That night was the last time I've seen them, hindi na nasundan ang pagkikita namin sa loob ng dalawang taon. Akala ko ay magiging madalas ang pagkikita namin pagkatapos ng tagpong iyon pero hindi pala at mas nakabuti iyon sa akin. And that was a good thing since my mind wasn't bothered anymore. Naging tahimik ang buhay ko pagkatapos ng reunion na 'yon. Paminsan-minsan kasi ay nakakasalubong ko rin ang mga taong nang-backstab sa akin pero hindi na ako nagpa-panic. Ang ilan ay nag-sorry sa mga sinabi nila against sa akin noon at mabilis ko namang pinatawad. Siguro, ‘yon lang din ang hinihintay ko sa kanila kung kaya’t natunawan na rin ako kahit papaano. At confident ako na wala na ang takot o trauma ko dahil kaya ko nang marinig, sambitin o isipin ang mga nangyari noon na hindi na nangingin