Chapter 10

2166 Words
Gusto ko nang magising sa panaginip na ito nang unti-unting nagbago ang paligid sa hallway ng school. Naninikip ang dibdib ko nang makita ko ang batang Aarya na namumugto ang mata matapos hindi sagutin ni Khazer ang mga chats, tawag at calls niya. He didn't block me that time but it was obvious that he was ignoring me. Natatandaan ko na panay naman ang post ni Preslyn sa kaniyang mga social media account ng picture nila ni Khazer na magkasama kaya nagda-doubt na rin ako sa lalaki. Pakiramdam ko ay pinag-uusapan na rin ako ng lahat. Ito ang araw na ayaw ko na balikan. Pamilyar na pamilyar sa akin ang tagpong ito dahil dito winasak ni Khazer ang bata kong puso. He was courting me that time. He told me that he was in love with me, I reciprocate his feelings. Hinihintay ko na lang na mag-graduate kami sa highschool para payagan ako ng parents ko na makipagrelasyon. He promised me that he would wait for me. We had a mutual understanding. I was so happy because I had him, but he fooled me. Malinaw sa akin ang unawaan namin kung kaya't hindi ko magawang maniwala agad sa mga kumakalat na balita sa kanila ni Preslyn. Ngunit aaminin kong apektadong-apektado ako noon sa rumor dahil wala kaming label, lalo na't mas malapit talaga sila ni Preslyn kaysa sa akin. Ang pinanghahawakan ko na lang no'ng mga panahong iyan ay ang sinabi niyang magkaibigan lang talaga silang dalawa ni Preslyn. Napatigil ang batang Aarya sa paglalakad nang makita ang batang Khazer sa hallway. Ito lang mag-isa at walang kasama. Nakasandal ito sa school pillar habang nakapamulsa. Nakatingala siya at nakapikit. Kung wala sanang issue ng mga panahong 'yan sa relasyon naming dalawa ay baka pinagpantasyahan ko na siya. "Khazer," tawag ng batang Aarya sa kaniyang atensyon nang makalapit. Biglang kumunot ang noo ng batang Khazer pero nakapikit pa rin. Gusto ko siyang saktan dahil sa pag-iignora niya sa batang Aarya! "Kailangan nating mag-usap." "Puwede bang sa ibang araw na lang, Aarya? Wala ako sa mood makipag-usap sa iyo." "Gusto ko lang malaman ang totoo. Oo o hindi lang naman ang isasagot mo sa akin," sabi ng batang Aarya at hindi lang pinansin ang pakiusap ng batang Khazer. "Usap-usapan sa school na pinapasakay mo lang daw ako para mas mapadali ang mga performance task ninyo ng mga kaibigan mo. Totoo bang ginagamit mo lang ako para roon? Totoo bang sinamantala mo lang ang nararamdaman ko para sa iyo dahil sa ganoong rason?" Kitang-kita sa mukha ng batang Aarya ang pagka-badtrip dahil tinalikuran lang siya ng batang Khazer pagkatapos magsalita. Pinigilan ng batang Aarya ang batang Khazer bago pa ito makaalis. Kahit na nainis ay kitang-kita ang sakit na bumalatay sa mukha ng batang Aarya dahil sa pangbabalewala na ginawa ng batang Khazer. Hindi lamang ito kumibo at balak pa ring umiwas. Wala talaga itong balak na harapin ang batang Aarya. Papaalis na sana siya nang nagbato ulit ng tanong ang batang Aarya. "Khazer, totoo ba? Hindi naman totoo 'yon, hindi ba? Nagkamali lang sila. Imposible namang gawin mo 'to sa akin. Alam kong hindi ka ganoong tao. Hindi kita dapat pinag-iisipan nang masama." Nakikita ko ang panginginig ng mga kamay ng batang Aarya nang sinubukan niyang hawakan ang braso ng batang Khazer. "Aarya, s-sorry," nauutal na sabi ng batang Khazer at halos hindi makatingin ng diretso sa batang Aarya. "Anong sorry? Sorry saan? 'Di ibig bang sabihin nito ay pakitang-tao lang ang lahat ng mga pinakita mo sa akin? Na niloko ninyo akong lahat?" naiiyak na tanong ng bata Aarya. Gusto kong lumapit at yakapin siya. Ilang beses kong tinangka pero kagaya ng mga nangyari sa dati kong panaginip ay bigo pa rin ako. Tumagos lamang ako. Nagpakawala nang malalim na hininga ang batang Khazer bago tuluyang hinarap ang batang Aarya. "Gusto kita... pero hanggang kaibigan lang talaga, Aarya. May mahal na kasi akong iba." Parang sinampal ang batang Aarya dahil sa sakit na bumulatay sa mukha niya. Hindi ko siya sinabihang ligawan niya ako, pero pinapalabas niya sa araw na iyan na kasalanan ko ang nangyayari sa akin. Tangang-tanga at awang-awa ako sa sarili ko ng mga panahong iyan. Pinapalabas niya pa na parang ako pa itong nagpupumilit sa kaniya para masuklian ang mga ginagawa kong tulong sa mga kaibigan niya. At lalong lalo na sa kaniya. Hindi ko hiningi na ligawan at linlangin niya ako! "Wala akong gusto sa iyo, Aarya. Kung kaya't sana ay lubayan mo na ako." Isang sampal ang lumagapak sa pisngi ng batang Khazer. Hindi ko kasi talaga inakalang magagawa niya 'yon sa akin noon. Niloko niya ako. Pinaniwala niya ako! "Pinaasa't pinaglaruan mo lang ako? Bakit may hinihingi ba akong kapalit sa 'yo? Ikaw ang unang lumapit sa akin at nagparamdam. Hindi ko nga inakala na liligawan mo ako! Dahil lang ba sa pagtulong ko sa 'yo at sa mga kaibigan mo kaya napilitan ka lang sa akin? Hindi ko naman sinabing maging tayo bilang kapalit ng tulong ko. Kagustuhan mong saktan ako." "I'm sorry. " "Wala ka bang ibang sasabihin? Hindi mo ba ipapaliwanag sa akin kung ano ang dahilan mo? Kung ano ang rason mo?" Tinitigan niya lang ang batang Aarya, punong-puno ng awa ang mga mata nito. "Khazer, don't be sorry. Wala kang kasalanan. Siya naman ang may gusto nito, 'di ba? Higit sa lahat siya ang nakakaalam sa sarili niya. Kahit kailan hinding-hindi mo siya papatulan." Biglang sumulpot ang batang Preslyn sa eksena na may nakakalokong ngiti sa mukha. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkamuhi sa kaniya dahil siya ang nakaisip talaga nitong lahat! Siya ang nagtulak kay Khazer na lokohin ako! "Sinungaling ka! Manloloko!" Pinaghahampas ng batang Aarya ang batang Khazer, wala naman itong ginawa kung hindi tanggapin ang bawat hampas sa kaniyang dibdib. Bumuhos ang luha ng batang Aarya dahil sa reyalisasyong kasinungalingan lang ang lahat sa kanila ng batang Khazer. "How dare you!" sigaw ng batang Preslyn at tinulak ang batang Aarya. Sumalampak ang batang Aarya sa sahig at napangiwi dahil masakit ang pagkabagsak niya. Ni hindi man lang siya tinulungan ng batang Khazer na makatayo. "Wala kang karapatang saktan si Khazer. Kasalanan mo 'to dahil tanga ka. Naturingan ka pa naman ding matalino!" galit na sabi ng batang Preslyn at hinarang ang katawan niya sa batang Khazer. "'Wag kang makialam dito!" malakas na sigaw ng batang Aarya sa batang Preslyn pero hindi ito nagpatalo. "Kasalanan mo 'yan! Kung hindi ka lang naman kasi sana ambisyosa! Akala mo talagang papatulan ka ni Khazer? Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo! Isa pa, hindi ka niya pinilit na tulungan kami, ikaw 'yong nagkusa kaya 'wag na 'wag mo kaming sumbatan. Magpasalamat ka na lang dahil pinapansin ka ni Khazer at kinakausap. Hindi mo na kailangang magkandarapa para pansinin ka niya." "Tumahimik ka!" galit na sabi ng batang Aarya at hindi na mapigilan ang pagluha. "Ang arte, akala mo naman maganda." Sa tuwing nagsasalita ang batang Preslyn para kay Khazer ay mas lalong nasasaktan at naiinsulto ang batang Aarya. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Napansin ko na dumadami na rin ang mga tao sa paligid. Napuno ng bulong-bulongan ang hallway at ang iba ay tinatawanan pa ang sinapit ng batang ako. Kitang-kita ko kung paano nangliit ang batang Aarya habang pinapakinggan ang mga sinasabi nito, parang siya pa itong kontrabida't masama. "Matuwa ka na lang dahil nagkaroon ka pa ng chance na makasama at mahawakan siya. Hindi mo ba alam na nandidiri talaga siya sa iyo. Na pinipilit niya lang ang sarili niya samahan ka palagi dahil malaki ang utang na loob niya sa iyo. Dahil kung nagkataong matalino ako kagaya mo, hinding-hindi na siya lalapit sa 'yo kung kaya't pasalamat ka na lang!" Hindi pinansin ng batang Aarya ang mga pinagsasabi ng batang Preslyn, bagkus, tumingin lamang ito sa batang Khazer na tahimik lang sa tabi ng batang Preslyn. "Bakit mo 'to ginawa sa akin Khazer? Kahit naman hindi mo ako magawang gustuhin, okay lang naman sa akin. Sana hindi mo na lang ako pinahiya at niloko nang ganito. " "Ang kapal ng mukha mo, Aarya. Ito ang dapat mo gawin, gumising ka na! Iba ang pantasya sa reyalidad," maarte at walang connect nitong sabi. "Tama na!" "Bakit? Masakit ba ang katotohanan?" "Tama na please, tumahimik ka na! Hindi ikaw ang gusto kong kausapin. Si Khazer ang sadya ko. Pumunta ako para komprontahin siya. Hindi ako basta-basta na lang naniniwala sa mga naririnig sa ibang tao. " "Pwes, ngayon alam mo na! So get lost!" "Preslyn, si Khazer ang gusto kong kausapin. Labas ka na rito. Kaya please, hayaan mo kaming mag usap nang maayos," pakiusap ng batang Aarya kay Preslyn. "Totoo ba Khazer? Sa iyo ko gustong marinig dahil sa iyo lang ako makikinig. Ang bobo-bobo ko, napaniwala ninyo ako. Akala ko ay mga totoo kayong kaibigan. Ngayon alam ko nang pakitang tao lang ang lahat ng ipinakita ninyong kabaitan sa akin." Yumuko ang batang Aarya dahil sa hiya. Pinagtitinginan na kasi sila ng mga tao. Ang mas masaklap lahat pa ng mga nanonood ay kilala siya. Pero ni isa sa kanila ay walang tumulong sa akin. Ni isa ay walang nagmagandang loob para damayan ako, tandang-tanda ko pa kung sinu-sino ang nag-abandona sa akin. Ang mga luha ay hindi na mapigilan sa pagkakarera sa pisnge dahil sa mga masasakit at walang basehan nitong insulto. "Mauna na kayo, mag-uusap lang kami," sabi ng batang Khazer pagkatapos ng ilang minutong pananahimik. "Pero Khazer!" reklamo ng batang Preslyn sa naging pasya nito. Pinahiran ng batang Aarya ang mga luha sa kaniyang pisnge at matapang na sinalubong ang tingin ng batang Khazer. Naiinis namang tiningnan ng batang Preslyn ang batang Khazer na parang hindi ito makapaniwala sa naging pasya ng lalaki. Hinila ang batang Preslyn ng mga kaibigan ng batang Khazer pero nagmatigas ito. Nagulat na lang ang batang Aarya nang bigla itong hinigit ng batang Khazer palayo. Nang makalayo ay hinigit ng batang Aarya ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa kaniya ng batang Khazer. Punong-puno ng galit ang mga mata nito. "Sa natatandaan ko ay wala akong naaalalang may ginawa akong masama sa inyo. It's not my lost. Karmahin sana kayo!" Aalis na sana ang batang Aarya nang bigla siyang pinigilan ng batang Khazer sa pag-alis. "Ano na naman ba, Khazer? May sasabihin ka pa ba? Sa tingin ko nasabi mo na lahat. Kaya wala na tayong dapat pag-usapan pa. Maiwan na kita." Humakbang ang batang Aarya paalis pero tumigil siya sa pangatlo niyang hakbang. Namumuhi niyang tiningnan ang batang Khazer. "Siya nga pala, may nakalimutan ako. Sa susunod na magkita tayo sana ay ituring mo na lang akong kaaway. 'Wag na 'wag mo na akong kausapin kahit kailan! Dahil hindi na kita kayang pakisamahan at hindi ko rin alam kung kaya pa kitang patawarin." Bigla kong natandaan ang nangyari pagkatapos nang tagpong iyan. Diyan na nagsimulang ma-develop ang anxiety ko dahil sa pangbu-bully sa akin ng mga kaklase at ibang schoolmates ko. Pinag-uusapan nila ako. Maraming masasakit na salita na pinsadya nilang iparinig sa akin. Kung wala lang siguro si Sussette na palagi akong pinagtatanggol ay baka sinasaktan na rin nila ako physically dahil gigil na gigil sila sa akin. Dumating din ang araw na nakiusap na ako sa mga magulang ko dahil naapektuhan na ang mental health ko. Hindi ko na ma-take ang mga salitang binibitawan nila laban sa akin. Noong una, pinipilit ako ng mga magulang ko na pumasok sa paaralan at sinasabihang 'wag akong mag-alala. Kinausap kasi nila ang mga guro ko at principal na ipatawag ang mga estudyanteng nambu-bully sa akin pero hindi pa rin sila napagsasabihan. Kahit ilang beses itong sinasaway ng mga teacher ay patuloy pa rin ito sa pangbu-bully at pangba-backstab. Nang makita ng parents ko na walang pagbabago at nakikita na nila ang lumalala kong sitwasyon ay hinayaan na nila akong umalis sa paaralan para iwasan silang lahat. Lumipat ako sa ibang school kung saan tanggap at ligtas ako. Akala ko tapos na ang panaginip ko pero hindi pa pala. Nakita ko na lang ang batang Aarya na umiiyak. Napansin ko na nasa loob ako ng aking kwarto sa mansyon, nasa sulok at umiiyak. Nanlaki ang mata ko nang tumingin ito sa akin na para bang nakikita niya ako. Nagsitayuan ang balahibo ko dahil ito ang unang pagkakataon na nagkausap kami. Palagi kasi akong bigo sa nakalipas na taon. "Save me please. Please save me. Save us from them." At bago pa ako makasagot sa kaniya at kunin ang oportunidad na makausap siya ay bigla na lang ako nagising. Ang lakas ng t***k ng puso ko at pansin kong namamawis ang buong katawan ko. Agad akong uminom ng tubig sa kusina at inalala ang hiling ng batang Aarya sa akin. Yes, young Aarya. I will do everything to save you. I will save the both of us, especially now that they are here again. I'll conquer them for you and do my best to face them for myself. For us. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD