Napakunot ako ng noo nang makita ang isang pamilyar na teenager na nagbabasa ng maraming libro. Mayroon siyang mahabang buhok at nakasuot siya ng salaming masyadong mataas ang grado. Masyado itong abala sa pagsusunog ng kilay. Iginala ko ang paligid at natatandaan kong ganito ang itsura ng library namin.
Why I was here? What was happening to me? Bakit ako nandidito?
Napatingin ulit ako sa batang babae na tahimik na nagbabasa. Masyado itong abala sa librong hawak habang binubuklat ang mga pahina. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino ito. That was none other than my teenager self!
Nananaginip na naman ba ako? Ganito kasi karaniwan ang mga panaginip ko, palaging nasa school outdoor setting. Pero hindi ito katulad sa mga napapanaginipan ko. Inaalala ko kung ano nga ba ang nangyari ng mga panahong ito.
Ito kasi ang kauna-unahan na nagbago ang setting. Ngayon ay nasa loob na ako ng library at ginagawa ang palagi kong ginagawa noon habang bakante ang klase. Mahilig kasi akong magbasa kaya ganoon.
"Hi, ikaw ba si Aarya?"
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang makita ko ang pamilyar na itsura ni Khazer noong teenager pa lang siya kagaya ko. If I was not mistaken, ito ang una naming pag-uusap at ang...araw kung saan nakapagdesisyon siyang paglaruan ako!
Magulo ang kaniyang buhok pero gwapong-gwapo pa rin siyang tingnan. Ang makukuraba at mahahaba niyang pilikmata ay binibigyang diin ang kaniyang kulay tsokolateng mga mata, para bang nanghi-hypnotize ang mga mata nito. Ang kaniyang ilong ay matangos at ang kaniyang labi ay kasing pula ng rosas.
Nasa grade ten pa lang kami ay masyado na itong matangkad, kasing tangkad niya ang mga lalaking nasa senior high school. Ang kulay ng kaniyang balat ay tanned na mas nakakapagdagdag ng kaniyang kagwapuhan.
Hindi makapaniwala ang batang Aarya na kinakausap siya ng isang Khazer Leonardo. Kompara kasi sa kasikatan nito, isa lamang siyang ordinaryong estudyante na mahilig lang mag-aral. Hindi siya makapaniwala na napansin ni Khazer ang presensiya niya.
Hindi ko mapigilan ang galit na umusbong sa aking dibdib dahil sa nakikitang senaryo. Naninikip ang dibdib ko dahil sa nakikita. Magaan man ito kung ituring ng iba pero para naman akong pinapasakitan. Pinapaalala lamang nito sa akin ang unang pag-uusap namin. Ang simula ng lahat!
"H-huh? Ah o-oh," nauutal na sagot ng batang Aarya. Hindi ko mapigilang maawa sa young self ko dahil sa nakikita ko ngayon. She was too young and naive to be played by that boy. Kaya ako nauutal diyan ay dahil masyado akong nabigla sa pakikipag-usap niya sa akin. Sino ba naman kasing mag-aakala na ang pinakasikat na lalaki sa buong school na walang iba kung hindi si Khazer Leonardo ay kakausapin ang kagaya ko? Isa lamang akong simpleng estudyante na mahilig magbasa at may gusto sa kaniya.
"Ako pala si Khazer," sabi ng batang Khazer sabay suklay ng kaniyang buhok gamit ang mga daliri. Ang batang Aarya ay para lamang natulala at hindi pa rin makapaniwala. Ito kasi ang unang beses na nasilayan niya ito nang malapitan.
Nagtagis ang bagang ko nang makitang nahihiya at napakamot pa sa batok si Khazer na balak na pa lang saktan ako una pa lang. This pretentious jerk, alam kong may binabalak siya sa akin! May nahihiya-hiya pa siyang nalalaman diyan!
Gusto kong balaan ang batang Aarya pero kagaya ng mga nakaraan kong panaginip ay panonood lang ang nagagawa ko. Para akong pinapasakitan. I wanted to save my poor young self from him but I couldn't, I felt so useless. Isang pasakit ang panaginip na ito—parang isang bangungot!
"O-Oo kilala kita," nauutal na sabi ng batang Aarya.
"Gano'n ba? Hindi ko alam na sikat pala ako rito?" pagbibiro pa ng batang Khazer. Napairap ako dahil sa sinabi niya, mapagpanggap talaga. Paano naman ako magiging sikat kung isa lang naman akong commoner sa school namin. Kaso siyempre, dahil masyado pang bata, ay kilig na kilig ang batang ako. "Aarya p'wede bang tumabi?" At dahil masyado akong mabait no'n ay tumango ang batang Aarya bilang pagpayag sa gusto nito. Nakita ko ang pamumula ng pisnge ng batang Aarya dahil pumwesto ang batang Khazer sa kaniyang tabi.
I could still remember that day, para akong nasa alapaap niyan. Kung alam ko lang sana ay hindi na dapat ako pumayag! Siguro, kung alam ko lang ang plano nila ni Preslyn ay iniwasan ko na lang siya o naghanap na lang ng ibang magugustuhan. Sana lang ay nakilala ko na noon pa si Jaylon nang mas maaga. Baka naging maayos pa sana ang buhay ko.
"Anong ginagawa mo?" patuloy na tanong ng batang Khazer at napatingin sa gabundok na libro na nasa mesa ng batang Aarya.
Obvious naman, nagtatanong pa. Noon pa talaga ay may pag-low gets na si Khazer. Mahina siya sa klase dahil nasa barkada ang atensyon pero mabilis naman siya nakakaintindi. Wala lang talaga masyadong interes sa pag-aaral. Hindi ko alam kung bakit hindi ako na-turn off sa kaniya.
"Nag-aaral at gumagawa ng assignment," tipid na sagot ng batang Aarya. Tandang-tanda ko na halos hindi ako makahinga dahil sa lapit namin, tapos kinakausap niya pa ako.
"Ako rin, p'wede bang magpaturo?" tanong ng batang Khazer .
"H-huh? Ah sige."
Rupok ko talaga no'n. Litse.
"Salamat."
"Hi Aarya, alam mo bang crush ka nitong kaibigan namin?" biglang sabi ni Blake na kaibigan ni Khazer. Bigla na lang ito sumulpot sa isang tabi. "Kalat na nga sa loob ng campus 'yon eh, hindi mo ba alam?"
Umiling ang batang ako at nahihiya. Napairap ako nang yumuko rin si Khazer dahil sa sinabi ng kaniyang kaibigan. Tandang-tanda ko pa ang nararamdaman ko sa araw na iyan. Parang hindi kakayanin ng puso ko ang mga sinasabi nila. Hindi ako makapaniwala sa kanilang ibinalita.
"Hay nako! Mabuti pa at sumama ka na lang sa amin mamaya, Aarya. Gagawa kami ng assignments sa bahay namin. Pupunta rin si Khazer mamaya, para naman magkita at magkasama kayo paminsan-minsan." Biglang sumulpot si Preslyn. Mas nainis ako dahil kitang-kita ko kung paano nila ako pinagtulong-tulungan. Hindi na ako nakatanggi sa araw na iyan dahil kinulit nila akong sumama.
Biglang nag-iba ng ayos ang paligid. Nakita ko ang sarili ko na nakaupo sa sasakyan sa aking tabi. Kung hindi ako nagkakamali ay hinahatid ako ng driver namin sa mansyon ng mga Maniego ng mga sandaling iyan. Kumpleto na sila nang dumating ako at naglalaro lang sila ng ML.
"Oy! Nandito ka na pala, Aarya." Nakita ko ang pagsalubong ni Khazer sa batang ako sa pinto. Kitang-kita ko ang pamumula ng pisnge ng batang ako nang hinawakan niya ang kamay ko habang papunta kaming dalawa sa sala.
Napa-facepalm ako nang makita ang batang ako na nagpahila na lang sa kaniya at yumuko. Natatandaan ko pa ang nararamdaman ko ng mga oras na iyan. Pakiramdam ko sa sandaling iyan ay napunta sa mukha ko ang lahat ng aking dugo. Ito kasi ang unang beses na hinawakan niya ako sa kamay. Nakakainis pa dahil para akong nababaliw ng mga sandaling 'yan. Simpleng hawak lang naman ang ginawa niya pero ang saya-saya na ng pakiramdam ko.
Nang makarating sa sala ay nilagay ng batang ako ang lahat ng dalang gamit sa center table at isa-isang tinapos ang assignment ko. Napatingin pa ang batang Aarya sa mga kaibigan ni Khazer napatuloy pa rin sa paglalaro.
Blanko ang mukha ko habang ipinagsasalin ni Khazer ng maiinom ang batang Aarya. Pagkatapos niyon ay bumalik din kaagad ito sa mga kaibigan niya.
My hands balled into fist. Nakita ko ang batang Aarya na mag-isang ginagawa ang assignment nila pati ang mga projects nila. Kinaibigan lang naman kasi nila ako para maging tagagawa ng mga school works nila, hindi para maging totoong kaibigan. Ginamit lang talaga nila ako.
Sa pagkakatanda ko, simula nang araw na iyan ay madalas ko nang nakakasama ang grupo nila. Palagi ko rin silang tinutulungan sa mga assignment at project nila. Masaya na ang batang ako kahit pagod at least nakakasama ko si Khazer. Mabait siya sa akin at malambing kaya para sa akin, sulit pa rin.
Biglang nagbago ang paligid at nakita ko ang sarili kong naglalakad sa hallway ng school. Excited na akong pumunta sa library dahil magpapaturo raw sa akin si Khazer at kami lang daw na dalawa.
"Narinig ninyo na ba ang balita about kay Aarya and Khazer?"
Nakita ko ang batang Aarya na biglang napahinto nang marinig ko ang pangalan ko. Boses iyon ng isa sa mga kaibigan ni Preslyn at Khazer. Nakatalikod sila kaya hindi nila namalayan ang batang Aarya. Nagtago ang batang Aarya malapit sa kanila at pinakinggan ang sinasabi nila.
"Bakit? Sila na ba? Balita ko nanliligaw raw si Khazer sa kaniya," tanong ng isa sa mga kasamahan nila.
"Hindi pa pero nagdududa ako na sinasakyan at ginagamit lang nila 'si Aarya. Hindi naman ako sigurado pero base lang sa hinala ko. May iba-iba naman tayong opinyon. Pero kasi sa tingin ko lang talaga ginagamit lang siya ni Khazer kasi hanggang ngayon ay si Preslyn pa rin ang nakikita kong dini-date niya. Nakita ko nga sila kahapon, ang sweet nilang dalawa. Nag-picnic pa sila sa Donna Raising Park. Iniisip ko pa lang kung ano ang maaaring kahihinatnan ni Aarya ay naaawa na ako sa kaniya. Sayang nga matalino pa naman kaya lang hindi man lang nakakahalata."
Naawa ako sa batang Aarya habang pinagmamasdan ang pagtulo ng inosente nitong luha sa mga mata. Parang pinunit ang puso ko sa nakikita. Alam kong nahihirapan ang batang ako na tanggapin ang narinig. Gusto ko siyang aluin at ilayo pero hindi ko magawa. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha niya at halos namumula na ang ilong.
"Sus, tama pala ang hinila ko! Parang imposible naman kasing seryoso si Khazer sa kaniya. Palagi ko kayang nakikita silang magkasama ni Preslyn na silang dalawa lang. Magkasama rin silang dalawa sa isang restaurant no'ng nag-family dinner kami. Ang sweet nga eh, nakakainggit."
Napahawak ang batang ako sa dibdib na para bang tinarak ang puso niya ng ilang kutsilyo. Nang mga panahon kasing 'yan ay nagpapakita na sa akin si Khazer ng motibo at palagi ko pang ka-text at katawagan. In short, may unawaan na kaming dalawa.
"Narinig ko ring nag-uusap ang dalawa sa likod ng classroom. Sinabi ni Preslyn na okay lang daw ang ginagawa ni Khazer para hindi na raw sila mahirapan pa sa mga assignment nila. At para mas mahaba raw ang oras nila para makapag-bonding sila. Tingin ninyo guys, si Preslyn kaya ang nag-utos kay Khazer na maging sweet kay Aarya?"
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang batang Aarya dahil sa narinig. Wala ni isa sa mga ito ang nakapansin sa presensiya niya. Patuloy pa rin sila sa pagtsitsismisan kahit na nakagawa na siya ng ingay dahil sa paghikbi.
Natatandaan ko na ang sakit-sakit sa pakiramdam ng mga panahong iyan pero sinabihan ko ang sarili ko sa araw na iyan na hindi dapat ako maniwala sa mga tsismis. Kahit gaano kasakit ay dapat hindi ko pangunahan si Khazer. Mas naniwala pa rin ako na hindi ako magagawang paglaruan ni Khazer dahil sinabi niyang gusto niya ako.
Sabi kasi ni Khazer sa akin ay kaibigan lang daw niya talaga si Preslyn at wala siyang nararamdamang espesyal sa babae. Kung totoo man 'yon, dapat daw ay hindi niya ako nilalapitan. Nagpaparamdam na siya sa akin ng mga panahong 'yan kung kaya't hindi ako naniwala sa mga sinasabi nila.
Naniniwala ang batang ako na kung totoo man ang lahat na pinag-uusapan nila ay dapat sa kay Khazer ito manggaling. Dapat aminin niya sa akin nang personal at dapat magpaliwanag siya sa 'kin nang maayos. Maiintindihan ko naman siguro kung ipapaliwanag niya lang sa akin.
Nakita ko ang batang ako na nagmamadaling kinuha ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Khazer pero hindi ito sumasagot sa mga tawag ko. Sinubukan ng batang ako ang muling pagtawag kay Khazer pero wala pa ring sumasagot. Ilang beses ko pang inulit pero wala pa ring sumasagot hanggang sa naubusan na ng baterya ang hawak kkng cell phone.
No'ng mga araw na iyan ay gusto ko siyang pakinggan. Gusto kong magpaliwanag siya sa 'kin. Bakit may mga tsismis na kumakalat tungkol sa panloloko niya sa 'kin? Tuloy hindi ako mapakali sa loob ng kwarto.
Pero nakatulog na ako sa pagsusubok na makausap siya pero hindi ko man lang siya narinig magpaliwanag.
***