SA HALIP NA SA SARILING SILID NI MARTINA sa bahay ng mga Montez, ay pinili ni Jethro na dalhin sa condo unit niya ang dalaga upang doon sila makapag-usap ng maayos. Noong una ay bahagya pa itong tumutol, at sinabing sa silid nga nito, ito ihatid, na mariin niyang tinutulan. Hindi siya makapapayag na mawala ito sa paningin niya nang hindi sila nagkakaliwanagan. Nais niyang linawin sa kasintahan ang mga larawang ipinakita sa kanila ng ama at tiyuhin nito.
Dinala niya ito sa kanyang silid, tahimik siyang lumakad patungo sa naroong kama, habang hindi binibitiwan ang kamay nitong mula pa lamang pagkababa nila ng sasakyan ay hawak niya na. Nang makaupo ay masuyo niya itong hinila paupo sa kanyang kandungan at patagilid na inihilig ang ulo sa balikat niya. Ang isang bisig niya ay mahigpit na nakapulupot sa baywang nito, habang ang kabila naman ay pandalas ang hagod sa buhok at braso nito upang pakalmahin ang nobya.
Sa totoo lang, ay matinding takot, ang ngayon ay lumulukob sa buo niyang pagkatao. Takot na baka hindi siya paniwalaan nito at maging dahilan iyon ng pagkasira nilang dalawa. Ni sa hinagap ay hindi yata kayang tanggapin ng puso at isipan niya na mawawala ito sa kanya.
Lalo, at wala naman talaga siyang kasalanan.
Mula pa kaninang dumating sila ay hindi pa rin tumitigil sa mahinang pagtangis si Martina. Tila binibiyak ang dibdib niya sa sakit habang naririnig ang bawat pagsigok at paghikbi nito.
Alam niya, at aaminin niyang kasalanan niya, na hindi niya binanggit dito ang ginawang paghalik ni Zyrist sa kanya. Wala siyang maaaring maidahilan sa bagay na iyon kung hindi, iyon ang inisip niyang mas makabubuti. Inisip niyang lasing lamang ito at makakalimutan din kinabukasan ang ginawang kapangahasan.
Hindi lamang niya inaasahan na ganito ang kalalabasan ng pangyayaring iyon. Hindi niya maubos-maisip kung papaanong nagkaroon ng mga ganoong larawan.
At ipinadala pa iyon sa ama ni Martina.
Damn, that brat! Kapag napatunayan niyang may kinalaman ito sa mga larawang iyon ay hindi niya alam kung ano ang maaari niyang magawa rito.
Nang bahagya nang tumigil ang mahihinang pagsigok ng nobya ay masuyo niyang iniangat ng dalawang daliri ang mukha nito at pinagtama ang kanilang mga paningin. Namumula pa ang ilong at mga mata nito, tanda ng matinding pag-iyak.
Humugot siya ng malalim na paghinga at naiiling na buong suyong pinahid ng hinlalaki ang mga naiwang bakas ng luha sa mga pisngi nito.
"Can we talk, now, Love?" Masuyong tanong ni Jethro sa kasintahan.
Katulad ng dati ay diretso siyang nakatingin sa mga mata nito. Nais niyang iparating dito ang kasinseruhan ng kanyang mga bibitiwang salita. Nais niyang maniwala ito na hindi siya, kahit na kailan magsisinungaling dito, lalong-higit sa mga ganoong klaseng usapin.
Hindi ito nagsalita, ngunit marahang tumango. Tila hudyat iyon na binbigyan siya nito ng pagkakataong ibigay ang parte niya sa usapin.
Mariin muna niya itong hinalikan sa noo bago nagsimulang magsalita.
Humugot siya ng malalim na paghinga upang kahit na papaano ay mabawasan, kung hindi man, maalis ng tuluyan ang bigat sa kanyang dibdib.
"Remember the time when I texted you na nakita ko si Zyrist sa bar na parang pinipick-up ng isang lalaki?" Panimula niya.
Muli ay marahang tumango si Martina.
"I drove her, to her condo, 'di ba?" Ani Jethro sa nananantiyang tinig.
Isa pa uling tango ang naging sagot nito.
"I escorted her, to her unit, dahil halos sumusuray na siya sa paglalakad dahil sa sobrang kalasingan, that time. That was why, may mga photos na kuha sa lobby at corridor, papunta sa unit niya na halos nakayakap ako sa baywang niya at naka-angkla sa batok ko iyong braso niya. I was not hugging her, inaalalayan ko siya, because she was drunk."
"Pagpasok namin sa loob ng unit niya nakaalalay pa rin ako sa kanya, when she suddenly wrapped her hands around my neck and kissed me. I was shocked, but I swear, Love, it didn't last a minute," naroon ang pagsusumamo sa mga mata niyang nakatunghay dito.
"Itinulak ko kaagad siya palayo sa akin. Those photos na magkadikit ang mga labi namin, was partly true, but, please believe me, Love, that we were not kissing!" Binigyan niya ng diin ang bawat kataga. "She kissed me, and I pushed her, in an instant!"
"Naniniwala ka naman sa akin, 'di ba?"
Nang mag-iwas ng tingin ang nobya ay lalong lumakas ang kaba ni Jethro.
"Love..."
"How about those photos, that you were having s-sèx with her?" Ani Martina sa maliit na tinig. Tila ayaw maglagos sa lalamunan niya ang bawat salita.
Tila hindi niya kaya, kahit sabihin man lang ang mga katagang iyon, patungkol sa nobyo at pinsan.
Sinapo ni Jethro ang pisngi ng kasintahan at muling iniharap sa kanya. "Love, we were not having sèx. I will never do that, to you." Aniya at saka pinatakan ng masuyong halik ang mga labi ng dalaga. "Love, you know me, right? Even if, we were in the middle of doing it... even if, I am soooo hard, and tempted... in one slide, Love, with your consent, in one push, I was already inside you... we will be able to do 'it'," sa kabila ng bigat ng sitwasyon ay marahan siyang natawa nang mamula ang magkabilang pisngi ng nobya sa sinabi niya. "But, I didn't, right? Even if, you were asking for it, I didn't."
Namumula pa ring yumakap si Martina sa leeg ng nobyo at ibinaon ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat nito. Nakukuha niya kung ano ang ipinupunto nito.
Na ginantihan naman ng nobyo ng mahigpit na ding yakap sa baywag nito. Noon lamang tila nagluwag ang dibdib niya.
"That's because of the huge amount of respect, that I have for you, and our relationship." He whispered, while tightly hugging her. "Always remember, how much, I love you, Love, and I will never do anything that will ruin us and our relationship, because I valued 'us', so much."
"I am sorry, for doubting you, Love," Martina whispered on his ears. "I was just hurt because of the photos, I couldn't think straight. Dagdag pressure pa sina Dad at Uncle Aticcus."
"I understand, Love. It was your initial reaction, and I can't blame you. Those photos were really malicious." Aniyang mas hinigpitan ang yakap dito at mariing hinalikan sa sentido. "I cannot blame Tito Art, too. Ako man ang lumagay s kalagayan niya, magagalit din ako. Pero kailangan nating malaman kung saan nanggaling ang mga larawang iyon, at kung bakit ipinadala kay Tito Art."
Bahagyang umangat si Martina sa pagkakayukyok sa balikat niya, ngunit nanatiling magkasalikop ang mga kamay sa batok niya, at kunot ang noong tumingin sa kanya. "Hindi kaya si Zyrist ang nagpadala noon kay Dad?"
"Actually, pumasok din 'yan sa isip ko," ani Jethro na may kasama pang pagtango. "But the question here was, why? Why would she do that? You saw the photos... it shows her nakedness. Why would she humiliate herself, like that?"
Kahit lahat ng anggulo ay si Zyrist ang itinuturong salarin, ay hindi pa rin maubos-maisip ni Jethro na kayang gawin ng pinsan ng nobya ang bagay na iyon.
That trick was too much! And for what?
"I don't know, either." She shrugged her shoulders. "Mga bata pa lang kami, she made it clear to me, na ayaw niya sa akin. Tuwing may mga family gatherings kami lagi na lang ako'ng may libre irap, o, singhal sa kanya. Wala naman ako'ng natatandaan na ginawa ko sa kanya para magalit siya sa akin ng gan'on. That got worst when we aged around... I think, fifteen or sixteen. Parang pakiramdam ko kalaban ang tingin niya sa akin."
Naiiling na napabuntong-hininga na lamang si Jethro sa sinabi ng nobya.
Posible nga kaya na ang pinsan nito ang gumawa noon?
Kung siya ang tatanungin, it is possible. Considering, it was her unit. At wala siyang natatandaang ibang tao roon noong dumating sila, maliban sa kanilang dalawa.
But why?
He has to know the truth. Nakasalalay dito ang relasyon nilang dalawa ni Martina. Kung inaakala ni Zyrist, o, ng kung sino man ang may gawa ng bagay na iyon na mananahimik na lamang siya at hahayaan ito na sirain siya sa paningin ng babaeng mahal niya, at ng pamilya nito, ay nagkakamali ito.
He will not let this pass.
And definitely, hindi siya papayag na magkahiwalay sila ni Martina.
Never.