LIANNA'S POV
The day is pass. Hangang sa ngayon ay napapanaginipan ko parin ang mysterious na lalake. Tapos may time na nagigising ako tapos 'yong bintana ko bukas. Nakakapagtaka lang kasi iniiwan ko talagang nakasara 'yon, e.
"Mom?" tawag ko ng makababa ako.
"Hmm? Yes, anak?" sagot nito mula sa kusina.
"Tanong ko lang po kung pumasok ka kagabi sa k'warto ko?" tanong ko.
Baka lang naman malay ko ba kung pumapasok nga sya?
"Hindi. Bakit?" Napakunot ang noo nya.
"Kasi po 'yong bintana nakabukas, e. Bago po ako matulog sinasara ko po 'yon," sabi ko naman at napatingin sa 'kin si mommy.
"Baka nakalimutan mo lang isara?" Napangiwi ako at napaisip. Baka nga?
"BUNSO!!!" Napatalon ako sa tawag ni kuya mula sa taas.
"Jhonson! Ano ba 'yan?" sita ni Mommy.
"Mom! May dugo sa kama ni bunso." Nanlaki ang mata namin ni mommy sa sinabi ni kuya Jhonson.
Imposible. Hindi pa ako dinadatnan ah?
"Ano?" Sabay kaming napaakyat sa taas.
Agad kaming umakyat ni mommy. Oo nga? Pero kaninang paggising ko wala pa 'yan? Teka? May papel. Kinuha ko iyon at binasa. Napatakip ako ng bibig nang mabasa ko 'yon.
"Anak pabasa." Kinuha ni mommy ang papel.
"Soon you'll be mine?" Basa ni mommy at nakakunot ang noo nya.
"Kuya." Napayakap ako kay kuya dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon.
"Kailangan nating mai-report ito sa mga pulis," saad ni Mommy.
Kung nandito si daddy paniguradong magagalit 'yon. Pati si kuya John. Kanino galing 'yon? Sino ang naglagay no'n sa kama ko? Hindi ko alam ang sunod na nangyare dahil nanghina bigla ang katawan ko. Nanlambot ang mga tuhod ko.
"Lian! Lian!" tawag ni kuya.
"MOOOOMM!!!" Wala na akong iba pang narinig bukod do'n sa sigaw ni kuya.
SOMEONE'S POV
Kung hindi ko sya makukuha agad ngayon. Kailangan ko ng tamang panahon para mapasa akin ang matagal ko nang dapat inangkin. Tsk? Kung hindi lang sya pumasok sa paaralang iyon pati ang alagad nya edi sana nakuha ko na sya.
Kung hindi lang sya pumupunta sa silid ni Lianna. Edi sana nakuha ko na sya. Sinusuwerte ka ngayon. Pero sa susunod hindi na. Hindi kana sisinagan ng araw.
"Kailangan ko ng dugo ngayon na. Nauuhaw na ako."
Kung sya nakakaya nyang tiisin ang uhaw p'wes ako hindi. Kung hindi ko sya malabanan ng dahil sa isa syang makapangyarihan. Sisiguraduhin kong mamamatay sya ng dahil sa pagkauhaw sa dugo. Dugo ng isang maharlika. Dugo ng isang babaeng birhen.
"Eto na po." Sabay abot ng dugo.
Napapikit ako ng malasahan ang manamisnamis na lasa ng dugo. Hmmm! Ang sarap. Napangiti ako ng titigan iyon.
LIAN'S POV
Ang gandang lugar. Isang napakalaking bahay. Mansion pala. Grabe. Kanino naman 'tong bahay na 'to? Ang ganda ng pagkakagawa. Tapos ang daming mga rosas. Makapasok nga sa loob. Parang walang tao?
"Tao po?" Tinignan ko ang paligid.
Iyong hagdan nila may karpet. Tapos 'yong may litrato. Ang laki. Huh? Bakit parang kamukha ko ata 'yong isa?
"I told you. You'll soon to be mine." Napasinghap ako dahil sa lalaking umakap mula sa likod ko.
****************
"AHHHH!!!" Napaupo ako kasabay ng sigaw ko.
Napalinga ako sa paligid dahil napansin kong wala ako sa k'warto ko. Nasa k'warto pala ako ni mommy. Kamusta na kaya 'yong pag-iimbistiga sa k'warto ko? Saan kaya sila?
"Lian!" biglang pumasok si kuya. "Ayos ka lang ba?" Alalang tanong nito.
Tumango ako bilang sagot. Pero, sino naman kaya ang bagong character na pumasok sa panaginip ko? Sino naman kaya 'yong lalaking 'yon? Ang dami na talagang kababalaghan ang nangyayare ngayon sa 'kin. Hindi ko maintindihan.
"MAHAAAALL!!" Napatakip kami pareho ni kuya ng tenga dahil sa sigaw ni mahal. Anak ng tokwa. "Waaahhh!!! Buti naman at ayos ka lang. Nag-alala ako sa 'yo." Sabay kuha ng pagkaing dala ni kuya.
"Nag-alala kapa sa lagay na 'yan ah?" Taas kilay na tanong ni Kuya.
"Hmmp!! S'yempre nagutom ako," sabi nya habang nilalantakan 'yong pagkain.
"Mahal naman parang hindi ka naman kumakain sa inyo." Nakangusong sabi ko.
"Hmmp!! Oo nga pala mahal. Lately napapansin ko. Bakit parang ang putla mo?" takang tanong nya sa 'kin.
Napatingin naman ako sa salamin. "Oo nga 'no? Dry na din 'yong balat ko. Bakit nga ba?" takang sabi ko habang tinitignan ang sarili ko sa salamin.
"Sabi ko naman sa 'yo, e. Uminom ka ng tubig. T'saka uminom ka din ng vitamins." Sabay labas ng enervon sa bag.
"Hindi ka naman ready 'no?" asar ni kuya.
"Hehe. Sabi nga nila. Be ready." Sabay abot ng capsule sa 'kin saka pinainom.
Kailangan ko na sigurong kumain ng marami at uminom ng uminom ng tubig. Teka? Parang ang hapdi ata ng leeg ko? Tinignan ko sa salamin. May kalmot? Tinabunan ko nalang ng buhok ko para hindi halata ni kuya at mahal. Baka ano pa sabihin nila.
***Fast forward***
Dalawang araw ang lumipas. S'yempre ngayon nasa school ako. Med'yo inabot ako ng alasais dahil sa dami ng ginagawa. Naglalakad ako sa hall way ng may naramdaman akong parang may sumusunod sa 'kin. Binilisan ko pa ang lakad dahil sa nararamdaman kong takot. Bakit kasi sa akin pa pinagawa ang lahat p'wede namang sya nalang. Huhu ang creepy ng school na 'to nakakaloka!
"S'yems! Ayaw ko makakita ng mumu!" bulong ko sa sarili ko.
"If you think that I'm a ghost. Why don't you look at me?" Napahinto ako sa isang boses na napaka kalmado at napakalamig.
Nilingon ko ang lalaking nasa may likuran ko na kasunod ko lang pala. Napaatras ako dahil sa lapit nya sa 'kin. Ziekiel? Why is he here? Alam ko sa kabilang building ang class room nila? Pero bakit nandito sya?
"Ziekiel?" Kunot noo kong sabi.
"Bakit nandito ka pa? Ala-sais na ah?" takang tanong nya.
Hindi naman ako tanga. "Maraming pinagawa si Miss Santos sa 'kin. Kaya ginabi na ako," sabi ko.
Tatalikod na sana ako kaso. "One move, you'll die," sabi ng tinig at napako ako sa kinatatayuan ko.
Isang lalakeng hindi ko pa nakikita ni minsan sa university na 'to. Lalaking naka cup at hindi ko makita ang kanyang mukha. Sino naman 'to?
"Long time no see?" sarkastikong sabi ni Ziekiel.
Sige? Kayo lang nagkakaintindihan. O.P ako sa dalawa na 'to kakaloka.
"Yea. It's been a years since you left and live here.” Nakangising sabi nito.
Namutawi ang kaba sa dibdib ko at nanginginig ang binti ko.
"Yea. You too."
Ayaw kong makisawsaw sa kanila. Anong oras na hahanapin na ako nila mommy. Bigla naman pumunta sa harap ko si Ziekiel. Problema nya?
"Alam ko ang balak mo. Kaya kong ako sa 'yo. Umalis kana kung ayaw mong mamatay." Nagulat ako sa tinuran ni Ziekiel.
"Akala mo ba mababago mo ang kapalaran mo kapagnakuha mo ang gusto mo?" hindi ko na talaga maintindihan.
Tumakbo ako paalis. Wala akong alam sa pinag-uusapan nila. Paglumiwanag at nakauwi ako. Kakalimutan kong nangyare 'to, promise. Takbo lang ako ng takbo. Please! Sana makauwi pa ako ng buhay sa bahay.
Hindi ko napansin ang isang can na nakaharang sa daan kaya naman ng maapakan ko 'yon ay napahiga ako. Shocks. Sa lakas ng pagkakabagsak ko tumama ang likod ko. Ang sakit tuloy ng likod ko. Napapikit ako ng mariin at napainda dahil sa lakas ng pagkakabagsak ko. Nang-imulat ko ang mata ko agad ako napatayo dahil sa lalaking nasa ulunan ko.
Pero pagtayo ko ay nawala sya. Nasa'n na 'yon? Nandito lang sya kanina. Waaa!!! Totoo nga sabi nila. May mumu daw talaga dito. Tumakbo nalang ako ulit. Napapagod paman din ako.
"Where are you going?" Napahinto ako dahil sa nakakakilabot na boses.
"U-uuwi na po. Hindi ko ipagkakalat 'yong narinig ko. Hindi ko sasabihin kahit kanino. P-promise bukas kakalimutan ko lahat---" Napahinto ako dahil biglang may lalaking yumakap sa 'kin mula sa likod.
"Don't run," bulong nya sa may tenga ko.
Hindi ko maintindihan ang ugali nya. Nakakatakot pero may pagmamakaawa sa boses nya. Ramdam ko ang lakas ng t***k ng puso ko.
"Zie-Ziekiel," tanging nasabi ko.
Hindi ko maigalaw ang katawan ko para makatakas sa pagkakaakap nya mula sa likod ko. Para bang may pumipigil sa 'kin. Anong nangyayare? May naamoy akong rosas. Ang bango pero nakakahilo. Anong nangyayare.
"Good night my princess," iyon na ang huli kong narinig dahil unti-unting nawawala na ang paningin ko.