Prologue
MATAPOS ang seremonya ng binyag para kay Martina Cassidy Montez, anak nina Art Nickolo Montez at Cassandra Dawn Montez ay dumeretso na ang lahat sa reception na ginanap sa isang restaurant, malapit sa simbahan.
Naroon at nagsidalo ang halos lahat ng malalapit na mga kapamilya at kaibigan ng mag-asawa.
Masuyong pinagmamasdan ni Dawn ang anak na natutulog sa loob ng stroller nito. Hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin siya makapaniwala na iniluwal niya ang cute na cute na sanggol na nasa kanyang harapan. Katabi ng stroller nito ay ang stroller naman ng pinsan nito na si Grae, na anak naman ng kapatid niyang si Toni at asawa nitong si Greg. Kasama rin nila ang mga ito sa mesa at kasabay na kumakain.
Mahigit dalawang buwan lang ang agwat ng edad ng magpinsan.
"Darling..." nag-angat ng tingin si Dawn nang marinig ang tinig ng kanyang asawa.
Agad siyang bumaling dito. Kapagkuwan, ay tumingin sa isang lalaki at babae na kasama nito. Sa hinuha niya ay mag-asawa ang dalawa.
"Darling, I want you to meet Tyron. One of my good buddies, in college. Actually, sa states kami nag-meet noong nag-aral pa ako roon. I think, ten or fiffteen years ago na yata?” Tumingin pa ito sa kasamang lalaki, marahil ay para kumpirmahin ang sinabi nito.
Tumango-tango naman ang lalaki. “Yeah. Almost. And that was the last time din yata na nagkita tayo.” Natatawa pang anito. Tumingin sa asawa ng kaibigan at ngumiti. “Hi.”
"Hi." Sagot naman ni Dawn.
“Oh, and I want you to meet my beautiful wife, Anicka.” Tama nga siya. Mag-asawa nga ang dalawa.
Katulad ng lalaki ay mukhang mabait at palakaibigan din ang asawa nito. Matamis itong ngumiti sa kanya at nakipagkamay. Ipinakilala rin ni Dawn sa mga bagong dating ang kanyang kapatid, pati na rin ang asawa nito.
Inabot ni Tyron ang munting kamay ng batang lalaki na kasama ng mga ito. “And before we forgot. I would also like you to meet our eldest child, Jethro. May baby girl din kami, pero hindi na namin isinama. Iniwan na lang namin kay Nanay.”
Ang bata ay parang isang matandang tao na matamis na ngumiti sa kaharap. “Hi, ma’am. Nice meeting you.”
Na ikina-angat ng isang kilay ni Dawn sa pagka-aliw. Lalo na nang ilahad pa ng bata ang kamay nito at makipag-kamay sa kanya.
Maging si Art ay nagpakita ng pagka-aliw sa bata. Gayundin, sina Greg at Toni. Kapwa abot hanggang tainga ang ngiti ng mga ito.
Ang mga magulang nito, bagaman naaaliw din sa inakto ng kanilang anak, ay napapa-iling na lamang.
“Pasensya na kayo sa bata na iyan. Kung minsan talaga iniisip namin baka napalitan iyan sa ospital, eh.” Napapailing pa ring biro pa ng ama nito.
Si Dawn ay tinawanan lang ito at muling binalingan ang bata. "Nice to meet you, too, little man."
“Thank you. The pleasure is mine, ma’am. Coming from a beautiful lady, like you?”
Hindi naman mapigilan ni Art ang paghagalpak ng malakas na tawa dahil sa sinabi ng bata.
“How about me?” Kulit naman ni Toni sa bata. Umuklo pa ito at pinanggigilan ang bata sa pisngi.
“Oh, you are both beautiful, ma’am.” Baling naman nito rito. “You and your sister.”
Lalo namang tuwang-tuwa ang kapatid niya rito.
Why, this little man is so smart and adorable.
“Well, young man, don’t you think, it is impolite that you say that in front of the husbands’ face?” Pigil ang ngiting sakay ni Art sa bata. Lumapit pa ito sa kanya at iniangkla ang bisig sa kanyang baywang. “And if I may add, the husbands were both possessive.
Umarko ang munting kilay ng bata at bumaling sa nagsalita.
Natatawa namang pinandilatan ni Dawn ng mga mata ang asawa sa pagpatol sa bata. Isang kindat lang ang isinagot nito sa kanya.
Muli itong bumaling sa bata at inangatan ito ng isang kilay. Gustong malaman ni Art kung hanggang saan ang pagiging bibo ng batang kaharap.
Nilingon nito ang mga magulang at pinaikutan ng mga mata. Bumaba pa ang tingin nito sa braso ng ama na nakapulupot din sa baywang ng kanyang ina.
Kapagkuwan, ay muling humarap kay Art.
“Possessive, my ass. Just like my Dad, that is also very possessive of my Mom.”
Nanlaki ang mga mata ni Anicka sa gulat. “Jethro!”
Mabilis na itinakip ng bata ang dalawang munting palad nito sa sariling bibig.
Si Anicka ay nangangastigo ang tingin na ibinigay sa anak.
Silang mga nakapaligid, kabilang na ang iba pang mga bisita na nakarinig ay hindi naman napigilan ang matawa sa tinuran ng bata.
“Where did you hear those words?”
Nasa mga mata ng bata ang nag-aakusang tingin nang bumaling ng tingin sa ama.
Si Art ay nakangising bumaling din sa kaibigan. Parang nahuhulaan na kung saan narinig ng bata ang mga katagang binanggit nito.
Si Anicka ay napahinga na lamang ng malalim at naiiling na pinukol din ng nag-aakusang tingin ang asawa. Sumisipol pang nag-iwas naman ng tingin ang lalaki.
Pabuntong-hiningang binalingan na lamang ni Anicka ang anak. “Just do not say that again, do you understand?”
Mabait naman na tumango ang bata sa ina. “Yeah. I am sorry, Mom.”
Maliit na ngumiti si Anicka at ginulo ang buhok ng anak.
Kapwa naman sila naka-kagat sa kanilang mga labi sa pagpipigil na matawa sa eksena.
Akala nila ay titigil na ito at mananahimik, komo nga napagsabihan na ng ina.
Ngunit nagkamali sila.
Nang muli itong nagsalita ay muling tumuon dito ang atensyon ng lahat. Tumingin pa ito kay Art na dinampot ang isang baso na may lamang tubig at ininom upang maitago ang pagngisi.
Bumuntong-hininga pa ito bago tuluyang bumuka ang matabil na bibig. "Well, sir... since you said, that the husbands were both possessive with their wives, and seems that no other man is allowed to show their admiration to them," nangunot ang noo ni Dawn na iniisip kung saan papunta ang sinasabi ng batang lalaki. Lalo na nang tumuon ang tingin nito sa kanilang anak na natutulog sa stroller nito.
“I think, I should try my luck with your daughter. I am sure, someday, she will be as beautiful as her mother. And, Sir, I want to have this oppurtunity to ask for your daughter’s hand in marriage. I will marry her, when the right time comes.” Bakas sa tinig nito ang kasiguruhan at determinasyon nang iusal ang mga salita.
Humagalpak ng tawa si Greg nang sunud-sunod na maubo ang kaibigan dulot ng pagkasamid sa iniinom na tubig. May lumabas pang tubig sa ilong nito na nagpahirap dito lalo na huminga.
"f**k!" Gumawa pa ng malakas na ingay ang pagbagsak nito ng baso sa lamesa na ikinapitlag ng natutulog na anak, gayon din ni Grae na pumalahaw ng malakas na pag-iyak.
"Art, your mouth!" Nanlalaki ang mga matang saway ni Dawn sa nabiglang asawa, habang marahang tinatapik-tapik ang naalimpungatan na anak.
Si Toni ay kinuha ang anak nito mula sa stroller at inalo-alo upang tumahan sa pag-iyak.
Nanlaki ang mga mata ni Anicka sa ipinahayag ng anak. Si Tyron sa tabi nito ay pigil na pigil din na mapahagalpak ng malakas na pagtawa. Sinamaan naman ng tingin ni Art si Greg na ngising-ngisi pa rin sa kinauupuan nito.
Kapagkuwan ay bumaling muli kay Dawn. "I'm so sorry, Darling. Pero masisisi mo ba ako? This little monster here,” iminuwestra pa nito ng turo ang bata kaya naman muli itong pinanlakihan ng mga mata ng babae. “...just declared to marry our three month old baby, right in front of my face?” Nag-aangatan ang mga kilay na paliwanag pa nito. “Darling, hindi pwedeng mag-asawa ang anak ko, hanggat hindi pa siya tumutuntong ng thirty years old!”
“Oh, that is too old, Sir.”
Sabad pa rin ng makulit na bata kaya muli itong binalingan ng tila nangungunsumi nang si Art. “Yeah. It is. So, if I were you, you better find yourself a new girl because my daughter is not available, either.”
“Art!” Muling saway ni Dawn dito. Tumingin pa ito ng nagpapa-umanhin na tingin kay Anicka dahil sa pagpatol ng asawa niya sa anak nito.
Si Anicka ay nakaka-unawang tumango lang. May maliit ding ngiti na nakapaskil sa gilid ng mga labi.
Binalingan muli ni Dawn ang asawa. “Darling, salita lang ‘yan ng isang bata. Makakalimutan niya rin iyan paglaki niya. Huwag ka ngang OA.” Ipinaikot pa nito ang kanyang mga mata.
Nang muling nagsalita ang bata ay pare-pareho na lamang silang napanganga rito. "But I am serious, Tita Dawn. I will marry your daughter, someday.” Bumaling pa ito ng tingin kay Art na muling nagsalubong ang mga kilay. “Should I start calling you Papa now?”