Chapter 8

2162 Words
"Hi," salubong sa akin ni Jaylon nang makaalis ako galing sa dancefloor. Nakakuha na ako ng inumin sa dumaan waiter nang lumapit ito sa akin. Kasing liwanag ng umaga ang ngiti niya sa akin nang lapitan ako. Bigla nawala ang iritasyon ko nang makita siya. Sa isang iglap lang ay nawala ang pagka-bad vibes ko dahil kay Khazer. Ang gaan-gaan niya talaga kausap. We took a table for two and began to talk about random things. Masarap siyang kasama at masarap din siyang kausap. Halos mapunit na nga ang labi ko sa kakangiti at tawa sa mga kuwento niya sa akin. Napakadaldal niya pala at halos lahat ng bagay noong high school na related sa akin ay sinabi niya. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong naging crush niya ako dahil kahit ata kulay ng bag ko ay tandang-tanda niya. Hindi ko mapigilang makita ang sarili ko noon sa kaniya. Sa mga kuwento niya kasi ay para siyang isang totoo kaibigan ng lahat dahil palagi siyang nagpapakatotoo sa kaharap maging sa akin. Kakakilala ko lang sa kaniya pero may pakiramdam akong maaasahan at mapagkakatiwalaan ko siya. Hindi tulad ni Khazer na manloloko—galit ako sa mga taong manloloko at nanguna siya sa listahan. Bakit ko ba sila pinagkokompara? Obvious naman na malayo silang dalawa. Khazer was a heartbreaker while Jaylon was kindhearted and gentleman. Oo, mas gwapo si Khazer kaysa kay Jaylon, pero lamang na lamang naman ito sa ugali. At 'yon siguro ang mahalaga sa akin. Aanhin ko naman ang itsura kung manloloko? Napaisip tuloy ako na sana ay noon ko pa siya nakilala o naging kaibigan. Kung ganitong kaya niya pa lang pagaanin ang loob ko siguro ay hindi ako masyadong nae-stress noon sa mga pinagdaanan ko. Pinagpatuloy namin ang pagkukwentuhan habang nag-iinuman. Bigla kong napansin ang masamang titig sa amin ni Khazer nang nadatnan ko siya, hindi ko na lang siya pinansin. Bakit ba nasa akin ang atensyon niya? Dapat si Preslyn ang pinapansin niya, hindi ako. Biglang sumingit sa amin si Sussette at ngayon ay panay na ang tawa dahil sa mga topic ni Jaylon. Halos hindi kasi ito maubusan ng topic. Kahit hindi sabihin ni Sussette ay alam kong nakuha rin agad ni Jaylon ang tiwala niya. Dahil din kay Jaylon ay nakalimutan na niyang pansinin ang ultimate crush niya noong high school pa lamang kami. Sussette was shamelessly shipping us, wala naman itong problema sa akin pero pansin ko na nagiging kamatis na ang mukha ni Jaylon. Lasing na si Sussette kaya mas lalo itong naging madaldal. Nang hindi ko sinasadyang mapabaling sa gilid nang pwesto namin ay nakita kong nando'n na sila Khazer. Nakakapit si Preslyn sa braso niya at natawa pa ako dahil masyado itong possessive sa lalaki. Nang mapansin ni Preslyn na binibigyan ko sila ng atensyon ay hindi na siya umalis sa tabi ng binata. Mas lalo pa siyang kumapit kay Khazer na akala mo ay aagawin ko. Inalis ko na lang ang tingin ko sa kanila at nakipag-inuman na lang sa dalawa. Marami na akong nainom pero nasa wisyo pa naman. Bagsak na si Sussette pero okay pa naman si Jaylon. Medyo naging competitive ako kasi hindi pa ito bumabagsak, sino kaya ang unang malalasing sa aming dalawa? "You're a hard drinker, huh?" "Yeah, and you can't beat me," sabi ko. "Wanna bet?" "What's the—" Naputol ang sinasabi ko dahil sa biglang sumulpot. "Tama na yan! Nakakarami ka na," pigil ni Khazer sa akin at inagaw ang hawak kong baso. Galit na ang hitsura niya at masyadong mabagsik habang nakatingin kay Jaylon na para bang gusto niya itong suntukin. Hindi ko alam na lahat pala ng shots ko ay pinapansin ni Khazer. Kailan pa siya naging concern sa akin? Ano na namang palabas ito? Plano na naman ba nila ito ni Preslyn? Pakiramdam ko kung magtatagal pa ako rito ay mababaliw na ako dahil sa kakatanong sa sarili ko. Ang lakas talaga ng loob niya at iniwan pa talaga si Preslyn para lang pigilan ako. Ano ba 'to? Pakitang tao! Kagaya ng ginawa niya sa akin dati! When I looked into his eyes, I could see his concern and sincerity. Pero ayaw kong maniwala sa aking nakikita dahil gano'n din siya no'n sa 'kin. May mga tao kasing magaling lang magpanggap. And based on my experience, siya ang pinakabihasa sa larangan ng pagpapanggap. Lalo na siguro sa nakalipas na walong taon. Alam kong nag-improve ang pagiging mapagpanggap niya! Kilalang-kilala ko na siya at ang mga nakuhang mga aral ko noon ay dapat kong tandaan ngayon. Mahirap siyang pagkatiwalaan at ayaw ko na siyang pagkatiwalaan pang muli. Sobrang tanga ko na kung magpapalinlang pa ako sa mga kilos niya. Dahil sa inis sa kaniyang pangangailam sa akin ay tiningnan ko siya nang masama. Medyo lumakas pa ang loob ko dahil nakainom ako. Malas niya. "Puwede ba? Huwag mo akong pakialaman!" sigaw ko at inagaw ko ulit ang baso mula sa kaniya at mabilis na tinulak sa aking lalamunan. Pinagtitinginan na kami pero wala akong pakailam. Sinisira niya ang gabi ko! Si Jaylon nga, nakikipagsabayan sa akin tapos siya akala mo naman boyfriend ko. We were adults now, sana'y huwag niya na akong pakailaman. "Kanina ka pa umiinom, lasing ka na," nag-aalala niyang sabi sa akin. "Kaya ko ang sarili ko at hindi pa ako lasing. P'wede ba 'wag kang epal? Ang hilig mo talagang manggulo. Nakita mong nag-uusap at nagkakasiyahan kami rito? Nasa'n na ba ang breeding mo?" masungit kong reklamo sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Hindi pa rin ito natinag at mukhang wala pa ring balak umalis sa kinatatayuan niya. Sumasakit na ang ulo ko sa kaniya. Ito ba ang plano nila? Ang pumutok ako sa inis at mag-eskandalo? Tapos papalabasin nila na concern sila sa akin at ako pa ang may kasalanan! Tiim-bagang niya akong tinitigan habang nakakuyom ang kaniyang mga kamao. Nakatingin lang siya sa akin nang mariin. Bago pa siya nakapagsalita ay may pumagitna na sa amin. "Aarya, mabuti at nakarating ka! Pasensiya na dahil hindi ko kayo agad nilapitan. Kinausap ko pa kasi ang ibang mga bisita. And please enjoy the night," masuyong sabi ni Preslyn. Nagulat ako nang bigla na lang itong sumulpot at nagsalita. Kumapit siya kaagad sa braso ni Khazer at nginitian niya ito nang ubod ng tamis. Kung hindi ko lang talaga alam na halang ang bituka niya, paniwalang-paniwala sana ako. Tanging tango lang ang naging sagot ko sa kaniya. Gano'n din ang nagawa ng dalawa ko pang kasama. I wanted to roll my eyes because she was now being sweet to him. As if, affected ako. Isaksak niya sa baga niya 'yang lalaki na 'yan. Sana naman ay hilahin niya na paalis ang kasama niya para huwag na kaming pakailaman dito. Tatalunin ko pa si Jaylon sa inuman dahil hindi pa ito nalalasing! Ang epal-epal naman kasi ng boyfriend niya! "Aarya, Sussette, Jaylon, and Khazer," sabi niya at malanding tumingin kay Khazer. "Maiwan ko muna kayo rito. I have an announcement to make," sabi niya. Tumango lang ako kahit hindi sa akin big deal 'yon. Pakailam ko sa announcement niya? Nakita ko ang pagtakas ng pagtataka sa mukha ni Khazer na para bang wala itong idea sa iaanunsyo ni Preslyn. Pinagkrus ko na lang ang aking mga braso sa ibabaw ng aking dibdib at sinundan ng tingin si Preslyn. Naglakad siya nang dahan-dahan papalapit sa stage at kinuha agad ang mikropono. Nakangiti siya nang komportable habang ang lahat ay sa kaniya na ang atensyon. Nagbigay galang pa siya bago sinabi ang gustong niyang iparating. "Thank you for coming to our high school reunion," sabi niya na para bang siya ang ipinunta namin dito. Bored ko lang siyang tiningnan at hinintay pa ang susunod niyang sasabihin. "As we celebrate this moment for reuniting with our old friends, I want you to know that Khazer and I have been hiding this for a long time. I invited you all to know about a very significant news. Kaya namin napili ang gabing ito ay dahil ito rin ang araw na niligawan ako ni Khazer, eight years na ang nakakalipas. This is a memorable day for us. Yes, you heard it right, that is our secret we hide from you," natatawa niyang sabi habang nakangiti siyang tumitig kay Khazer. I groaned. Anong secret pinagsasabi niya? Alam kaya ng lahat ang relasyon nila! She was just blabbering in front of them. I couldn't help but roll my eyes. Immature. "Siguro kung sinagot na kita noon ay eighth anniversary na sana natin ngayon," nakangiti niyang sabi at direktang nakatitig lang sa lalaking tinutukoy. "And thank you for waiting for me. But now, your waiting is now over. Finally, I am ready at sinasagot na kita, Khazer Leonardo." Mas nawirduhan ako sa mga ka-batch namin. Pumalakpak kasi sila sa walong taong obvious na balitang ito. Hindi pa pala sila sa lagay na iyon? "Thanks for your love and patience. Thanks for making me feel happy, for treasuring me. And to everyone, gusto ko lang sabihin sa inyo na espesyal sa aking ang gabing ito. It’s my lucky number, by the way. I want to share my happiness with you guys. Thank you sa mga taong patuloy na sumusuporta sa love team namin ni Khazer. Kayong lahat ang saksi sa pinagdaanan namin ni Khazer. Kaya nagpapasalamat ako sa inyo, thank you again," masaya niyang sabi at agad din lumapit sa gawi namin kung nasa'n din si Khazer pagkatapos niya mag-announce. Binigyan niya ako ng isang plastik na ngiti no'ng magkadaupang-palad ang mga tingin namin. Nang tiningnan ko si Khazer ay kita ko sa kaniyang mukha ang pagkagulat. Hindi ko matukoy sa hitsura niya kung masaya ba siya o hindi. So, heto siguro ang main pasabog ni Preslyn! Kaya niya siguro ako sinama sa imbitasyon ay para marinig ko ang lahat ng ito. Napakaisip bata talaga. Kung hindi lang maganda ang babaeng 'yan, iisipin kong insecure siya sa akin. Akala naman niya apektado ako. Pinatakan n'ya ng isang halik ang binata saka nagsipalakpakan ang mga tao sa paligid. Ayaw kong maging bitter kung kaya’t sumabay na rin ako kahit nawiwirduhan at natatawa ako sa kanila. Medyo nagbago ang mood ko nang naging masuyo ang halik ni Preslyn at nagtagal ang paghalik niya kay Khazer. Pinakiramdaman ko ang aking sarili at gaya pa rin ng dati, apektado pa rin ako. Hindi ko maintindihan! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Matapos ang party ay nagsiuwian na ang iba at ang iba naman ay nag-stay sa hotel. Kumuha ako ng room para kay Sussette dahil hindi na nito kaya pang mag-drive pauwi. Tinawagan niya kasi ang tauhan ng Daddy niya na pahatiran siya ng kotse dahil hiwalay ang daan namin pauwi. Nagpaalam na rin ako kay Jaylon Salmonte kahit nagpupumilit pa ito na ihatid ako. Wala na siyang nagawa nang tanggihan ko. Sinabi niyang nag-aalala s'ya sa kalagayan ko pero tumanggi ako at sinabing kaya ko. Masyado itong sweet at concern, isa sa mga katangiang hinahanap ko sa lalaki pero napagdesisyonan ko na hindi ko na papalalimin pa ang relasyon namin. Hanggang kaibigan lang talaga ang maibibigay ko sa kaniya. Ayaw ko lang kasi siya masaktan lalo na ngayong napagtanto ko na kahit papaano ay apektado pa rin ako sa dalawa. Makokonsensya ako kung pagbibigyan ko siya o bibigyan ng motibo. "Don't bother Jaylon, I'm fine. Mas tipsy ka pa nga sa akin eh!" natatawa kong sabi sa kaniya. Totoo naman kasi. Ang totoo niyan ay hindi pa ako lasing at wala 'yong mga nainom ko ngayon kompara sa mga naiinom ko sa Cardinal Bar. Napahawak na lang ito sa batok niya dahil sa hiya. Nakakapagod naman ang gabing 'to. Pagod nga ba ako o masyado lang akong apektado kaya pagod ako? Dahil ba nagkita kami ulit ni Khazer after how many years? At nakita ko ulit silang dalawa ni Preslyn na sweet? O dahil hanggang ngayon ba ay hindi pa rin ako nakaka-move on? Marami akong katungan sa aking sarili kahit halata naman ang sagot. Habang nagmamaneho ako pauwi ay hindi ko makalimutan ang mga nangyari kanina. Paulit-ulit na rumurehistro sa aking isipan ang ginawa nilang halikan malapit sa akin. Kahit hanggang sa pag-uwi ay hindi ko pa rin magawang makalimot. Ilang beses kong minura ang sarili sa isip ko at pinilit na makatulog. Ngunit kahit siguro sa panaginip ay si Khazer pa rin ang laman. Tumayo ako at binuksan ang refrigerator upang kumuha ng maiinom na nakakalasing. Kailangan lunurin ko pa ang sarili ko sa alak para makatulog ako kaagad. Hindi ko na kasi nagugustuhan itong mga iniisip ko. This was my way to forget him and everything he did to me. This was my only hope. Nang marami na akong nainom ay nararamdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata hanggang sa nakatulog na ako. Sana bukas ay 'wag na kaming magkita pa. Ayaw ko nang pahirapan pa ang sarili ko. At wala akong ibang ginusto kundi ang makaalis sa bangungot na ito. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD