Sinabi ko kay Khazer kung saan ako nakatira dahil kahit ayaw ko ay nag-insist pa rin siya na ihahatid ako at nagkwentuhan din kami kahit papaano. Kahit hindi naman masyadong importante at puros mga random na paksa lang iyon ay pinag-usapan pa rin namin. Masyadong nakakaaliw ang aming konbersasyon na para bang nakalimutan ko na ang mga nakaraan. Napag-usapan din namin na siya na ang bahalang maghatid ng kotse ko sa address ko. Pinakuha raw niya ito sa tauhan niya kagabi at pinaayos na rin ang gulong. Nang makarating kami sa tapat ng building ay hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto. Ayaw ko naman mamihasa. Akala ko nga ay hindi na siya bababa pa kung kaya't umikot ako ng kotse at naglakad papunta sa kaniya, pero nagkasalubong kami sa tapat ng nguso ng kaniyang kotse. Nabigla