"HELLO..." sagot ni Martina sa telepono sa paos na tinig.
"Hey... what's with the voice, Love?" kahit hindi nakikita ay ramdam niya ang pangungunot ng noo ng kasintahan. Bakas ang pag-aalala sa tinig. "I'm on my way there, just checking if you're ready."
Napapikit ang dalaga at nalaglag ang mga balikat. s**t! Oo nga pala, how can I forget that.
Sa araw-araw ay hindi pumapalya ang nobyo sa paghahatid sa kanya sa eskuwela bago pumasok sa opisina, maliban na lamang kung mayroon itong importanteng meeting. Ayon dito, ay sa kanya nito nais palaging umpisahan ang bawat araw nito.
"Oh, i'm so sorry, Love, hindi kita natawagan. Hindi ako papasok today, i'm not feeling well. Tatrangkasuhin yata ako. Naambunan kasi ako kahapon habang papunta sa kabilang building," she coughed. "Huwag ka nang dumaan dito, dumiretso ka na lang sa office mo."
"Oh no, Love. Mas lalong kailangan kong dumaan diyan, to check, if you're okay. Mas lalo akong hindi mapapakali sa opisina, thinking--"
"Love, i'm okay, okay?" putol ng dalaga sa iba pa nitong sasabihin. "Simpleng trangkaso lang 'to... wala pa nga. Sinisipon at inuubo lang ako. Ayoko lang magkalat ng virus sa school kaya hindi na ako papasok." paliwanag niya kahit na nga ba hirap siya sa pagsasalita.
"No. I'm sorry, Love, but I cannot let you win this time. Pupunta ako riyan, and you know, you can't do anything about that." naroon ang determinasyon sa tinig nito. "For now, just hang up the phone and rest... and wait for me. Ayt?"
"B-but... Love, hindi ka naman papapasukin ni Dad sa room ko, and you know that. Magsasayang ka lang ng oras. Pumasok ka na lang. Baka ma-late ka pa." pilit pa rin niya rito.
She heard him sighed.
"Then, just show yourself at the window. Kahit sandali lang... kontento na ako r'on. I just wanna see you, to start my day good."
Papaano nga ba niya matatanggihan ang lambing ng tinig nito?
"But Love--"
"No more buts, okay? Hintayin mo ako riyan, malapit na 'ko. I love you."
Iyon lang at kaagad na nitong pinutol ang linya, marahil ay upang hindi na siya makatutol. Natitigilang inilayo niya na lamang ang aparato sa tainga at ilang segundong napatitig doon bago naiiling na iinot-inot na bumangon at inayos ang sarili.
Kulit talaga.
Pinalitan niya lang ng pambahay ang pantulog niya, saka hinagod pasuklay ng mga daliri ang gulo-gulo pang buhok.
Maya-maya pa ay narinig niya na ang tunog ng paghinto ng sasakyan sa ibaba. Agad na siyang lumabas ng silid at bumaba upang salubungin ang nobyo.
Nangunot ang noo niya nang hindi pa man siya nakakababa ay naririnig niya na ang mga tinig ng nag-uusap sa ibaba. Agad niyang nakilala ang boses ng daddy niya.
Ngunit hindi si Jet ang kausap nito.
Hindi niya maiwasan ang pangungunot ng noo.
"I told you, Dad, I can do it on my own. Bakit pa kasi kailangang pasabayin mo pa ako sa pagpasok kay Martina? Hindi naman na ako grade one."
Rinig niyang sabi ng tinig na tila nahuhulaan niya na kung sino ang nagma-may ari.
Iisang tao lang naman ang kilala niyang palagi na lamang sarkastiko ang tinig, lalo na kung nababanggit ang kanyang pangalan.
At hindi nga siya nagkamali. Habang pababa siya ng hagdanan ay unti-unting tumatambad sa kanya ang tila bagot na bagot na imahe ng pinsan, habang kausap ang kanyang ama, at ang sarili nitong ama.
Hindi niya maiwasan ang mapahinga ng malalim.
Pinsan niya ang dalaga sa father side. Magkapatid ang Lolo Judge niya at ang ina ng Uncle Atticus niya.
Kinamulatan man nila na magpinsan sila, hindi niya maintindihan, ngunit kahit na kailan ay hindi sila nito naging close.
Ni wala nga siyang natatandaan na naglaro sila nito kahit minsan.
Sabagay, ay sa Davao naman ito lumaki at nagka-isip, habang siya ay dito sa Maynila. Madalang lang naman talaga sila kung magkita.
Sa bawat pagkakataon pa na nagkikita sila sa mga family gatherings ay hindi nito ikinaila, o, itinago man lamang ang disgusto nito sa kanya, sa hindi niya malamang kadahilanan.
Kahit naman anong isip ang gawin niya ay wala siyang matandaang pinag-awayan nila nito kahit na minsan.
Noong mga bata pa sila ay hindi iisang beses niyang sinubukang makipaglapit dito, bilang magpinsan naman nga sila. Pero sa t'wina ay puros irap lang ang isinusukli nito sa kanya. Sa bandang huli ay sumuko na rin siya at hindi na rin ito kinibo kahit pa nagkikita sila.
"Sweetheart, nag-aalala lang naman ako sa iyo. Wala ka pang kakilala sa bago mong school," sabi ng Uncle Atticus niya sa malumanay na tinig. "And besides, you should go bond with Martina. After all, you're cousins. Dapat maging close kayo."
"Really, Dad?" muli ay naroon ang patuyang ngisi nito na tumingin ng deretso sa mga mata ng sariling ama, bago sumulyap sa Daddy niya, at saka muling tumingin sa sariling ama.
Kitang-kita niya nang kapwa bahagyang matigilan ang Daddy niya at Uncle Atticus niya saka nagkatinginan. Naunang mag-iwas ng tingin ang Daddy niya.
Nang bahagya siyang umubo ay awtomatikong naglingunan sa kanya ang mga ito. Hindi nakaligtas sa kanya ang pasimpleng pagpapa-ikot ng mga mata ng pinsan.
Lihim siyang nailing.
Noon naman lumabas galing sa kusina ang mommy niya na may dalang tray na naglalaman ng tatlong tasa ng umuusok pang kape at isang baso ng orange juice.
Agad na bumakas ang pag-aalala sa mukha nito pagkakita sa kanya.
"Hija, bakit ka bumangon? Akala ko ba ay masama ang pakiramdam mo?" wika pa ng mommy niya. Lumapit muna ito sa naroong center table upang ibaba ang dala saka nag-aalala pa ring lumapit sa kanya.
Nang makalapit ay masuyong dinama ang noo at leeg niya. "Medyo mainit ka na. Bumalik ka na lang sa kwarto mo at hahatiran na lang kita ng almusal doon. Para din makainom ka na ng gamot." buong pag-aalalang sabi nito.
Masuyo niyang nginitian ang ina. "Darating po si Jet, Mom, kaya ako bumaba. Akala ko po siya na 'yung dumating." sagot niya, bago saglit na sumulyap sa mga panauhin.
Muli ay isang ismid ang ibinigay sa kanya ng nakahalukipkip na pinsan.
"Oh, okay. Siya, maupo ka muna habang hinihintay mo ang nobyo mo." inalalayan pa siya ng ina papunta sa sofa.
Agad na tumayo ang Daddy at Uncle Atticus niya nang makalapit siya, habang si Zyrist ay tila bored na sinisipat ang mga kuko nito.
Nauna siyang lumapit at humalik sa ama bago bumaling at humalik din sa pisngi ng Uncle Atticus niya na masuyo ang ngiti na iginawad sa kanya.
"Hija, how are you feeling?" malumanay pang tanong nito nang makaupo na siya. Bakas din sa tinig ang pag-aalala. "Ang sabi ng Mommy mo, masama raw ang pakiramdam mo? Baka kailangan mong magpacheck-up?" tumingin ito sa mga magulang niya bago muling ibinalik ang tingin sa kanya. "I suggest, you visit DLVD. Look for Dr. Buencamino. Tell him, ako ang nagpapunta sa iyo roon."
Pilitin man niya, ay hindi niya maiwasang mapasulyap sa pinsan nang humugot ito ng tila nababagot na buntong-hininga. Alam niyang sinadya nitong bahagyang lakasan iyon.
Agad niyang ibinalik ang tingin sa tiyuhin at kiming ngumiti rito. "Kaunting ubo at sipon lang po, pero okay naman po ako. Ipapahinga ko na lang po ito maghapon."
"Are you sure?"
"Opo." nakangiti pa ring magalang na sagot niya.
"You heard him, Dad, she's okay." mataray na singit naman ng anak nito. "I suggest, let's go. Late na 'ko." naghuhumiyaw ang sarkasmo sa tinig na tumayo na ito.
Nananaway ang tinging ibinigay dito ng Uncle Atticus niya na umani na naman ng inis na pagpapaikot ng mga mata mula sa dalaga.
Puno ng dispensang tumingin ito sa mommy niya at saka makahulugang sandaling tumingin sa mga mata ng daddy niya, na muli ay nag-iwas ng tingin.
Napailing na lamang ang Uncle Atticus niya.
Ewan ba niya kung saan nagmana ang anak nito ng kamalditahan. Gayong, ayon naman sa mga magulang niya ay parehong mabait ang mag-asawa.
Ipinagpasalamat niyang nang mga oras na iyon napiling mag-vibrate ng cellphone niya na nakalagay sa likurang bulsa ng shorts niya.
Hinugot niya iyon mula sa likyrang bulsa. Hindi pa man niya tinitingnan, ay parang alam niya na kung sino ang nag-text.
At hindi nga siya nagkamali.
Jet :
Love, dungaw ka na sa bintana. Nandito na ako sa labas ng bahay n'yo.
Naiiling na lumapad ang ngiti niya, at napakagat-labi pa upang supilin iyon nang mabasa ang text ng kasintahan.
Martina :
Silly. Pumasok ka na. Nandito ako sa baba, hinihintay ka.
Jet :
What?! I told you, to rest. Tsk! Ang tigas ng ulo mo.
Martina :
Akyat na ba 'ko?
Natatawang tukso niya pa rito.
Jet :
Tsk!
Lalong pilit na nag-uumalpas ang ngiti niya mula sa kagat-kagat niyang pang-ibabang labi. Kahit hindi niya ito kaharap ay para niya nang nakikinita ang pagsasalubong ng mga kilay nito.
Nang mag-angat siya ng tingin ay natigilan pa siya nang mapansing sa kanya pala nakatutok ang tingin ng mga kaharap.
Nagtatanong ang sa mga magulang at tiyuhin niya, habang naka-angat naman ang isang kilay ng pinsan niya.
Napalakas ba ang tawa ko?
Kaagad niyang sinupil ang ngiti niya at iniangat ang hawak na aparato sa mga ito.
Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Ahm... s-si Jet, nasa labas na raw po siya."
"Papasukin mo." anang Daddy niya.
Isang tango lang ang isinagot niya.
Akmang magta-type siya ng mensahe sa nobyo nang matanawan na niya ang pagdating nito kasunod ng kasambahay nila kaya't mabilis siyang tumayo at sinalubong ito.
"Hi." nakangiting salubong niya rito.
Awtomatikong pumaikot naman ang isang braso nito sa baywang niya at ginawaran siya ng masuyong halik sa noo. "Hi, yourself." he whispered, smirking. "How are you feeling?" malambing na dugtong nito.
Nangingiting napalabi na lamang siya. Alam niyang hindi lamang siya mapagsabihan nito dahil naroon ang mga magulang niya.
"Now that you're here?" naka-angat ang isang kilay, ngunit hindi mapuknat ang ngiti niyang tumingala rito. "Better."
Agad namang tila natunaw ang kunwa'y inis nito at kinintalan siya ng mabilis na halik sa labi.
Isang tikhim ang nagpapitlag sa kanila at dagling pumutol sa paglalambingan nila.
"Hrmp..." Jethro nervously cleared his throat. "Good morning po, Tito,"
Nais niyang mapabungisngis nang biglang pumormal ang mukha nito nang tumingin sa daddy niya na pormal na pormal din ang anyo, matapos ay sa mommy niya na malapad naman ang pagkakangiti. "Tita..." at pinakahuli ay sa Uncle niya. "Sir..." Mababasa naman ang amusement sa mga mata ng tiyuhin.
"Good morning din, sa iyo, hijo." ang mommy niya ang nakangiting sumagot.
Saglit din nitong sinulyapan, at tipid na nginitian ang pinsan niyang tila biglang nawala ang pagkabored at umilaw ang mga mata, pagkakita sa bagong dating.
Ngunit hindi na iyon napansin ng binata na muli nang bumaling sa kanyang mga magulang.
"Dumaan lang po ako para kumustahin si Martina. Susunduin ko po sana siya para ihatid sa school, pero masama raw po ang pakiramdam niya." paliwanag nito, bago muling bumaba ang masuyong tingin sa kanya.
"I told you, i'm fine."
Inangatan lamang siya nito ng kilay na muling nagpalabi sa kanya.
"I think, I have a better idea, Dad." tila walang anumang parang biglang nawala ang sumpong na bulalas ni Zyrist habang abot hanggang tainga na ang ngiti.
Kapwa sila napatingin ni Jethro dito.
Lihim na napataas ang kilay niya.
Base sa pagkakangiti ng pinsan, mukhang hindi niya gusto ang ideyang tumatakbo sa isip nito.
Dito na nakatuon ang nagtatanong na tingin ng lahat.
"Why not, si Jet na lang ang maghatid sa akin sa school?" anito sa tinig na akala mo ay napaka-bright ng ideyang naisip nito at dapat itong batiin dahil doon. "Tutal naman hindi makakapasok si Martina, 'di ba? Para hindi naman sayang ang pagpunta niya rito."
I knew it!
Mariin siyang napalunok upang pigilan ang lahat ng pagtutol na nais lumabas sa bibig niya. Ramdam din niyang bahagyang natigilan si Jet sa suhestiyon ng pinsan niya at ang bahagyang pagdiin ng kamay nitong nakahawak sa baywang niya.
Nag-aalangang tumingin sa kanya ang Uncle Atticus niya na tila ba hinihingi ang permiso niya.
Nag-iwas siya ng tingin.
"Hello, hello, everyone! Good morning!"
Napalingon silang lahat sa pinanggalingan ng tinig.
Her cousin, Gray.
"Oh, ba't nandito pa kayong dalawa?" tanong nito na bahagya pang natigilan nang makitang hindi siya naka-uniporme. "'Di ka papasok?" anito pang sa kanya nakatingin.
Mahinang iling lang ang isinagot niya rito.
Diretso itong lumapit sa Mommy niya at humalik sa pisngi nito. Tumingin din ito at nagbigay-galang sa Uncle Atticus niya, saka sumulyap sa katabi nito na tila wala namang pakialam sa presensya ng bagong dating.
"Dumaan lang po ako para ihatid itong mga papeles na kailangan n'yo raw pong aralin at pirmahan, sabi ni Papa." baling nito kapagkuwan sa Daddy niya sabay abot ng hawak nitong mga folders.
Mayroong bagong negosyong binabalak na itayo ang Daddy niya at ang Uncle Greg niya. Ayon sa narinig niya sa usapan ng mga magulang ay kasalukuyan pa lamang iyong pinag-aaralan ng mga ito.
"Yes. Nabanggit na sa akin iyan kagabi ng Papa mo." tumatangong sabi ng Daddy niya nang abutin ang mga iyon sa binata. "Bakit ikaw ang nagdala?"
Kakamot-kamot ng batok na ngumisi si Gray. "Masama po kasi ang pakiramdam ni Mama. Hindi po maiwan ni Papa, we're all thinking... that she might be pregnant, again."
"What?!" bulalas ng Mommy niya na napahawak pa sa dibdib.
Naka-kagat-labing pigil-pigil niya ang pagtawa sa reaksyon ng Mommy niya.
Sino nga ba naman kasi ang hindi magugulat sa balitang dala nito?
At that age of forty, ay buntis na naman ang Aunt Toni niya sa ika-anim nang anak ng mga ito. Puro lalaki kasi ang limang naging anak ng Uncle Greg at Aunt Toni niya, kaya't pilit na naghahabol ang una, na baka sakali raw ay magkaroon pa ito ng prinsesa.
"Oh, my God! Balak yata talagang magtayo ng basketball team 'yang ama mo!" naiiling pa ring sabi ng Mommy niya.
Tawa naman ng tawa ang Daddy at Uncle Atticus niya sa reaksyon nito.
"Darling, malay mo nga naman, maka-babae na sila, this time." nakangisi pa ring sabi ng Daddy niya.
May ibinulong ito sa asawa sanhi upang namumulang hinampas ito ng Mommy niya sa hita. Lalong lumakas ang tawa ng Daddy niya.
Isang tanawing kahit na kailan ay hindi niya pagsasawaang tingnan.
Lumaki silang magkakapatid na lantarang ipinakikita ng kanilang mga magulang kung paano ang mga ito maglambingan. May mga pagkakataon ngang sila na ang umiiwas kapag hindi na nila kinakaya ang kakesohan ng mga ito.
Naiiling na lamang na bumaling siya kay Jet. "Love, you should go. Baka matraffic ka, ma-late ka pa."
"Yeah." anitong tumingin pa sa orasang pambisig. "Babalik ako mamayang gabi, okay? You, rest. Huwag matigas ang ulo, please?" namumungay ang mga matang anito sa pagkalambing-lambing na tinig.
Nakangiting tumango lamang siya.
Ngumiti naman ito at hinalikan siyang muli sa noo, matapos ay sa labi.
"I love you."
"I love you, too." nakapikit na niyang sagot dito. "Mag-iingat ka ha."
"Yeah."
Muli ay tikhim na naman ng Daddy niya ang nagpahiwalay sa kanila.
KJ!
"Tutuloy na po ako..." baling ni Jet sa mga ito. "...Tito, Tita... Sir..."
Parehong tango lang ang isinagot ng ama at tiyuhin niya.
"Mag-iingat ka, hijo." sabi naman ng Mommy niya.
Matamis itong nginitian ng binata.
"Ako din po, Auntie, Uncle, aalis na. May klase po ako ng nine o'clock." paalam din ni Gray sa mga ito. "Tito..." alanganing ngiti ang ibinigay nito sa Uncle Atticus niya bilang pamamaalam, saka sinulyapan ang nakabusangot na namang si Zyrist. "Zy..."
Isang irap lang ang isinukli ng dalaga rito.
"Zyrist, hija, bakit hindi ka na lang kay Gray sumabay? Parehong school din naman ang papasukan n'yo." suhestiyon ng Mommy niya na ikina-angat ng tingin ni Gray dito.
Hindi nakaligtas sa kanya ang pag-ilaw ng mga mata nito. Lihim na napa-angat ang kilay niya.
Hmm...
"It's okay, Tita... si Dad na lang ang maghahatid sa akin." pilit nitong nginitian ang Mommy niya. "Dad...!" baling nito sa ama sa makahulugang tingin.
Kung hindi nabasa ng ama ang mensaheng kalakip ng tingin na iyon, o, sadyang hindi lang nito pinansin ay hindi mawari ni Martina. Nang sumagot ito ay halos manlaki ang mga mata ng dalaga.
"You're Tita Dawn is right, hija... sumabay ka na lang kay Gray. Pareho naman kayo ng school na papasukan. Maaalalayan ka pa niya sa paghahanap ng mga classrooms mo." anito saka bumaling kay Gray.
"Is it okay, Hijo? Paki-alalayan na lang ang anak ko on her first day. Alam mo na... wala pa siyang kakilala doon."
"Dad!"
"Of course, Tito!"
Magkasabay pang sagot ng dalawa.