LIAN'S POV
Napabalikwas ako ng gising dahil sa alarm clock ko. Hmmm! Istorbo ka po! Nakakainis naman. Napabangon na ako sa higaan ko. Pero inaantok pa ako! Bakit ba kasi kailangan pang mag-aral? Echos lang.
"Anak! Handa na ang almusal. Bilisan mo na!" sigaw ni mommy sa baba.
"Opo mom! Handa na," sigaw ko pabalik.
Nakakainis naman kasi 'yong panaginip na 'yon. Hindi ko alam kung pang ilang beses ko na sya napapanaginipan, e. Nakakainis lang kasi paulit-ulit. Hasyt.
Makapasok na nga sa banyo. After a few minutes. Ayon, nakabihis din sa wakas at bumaba na ako, s’yempre, may pasok, e. Ewan ko ba kung bakit sa school na 'yon ako pinasok. Ang creepy! Gusto nyong malaman? Hmm? Later ko sasabihin.
"Ma, Good morning," bati ko ng makababa ako.
"Good morning. Ano? Kamusta ang tulog mo?" tanong nya habang hinahain ang pagkain.
"Hmm? Ayon, ok naman po," pero sa totoo lang hindi ay hindi.
"Mabuti kung gano'n. Oh, sya. Kain na at baka malate ka pa."
Nilantakan ko na ang paborito kong pagkain haha. Charring lang. Hmm? Hot cakes. Yes! Agad kumuha akong lima. Then syempre kinain ko at uminom na ako ng gatas. Actually nasusuka talaga ako sa lasa ng gatas. Pero s'yempre love ko si mommy kaya iniinom ko. Matapos 'yon ay umalis na ako sa bahay. Baka maabutan pa ako nila kuya. Aasarin lang ako ng mga 'yon.
Paglabas ko sa gate. "Good morning po Aling Martha," bati ko sa kapit bahay namin.
"Sa 'yo din Lian." Masayang sabi nito.
Masarap maglakad lalo't sa umaga. At dahil malapit lang naman ang university dito hindi ko na kailangan pang mamasahe. Oo nga pala, ‘yong creeping university naman ay Vialilia university. Hindi ang pangalan ang creepy pero 'yong mga tao at ibang istudyante OO.
"MAHAAAALLL!!!" Nagulat ako sa biglang sigaw ni Alyanah.
"Ano ba naman mahal. Maka sigaw ka naman parang ang layo mo."
Itong babaitang 'to, e. Sya si Alyanah Martimez. My one and only best friend/Girlfriend/Mahal. Ok, ok. Nothing. She's just my best friend since grades school. Marami kaming napapag-awayan nyan. Like. Dolls? Yea. Mas adik sya sa 'kin sa dolls. Creepy nya, but, I love her naman, e.
"Sorry naman mahal, teka. May assignment ka na ba?" tanong nya.
Oh well. Alam ko na 'to. Ano na naman kaya ang pinagpuyatan nya at hindi nya nagawa ang assignments nya?
"Ok." Kinuha ko ang notebook ko sa bag saka binigay sa kanya.
"Thank you mahal! Love you." Sabay kiss sa cheeks ko.
Ganyan mang-uto ang kaibigan ko.
"Oo na. Tama na pang-uuto," sabi ko naman.
Pumasok na kami sa room. Eto na naman ang mga nagkukumpulan kong mga classmates. Dahil lang sa limang grupo ng lalaki kaya sila ganyan. Oh! let me introduce them.
Si Mark Ian Dela Vera - mabait, makulit, playboy, g’wapo at maskulado.
Kian Deion Dole - Hamble na Mahangin pa, Playboy din, Basketball player, G'wapo, G na G sa sarili nya, e.
Dominick Freton Mendoza - Dancer/singer. mabait, g’wapo, matalino. Mas kilala syang matino. Pero sa loob ang kulo. Gamer.
Romnick Dela Cruz - matalino, mabait, gamer at g'wapo.
At ang pinakahuli sa lahat si
Ziekiel Zaico Valdemor - The most popular, famous, handsome for all boys of this campus.
Ang kinahuhumalingan at kinababaliwan ng lahat bukod sa 'kin dahil naiinis ako sa kanya. Masyado syang cold at medyo nakakatakot. Kala mo magyeyelo ka ng dahil sa tipid at cold nyang pag-sasalita.
Para nga syang bangkay, e. Actually silang lahat. Pero teka nga? Parang hawig ni Ziekiel 'yong lalaki sa panaginip ko? Hindi kaya iniisip nya ako kagabe? Napailing ako sa iniisip ko.
Imposible.
"Kailangan na nating magmadali dahil dadating na si ma'am." Sabay hila kay Alyanah.
"Teka. Nandoon si my labs," tinutukoy nya si Zeikiel. Nakakainis.
"Sige. Do'n ka sa lalaking 'yon. 'Wag mo kong matatawag na mahal, ah," inis kong sabi.
"Ito naman selosa. Hmmpp. Opo na po." Ibinaling nalang ni Alyanah ang atensyon ny sa pagkopya ng assignment.
Sa totoo lang ayaw kong maulit ang dati na nasaktan sya dahil sa lalake. Tapos iniwan nya ako sa ere that time. Kinalimutan nya ang pagkakaibigan namin dahil lang sa lalakeng kakikilala nya palang.
"Kelan kaba magbo-boyfriend mahal?" tanong nya.
"Kapag nahanap ko na ang lalakeng para sa 'kin na mamahalin ako at hindi iiwan katulad ng nangyare sa 'yo," prangka sabi sa kanya.
Napanguso sya dahil sa sinabi ko. Ayaw ko lang masaktan katulad nya.
"Hmmpp!!" Hinarap nya ulit 'yong ginagawa nya.
Ewan ko lang ah? Pero parang maraming nakatingin sa 'kin na mga mata? Para bang binabantayan bawat kilos at galaw ko. Nananayo nga balahibo ko, e. Grabe, napaka creepy talaga ng university na 'to. Bakit kaya ako dito pinasok ni mommy?
Dito sa school na 'to may night shift sila. Yea. 'Yon nga. 'Yong lima kanina. Kasali sila do'n. Class A sila kung baga pang night class. Sila din ang most na matatalino. E ‘di sila na? Tsk? Sila na ang biniyayaan ng talino at hindi kami. May babae din sa night class. Bali Sampu sila. Pero 'di ko pa nakikita 'yong mga 'yon.
Napatingin ako sa bintana dahil may napansin akong nakatayo. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba, e? Pero nakakatakot naman! Nasa 5ft floor po kami pa'no magkakaroon ng lalaki sa bintana? Tapos 'yong likod gubat pa.
"Hoy! Si ma'am nand'yan na." Napaitlag ako sa kalabit ni Alyanah.
Binale wala ko nalang 'yong nakita ko. Pero parang may nakasilip talaga, e. Hayst bahala na nga.