I wanted to divert myself from thinking about the upcoming reunion party on Saturday which would be tomorrow. Gusto kong mawala 'yon sa isip ko lalo na ang mga mukha ng mga taong maaaring dumalo rin doon. Sa tuwing naiisip ko kasi sila ay sumasakit na naman ang ulo ko at kahit inuman ko pa ito ng gamot ay hindi pa rin tumatalab sa akin. Naisipan kong mag-bar na muna para kahit papaano ay kumalma naman ang sistema ko.
Inayos ko ang aking mga gamit sa loob ng aking opisina dahil pinauna ko na ang sekretarya kong umuwi dahil mayroon daw emergency sa kanila. At nang matapos na ako sa pagliligpit ay kaagad ko nang kinuha ang aking bag para maagang makapunta sa Cardinal Bar kung nasaan ngayon si Sarry.
Ang mensahe niya kanina ay naglalaman ng imbitasyon niya sa akin para samahan siyang magpakalasing. At kapag inuman ang pinag-uusapan ay hindi na niya na ako kailangang imbitahan pa dahil alam naman niyang papaunlakan ko siya palagi at do'n naman talaga ako madalas.
Nang makababa na ako ay wala akong sinayang na segundo para magtungo sa aking kotse.
Habang nagmamaneho ay bigla kong naalala na hindi pa pala ako nakapag-agahan at nakapag-lunch dahil masyado akong naging abala sa aking trabaho. Napagdesisyonan kong bumili muna ng makakain kahit hindi pa naman dinner time. Mas magandang uminom na may laman pa rin ang tiyan.
Dumaan ako sa isang pizza station at bumili ako ng dalawang box ng pizza para may madala rin ako sa condo. Kung sakali mang hindi ko ito maubos ay ilalagay ko na lang ang matitira sa refrigerator at iinitin ko na lang kinabukasan. Mag-isa lang naman ako kaya nakakatamad magluto. Ang totoo nga niyan ay hindi ko na nga maalala kung kailan at kung ano ang huli kong niluto sa condo.
Nang makarating na ako sa aking condo ay agad kong kinain ang aking binili. Pilit ko na pinapasaya ang sarili habang kumakain mag-isa. Wala akong choice kung hindi ang pilitin ang sarili ko na huwag pansinin ang lungkot na palaging naghahari sa aking puso sa tuwing kumakain.
Simula nang mamatay ang mga magulang ko sa isang car accident no'ng nakaraang taon ay natuto na akong mamuhay nang mag-isa. I had no siblings to share my daily dilemma and that was the reason why I was always having a hard time to move forward in my life. I moved into this big condo because our family mansion was too big for me. I was alone there. At kung hindi ako aalis doon ay makakaramdam lamang ako ng pangungulila at labis na kalungkutan.
Napatingin ako sa malaking larawan ng mga magulang ko na nakasabit sa dingding. Ito lang ang tanging dinala ko sa mga gamit sa aming mansyon. Hindi ko maipagkakaila na nami-miss ko na sila.
Before my mother died, she bequeathed her business to me and she put all her properties that she had inherited from her parents under my name. Malaking pagawaan ng sandalyas ang negosyo niya at kilala ito sa buong Pilipinas. Si Papa naman ay ipinamana sa akin ang mga lupa niya sa iba't-ibang probinsya. Nag-invest ng maraming negosyo ang mga magulang ko at nag-triple ‘yon sa yaman—lahat ng iyon ay napunta sa akin.
Kinaiinggitan ako ng iba dahil halos na sa akin na raw ang lahat pero bakit gano'n, bakit hindi pa rin ako masaya? Sa kataunayan ay hanggang ngayon ay subsob pa rin ako sa aking trabaho at nagpapakayaman ng hindi alam ang dahilan.
Bago sila nawala ay siniguro nila ang kinabukasan ko. Halos wala akong naging problema sa pagkain, tirahan, edukasyon o pera. Almost perfect pa rin daw ang buhay ko sabi nga nila, pero wala silang alam na sa likod ng mga ngiti ko ay may nakatagong labis na kalungkutan. Ngunit hindi ako sang-ayon sa mga sinabi nila tungkol sa buhay ko. Marami nga akong pera pero bakit hindi pa rin ako masaya? Mas lalo lamang lumungkot ang buhay ko nang nawala ang mga magulang ko.
Nilagay ko ang hindi ko naubos na pizza sa aking refrigerator at nag-asikaso na para sa pagpunta ko sa bar. Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko ang aking sexy hot dress na galing sa isang sikat na brand at ipinares ang isa ring itim na stilletos. Light make up ang in-apply ko sa aking mukha at isang red lipstick na matte para hindi dumikit ang stain ng lipstick sa baso na iinuman ko. Hinayaan mo namang nakabuhaghag ang aking mahabang buhok na ngayon ay sinadya kong i-alon.
Pagkatapos ko mag-ayos ng sarili ay dumiretso na ako sa parking lot at sumakay ng sasakyan. Wala akong sinayang na segundo para mapuntahan ang kaibigan para kahit papaano ay ma-relax naman ako. Medyo na-traffic pa ako dahil may banggaan sa gitna ng kalsada. Mabuti na lang at hindi naman masyadong natagalan iyon.
Bago bumaba at makarating sa loob bar ay kinuha ko ang aking pabango sa bag at ini-spray-yan ang buo kong katawan. Pagkatapos niyon ay lumabas na ako ng kotse at dahan-dahan naglakad papasok sa loob.
Mabilis kong nakita ko si Sarry sa counter at masyado itong abala sa kausap na lalaki. If my memory was right, he was the same guy who was with her last night.
Her small petite body was covered by a sexy black dress na pinapakita ang kaniyang tiyan. Nakahalf-ponytail ang kaniyang buhok kung kaya't mas nabibigyang diin ang kabilugan ng kaniyang mukha. Ang kaniyang manipis na labi ay mayroong lipstick at plakada naman ng makapal na make up ang kaniyang mukha. Talagang pinaghandaan niya ang paghaharutan nila ng lalaking iyan.
Hindi ko mapigilang mapailing sa kaniya. Nang hindi na ako makatiis, I hurried over to join them and they were still busy talking. They were unaware of my presence like they already built their own world. Nakita kong hinila ng lalaki ang kamay ni Sarry at pinaglalaruan ang kaniyang mga daliri. Hindi na ako nakapagtiis pa, gusto ko nang ibalik sa reyalidad ang babaeng 'to!
“How sweet! Then cry later!” parinig ko sa aking kaibigan. I couldn't help but roll my eyes at Sarry due to excessive annoyance. Ilang beses na ang babaeng 'to umiyak dahil sa mga lalaki pero hindi pa rin talaga nadadala!
“Alam mo, ang bitter mo talaga! Palibhasa’y para kang manang!” nakasimangot na sabi sa akin ni Sarry nang tuluyan ko nang naagaw ang atensyon niya.
Hindi ko na lang siya pinatulan dahil sa sinabi niya. Sumenyas ako sa kaharap kong bartender para um-order na lang ng maiinom. Hindi naman sa ayaw ko siyang maging masaya at bitter ako, ang gusto ko lang naman ay kilalanin niya muna ang mga manliligaw niya bago niya ito sagutin. Hindi ‘yong nagpapadalos siya tapos magkakamali lang sa huli.
“Honey, don’t be shocked. Ganiyan talaga ‘yang si Aarya.” Sinaway ni Sarry ang kasama nang makitang nakanganga ito habang nakatitig sa akin lalo na nang ibinigay na sa akin ang mga hard liquor ng bartender. Hindi ko ito mapigilang irapan, I knew that he only wanted to get inside her skirt. “Kilala na siya ng lahat dito sa bar. ‘Yong mga bartender, mga regular customers, manager at kahit nga may-ari nitong bar—they know her very well. Ganiyan talaga ‘yan, matakaw sa inuman kaya dapat masanay ka na,” paliwanag n’ya sa bagong boyfriend.
When the bartender had already given me a lot of hard liqour, binigay ko lang sa kaniya ang bayad at pati na rin ang kaniyang tip. Tuluyan na ngang nawala sa aking isip ang reunion dahil makakainom na naman ako. Nagniningning ang mga mata ko habang nakatingin sa mga alak na nasa harap ko. Masyadong marami pero dahil sanay na akong uminom ay mahirap na akong malasing. Kulang pa nga ito, dadagdagan ko pa ito mamaya.
“Aarya, iwan ka muna namin dito, ah? Don’t worry dahil inimbitahan ko rin si Danny, Martina, at Zelmy. Sabi nila ay papunta na raw sila.” Hindi na ako nag-abalang tingnan pa siya at ang kasama niya. Sinenyasan ko na lang sila na umalis na parang tinataboy sila.
May idea na ako kung saan sila pupunta. Bahala siya sa buhay niya. Sooner or later ay magdadrama na naman siya sa akin.
Gusto pa nga sana n’yang ipakilala sa akin ang bagong boyfriend pero tumanggi ako. If their relationship has lasted for a month, then she could finally introduce me to him. I was so sick of her fleeting relationships which made me not interested to know her boyfriend's names anymore.
Sa rami ba naman kasing naging boyfriend na ipinapakilala niya sa akin ay nagsasawa na ako. Simula nang maging magkaibigan kami ay nauumay na ako sa sinasapit niya. Wala naman kasing nagtatagal sa mga ito ng isang linggo. Siguro noong nagsaboy ng kamalasan sa jowa ang mga anghel, sigurado akong sinalo lahat ni Sarry. Wala na sigurong may mas imamalas pa sa lovelife niya, tapos sobra-sobra pa ang katangahan niya sa buhay!
Maganda naman ang dalaga, mabait at mapagbigay. Iisipin ko pa lang na masasaktan na naman siya ay napapailing na lang ako. Ilang beses ko na siyang pinagsabihan pero hindi pa rin nakikinig. Iniisip ko na lang na hindi pa damadating ang taong para sa kaniya.
Sa kasagsagan ng pagmumuni ko habang umiinom ay bigla na lamang bumungad sa tabi ko si Sarry. Halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat. Mas nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.
“Oh! Ba’t iniwan mo ‘yong kasama mo ro’n?” tanong ko sa kaniya pero laking gulat ko nang bigla itong tumili dahil sa kilig.
“Aarya, siya na nga talaga!” masaya niyang sabi at napalundag pa sa labis na saya. “Siguradong-sigurado na talaga ako.”
Sa tingin ko ay dinaan na naman sa tamis ng salita ng lalaking 'yon itong babaeng 'to.
“Sarry, dalawang gabi mo pa lang siyang nakilala! Nag-iisip ka ba?” Hindi ko maiwasang itago ang inis sa aking boses dahil heto na naman siya at umaasa.
“Pero sigurado na talaga ako,” nakangiti nitong tugon sa akin, kinilig pa ito bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi mo ba nakita? Halos hindi niya maialis ang atensyon niya sa akin."
“Baliw ka na!” iling-iling kong sabi.
“Aarya sumosobra ka na ha!” Mabilis na dumapo ang kamay niya sa balikat ko. Mahina niya akong hinampas. Nakasimangot na ang mukha niya ngayon. “Ayaw mo lang talaga akong maging masaya. Lagi mo na lang akong kinokontra. Alam mo ramdam ko talaga ‘yong tao, Aarya. Sincere siya sa ‘kin at concern. Ang mabuti pa ay huwag ka na lang magkomento. Nasasaktan mo lang ako sa mga pinagsasabi mo,” reklamo nito sa akin.
Halos maiyak na siya sa pagtatanggol sa boyfriend. Kaya sa huli ay tinititigan ko na lang siya at napabuntong-hininga.
“Sabi mo eh! Bahala ka! Kapag ikaw umiyak na naman ay h’wag na h’wag kang mag-e-emote sa akin, sisipain talaga kita.” Inirapan ko siya bago ko binalingan ang alak. Binuntong ko na lang sa alak na hawak ko ngayon sa aking kamay ang inis ko sa kaniya.
Napansin kong titig na titig pa rin siya sa akin. Hindi pa rin ito umaalis sa likuran ko kaya sinenyas ko ang kamay ko para paalisin na siya. Nakasimangot siyang bumalik kung saan niya iniwan ang lalaking kasama niya kanina. Makaraan ang ilang minuto ay dumating na rin sina Danny at Martina. Inilibot ko ang mata ko pero hindi nila kasama si Zelmy.
“Hi Madam, nasa’n si Sarry?” nakangiti niyang tanong sa akin. Nakasanayan na kasi nitong tawagin akong 'Madam.' Hindi ko siya sinagot, sa halip ay tiningnan ko na lang kung nasaan si Sarry at nang balingan ko ito ng tingin ay nanlaki na naman ang mga mata nito sa labis na gulat.
“Ang bruha talaga! May pa invite-invite pang nalalaman tapos iba naman ang ini-entertain." Nagkibit-balikat lang ako at uminom ulit ng alak. Tiningnan ko rin ang bakanteng upuan para umupo na sila roon. Nakuha naman nila ang gusto kong sabihin.
Nakita ko kung paano inasikaso ni Danny si Martina. Pinaghila niya ito ng upuan sa counter bar. Katabi ng inuupuan ko pero binalewala ko na lang. Narinig ko ring pinagbawalan ni Danny si Martina na uminom ng matapang na inumin. Naging extra sweet ito.
Napapansin kong may hindi sila sinasabi sa akin. Wala man silang sabihin pero alam kong may sekreto sila sa amin. At kahit hindi nila aminin, nahahalata kong may something na sa kanilang dalawa.
“Si Zelmy, nasa’n?” tanong ko bigla sa kanila dahil gusto kong basagin ang ka-sweet-tan nila.
“A-ah, nauna kasi kami, t-in-ext ko na lang,” nauutal na sabi ni Martina. Tinitigan ko siya at tumango na lang ako matapos ko siyang pakinggan.
“Kukuha ako ng VIP room, magulo rito lalo na at marami na tayo." Patayo na sana ako nang bigla niya akong pinigilan.
“H’wag na Madam, hindi rin naman kami magtatagal ni Danny.” Tinaasan ko siya ng kilay at naghihintay na baka may idudugtong pa siya.
Napansin ko ring naiilang si Martina sa mga titig ko. Halos hindi niya kayang salubungin ang mga tingin ko. Gusto ko siyang pagsabihan pero ayaw ko silang pangunahan ni Danny. Nang magpaalam si Danny na pupunta sa banyo ay nagkaroon ako ng pagkakataon na kausapin si Martina.
“Alam na ba ‘to ni Zelmy?” seryoso at diretsahan kong tanong sa kaniya. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa dahil nag-aalala na rin ako sa isa ko pang kaibigan.
Wala na akong choice kundi ang tanungin siya. Dapat may lakas na loob ako para prankahin siya. Alam kong masasaktan siya sa itatanong ko at baka isipin n’yang may kinakampihan ako sa kanilang dalawa.
Gusto ko lang malinawan dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan nila nang dahil lamang sa isang lalaki. Kahit na si Danny pa iyon.
“Ano bang pinagsasabi mo, Aarya?” natataranta nitong tanong sa akin at mabilis na tinunga ang alak sa kaniyang baso. Halatang kinakabahan siya dahil pangalan ko na ang binanggit niya.
“Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, Martina. Alam mong matagal ng may gusto si Zelmy kay Danny mula noong mga bata pa kayo. Ikaw ang higit na nakakaalam niyon!” Hindi ko maiwasang pagtaasan siya ng boses at sa pagkakataong ito ay hindi na ako magho-hold back ng mga sasabihin ko sa kaniya. “Huwag mong iisipin na may kinakampihan ako sa inyong dalawa dahil wala! Wala rin naman akong pakialam kung maging kayo ngayon at magkakatuluyan kinabukasan pero ayaw ko lang masira ang pagkakaibigan ninyo ni Zelmy dahil kay Danny. Noon pa man ay si Danny lang ang lalaking gusto niya at wala ng iba. Matagal na niyang hinintay si Danny at ikaw ang naging saksi sa lahat ng ‘yon, hindi ba?" mahaba kong sabi at pilit na pinapaintindi sa kaniya ang sitwasyon.
Napansin ko ang pagkakataranta n’ya. Nakita ko ang sakit na dumaan sa kaniyang mga mata. Masakit din sa akin na nakikita ko siyang nasasaktan at naguguluhan pero nagiging unfair sila kay Zelmy. Lalo na siya!
“Alam ko. Kaya nga hindi ko masabi sa kaniya dahil alam kong masasaktan siya at nasasaktan din ako kapag nalaman niya ang tungkol sa amin,” malungkot nitong sabi at pilit na pinipigilang ang sarili na hindi umiyak.
“Pero dapat mo pa ring sabihin kay Zelmy bago n’ya pa malaman ito sa iba. ‘Di magtatagal ay mahahalata rin niya kayo at malalaman din niya ang totoo. Huwag mo siyang saktan nang sobra para hindi n’ya isiping pinaglalaruan ninyo lang s’ya. Masakit din maging tanga, Martina. Hindi naman sa kumokontra ako sa inyo ni Danny. Ang sa akin lang ay umamin na kayo kay Zelmy habang maaga pa,” paalala ko sa kaniya.
“Masasaktan ko s’ya... hindi ko kaya. Paano ko 'yon sisimulan?" sabi niya at pansin ang napapaos niyang boses. Tumingala siya para pigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak sa kaniyang mga pisngi.
“Masasaktan mo rin naman s’ya kung hindi mo sasabihin. Wala namang pinagkaiba ang sakit, Martina. Mas mahihirapan nga lang siyang tanggapin kung malalaman niya sa iba at kung hindi iyon galing sa ‘yo,” paalala ko sa kaniya.
“Matatanggap n’ya kaya?” nag-aalala niyang tanong sa akin.
Bigla akong natahimik sa tanong niya sa akin dahil ang totoo ay si Zelmy lang ang talaga ang nakakaalam. Bumuntong hininga na lang ako at napapikit sa aking mga mata bago ako nagsalita.
“Tatanggapin n’ya at kailangan n’yang tanggapin dahil wala na siyang magagawa,” pagpapaintindi ko sa kaniya at pilit na pinapalakas ang loob niya kahit hindi naman ako sigurado sa aking sagot.
Lasing na lasing na si Sarry kaya hinatid na siya nina Martina at Danny. Ayaw pa sanang umuwi nito dahil aawayin niya pa ang lalaking boyfriend daw n’ya. Pinagmalaki pa naman niya sa akin na magiging huli na ‘yon at sigurado na siyang seryoso ito sa kaniya.
Muntik na nga niya akong awayin kanina dahil sa pagtatanggol niya sa boyfriend laban sa akin pero sa huli ay niloko lang pala siya. Nalaman niyang may asawa na pala ito. sa lahat ng naging nobyo niya ay ito yata ang pinakamalala sa lahat dahil ginawa pa siyang kabit.
Nagpaiwan pa ako sa bar dahil gusto ko pang malasing. Nang nagiging wild na ang dancefloor ay nakihalo ako sa mga taong nagsasayawan doon. I've really enjoyed dancing. Ilang sandali lang ay may lalaki nang nakikipagsayaw sa akin. Sa una ay okay lang naman pero nang nagtagal ay pansin ko na nagiging touchy na siya at malaswa. Not to mention that he was drunk!
Marahas ko siyang itinulak nang binalak niyang hawakan ang puwet ko. Akala niya ay nagpapakipot lang ako sa kaniya dahil sa ngising pinapakita niya sa akin. Pulang-pula na ang kaniyang mukha at obvious na lasing na lasing siya.
“Playing hard to get, huh? Come here.” Lalapit sana siya sa akin pero mabilis ko siyang tinulak. I noticed that we were making a scene now. Pinagtitinginan na kami ng mga katabi naming sumasayaw.
“Don’t touch me!” sigaw ko sa kanya.
“Why can’t I? You want me to touch you. I knew it, nagpapakipot ka lang.”
Sinubukan niya ulit lumapit sa akin pero malakas ko siyang sinuntok. It was a hard punch. I was glad na nagagamit ko ang mga inaral kong pangdepensa noon para protektahan ang sarili. I wouldn’t let his filthy hand touch me! Inaalagaan ko nang mabuti ang sarili ko tapos hahawakan niya lang!
Hinawakan niya ang kaniyang nagdurugong labi at nakita ang pulang likod sa kaniyang daliri. Kitang-kita ko kung paano nagdilim ang tingin niya. Mukhang hindi na siya natutuwa sa ginawa ko.
Isang ngisi lang ang namutawi sa aking labi. He thought like I was like those defenseless girls, huh?
Hinihintay ko na lang na lapitan niya ako. Of course, I could protect myself. Hindi ako isang babae lang. Kaya ko siyang harapin kong idadaan niya ito sa dahas o lakas.
Bago niya pa ako malapitan ay may isang kamay na humila sa akin paalis ng dancefloor. Dahil sa ginawa niya ay bigla akong nahilo sa ginawa niya. Who the f*ck he was to drag me?
Sinubukan kong kumawala pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Tumigil kami sa hindi masyadong matao na parte ng bar at doon niya pa lang ako binitawan.
Hindi ko mapigilang manigas nang makilala ko kung sino ang pakailamerong lalaki na humila sa akin paalis ng dancefloor. Ramdam na ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib lalo na nang magkadaupang-palad ang aming mga mata.
Ang kaniyang tsokolateng mata ay binibigyang diin pa rin ng kaniyang makukurba at mahahabang pilikmata. Sa itaas ito ay naroon ang magkasalubong at makapal nitong kilay. Ang kaniyang matangos na ilong. Ang labi niya ay kasing kulay pa rin ng rosas.
Kagaya noon ay mas matangkad pa rin siya sa akin, ngunit ang katawan niya ay mas matured at malaki na ngayon. He looked like a freaking model. Parang hindi na siya ‘yong binatilyong nanakit sa akin noong high school pa lang ako.
“Are you okay?” he asked in concerned voice.
Hindi ako makapagsalita dahil parang may kung ano sa lalamunan ko. It felt like there was a lump in my throat which hindering me to speak. Ang paninikip ng aking dibdib ay mas lalong lumala.
Dahan-dahan akong umatras palayo sa kaniya. Iyon lang ang nakikita kong paraan para iligtas ulit ang sarili ko. Bago niya pa ako mahawakan muli ay tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad. Ang lakad ko ay biglang bumilis, hanggang sa tumatakbo na ako paalis sa kaniya.
Kayaga ng ginawa ko noon para isalba ang sarili ko ay tumakbo ako palayo sa kaniya.
Lumayo ako sa taong nanakit sa akin at ang dumurog ng puso ko noon, Ang lalaking naging sanhi ng paghihirap ko noon at hanggang ngayon.
Kay Khazer Leonardo...
***