bc

Loving You Breaks My Heart

book_age18+
2.2K
FOLLOW
8.5K
READ
revenge
possessive
sex
second chance
arrogant
betrayal
cheating
lies
rejected
addiction
like
intro-logo
Blurb

Paano kung masaktan ka dahil sa paniniwalang totoo ang lahat ng pinapakita sa'yo ng taong mahal mo?

Nagkamali ng paniniwala si Aarya dahil ang buong tiwala niya ay pinaubaya niya kay Khazer Leonardo. Naniwala siyang tapat ito sa panliligaw sa kanya. Ngunit isang bangungot ang nagpapahirap sa kanya gabi-gabi mula ng malaman niyang ginamit lamang siya dahil sa personal na interes.

At ang katotohanang 'yon ay ang dahilan ng pagkadurog niya. Pagdurusa na kahit nabubuhay ay para na ring patay.

Paano kung minsan ka ng naging tanga dahil nalaman mong may mahal na siyang iba?

Paano kung pagkatapos ng mahabang panahon ay binigyan mo pa rin siya ng pangalawang pagkakataon pero sa huli ay hindi pa rin ikaw ang pinili niya?

Kakayanin pa ba ng puso ni Aarya na

patawarin si Khazer Leonardo gayong ilang beses na niyang binigo ang dalaga?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"What the h*ck! I thought the great Aarya Allonto is smart? Then what's going on? Why is she so stupid?" reklamong sabi ni Debby, isa sa mga kaklase ko na kasalukuyan akong minamata ngayon kasama ang mga kaibigan niya. Nakarinig ako ng tawanan sa banda nila, at alam kong ang sinabi niya ang dahilan ng kanilang pagtawa. Hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng panliliit. Pakiramdam ko, para akong kandila na unti-unting nauupos dahil sa hiya. Ilang araw na nila akong ginagaganito. They used to be kind to me but they were now acting like this. They were bullying me. They were throwing bad words to me. Hindi ko sila maintindihan kung bakit nila ito ginagawa sa akin. Sa pagkakatanda ko ay naging mabuti ako sa kanila. Wala akong ginawa para maging deserve ko itong ginagawa nila sa akin. At buong buhay ko, wala akong inaalisputang tao. Hindi ko lubos maisip kung bakit ‘to nangyari sa 'kin. At imbes na damayan nila ako ay kabaliktaran ang nakuha ko sa kanila. Hindi ba nila tanda na ilang beses ko rin sila tinulungan noong nangangailangan sila? Naging mabait ako at matulungin. Bakit ganito ang ginagawa nila sa akin? Lahat sila ay pinagtatawanan ako dahil alam nila na naniwala ako sa isang tao na akala ko ay mapagkakatiwalaan ko. I fell in love with that man at iyon ang pinakamalaki kong pagkakamali. Pinaglaruan lang kasi ako nito na parang isang manika at tinapon na lang dahil wala ng silbi. Lumabas na lang ako ng room para makaalis sa kanila. Pakiramdam ko ay pinagkakaisahan nila akong lahat. Pakiramdam ko ay wala akong kakampi sa silid na iyon. Naninikip lamang ang dibdib ko dahil doon. Ang sakit ay tumatagos sa aking puso. Bakit ganoon silang tao? "I know her. She is the smartest in their class, right? But in reality, the smartest person is the dumbest person when it comes to love. Isn't she pathetic?" sabi ng isa sa mga kaibigan ng kaklase ko at hindi ko alam kung sinsero ba ito sa kaniyang komento. Nakita kong sumunod pala sina Debby sa akin at nakisali sa kanila. Taimbes mabawasan ang nararamdaman kong sakit ay mas lalo lamang ito umusbong nang lumabas na ako. Ang mga babae sa hallway ay ako rin ang pinag-uusapan, dumagdag pa sina Debby. Marahil ay alam na nila kung ano ang ginawa sa akin. Pero bakit? Alam nila ang nangyari sa akin pero bakit parang kasalanan ko pa? Ako ang naging biktima! Tiningnan ko ang nagsalitang babae. Maarte siyang kumilos at inirapan pa ako. Madalas ko siyang makita dahil magkatabi lang ang classroom namin. Sa tuwing dumadaan ako ay nakikita ko silang ako ang pinag-uusapan. Dahil ganoon na lang ang nangyayari araw-araw ay parang gusto kong huminto na lang sa pag-aaral. I could no longer endure the pain and painful words they were throwing at me. Lahat sila ay nagalit na lang sa akin bigla, lahat ng respeto nila sa akin ay bigla na lang nawala na parang bula. "What a shame! Is she hoping na magugustuhan siya ni Khazer? She's dreaming!" naiiritang sabi ng kasama niya at inirapan pa ako. Heto na naman sila at nagpaparinig. Araw-araw na lang. Kailan ba ito matatapos? "She is so stupid! If she is that smart, why didn't she realize that he was fooling her? Ganoon ba talaga siya kabobo?" hindi makapaniwalang tanong ng babaeng kaibigan din nila na may kulot na buhok na sa pagkakaalam ko ay Nina ang pangalan. "Ang sabihin mo, matagal na siyang nakakahalata pero nagpapakamartyt lang. It was Khazer, who would let the opportunity pass, right?" maarte nitong sabi habang pinanliliitan ng mata ang kaharap. "Kahit naman ako magpapakatanga rin," sagot ng isa nilang kasama. "Yucks! As if I'll do that! Over my beautiful dead body! Hindi ko ibababa ang sarili ko para lang sa isang gwapo!" kontra naman ng isa niyang kasama na si Carol. "And that's the lesson we should learn dahil kahit mga matatalino ay naloloko rin, tayo pa kaya?" pinal na sabi ni Nina. "Ang sabihin mo, tanga lang siya!" ani ng isa sa mga kaibigan nila. "Kung ako sa kaniya ay wala na akong mukhang maihaharap sa school. My God, ang ambisyosa!" maarteng sabi ni Debby at halalatang naiirita sa akin. She knew me very well pero bakit ganito siya? She should defending me pero iba ang lumalabas sa bibig niya. "Yucks, I can't believe this. She is so unbelievable!" naiinis na sabi ng isa sa aking kaklase. "Ano bang nakain niya? Oo, maganda naman siya pero hindi naman niya kayang tapatan si Preslyn." "Sino ba siya para mangarap nang gising? Kung ako sa kaniya ay magbigti na lang kaya siya," natatawang sabi ni Debby na kaklase ko. Napayuko lamang ako dahil sa sinabi niya at nangingilid na naman ang mata ko. Ang sakit sa pakiramdam, para akong isang sorbetes na unti-unting nalulusaw. Ang mas masakit pa ay hindi lang nila ako hinuhusgahan, kinokompara pa nila ako sa babaeng alam kong wala akong panama. I have lost my appetite, my desire to study and my self-confidence dahil sa lahat ng mga naririnig ko. Ang mga salitang kanilang binibitawan laban sa akin ay nakakapanghina. Paulit-ulit kong naririnig ang masasakit nilang salita. Gusto ko silang patigilin pero hindi ko magawa. Parang gumuho ang mundo ko sa isang iglap lang. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang aking paningin dahil lahat sila ay napapalibutan ako. Umikot ang buong paligid at ang mga tawa nila ay nakarehistro sa aking isipan. Napatakip ako ng dalawa kong tainga gamit ang aking mga kamay habang patuloy na umiiyak. Nagsisimula na ring sumakit ang aking ulo kaya isang malakas na sigaw ang aking nagawa. Nagmamakaawa ako na tigilan na nila ako. Hanggang sa isang malakas na tunog ang gumising sa akin na nagmumula sa alarm clock na nakalagay sa aking mini table. Napuyat ako kagabi dahil sinamahan ko si Sarry sa bar para i-comfort. Siya ay isa sa mga tunay kong kaibigan na palagi na lang nasasawi sa pag-ibig. Pinahid ko ang lahat ng pawis sa aking noo gamit ang isang maliit na tuwalya na para sa mukha. Wala yatang parte sa katawan ko ang hindi pinagpawisan. Maging ang ulo ko ay basang-basa rin. Sa tuwing nagigising ay para akong isang pasyente sa isang ospital na nanghihina at naghihingalo na para bang malapit nang mamatay kapag napapanaginipan ko ang nangyari noong high school ako. Hinihingal ako at pilit na hinahabol ang aking paghinga. Noong una ay kinabahan ako nang sobra ngunit kalaunan ay nakasanayan ko na rin. Hanggang sa gabi-gabi ay naging paulit-ulit na lang ang ganitong bangungot. Hanggang sa umabot sa punto na namamanhid na ang buo kong pagkatao. Parang naging normal na lang ang paglabas sa panaginip ng lahat ng mga nangyari sa akin noong high school ako. Pagod na akong lumaban at ayaw kong paasahin ang aking sarili dahil kahit anong gawin ko ay walang kahit anong gamot ang puwedeng makatulong sa akin. At tatanggapin na lang sa sarili na ganito ako ka miserable. Wala na akong magagawa dahil patuloy pa rin akong pinapahirapan ng aking nakaraan. Nakita ko ang kamay kong nanginginig dahil sa napanaginipan—sa bangungot na akin namang nalampasan. Sana ay hindi na ako managinip ng ganoon. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
219.7K
bc

Unexpected Romance

read
40.5K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
52.4K
bc

Unwanted

read
520.9K
bc

Broken Angel

read
4.7K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
86.6K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
547.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook