Mabuti na lang dahil dumating na ang nagdi-deliver ng pagkain. Si Greg na ang nagbukas ng pinto. Sumunod na lang ako para bayaran ang in-order, pero hindi ko na naabutan ang delivery boy dahil umalis na ito. "How much ba?" tanong ko kay Greg habang binubuksan ang aking wallet. Sana naman ay may cash ako rito. "Ako na, treat ko na 'to," nakangiti niyang sabi sa akin. "Sigurado ka? Bisita kita. Dapat ako ang nagbabayad ng pagkain," pagpupumilit ko sa kaniya. "Hindi mo ako bisita, Aarya. We are friends. You are my special friend kung kaya't hayaan mo nang ilibre kita." Hindi na lang ako umangal nang diniinan niya pa ang pagsabi ng special. Masakit pa ang ulo ko para makipagtalo sa kaniya. Sabay kaming tatlong lumapit sa mesa at hinanda ang pagkain. Kinuha ko ang isang slice ng pizza at