Chapter 3

1304 Words
Matagal kong tinitigan ang calling card na hawak ni Khazer. Nag-iisip ako kung dapat ko ba'ng kunin ito o hindi. Sa huli ay nagpasya na lang akong kunin ang kaniyang calling card. Nababahala kasi ako dahil baka isipin niya na bitter pa rin ako sa nakaraan naming dalawa. Hinablot ko iyon at walang pasabing tinalikuran na siya bigla. Dumiretso ako sa kotse at siniguradong may poise pa rin ako sa paglalakad. Kahit ang totoo ay nanginginig na ang mga tuhod ko sa paghakbang. Kaya maayos kong binantayan ang paglalakad ko patungo sa kotse para hindi ako mapahiya. "My gosh! Please self, makisama ka at h'wag kang bibigay," sabi ko sa aking sarili. Malalim akong napabuntonghininga nang makapasok ako sa loob ng kotse. Kinalma ko ang aking sarili at binuksan agad ang makina. Nang tumingin ako sa aking side mirror, nakita ko siyang nakasunod pa rin sa akin. Dahil sa inis at galit na matagal kong kinikimkim ay binuksan ko ang bintana ng aking kotse at kinuha ang calling card na binigay lang niya sa akin kanina. Sinadya ko talagang ilabas ang kalahati ng braso ko. At inipit ang calling card gamit ang dalawa kong daliri. I smirked crazily bago ko binitawan iyon. Alam kong hindi siya masasaktan sa ginawa ko but I was so sure that he would be insulted. Never ko siyang kokontakin kahit mahal pa ang pagpapaayos ng kaniyang nasira. Kahit gumuho pa ang mundo, tatanggihan ko pa rin ang tulong niya at hinding-hindi ko siya lalapitan. May pera naman ako sa pagpapaayos kaya ako na lang ang bahala kaysa naman magkita kami ulit. Mas gugustuhin ko pang lamunin na lang ako ng lupa kaysa naman lumapit pa ako sa kaniya. Pagpasok ko sa aking condo ay dumiretso na agad ako sa loob ng aking banyo. Nagtagal ako sa pagbababad sa loob ng bathtub para makapag-relax ng kaunti. Nang hindi pa rin ako makalma ay tinapos ko na agad ang pagbababad. Ginawa ko ang night routine ko at kumuha ako ng scrub wash para sa aking mukha. Ilang sandali ay naghilamos na rin. Pagkatapos ay nilagyan ko ng night cream ang aking mukha at nagsipilyo. Tamad kong tinungo ang kama at hinayaang mahiga ang mabigat kong katawan. Sinubukan kong pumikit kahit nawala na bigla ang aking antok. Kanina lang noong nasa bar ako ay para na akong tinutulak sa kama. Pilit kong binubuksan ang aking mga mata dahil sa pagmamaneho pero ngayon bigla na lang nawala. Ang isiping hindi ako makatulog ay nakakairita. Kaya bigla akong napabangon sa aking hinihigaan. "No! Kailangang makatulog ako at dapat kong makalimutan siya," paalala ko sa aking sarili. Pabalik-balik ako sa aking dinadaanan at paulit-ulit na pinapaalalahanan ang aking sarili. Kung may nakakakita lang sa akin ay siguradong sasawayin ako dahil ito 'yong unang mahihilo sa ginagawa ko. "Bwesit ka talaga, Khazer. Pati pangalan mo bagay sa 'yo. Malas ka talaga sa buhay ko!" malakas kong sigaw at sinabunutan ang aking sarili. Natataranta na ako dahil madaling araw na pero hindi pa rin ako nakakatulog. Sa ganitong oras dapat ay tulog na ako. Sinubukan kong uminom ng gatas pero wala pa ring epekto. Hanggang sa nakapagdesisyon akong lumabas. Dumiretso ako sa isang convenience store at bumili ng maraming alak. "Aarya, ikaw lang ba ang iinom ng lahat ng 'yan?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Greg lang pala, siya ang kapitbahay ko. . Tumango ako at nakaramdam ng hiya. Inisip kong baka nagmumura na siya sa kaniyang isipan at baka hinuhusgahan na niya ako gaya ng iba dahil sa lakas ko uminom ng alcohol. Wala naman siyang sinabi pero nakakapanliit sa sarili. Alam ko namang babae akong tao pero ang lakas-lakas kong uminom. Ilang beses ko na rin itong nakakasabay sa elevator at palagi niya akong nadadatnang nakakainom o may dalang alak. Binayaran ko kaagad ang nasabing total amount at walang paalam na umalis. Ramdam ko na sinundan niya ako ng tingin pero wala na akong pakialam. It was a hard night to me, inaatake na naman ako ng sakit ko. Hindi na naman ako makatulog dahil sa masamang alaala. Lalo pa at nakita ko pa kanina ang taong may kasalanan sa matindi kong paghihirap. Simula sa araw na 'yon ay hindi na ako nilulubayan ng masamang panaginip. Matagal na noong nangyari 'yon kaya gusto kong pagalitan ang aking sarili. Halos maubos ko na ang lahat ng alak pero bigo pa rin akong makatulog. Naabutan na ako ng sikat ng araw kaya dumiretso na lang ako ng banyo at naligo para makapaghanda sa trabaho. Lumapit ako sa salamin at tiningnan ang aking sarili. "So, magtatrabaho ka ngayon na malaki ang eyebag mo? Tinalo mo pa ang mga panda!" singhal ko sa sarili habang nakatitig sa salamin. Para akong sira habang pinapagalitan ang sarili sa harap ng salamin. Same as usual, pagod na naman ang katawan ko pero dapat pa ring pumasok. Mas lalo akong mababaliw kung mag-isa lang ako sa condo. Kailangan kong ituon sa trabaho ang sarili ko para makaiwas sa pag-iisip. Kinapalan ko na lang ang concealer sa ilalim ng aking mata para hindi halata ang pangingitim. Mas kinapalan ko na rin ang makeup para mas fierce ang hitsura. Nang makontento sa aking mukha ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at pumunta na sa trabaho. That asshole. Kung hindi lang sana siya nagpakita sa akin ay hindi sana ako magkakaganito ngayon. Kasalanan niya ito. Alam kong wala talaga sa ayos ang buhay ko pero hindi sana ganito kagulo kung hindi ko siya nakitang muli. Dapat ay sanay na ako sa kaniya pero bakit? Gusto kong umiyak dahil akala ko ay mababawasan ang sakit pero bakit mas lalong humapdi? Wala naman siyang ginawa sa akin pero bakit ang sakit pa rin. Ilang taon na ba pero buhay pa rin ang sakit. Sana naman makatulog na ako ng tatlo o apat na oras man lang, sapat na sa akin 'yon. Alam kong kulang pa nga, pero mas okay na kaysa naman sa wala. Naalala ko pa noon na kinailangan pa akong ipa-psychiatrist ni Mommy at Daddy para lang gumaling. Mas lalo lang tuloy akong tinukso noon dahil inakala nilang nababaliw na ako. Pinakiusapan ko pa si Mommy at Daddy na mag-transfer sa ibang school kahit alam kong mahirap at suntok sa buwan ang hiling ko. Maliban sa graduating student na ako, nasa last semester na rin akl ng klase noon. Sobrang pigil ang ginawa ng adviser ko pero sinabi kong hindi ko tatapusin ang high school kung hindi nila ako pagbibigyan sa hiling ko. I was a victim of bullying kaya sa huli ay hinayaan na lang nila ako. Hindi naman lingid sa kaalaman nila na tinutukso ako ng ibang mga estudyante. At hindi ko masikmurang pagtiisan ang mga ginagawa nilang pang-iinsulto sa akin. Wala na akong mukhang maihaharap pa at naapektuhan lang ang pag-aaral ko. Kahit naman sinasaway ng mga guro ang nambu-bullu sa akin at kahit ipatawag pa sa Principal's office, hindi pa rin sila tumitigil. Hinahayaan lang nila ako kapag may teacher sa paligid pero kapag wala ay inaani ko na naman ulit ang lahat nang pagpapahiya. Inalis ko na lang sa aking isipan ang nangyari at nagpokus sa mga gagawin ko ngayong araw. I was wearing a white off-shoulder and faded tattered skinny jeans with beige heels. Everyone was staring at me, palagi namang ganito. Dapat lang dahil pinaghirapan ko ang katawan ko. Marami akong pinagdaanan para umabot ako sa ganito. Sa kabila ng lahat ng mga frustration ay nakayanan kong ibalik ang confidence sa aking sarili and to believe myself that I was capable of doing anything. Kahit ang totoo ay hindi pa ako gaanong kumbinsido. Kung puwede nga lang sanang mabura ang lahat ng masasamang alaala sa nakaraan, ginawa ko na. Sana lang talaga ay hindi ko na siya makita pa dahil sinisikap kong mabuhay ngayon nang mapayapa. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD