Chapter 2

1717 Words
Habang nasa gitna ako ng meeting ay naramdaman ko ang paggalaw ng cellphone ko dahil na set ko ang tone settings nito sa vibrate. Ang ibig sabihin ay kanina pa may tumatawag sa akin. May pakiramdam akong importante 'yon dahil hindi naman ito mangungulit sa kakatawag kung wala lang itong sadya. Gustong-gusto ko na itong sagutin ngunit hindi maaari dahil mas importante sa akin ngayon kung ano ang kinakaharap ko sa ngayon. Ayaw ko namang sagutin lang iyon kung kailan ko gusto dahil ayaw kong ma-distract ako sa ano mang mga bagay. Maya-maya ulit ay naramdaman ko ulit ang pagtaginting nito sa aking purse na nakalapag lamang sa aking hita. Hindi ko muna ito hinandugan ng atensyon dahil masyadong importante ang pagpupulong na ito para sa akin dahil ang mga panauhing naririto ngayon ay ang mga taong may mas potensyal na makatulong sa akin para sa kinabukasan ng aking kompanya. At higit sa lahat ay hindi lang sila basta-bastang mga panauhin dahil sila ay mga sikat at isa rin sa mga pinakamayayamang negosyante sa buong lugar. May kutob ako na baka isa lang 'yon sa mga makukulit at persistent kong suitors ko ang mga kaibigan ko. Wala namang ibang tatawag sa akin kundi sila lang. Ang isang tauhan sa aking team na nag-uumapaw sa confidence at conviction ay nagre-report sa unahan. Lahat ay nakatuon lamang ang atensyon sa kanya at hatak na hatak niya ang mga interes nito. Hindi ko mapigilan ang pagsilay ng ngisi sa aking labi nang makita ang pagkamangha sa mga mukha ng mga hinihikayat naming investor. Bago kasi ito sumalang ay dumaan muna ito sa butas ng aking karayom kung kaya't alam kong mapapabilib talaga niya ang mga tanyag na panauhin namin. I wouldn't be the chairwoman of this company for nothing, I knew how to pique their attention in a brilliant way. Walang mahina ang matatagpuan sa kompanya ko, lahat ay matitibay kahit mga baguhan pa lamang sa industriya. Hindi na ako nagtaka nang nagdesisyong mag-invest ang mga ito sa amin. I've already expected it, it was all according to our plan. Nakipagkamayan kami sa kanila at hindi na rin nila pinatagal ang pagpirma ng kontrata. Sabik na sabik silang maging parte ng hinanda naming proyekto. Hindi ko maiwasang bumilib sa mga ka-team ko at sa aking sarili. We really made it! "Thank you very much, we've learned so much from you. We are always grateful to have you as our boss," sabi sa akin ni Alfred, 'yong nag-report, no'ng makaalis na ang mga investor. "The more you want to reach the top, loads of work would be heavy. This is just the start of your career, Mr. Santos. Don't waste it and focus on your work," sabi ko sa kaniya. I was proud because he delivered it more than I've expected. Pero ayaw ko siya maging pakampante dahil hindi nagtatapos doon ang lahat. Ayaw ko rin lumaki ang kaniyang ulo kung kaya't ganito pa rin ako sa kaniya. "Yes, Ma'am. I've understand the nature of my work. At mas gagalingan pa namin sa susunod," sabi niya at napatingin sa kaniyang mga ka-team. "Okay. You can go now and have your early celebration," sabi ko. Mas naging masigasig ang kanilang mga mukha dahil sa sinabi ko. Alas quatro pa lang kasi ngayon ng hapon, may isang oras pa kasi sila na dapat bunoin sa loob opisina. Masayang umalis sa meeting ang mga bisita at naririnig ko pa ang kanilang mga plano dahil sa kanilang success. Sinalampak ko na lang ang sarili ko sa aking swivel chair dahil ramdam ko na ang pagod sa buong maghapon. Pasimple kong kinuha ang phone ko sa loob ng purse at tiningnan kung sino o sino-sino ang mga nag-text sa akin. Hindi nga ako nagkamali na ang karamihan doon ay galing sa mga unregistered number ng mga balak akong ligawan. Nilagay ko sila sa blocklist dahil ayaw kong i-bombard nila ang inbox ko. Ang gitla sa aking noo ay lumalim dahil bukod sa kaibigan kong si Sarry, nakatanggap din ako ng mensahe sa ka-batchmate kong si Sussette no'ng highschool. Inuna kong basahin ang text ni Sussete bago ang sa aking kaibigan. Sussette: Aarya, you’re invited to attend our high school reunion at Luxury Hotel on Saturday night. Please be there okay? See you there! Ang maayos kong disposisyon ay biglang naglaho dahil sa nabasa. Hindi ko rin mapigilan ang pagtagis ng aking mga bagang. Matagal akong napatitig sa cellphone ko at iniisip ko kung dapat ba'ng patula ko ang alok niya sa akin na pumunta sa reunion na iyon. Bigla akong napaisip dahil sa text niya. Bakit pa ba nila ako inimbitahan kung alam naman nila na hindi naman ako ro’n nagtapos? Gusto kong isipin na na-wrong sent lang siya pero naka-address sa akin ang mensahe niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na tawagan siya. Kung totoo ngang iniimbitahan nila ako ay kailangan kong i-reject ang invitation nila. Bukod sa marami akong trabaho, ayaw kong ma-remind ng mga pinagagawa ng mga tao roon sa akin. I wanted to protect myself from their stupid mouth. That was the bravest thing that I could do for the sake of my mental health now. Hindi isang biro ang makita ko ang mga taong nanakit sa akin noon. “Hello,” sagot nito sa ikatlong ring ng tawag ko. Her drowsy voice told me that she might be sleeping before she answered my call. “Sussete, sorry to disturb you. But I want to tell you that I can’t attend the reunion. You already know that I’m busy. Hindi ko maiiwan ang kompanya lalo na ngayon,” sabi ko sa kanya. Sa mga magaang paanyaya ay hindi ako nakakatanggi kay Sussete. Malaki ang naitulong niya sa akin noon. Ang presensiya niya ay hindi nawala sa mga panahong kailangan ko ng karamay. Ngayong lumipas na ang mga panahon ay iniisip niya na nakalimutan ko na ang lahat ng mga nangyari noon. Ayaw ko na silang makita, mahal ko ang sarili ko kaya tatanggihan ko ang paanyaya niya. She thought I had forgotten everything. She had no idea that those wounds they inflicted in the past remained fresh. Kanina pa nga lang ay pinaalala na naman sa akin ang nangyari sa pamamagitan ng masamang panaginip. Whenever she asked me about the past, I didn’t bother to share the truth. Kahit naman sabihin ko sa kaniya ay palagi niya akong pinagsasabihan na matagal na raw ‘yon at dapat daw patawarin ko na sila. Hindi ‘yon ganoon kadali. Pumailanlang ang nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa. Napatingin pa nga ako sa aking cellphone dahil baka namatay ang tawag namin pero hindi naman. Hindi lang talaga siya nagsasalita. "Sussette?" Tawag ko sa kaibigan at nagsimula na naman akong magsalita kahit na tahimik lang siya sa kabilang linya. Gaya ng una kong tugon sa kaniya ay tinanggihan ko pa rin siya. “Huwag ka namang ganiyan, Aarya. Ayaw mo ba akong makita o makamusta man lang ng personal? ” malungkot nitong tugon sa kabilang linya. "Hindi naman sa ganoon. Hindi kasi talaga ako makakaalis dito dahil tambak ako ng mga trabaho." "You're the boss, I think you can do something about that. God Aarya! You're one of the youngest successfull businesswomen, imposible na hindi mo 'yan kayang gawan ng paraan," sabi niya sa akin. "Besides, Preslyn is the one who invited you," dagdag niya sa kaniyang sinabi. My eyes widened a fraction because of what I've heard. Awtomatikong sinilaban ng pangalan ng babaeng 'yon ang apoy na pinipilit kong patayin sa loob ng mga nakaraang taon. Kumuyom ang aking palad at sinubukan ko na hindi mapansin ni Sussette na mas lalo akong nawalan ng gana dumalo roon. “I can’t be there,” I said with conviction at medyo napagtaasan ko rin siya ng boses. Kumawala na rin ang iritasiyon ko na nakahalo roon. “Oh, come on, Aarya! It’s been a long time. Mga bata pa tayo no’n. Don’t tell me na hindi mo pa nakakalimutan ang mga nangyari? I’m pretty sure that everyone has matured now. Isa pa kapag hindi ka pumunta they will assume na hindi ka pa naka-move on sa mga nangyari,” pagpapaliwanag nito sa akin. Walang kaalam-alam si Sussete kung gaano kalaki ang impact ng mga nangyari sa akin noon. Alam man niya ang pinagdaanan ko pero wala siyang alam sa tunay kong nararamdaman. Hindi niya ako maiintindihan dahil hindi naman niya naranasan ang ma-bully. Akala niya lang kasi ay simple lang ang lahat sa akin na para bang nagtatampo lang at kinabukasan ay wala na lahat. Ganoon pa man, hindi ko maiwasang makitaan ng punto ang sinabi niya sa akin. She was right. Masyadong malala ang trust issues ko sa mga taong 'yon kung kaya't hindi pa rin ako naniniwala na maayos na ang thinking pattern ng mga iyon. Alam ko na makitid pa rin ang mga utak nila. Ayaw kong isipin nila na hindi pa rin ako nakapag-moved on. Masyado akong ma-pride para hayaan silang isipin 'yon. I wouldn't give them the satisfaction. Ipapakita ko sa kanila kung paano ako naka-survive sa hirap ng buhay at kung paano ko narating kung nasaan man ako ngayon. Gusto ko rin sila mangisay sa inggit. Pipilitin ko na lang ang sariling huwag mairita kapag nakita ko na ang ibang mga ka-batch namin. “Okay, I’ll going there,” sabi ko sa kanya nang makapagdesisyon. Siguro, ito na ang tamang panahon para harapin ang mga taong walong taon kong kinakatakutang makaharap ulit. "Just text me all the details when you're not busy.' “Thank God, finally! Okay bye and take care always!” excited nitong paalam pero bago niya patayin ang tawag ay mabilis ko siyang pinigilan. “But please, huwag mong ipaalam sa kanila na darating ako. Hayaan mo silang mabigla. Mas mabuti na ‘yong hindi nila mapaghandaan na darating ako. Umiiwas lang ako sa p'wedeng mangyari. Alam mo naman, ‘di ba?” paalala ko sa kaibigan. Aminin ko man, may takot pa rin ako sa ginawa nila sa akin noon. “Okay, noted! See you!” Napahinga na lang ako nang malalim. Sussete was a real friend, and she was very reliable. So I was confident that she wouldn’t leave me at the party. And I knew that she wouldn’t let me out of place. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD