CHAPTER 3: BATS (The letters in my locker)

1337 Words
LIAN'S POV   Isang napakaliwanag na sinag ng araw ang tumama sa mata ko kaya ako nagising. Hasyt. Anong oras na ba? Tinignan ko ang orasan. Nanlaki ang mata ko dahil 7:30 Na! Geezzz!!! I'm late!   "Waaaa!!!!" Napatakbo ako sa cr ng 'di oras.   Narinig kong may yabag papaakyat. Malamang ay sila mommy iyon.   "Lian! Anong nangyare?" nagpa-panic na tanong ni Mommy.   "Mom! Late na po ako!" sigaw ko. Mula sa banyo.   "Ano kaba! Sabado ngayon. Wala ka namang pasok, e," sabi nito at napahinto ako.   Huh? Lumabas ako ng cr. Hindi pa naman ako nakahubad, e. Kasi nagpaikot-ikot pa ako sa Cr.   "Sabado po ba? Akala ko kasi friday ngayon." Napakamot ako ng ulo saka umupo sa kama ko.   Waaa!!! Inaantok pa man din ako. Hasyt. Teka nga? Pa'no pala ako nakauwi kahapon? Sino naghatid sa 'kin? Napatingin ako kay mommy. Nakatitig sya sa ‘kin na parang may napagtantong bagay.   "Mom?" Kunot noo kong tawag. "Why po?" tanong ko sa kanya dahil nakatitig sya sa 'kin.   "Pansin ko lang nak. Bakit may sugat ka sa leeg? Kelan pa 'yan?" takang tanong nya.   Napahawak ako sa leeg ko at hindi ko alam isasagot ko. No'ng araw 'to kung kelan ko nakita 'yong letter. I don't know kung anong exact date, e.   "Aahh. Ano po kasi---" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.   Ano bang kakatwiran ko? Wala naman kaming alagang pusa, e. Wala din kaming alagang aso? Nangangalmot ba ang aso?   "Hasyt. Mag-iingat ka kasi," sabi nya saka ako hinipo.   "Maaa!!!" Sabay alis ko nito.   "Nilalagnat ka, Lian. Sandali kukuha ako ng tubig sa plangana. Kukuha na rin ako ng gamot." Dali-daling umalis si mommy.   Huh? Ba't naman ako nilagnat? Baka siguro dahil sa kambras sa leeg ko kaya gano'n? Pero imposible. Malayo sa bituka 'to mga day? T'saka bakit parang humahapdi ata? Pumunta ako sa harap ng salamin. Nagulat ako sa nakita ko.   "Nagsugat uli?"   Bakit parang nag-sscratch.   "A-Aaaaaaahhhhh!" napasigaw ako dahil sa sakit.   "LIANNA!" narinig kong sigaw ni kuya John.   "Ku-kuya," tawag ko.   Ang sakit. Lalong humahapdi at sumusugat. Bakit ganito.   "AAARRGGHHH!!!" inda ko.   Shocks. Bakit parang sunod-sunod na araw ata na nangyayare 'to? Panaginip, dugo, 'yong bintana, si Ziekiel at 'yong guy, tapos eto? Ano bang nangyayare?       SOMEONE'S POV   Umeepekto na. Magaling. Akala nya ba? Mababantayan nya talaga ang babaeng 'yon? He can't hide that girl who I want to be a part of this family. The part of the vampires.   "Kailangan na ihanda ang mga gagamitin para sa serimonya," utos ko.   Umalis sya ng silid. Ininom ko ang dugo sa may table ko. Kailangan ko na naman atang pumuta sa labas para maghanap pa ulit ng sariwa.       LIANNA'S POV   Eto na naman, etong lugar na naman. Kelan ba ako makakaalis sa bangungot na hindi ko alam kung pa'no magising? Pagod na ako.   Magtago, tumakbo, maghanap ng lalabasan. Pagod na ako. Huminto ako sa isang silid. Napahiga ako dahil sa pagod. Wala akong lalabasan. Wala akong matatakasan. Hindi ko alam kung pa'no na naman ako napunta sa pesteng lugar na 'to.   "You can't leave in this house."   Ayon na naman. Nakakasawa na. Nakakairita na.   *****************   "Mommy!" Napaupo ako kasabay ng pag-tawag ko sa pangalan ni Mommy.   Walang tao sa k'warto. Tinignan ko ang orasan. Alastres ng madaling araw. Monday na bukas. 'Iyong sugat sa leeg ko. Gumaling na naman. Tumayo ako at pumunta sa terris.   Ano kayang ibig sabihin ng panaginip kong 'yon? Sino ba kasi 'yong lalaking 'yon? Nakakainis lang dahil parang si Ziekiel talaga, e. Pero imposible naman. Habang nilalasap ko ang hangin sa teris may napansin akong kakaiba. Bakit parang naiiba ang araw na 'to? Tinignan ko ang b'wan. Maliwanag masyado at bilog na bilog.   "Awwoooooo!!!" Nagulat ako dahil sa alulong na 'yon.   Wala naman kaming alagang hayop ah? T'saka kelan pa nagkaroon ng asong lobo dito? Baka naman sa kapit bahay? Papasok na ako sa loob. Napahinto ako dahil may naunang pumasok kesa sa 'kin. Bigla akong natakot. Hindi ko tuloy alam kung papasok ako o hindi.   "Si-sino 'yan?"   Baka may magnanakaw na nakapasok. Hinawakan ko ang baston.   "Sino 'yan?" ulit ko. "Mom? Kuya? Daddy?" walang sumasagot.   Pagpasok ko ay binuksan ko ang ilaw. Pagkabukas ko ay napasigaw ako dahil sa dami ng paniki sa loob. Bigla silang nagsilabasan sa pagbukas ko ng ilaw.   "AAAAAHHH!!!" tili ko. Napaupo ako dahil sa dami nila. Takot pa naman ako sa paniki. Ang dami nila. "MOMMY!!! DADDY!!! KUYAAA!!" tawag ko. May narinig akong yabang marahil sila mommy na 'yon.   "Anak!" Hanap ni daddy ng makapasok sya sa k'warto.   "Daddy!" Napatayo ako at saka sya niyakap.   "Bakit? Ano 'yon?" tanong ni kuya John.   "Paniki." Nangi-ngiyak kong sabi.   "Anong paniki?" tanong ni Mommy.   "May paniki sa k'warto ko."   "Pa'no nagkaroon ng paniki sa k'warto mo?" takang tanong ni mommy.   Iyon din ang pinag-takahan ko kanina. Pa'no nagkaroon ng paniki 'yong k'warto ko. Hindi kaya? 'Yong kanina na pumasok?   "Baka kailangan na nating ipa-bless 'tong bahay? Hindi lang 'to ang unang beses. Natatakot na ako sa kapakanan ni bunso," saad ni kuya Jhonson.   "Oo nga tama si kuya, Jhonson," sang-ayon ni Kuya John.   Humiwalay ako sapagkakaakap kay daddy. Saka ako pumunta kay mommy at niyakap din ito. Ayaw kong matulog sa k'wartong 'to mamaya. Kakalimutan ko munang nangayre ito ngayon. Ayaw kong isipin baka mabaliw ako.   "Sige. Tara na sa baba. Maghahanda ako ng almusal," sabi naman ni Mommy at bumaba na kami.   Umupo ako sa sofa. Saka binuksan ang TV. May news agad? Ang bilis ah?   "Isang babae ang natagpuang patay malapit sa gubat. May bakas ang kanyang leeg ng kagat na para bang isang bampira." Nangunot ang noo ko sa narinig ko.   "Nakakapagtaka naman? Meron ba no'n?"   Pinakita sa screen ang kagat. Oo nga. Kagat nga ng bampira. Apat na maliliit na parang tuldok. Dalawa sa taas at sa baba. Pero pa'no magkakaroon ng bampira? Kelan pa? Hindi kaya talagang nag-eexist talaga sila? Hayst. Matapos maghanda ni mommy ng almusal ay kumain na kami. Matapos 'yon. Umak'yat ako sataas para kumuha ng uniform. Oo na wala akong dala. T'saka wala na rin 'yong takot ko.   Matapos kung kunin ay sa baba ako naligo. Ayaw kong maligo sa taas. Matapos 'yon ay pumasok na ako. Nagpaalam na ako kila mommy. Sabi ko h'wag na silang mag-alala. Ayus lang ako.   Nasa gate na ako ng University. Naalala ko 'yong nangyare no'ng nakaraang araw. 'Yong kausap ni Ziekiel. Sino kaya 'yon? Dumeretso ako sa locker ko kasi may kukunin akong libro. Do'n ko kasi iniiwan ang iba kong libro para 'di mawala. Pagbukas ko ng locker may nalalaglag na papel. Tumingin ako sa kaliwa't kanan. Walang nakapansin, bukod sa 'kin. Pupulutin ko na sana 'yong papel kaso dumating si Alyanah.   "MAHAL!" Nabitawan ko ulit dahil sa tawag ni mahal na akala mo nakalunok ng speaker.   "Ano ba Mahal? Hindi ba p'wedeng hindi ka sumisigaw?" inis kong sabi.   "Hehe. Sorry naman. Teka? Ano 'to?" Pinulot nya 'yong papel na pupulutin ko sana.   "Akin na 'yan." Sabay kuha at inipit ko sa libro.   "Hmmpp!! Siguro may secret Admirer ka 'no? O 'di kaya Stalker? Yiiieee!!!" Sabay kiliti sa tagiliran ko.   "Ano ka ba. Stalker, admirer ka pang nalalaman. Wala no'n. Baka may gusto lang sabihin," sabi ko at inaya na syang pumasok.   Pumasok na kami sa room dahil umpisa na ng class. Sino naman kaya ang maglalagay ng Letter sa locker ko? Imposible naman na may admirer ako dahil wala ako no'n. Imposible din na Stalker. 'Di naman ako kagandahan. Mamaya ko nalang babasahin ‘to pag-uwi sa bahay. Nilagay ko 'yong letter sa bag ko saka nakinig nalang sa discussion.       SOMEONE'S POV   Hindi talaga sya nagtatanda. Ilang beses ko na syang binalaan tungkol kay Lianna. Pero hindi nya ako pinakinggan. Ngayon. Kailangan ko nang kumilos dahil baka sa susunod makuha na nila si Lian. Hindi ako papayag.   "SHE'S MINE!" Nasuntok ko ang lamesa dahil sa inis at galit. "Nakuha na ni Lian ang letter." Napangisi ako dahil do’n.   Ngayong gabi ako magpapakita sa kanya. Pero hindi ko ipapaalam kung sino ako. Hindi pa sa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD