sa 'yo."
"Hindi ba mas gusto mo 'yong tinutuklas ang lahat? Do it, Victoria. It's worth it."
"I doubt." Mariing ani ko rito.
"Kung ano man ang malaman mo, dapat walang magbago sa goal mo. Kung aksidente man ang nangyari, bumalik kayo at iwan na ang Catalindang. Kung malaman n'yong sinadya ang sunog pagbayarin n'yo kung sino man ang nasa likod nito."
"Walang magbabago." Seryosong ani ko rito.
"Dapat lang." Tumayo ito at bahagyang inilapit ang mukha sa akin."Huwag mo akong biguin, Victoria. Dahil hindi lang ang Nanay Lenny mo ang dahilan kung bakit ko kayo pinabalik sa lugar na iyon." Nakipagtitigan ako rito.
"Aalamin ko ang lahat."
"Good." Tinap na nito ang balikat ko."Tiyak na naguguluhan si Teri sa ginawa mo. Bumalik ka na at ako na ang gagawa nang dahilan sa kanya." Humugot ako nang malalim na hininga at tumango rito.
"HOY, TERI! LUNOD NA LUNOD NA 'yong halaman." Sigang ani ni Tagpi sa akin. Mabilis kong na pinatay ang gripo saka masamang tinignan ang lalaki."Feeling plantita, nakikisabay sa uso."
"Ano bang kailangan mo at narito ka?" nakasimangot na tanong ko rito."Umalis ka na nga."
"Tsk, arte mo talaga. Hindi ka naman kagandahan…ay mali, pana-panahon lang kasi talaga ang ganda mo. Minsan maganda, minsan kahit appeal wala pa." Pasalamat na lang talaga ito at nakasara na ang gripo. Until now ay hawak ko pa ang host.
"Lumayas ka nga rito. Ang pangit mo naman kahit anong panahon pa."
"Teri!" bukaw ng lalaking hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala. Si Demetrius iyon.
"Hi!" magiliw na ani ko rito. Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Dem sa naging pagbati ko."Ah, I mean, hi!" tipid na ani ko. Ginaya ang tinig ni Tori na seryoso at tunog sobrang tipid.
"Biglang naging demure. Sama naman ng ugali, Dem, 'wag kang nagpapalinlang dito. Kababata ko ito, kasama ko itong mandekwat noon ng bayabas at santol. Masama ang ugali nito."
"Don't say that to her." Saway ni Demetrius sa lalaki. Lihim naman akong napangisi, sinadyang ipakita iyon kay Tagpi. Pero nang gumawi ang tingin ni Dem sa akin ay mahinhin akong ngumiti.
"Weird." Nabasa ko pa iyon kahit parang sa sarili n'ya lang iyon sinabi.
"May kailangan ka ba?" tanong ko kay Dem. Wala pa rin si Tori. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari kahapon, pero hihintayin ko na lang na ipaliwanag nito sa akin. Mas lalo lang akong maguguluhan kung hindi ako maghihintay at magnilay-nilay.
"Napansin ko kasing parang ginugulo ka n'ya."
"Hala ka! Hindi 'no. Tropa kami nito ni Teri, pero alam mo ba mas maganda ang kakambal nito kaysa sa kanya. Kaso nabaliw raw si Tori eh." Gusto kong hampasin ng host ang lalaking ito. Kalalaking tao pero ang tabil ng dila. Hindi na lang manahimik at umuwi sa kanila.
"May kakambal ka?"
"Oo, kaso nasa mental."
"I see..." tumango-tango ito. Saka ako tipid na ngumiti.
"Umuwi ka na, Tagpi. Bantayan mo na lang ang Nanay mo. Kawawa naman."
"Kasalanan mo kung bakit nagsusupot na ng buhangin ang nanay ko. Kasalanan mo!" nakaingos na ani nito saka nilayasan na kami. Nang gumawi ang tingin ko kay Demetrius ay titig na titig ito sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito s'ya makatitig. Pansin ba nito ang difference namin ni Tori?
"Really weird."
"Puro ka weird, magulo ka rin." Tumalikod na ako. Bigla akong kinabahan na baka masira ang plano ni Tori kung magtatagal pa ako na kaharap ang lalaki. Umalis na rin ito na nakita ko sa one-way mirror.
Pagpasok ko sa bahay malutong akong napamura nang makita ko si Tori na nakasandal sa pader. Nilalaro ang buhok na dahan-dahang tumitig sa akin.
"Saan ka dumaan?" gulat na gulat na ani ko rito. Sumenyas ito na sumunod ako rito. Iyon naman ang ginawa ko.