PROLOGUE
Kanina pa ako takbo ng takbo. Wala na nga akong malabasan dito sa malaking bahay na 'to, e. Saan ba ang daan palabas? Bakit naka sara lahat? Hindi ko rin maabot ang mga bintana dahil masyadong mataas. Masyado ring madilim dito na parang ayaw sinagan ng araw. Tanging ang b'wan lang ang nagbibigay sa 'kin ng gabay para makita ko ang daan.
"Nasaan na ba kasi ang daan palabas?"
Bawat pinto ay binuksan ko. Pero merong iisa na hindi ko pa nabubuksan dahil natatakot ako.
"My dear. You can't leave this house." Isang boses na 'di ko alam kung saan nanggagaling.
"SINO KA?" tanong ko.
"Don't you remember?"
Bakit? Nakita ko na ba sya?
"KUNG SINO KA MANG TAMPALASAN KA! PALABASIN MO NA AKO. GUSTO KO NANG UMUWI," pagmamakaawa ko.
"No. You cant. Don't leave me."
Sa part na 'DON'T LEAVE ME' Para syang nagmamakaawa?
Lilinga-linga ako pero wala talaga akong makitang daan palabas. Tumakbo ako ulit. Masakit na ang mga binti ko. Masakit na rin ang t'yan ko dahil nagugutom na ako. Halos mapudpud narin ang sapatos ko kakatakbo.
"Pa'no ba kasi ako napunta dito?" tanong ko sa sarili ko.
Napahinto ako ng may lalaking nakaharang sa dadaanan ko. Malayo ang distansya namin sa isa't-isa. Sino naman 'to? Sya ba 'yong kanina?
"Hindi ka aalis," tila maawtoridad nitong sabi.
"Hindi mo ko iiwan."
Hala? Tanga ba sya? 'Ni hindi ko nga sya kilala.
"Hoyy!! Kung sino ka man na nagdala sa 'kin dito. P'wede ba? Gusto ko ng umuwi!" Nangi-ngiyak kong sabi.
Napasinghap ako ng biglang nasa harap ko na sya. Harap ko mismo. Face-to-Face. Ngayon ay nakita ko sya ng harapan. Mapupungay na mga mata. Pero parang naka drugs ata? Ang pula, e. Tapos 'yong balat nya. Sing-puti na ata ng bangkay?
"Please. Don't leave me." Bigla ako nitong niyakap.
Sino kaba?