Hindi maipagkakaila na masakit pa rin sa akin ang mga ginawa nila sa akin noon. The pain still lingered in my heart. I did everything to escape every nightmare I had, every night in order to live. Subalit sa tuwing nakikita ko sila kahit na ang kanilang mga bakas ay bumabalik pa rin sa akin ang mga sakit. Ngayon nakikita ko sila nang personal, mas nararamdaman ko ang hapdi na dala ng kanilang mga masasakit na salita noon laban sa akin lalo na nang makita ko sila ulit.
Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko habang isa-isa ko silang pinagmamasdan nang makahanap kami ni Sussette ng puwesto. Ginawa ko ang lahat para kontrolin ang aking emosyon at panginginig. Kailangan kong ipunin ang lahat ng lakas na inipon ko sa loob ng walong taon. May gusto akong patunayan sa sarili ko dahil ayaw ko nang bangungutin gabi-gabi ng mga masasakit na alaala. Ayaw kong magpatalo sa kanila at pag-trip-pan na naman. I should show them that I wasn't the same poor girl they could hurt. That I wasn't vulnerable anymore. I was doing my best to hide it to make sure that they couldn't fool and hurt me anymore.
Hindi ko pinapahalata na hanggang ngayon ay apektado pa rin ako. Baka 'yon pa ang maging dahilan para tuluyan nila akong sirain. Hinding-hindi ako makakapayag lalong-lalo na kung tatangkain ulit ni Preslyn Maniego at ang sunod-sunurang sa kaniyang si Khazer Leonardo na saktan ako.
Speaking of the devils, limang lalaki ang sabay-sabay na pumasok kasama ang nag-iisang babae. Isa si Khazer sa mga lalaki samantalang si Preslyn naman 'yong natatanging babae. Kung umasta pa rin talaga sila ay para pa rin silang mga celebrity na dapat may slow motion ang entrance. Dapat lahat ay mapapalingon. Conceited. Vain. Immature. Tama pala ang iniisip ko na kahit kailan ay hindi man lang sila nag-mature. Akala nila ay kaya nilang kontrolin ang oras na pahihintulutan sila na gawing slow motion ang pagpasok nila.
We were not teenagers anymore so they should drop the act now. Para tuloy silang walang pinagbago, parang walang character development sa mga nakalipas na taon. Nararamdaman ko pa rin 'yong aura nila kagaya no'ng nasa highschool pa lang kami.
Ewan ko ba kung ako lang ba ang nakakaisip ng ganito o ganito rin ba ang nararamdaman ng iba. Wala na ang pag-slow motion ng paligid kagaya noon para sa akin. Ang tanging epekto nila sa akin ay takot na baka saktan nila akong muli.
Hindi ko mapigilang mapatingin sa mga ka-batch ko na naagaw pa rin nila ang atensyon. Hindi ko maintindihan, bakit mayroon pang ganoong epekto ang grupong iyon sa kanila? Well, sabagay, hindi naman nila na-experience ang mapag-trip-pan.
Napahawak ako sa aking dibdib. Parang gustong kumawala nito sa ribcage ko lalo na nang makita ko si Khazer. What was happening to me? Hindi ko dapat maramdaman ang medyo pamilyar na pakiramdam na ito. Malalagay na naman ako nito sa alanganin at baka saktan na naman ako. Nakakatakot nang mahulog sa patibong na nabitag na ako no'n, parang sobrang tanga ko naman kung magpapauto pa ako sa kaniya.
Biglang nagtama ang aming mga paningin at bakas sa kaniyang mukha ang pagkabigla nang makita ako. Siguro ay hindi niya inaasahan ang aking presensiya. Nanlaki ang mga mata ko nang maglakad siya palapit sa 'kin at humiwalay sa kaniyang kagrupo.
My knees began to tremble at his every step, and I could no longer explain the nervousness reigning within me. Bigla akong nakaramdam ng panic!
What was he doing?
Hindi ba siya nag-iisip? Hindi niya ba naisip na maaring pag-usapan ulit kami ng mga ka-batchmate namin sa paglapit niya? Sasaktan naman nila ako ng kanilang mga salita kahit wala naman akong ginagawang masama!
Alam ko sa sarili ko na wala naman akong kasalanan sa kaniya. Siya itong may kasalanan sa akin. So I should not be ashamed or afraid of him. If there was someone who should be ashamed, it should be him because he was the one who did something wrong to me.
Ang kapal talaga ng mukha niya. Bakit pa siya lalapit sa akin? Sasaktan na ba naman niya ako?
Before he could reach me, thanks to Sussette for saving my night. Nang papalapit na kasi Khazer sa 'kin habang nasa likod ang kagrupo niya ay agad din akong tinawag ni Sussette. She hurriedly went to me and dragged me away from them. I heaved a sigh of relief when I was meters away from the people I didn't want to see anymore.
Nang ibaling ko ang tingin kay Sussette ay biglang naging malungkot ang itsura niya. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong may dahilan siya.
"Aarya, I'm sorry dahil alam kong nasasaktan ka pa rin. Kahit hindi mo sa akin aminin, alam kong nahihirapan ka na makita sila. I'm sorry kung pinilit kita rito kahit alam ko namang hindi ka pa rin nakakalimot. Pero sana ay naiintindihan mo ako dahil ginawa ko 'to para sa 'yo," seryoso niyang sabi sa akin bago niya nilunok ang huling laman sa kaniyang baso. Malungkot ang kaniyang tinig at habang nagsasalita ay wala pa rin sa akin ang kaniyang paningin. Nakatingin siya sa likod ko kung nasaan sina Khazer binabantayan
"Thanks, Sussette, alam ko naman," 'yon lang ang tangi kong tugon. Hindi ko na ipinagtanggol ang aking sarili dahil tama naman siya. Sa pagkakataong ito ay hindi ko kayang magsinungaling sa kaniya at kahit tumanggi ako ay sigurado akong hindi siya maniniwala sa 'kin.
Pagod na rin akong makipagtalo pa, ipipilit niya pa ring tama siya. At baka 'yon pa ang dahilan para mahalata kami ng ibang tao. Ayaw ko silang bigyan ng ideya na nahihirapan pa rin ako at apektado sa kanila. I wouldn't give the satisfaction. I wouldn't let them assert their dominance over me.
"Gusto ko lang naman na malagpasan mo ang lahat ng mga pinagdadaanan mo ngayon," paliwanag niya sa akin. Sussette looked sincere and concerned. Sa totoo lang ay hindi niya na kailangan pang mag-explain dahil naiintindihan ko ang punto niya.
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay pinag-usapan na lang namin ang ibang bagay. Nang may biglang kumausap sa kaniya ay pasimple kong ginala ang mata ko sa paligid dahil pansin kong parang may nakatingin sa akin. Biglang huminto ang tingin ko nang makitang si Khazer iyon. Kasama niya ang apat na lalaking kasama sa barkadahan nila noon at katabi niya ang nag-iisang babae nila sa grupo. Walang iba kung hindi ang pinakamamahal niyang si Preslyn Maniego.
Mas lalo itong gumanda, s-um-exy at mas dumoble ang kinis nito. Sinandal nito ang ulo sa balikat ni Khazer Leonardo habang hinahaplos ng lalaki ang buhok nito. Napakaamo ng mukha nito at kung hindi lang dahil sa ginawa nila sa akin no'n ay iisipin kong para itong isang anghel na napadpad lang sa lupa. Habang ginagawa ang paghaplos ay nakatingin lang siya sa akin na parang ako lang nakikita. What he was doing? Hindi dapat nasa akin ang atensyon niya.
Sumakit bigla ang kalooban ko nang makita kong hinaplos din ng binata ang makinis nitong mukha. Habang nakatitig ang dalaga sa binata ay nginitian niya ito. At ang mga mata niyang mapupungay ay parang hinihipnotismo ang babaeng kasama.
Hanggang ngayon pala ay si Preslyn pa rin. Masakit mang aminin pero totoong nakakainggit. Bago ko iniwas ang mga titig ko sa kanila ay nahuli niya akong nakatingin sa gawi nila. Inalis ko na lang sa kaniya ang tingin ko at binagsak ito sa aking pagkain.
Sa pangalawang beses, lumapit sa akin ang mga waiter na nagse-serve ng maiinom. Kumuha ako ng isang basong may lamang alak at isinauli ang basong walang laman. Nakatingin na rin sa akin si Preslyn Maniego nang mapansing ako ang tinitingnan ni Khazer.
Tinaas ko ang baso habang nakatingin sa kanila upang makipag-cheers sa kawalan na sila ang aking tinutukoy. Hindi ko rin pinalampas ang pagkakataong ngitian si Khazer. Napansin kong kumuyom ang mga kamao ni Preslyn kaya sinadya kong bagalan ang pag-inom. Dahan-dahan kong nilunok ang alak at maarte akong kumilos na para bang nag-e-endorso ng masarap na inumin.
I shouldn't show them that I was still afraid of them kahit kinakabahan ako sa ginawa ko. Nahinto lang ang kahibangan ko nang may isang lalaking lumapit sa akin at inalok ako ng sayaw. Kahit papaano ay marunong naman akong sumayaw kung kaya’t hindi ko na siya tinanggihan. At isa pa, ayaw kong sayangin ang gabing ito. Kailangan ko rin ibalandra ang suot at kung paano ako nagbago sa kanilang lahat.
Bunos na lang dahil ang gwapo nitong nag-aya sa akin!
Maingat at marahan niya akong dinala sa gitna ng mga nagsasayawan. Pansin ko na naagaw namin ang atensyon ng lahat at pakairamdam ko ay maraming mga matang nakatingin sa amin. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpokus na lang sa kasayaw. Naging mahina at romantic ang tugtog kung kaya't hinawakan ng binata ang aking baywang. Nakatitig siya sa akin na para bang hindi makapaniwala na pinaunlakan ko siya ng isang sayaw.
Hindi ko siya matandaan, but I was so sure that he wasn't my classmate. Hindi rin siya isa sa mga nanakit sa akin noon. Siguro ay nasa ibang section siya no'ng doon pa ako nag-aaral.
Kumapit ako sa kaniyang balikat at humilig sa kaniyang dibdib. Hindi na masama dahil gwapo naman ito at mukhang magalang. He was so gentleman at wala akong napansing kabastos-bastos sa mga kinikilos niya. I even noticed him stiffened no'ng humilig ako. Bigla akong napangiti nang marinig ang malakas na pintig ng kaniyang puso sa loob ng kaniyang dibdib. Hindi halata na kabado siya kung pagbabasehan ang mukha niya. Ang galing naman niya magkubli ng emosyon.
Hindi ko na siya namumukhaan dahil lahat naman ay may pinagbago, lalo na’t nagparetoke ang iba sa mga ka-batchmate ko. Malakas ang loob ko na hindi siya isa sa mga nanakit sa akin. Isa lang naman sa mga kaklase ko no'ng 4th year ang hindi ko na halos nakilala no'ng nakita ko kung hindi lang sinabi ni Sussette. Pango ang ilong ni Elsa noon pero ngayon ay tinalo pa ang kagandahan nito ang ibang mukha ng mga sikat na artista.
Kinausap ko ang kasayaw nang mapansin kong pinipigilan niya ang kaniyang paghinga. Ayaw kong maging awkward kami lalo na't nararamdaman kong mukhang hindi naman siya masamang tao. Ewan ko ba, malakas ang mga radar ko kung sino ang mabait at masama. At ang mga kagaya niya ang dapat kong kaibiganin.
"Are you nervous?" natatawa kong tanong sa kaniya nang tumingala. Tsokolate ang kulay ng kaniyang mata, matangos na ilong, mapupulang labi—he really looked handsome...and gentleman.
"Yeah," pag-amin nito nang wala man lang pag-aalinlangan. Hindi ko mapigilang matawa dahil sa pagkapranka niya. Kabado pa rin siya kahit pinapagaan ko na ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. Ganoon ba ang epekto ko sa kaniya noon pa man?
Akala ko pa nga ay edi-deny niya ang nararamdamang nerbyos. Na-amaze tuloy ako sa pagiging honest niya. Minsan lang sa tao ang nakakatagpo ng mga taong honest at ang mga taong gano'n ay dapat na binibigyan ng halaga.
"Why?" tanong ko ulit sa kaniya.
"I don't know either," seryoso niyang sagot.
"Maybe, you like me," pagbibiro ko sa kaniya. I always threw a silly joke like this para maging komportable sa akin ang kausap ko.
"Yes. I like you since then," tipid niyang pagko-confess at mas lalo tuloy akong natawa. Hindi man lang siya nag-deny kahit binibiro ko lang naman siya kanina para mawala ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. So he was interested in me.
Kung hindi ko lang talaga alam na malakas ang kabog ng dibdib niya ay hindi ko iisiping kinakabahan siya. Magaling itong magtago ng nararamdaman. Wala man sa mukha niya ang pagiging nerbyoso pero ang mga sagot niya sa aking mga katanungan ay masyadong tapat. Napatawa tuloy kami nang sabay sa katapatan niya. Magtatanong pa sana ako ng maraming bagay sa kaniya nang may biglang sumulpot sa aking likuran.
"Let's dance," sabi ng lalaki sa likod ko. Pamilyar pa rin sa akin ang kaniyang baritonong boses. Hindi ko man siya tingnan ay kilalang-kilala ko na kung sino siya nang lubos.
This jerk. What he was doing! Plano ba nila ni Preslyn na sirain ang gabi ko? He was unbelievable!
***