Khazer Leonardo was still the same. He was very heartless! He still had bad behavior and he was not embarrassed to show it! Wala pa rin talaga itong modo. God! We were making a scene. Halos naagaw namin ang atensyon nilang lahat dahil sa biglang pagsulpot niya!
He had the guts to dance with me after the horrible things he did to me! His audacity was beyond my comprehension!
Anong klaseng palabas ba ang gusto na naman nila ni Preslyn na ipakita sa mga tao? Tama talaga ako na hindi pa rin sila nagbabago!
Kapag tinanggihan ko siya ay baka isipin nila na bitter pa ako at hindi pa nakapag-move on. Mas iisipin nila iyon kaysa sa ipinapakitang ugali ngayon ni Khazer. Alam ko na 'to, palaging sa akin pa rin ang sisi kung tatanggihan ko siya. Ganoon nila pina-patronize ang gagong 'to.
Hindi ko siya mabasa. Ano ba ang maaaring plano nilang dalawa sa akin ni Preslyn? Anong klaseng pagpapahiya ang gagawin nila sa akin ngayong gabi? Kasama ba roon ang pagpakialam niya kung sino ang puwede kong isayaw at hindi? Masyado namang pang-isip-bata ang plano nila, parang kagaya lang noon!
Napairap ako dahil nakakainis talaga ang taong 'to. Alam naman ng lahat na may gusto ako sa kaniya noon. Hanggang ngayon ba naman ay balak pa rin niya akong pag-trip-pan? Kung hindi ko lang alam na gusto lang ako niyang asarin siguro ay kanina pa akong kinilig. Kinilig? What the hell, Aarya!
Marami na akong naging ka-fling pero wala pang-umagaw ng atensyon ko maliban na lamang sa lalaking kasayaw ko ngayon. Sa lahat kasi ng mga lalaking naka-fling o naging boyfriend ko, attraction lang ang tangi kong nararamdaman sa kanila pero ngayon ay ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa lalaking ito. Bakit ngayon ko lang siya nakilala? Bakit hindi pa noon?
Napatingin ako kay Khazer na mukhang wala sa mood at iritadong pinagmamasdan ako. Naghihintay siya ngayon sa akin para isayaw ako. Siya ang lalaking unang bumihag ng aking puso pero siya rin ang unang nanakit sa kawawa kong puso.
Ang lakas ng loob niyang yayain akong sumayaw pagkatapos niya akong lokohin noon! Marinig ko lang ang boses ng lalaking 'to ay parang guguho na naman ang mundo ko. The only one that could make my world crumble was none other than Khazer Leonardo, the only *ssh*le who hurt me back then.
Akala niya ba ay may nararamdaman pa ako sa kaniya? Akala niya ba ay mapagti-trip-pan niya pa ako ulit kagaya noon? Nagkakamali siya! Naglaho na ang pagmamahal ko sa kaniya at napalitan 'yon ng galit. Pagkamuhi na lang ang tanging nararamdaman ko para sa kaniya!
Hindi ko pa man tinatanggap ang kaniyang alok ay inagaw na niya ako sa kasayaw ko. Nagulat ako sa kaniyang inasta kaya tinaasan ko siya ng kilay. Mabilis lang 'yon dahil malungkot kong tiningnan ang lalaking kasayaw kanina. Nagulat din siya at nang makaraan ay nairita rin sa ginawa ni Khazer.
Gusto kong balikan ito pero ayaw kong magsimula ng issue lalo pa't masama talaga ang ugali ni Khazer. Wala siyang gusto na hindi niya nakukuha. At masyadong mabait ang lalaking kasayaw para ma-involve sa demonyong lalaking 'to. Wala akong choice kung hindi ang pagbigyan siya. Naisip ko rin na mabuti na rin siguro na ipakita sa lahat na wala na sa akin ang issue ng mga nangyari noon. Na naka-move on na ako. Para sa aking sariling kapakanan din naman ito.
Nanghihinayang lang ako dahil hindi ko pa nakilala ang binatang kasayaw. Wala na rin kasi itong nagawa at nagpaubaya na lang sa lalaking 'to. Mukhang kilala niya kung sino at ano ang kayang gawin ni Khazer no’ng kunin niya ako mula sa kaniya.
"Eyes on me, woman."
Nagulat ako nang hinawakan ni Khazer ang aking baba at iniharap sa kaniya. Dahan-dahan niyang sinabit ang kamay ko sa kaniyang balikat sabay hapit ng baywang ko palapit sa kaniya. Pinilit kong h'wag ipinalata sa kaniya ang paghuhuramentado ng puso ko. Sinikap kong huwag magpakita ng emosyon sa mukha para maisip niyang nawalan ako na ako ng gana nang siya na kasayaw ko.
Para hindi ako masyado maging conscious sa lapit naming dalawa, inisip ko na lang ang kasayaw ko kanina at ang lungkot at panghihinayang nito nang kunin ako bigla ni Khazer. Hindi mawala sa aking isip ang bagsak na balikat nito habang bumabalik sa puwesto.
Alam kong gusto niya pa akong isayaw pero siguro'y baka alam niya rin ang history naming dalawa ni Khazer kung kaya't sumuko na lang. Patay na patay talaga kasi ako sa lalaking 'to noon at alam 'yon ng lahat kahit ang mga nakakatanda at nakakabata naming schoolmates. But that was before. Wala na akong interest sa lalaking ito.
Hindi ko maiwasang maawa sa nakasayaw, pinangako ko sa sarili ko na babawi rin ako sa kaniya. Hindi ko alam pero ang gaan talaga ng loob ko sa kaniya. At least alam ko na wala siyang masamang motibo sa akin hindi katulad ni Khazer. He purely liked me. Ramdam ko iyon sa kaonting oras na magkausap at magkasama kami.
Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin pero iniwan ko na lang bigla roon si Khazer at tinawag ulit ang lalaki kanina. Gusto ko lang kasi malaman ang pangalan niya dahil bigla akong nagka-interes sa kaniya.
"Teka lang!" pigil ko sa kaniya bago pa siya makaupo. Mabuti na lang dahil malapit lang sa dancefloor ang puwesto niya. Narinig ko na kinakantyawan siya ng kaniyang katabi dahil sa biglaan kong paglapit.
"Y-yes," namumula nitong sagot at halos hindi siya makapaniwala sa paglapit ko sa kaniya. Hindi siya sigurado kung siya ba ang tinutukoy ko. Kaya binigyan ko siya ng napakatamis na ngiti. Ang katabi niya ay bigla siyang yinugyog, pabiro lang niya itong itinulak.
"Can I know your name?" nakangiti kong tanong sa kaniya. "I'm Aarya Allonto," patuloy kong sabi kahit 'di pa man ito nakakasagot sa akin. Pinakilala ko rin ang aking sarili kahit hindi pa man niya ako tinatanong.
"I'm Jaylon Samonte," sabi niya. "Kilalang-kilala na kita."
Nagngitian kaming dalawa at kalaunan ay sabay na lang kaming tumawang dalawa dahil wala sa aming nagtangkang magsalita.
"It's my pleasure to meet you again, ganda," sabi niya at diniinan pa ang huling sinabi at sabay lahad ng kaniyang kamay. Hindi na ako nagdalawang-isip na abutin ang kaniyang kamay at napangiti ako nang bigla niyang dinampian nang halik ang likod ng aking palad. Masaya rin siyang bumalik sa puwesto nang sinabihan kong may babalikan lang ako sa dancefloor.
Bigla akong napaatras nang makita ko ang hindi maipintang mukha ni Khazer. Nakatiim-bagang siya na para bang may nagawa akong malaking kasalanan sa kaniya. Para itong bulkan na puputok na lang bigla at hindi ko alam kung ano ang punto niya kung bakit siya nagkakaganiyan. Imposible naman kasi na dahil ito kay Jaylon? Nagseselos ba siya? Imposible. Alam kong hanggang ngayon ay may namamagitan pa rin sa kanila ni Preslyn. Wala siya sa lugar para magselos. At higit sa lahat, hindi niya ako mahal o kahit minahal man niya ako noon pa man ay wala pa rin siya sa lugar para magselos siya nang ganiyan. Hindi dapat siya makaramdam ng paninibugho dahil wala namang kami o sadyang assuming lang din ako sa nakikita kong nararamdaman niya.
Ano na naman kaya ang problema niya? May pagalit-galit pa siyang nalalaman! Kung tutuusin ako nga ang dapat magalit sa inaasta niya ngayon dahil kahit kailan ay wala talaga siyang modo. Dapat ay kasayaw ko pa sana si Jaylon Salmonte pero umeksena siya.
Lumapit siya sa akin at nilagay ulit ang aking kamay sa kaniyang balikat. Sobrang lapit na naman naming dalawa at hindi ko alam kung sinasadya niya ba iyon. Amoy na amoy ko ang pamilyar niyang pabango na noon niya pa ginagamit. Nang tingilain ko siya ay nakakunot ang makakapal niyang kilay habang nakatitig lang sa aking mukha.
At dahil naiinis ako sa mukha niya ay iniiwasan ko ang kaniyang mga titig. Bukod doon ay ayaw kong mamayani ang takot sa aking sestima. Kailangan kong patunayan sa sarili ko na kaya ko na siyang harapin. Malapit man kami o hindi. Pareho lang kami ng industriyang ginagalawan, so meeting him was inevitable. Kailangan kong harapin ang kinakatakutan ko.
Kailangan ko siyang harapin. This time, hindi na ako lalayo kagaya nang ginawa ko kagabi. I would finally face my fears and fight it, at isa na siya roon.
"How's your car?"
Napatawa ako. 'Yon talaga ang tinanong niya sa akin pero sinagot ko pa rin siya.
"I bought a new one."
"Why did you leave me last night?"
Matalim ko siyang tinititigan.
"Why can't I?"
"You owe me a—."
"I didn't ask for your help. Bakit naniningil ka ba? Ilan ang kailangan mo? Babayaran ko," sabay ngisi ko sa kaniya. Kitang-kita ko naman ang pagtagis ng kaniyang bagang dahil sa inis at hindi na lang ako nagsalita.
Matapos ang ilang saglit ay napagod na akong kasayaw siya. Napaka-boring naman kasi niyang kasama. Idagdag mo pa na naaalibadbaran na ako sa mukha niya. We were dancing for few sweet song, tama naman siguro 'yon. Napatunayan ko na ang dapat kong patunayan. Nakokontrol ko na rin ang takot ko sa kaniya.
"Pagod na ako, maiwan na kita," sabi ko at mahina ko siyang tinulak ngunit bumalik lang ako sa pagkakasandal sa dibdib niya nang bigla niya akong hinila pabalik. Mas lalong naging intense ang aking inis sa kaniya.
"Bitaw," mahina pero mariin kong sabi sa kaniya pero tinitigan niya lang ako diretso sa aking mga mata at walang balak na sundin ang utos ko. "Hindi mo ba ako narinig?" naiisnis kong tanong. Kinunutan ko siya ng noo dahil nagsisimula na akong mawalan ng pasensiya sa kaniya. Sumasakit na ang mga paa ko dahil kanina pa kaming dalawa sa pagsasayaw.
"That nerd," sabi niya sabay baling sa puwesto kung nasaan si Jaylon Salmonte na hindi maialis ang tingin sa amin. "Alam ko namang bigla kang nagka-interes sa lalaking iyon kaya wala ka nang gana makipagsayaw sa akin," naiinis nitong reklamo. Ang gitla sa aking noo ay mas lalong lumalim. Naguguluhan ako sa mga pinapakita at inaasta niya ngayon.
"Tsk, ano bang pakialam mo? Yes, I find him interesting and I like him, Mr. Leonardo. Wala ka nang pakailam doon." Tinulak ko siya at tuluyan nang bumitaw sa akin. Hindi pa man ako nakakahakbang ay bigla na naman niya akong pinigilan. Mahigpit ang ginawa niyang paghawak sa aking braso. At kakaiba ang mga titig na pinukol niya sa akin, punong-puno ito ng galit.
Ewan ko ba kung bakit ganito siya makaasta ngayon dahil kung tutuusin ako ang dapat magalit sa kaniya.
"Ano bang problema mo?" Sinadya kong hinaan ang aking boses dahil baka may makarinig pa sa amin. Ayaw ko ng eskandalo lalo na kung involve pa siya. Kunot-noo ko siyang hinarap at hinigit ang aking braso sa pagkakahawak niya. Pero hindi n'ya pa rin ako binitawan at mas lalo niya pa itong hinigpitan.
Diniinan n'ya pa lalo ang paghawak sa akin at nagsisimula nang humapdi. Hindi ko na lang ininda ang nararamdaman. Kinimkim ko ang sakit hangga't kaya ko pa dahil hindi ko hahayaang makita niya ang totoo kong emosyon. Walang puwang sa akin ngayon ang magpakita ng kahinaan lalo na’t pagdating pa sa kaniya.
"Hindi ko alam na iba na pala ang mga type mo sa lalaki? That nerd is nothing compared to me!" matigas niyang sabi at biglang umigting ang tenga ko dahil sobrang nakakainsulto na siya.
"Ang lakas talaga ng loob mo! Nasasabi mo talaga 'yan sa 'kin ng hindi man lang nagdadalawang-isip? Masyado ka naman yatang gwapong-gwapo sa 'yong sarili? Tsk, kahit hindi ka naman naman tinatanong ay ikinukompara mo pa rin ang sarili mo sa ibang tao! Ang kapal mo rin, ano? Ibang level ka na talaga pero gusto ko lang malaman mo na wala akong pakialam sa hitsura ng tao. Mas gusto ko 'yong mga lalaking magaling, maybe he's good in bed," sabi ko at nginisihan ko siya. Sinadya ko ring diinan ang huli kong mga sinabi.
Tinalikuran ko na agad siya matapos ang mahabang litanya bago pa ako mawalan ng respeto sa kaniya at baka masampal ko pa siya sa harap ng maraming tao.
"Aarya!" matigas niyang tawag sa aking pangalan pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad at kinaway ko na lang ang aking mga daliri sa ere bilang senyales ng pagpapalam.
"I'm better than him!" pahabol niyang sigaw sa akin. Ayaw talagang magpatalo at para talagang bata kaya hinarap ko siya ulit.
Dinig na dinig ko rin ang mahinang tawa ng mga tao sa paligid pero hindi ko na lang pinansin. Napakatakaw talaga sa atensyon.
Ang kapal talaga ng mukha ni Khazer Leonardo. May lakas pa siya manghusga kahit hindi ko naman hinihingi ang opinyon niya.
"I don't care! At sino ka ba para pagsabihan ako? Hindi ko kailangan ang komento mo," sagot ko sa kaniya at tinalikuran na siya kaagad at wala na akong balak na lingunin pa siya.
Nagsisi talaga ako kung bakit siya pa ang nagustuhan ko noon. Ang sama-sama ng ugali niya. Kung maibabalik ko lang sana ang oras, siguro, baka si Jaylon Salmonte na lang ang pinili ko at hindi siya.
***