Chapter 3

2515 Words
"HELLO..." sagot ni Martina sa telepono sa paos na tinig. "Hey... why is your voice like that, Love?" Kahit hindi nakikita ay ramdam niya ang pangungunot ng noo ng kasintahan. Bakas ang pag-aalala sa tinig. "I am on my way there, just checking if you are ready." Napapikit ang dalaga at nalaglag ang mga balikat. s**t! Oo nga pala, how can she forget that. Sa araw-araw ay hindi pumapalya ang nobyo sa paghahatid sa kanya sa eskuwela bago pumasok sa opisina, maliban na lamang kung mayroon itong importanteng meeting. Ayon dito, ay sa kanya nito nais palaging umpisahan ang bawat araw nito. "Oh, I am sorry, Love, hindi kita natawagan. Hindi ako papasok today, I am not feeling well. Tatrangkasuhin yata ako. Naambunan kasi ako kahapon habang papunta sa kabilang building," she coughed. "Huwag ka nang dumaan dito, dumiretso ka na lang sa office mo." "Oh no, Love. Mas lalong kailangan kong dumaan diyan, to check, if you are okay--" "Love, I am okay, okay?" Putol ng dalaga sa iba pa nitong sasabihin. "Simpleng trangkaso lang ito... wala pa nga. Sinisipon at inuubo lang ako. Ayoko lang magkalat ng virus sa school kaya hindi na ako papasok." Paliwanag niya kahit na nga ba hirap siya sa pagsasalita. "No. I am sorry, Love, but I can not let you win this time. Pupunta ako diyan and you know, you can not do anything about that." Naroon ang determinasyon sa tinig nito. "For now, just hang up the phone and rest... and wait for me. Alright?" "B-but... Love, hindi ka naman papapasukin ni Dad sa room ko, and you know that. Magsasayang ka lang ng oras. Pumasok ka na lang. Baka ma-late ka pa." Pilit pa rin niya rito. She heard him sighed. "Then, just show yourself at the window. Kahit sandali lang... kontento na ako roon. I just want to see you, to start my day good." Papaano nga ba niya matatanggihan ang lambing ng tinig nito? "But Love--" "No more buts, okay? Hintayin mo ako diyan, malapit na ako. I love you." Iyon lang at kaagad na nitong pinutol ang linya, marahil ay upang hindi na siya makatutol. Natitigilang inilayo niya na lamang ang aparato sa tainga at ilang segundong napatitig doon bago naiiling na iinot-inot na bumangon at inayos ang sarili. Kulit talaga. Pinalitan niya lang ng pambahay ang pantulog niya saka hinagod pasuklay ng mga daliri ang buhok. Maya-maya pa ay narinig niya na ang tunog ng paghinto ng sasakyan sa ibaba. Agad na siyang lumabas ng silid at bumaba upang salubungin ang nobyo. Nangunot ang noo niya nang hindi pa man siya nakakababa ay naririnig niya na ang mga tinig ng nag-uusap sa ibaba. Agad niyang nakilala ang tinig ng mga magulang niya. Ngunit hindi si Jet ang kausap ng mga ito. "I told you, Dad, I can do it on my own. Bakit pa kasi kailangang pasabayin mo pa ako sa pagpasok kay Martina? Hindi naman na ako grade one." Rinig niyang sabi ng tinig na tila nahuhulaan niya na kung kanino. Hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga. Sa mga iilang pagkakataong nagkikita sila nito sa mga family gatherings ay hindi nito ikinaila, o, itinago man lamang ang disgusto nito sa kanya, sa hindi niya malamang kadahilanan. Gayong wala naman siyang natatandaang pinag-awayan nila nito kahit na minsan. Noong mga bata pa sila ay hindi iisang beses niyang sinubukang makipaglapit dito, bilang magpinsan naman sila. Pero sa tuwina ay puros irap lang ang isinusukli nito sa kanya. Sa bandang huli ay sumuko na rin siya at hindi na rin ito kinibo kahit pa nagkikita sila. "Sweetheart, nag-aalala lang naman ako sa iyo. Wala ka pang kakilala sa bago mong school," sabi ng Uncle Atticus niya sa malumanay na tinig. "And besides, you should go bond with Martina, after all, you were cousins. Dapat maging close kayo." "Really, Dad?" muli ay naroon ang patuyang ngisi nito na tumingin deretso sa mga mata ng sariling ama, bago sumulyap sa Daddy niya, at saka muling tumingin sa ama. Kitang-kita niya nang kapwa bahagyang matigilan ang Daddy niya at Uncle Atticus niya saka nagkatinginan. Naunang mag-iwas ng tingin ang Daddy niya. Nang bahagya siyang umubo ay awtomatikong naglingunan sa kanya ang mga ito. Hindi nakaligtas sa kanya ang pasimpleng pagpapa-ikot ng mga mata ng pinsan. Lihim siyang nailing. Noon naman lumabas galing sa kusina ang Mommy niya na may dalang tray na naglalaman ng tatlong umuusok pang kape at isang baso ng orange juice. Agad na bumakas ang pag-aalala sa mukha nito pagkakita sa kanya. "Hija, bakit ka bumangon? Akala ko ba masama ang pakiramdam mo?" Anito na lumapit muna sa naroong center table upang ibaba ang dala saka nag-aalala pa ring lumapit sa kanya. Nang makalapit ay masuyong dinama ang noo at leeg niya. "Medyo mainit ka na. Bumalik ka na lang sa kwarto mo at hahatiran na lang kita ng almusal doon. Para din makainom ka na ng gamot." Buong pag-aalalang sabi nito. Masuyo niyang nginitian ang ina. "Darating po si Jet, Mom, kaya ako bumaba. Akala ko po siya na iyong dumating." Aniyang saglit na sumulyap sa mga panauhin. Muli ay isang ismid ang ibinigay sa kanya ng nakahalukipkip na pinsan. "Oh, okay. Siya, maupo ka muna habang hinihintay mo siya." Inalalayan pa siya nito papunta sa sofa. Agad na tumayo ang Daddy at Uncle Atticus niya nang makalapit siya, habang si Zyrist ay tila bored na sinisipat ang mga kuko nito. Nauna siyang lumapit at humalik sa ama bago bumaling at humalik din sa pisngi ng Uncle Atticus niya na masuyo ang pagkakangiti sa kanya. "Hija, how are you feeling?" Masuyo pa ring tanong nito nang makaupo na siya. Bakas din sa tinig ang pag-aalala. "Ang sabi ng Mommy mo masama raw ang pakiramdam mo? Baka kailangan mong magpacheck-up?" Wika nito na tumingin pa sa mga magulang niya, bago muling ibinalik ang tingin sa kanya. "I suggest, you visit DLVD... look for Dr. Buencamino. Tell him, ako ang nagpapunta sa iyo roon." Pilitin niya man, ay hindi niya maiwasang mapasulyap sa pinsan nang humugot ito ng tila bored na buntong-hininga. Alam niyang sinadya nitong bahagyang lakasan iyon. Agad niyang ibinalik ang tingin sa tiyuhin at kiming ngumiti rito. "Kaunting ubo at sipon lang po, pero okay naman po ako. Ipapahinga ko na lang po ito maghapon." "Are you sure?" "Opo." Nakangiti pa ring magalang na sagot niya. "You heard him, Dad, she is okay." Mataray na singit ng anak nito. "I suggest, umalis na tayo. Late na ako." Naghuhumiyaw ang sarkasmo sa tinig nito na tumayo na. Nananaway ang tinging ibinigay dito ng Uncle Atticus niya na umani na naman ng inis na pagpapaikot ng mga mata mula sa dalaga. Puno ng dispensa na tumingin ito sa Mommy niya at saka makahulugang sandaling tumingin sa mga mata ng Daddy niya na muling nag-iwas ng tingin. Ewan ba niya kung saan nagmana ang anak nito ng kamalditahan. Gayong, ayon naman sa mga magulang niya ay parehong mabait ang mag-asawa. Ipinagpasalamat niyang nang mga oras na iyon napiling mag-vibrate ng cellphone niya na nakalagay sa likurang bulsa ng shorts niya. Jet : Love, dungaw ka na sa bintana. Nandito na ako sa labas ng bahay n'yo. Naiiling na lumapad ang ngiti niya at napakagat-labi pa upang supilin iyon nang mabasa ang text ng kasintahan. Martina : Silly. Pumasok ka na. Nandito ako sa baba, hinihintay ka. Jet : What?! I told you, to rest. Tsk! Ang tigas ng ulo mo. Martina : Akyat na ba 'ko? Natatawang tukso niya pa rito. Jet : Tsk! Lalong pilit na nag-uumalpas ang ngiti niya mula sa kagat-kagat niyang labi. Nang mag-angat siya ng tingin ay natigilan pa siya nang mapansing sa kanya pala nakatutok ang tingin ng mga kaharap. Nagtatanong ang sa mga magulang at tiyuhin niya, habang naka-angat naman ang kilay ng sa pinsan niya. Napalakas ba ang tawa ko? Kaagad niyang sinupil ang ngiti niya at iniangat ang hawak na aparato sa mga ito. Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Ahm... s-si Jet, nasa labas na raw po siya." "Papasukin mo." Anang Daddy niya. Isang tango lang ang isinagot niya. Akmang magta-type siya ng mensahe sa nobyo nang matanawan na niya ang pagdating nito kasunod ng kasambahay nila kaya mabilis siyang tumayo at sinalubong ito. "Hi." Nakangiting salubong niya rito. Awtomatikong pumaikot naman ang braso nito sa baywang niya at ginawaran siya ng masuyong halik sa noo. "Hi, yourself." He whispered, smirking. "How are you feeling?" Malambing na dugtong nito. Nangingiting napalabi na lamang siya. Alam niyang hindi lamang siya mapagsabihan nito dahil naroon ang mga magulang niya. "Now that you are here?" Angat ang kilay, ngunit hindi mapuknat ang ngiti niyang tumingala rito. "Better." Agad namang tila natunaw ang kunwa'y inis nito at kinintalan siya ng mabilis na halik sa labi. Isang tikhim ang nagpapitlag sa kanila at dagling pumutol sa paglalambingan nila. "Hrmp..." he nervously cleared his throat. "Good morning po, Tito," Nais niyang mapabungisngis nang biglang pumormal ang mukha nito nang tumingin sa Daddy niya na pormal na pormal din ang anyo, matapos ay sa Mommy niya na malapad naman ang pagkakangiti. "Tita... Sir..." at pinakahuli sa Uncle niya. "Good morning din, sa iyo, hijo." Sagot ng Mommy niya. Saglit din nitong sinulyapan at tipid na nginitian ang pinsan niyang tila biglang nawala ang pagkabored at umilaw ang mga mata. "Dumaan lang po ako para kumustahin si Martina. Susunduin ko po sana siya para ihatid sa school, pero masama raw po ang pakiramdam niya." Paliwanag nito at muling bumaling ang masuyong tingin sa kanya. "I told you, I am fine." Inangatan lamang siya nito ng kilay na muling nagpalabi sa kanya. "I think, I have a better idea, Dad." Tila walang anumang parang biglang nawala ang sumpong na bulalas ni Zyrist habang abot hanggang tainga na ang ngiti. Lihim na napataas ang kilay niya. Base sa pagkakangiti ng pinsan, mukhang hindi niya gusto ang ideyang tumatakbo sa isip nito. Dito na nakatuon ang nagtatanong na tingin ng lahat. "Why not, si Jet na lang ang maghatid sa akin sa school?" Sabi nito sa tinig na akala mo ay napaka-bright ng ideyang naisip nito at dapat itong batiin dahil doon. "Tutal naman hindi makakapasok si Martina, hindi ba? Para hindi naman sayang ang pagpunta niya rito." I knew it! Mariin siyang napalunok upang pigilan ang lahat ng pagtutol na nais lumabas sa bibig niya. Ramdam din niyang bahagyang natigilan si Jet sa suhestiyon ng pinsan niya at ang bahagyang pagdiin ng kamay nitong nakahawak sa baywang niya. Nag-aalangang tumingin sa kanya ang Uncle Atticus niya na tila ba hinihingi ang permiso niya. Nag-iwas siya ng tingin. "Hello, hello, everyone! Good morning!" Napalingon silang lahat sa pinanggalingan ng tinig. Her cousin, Grae. "Oh, bakit nandito pa kayong dalawa?" Tanong nito na bahagya pang natigilan nang makitang hindi siya naka-uniporme. "'Hindi ka papasok?" Mahinang iling lang ang isinagot niya rito. Diretso itong lumapit sa Mommy niya at humalik sa pisngi nito. Tumingin din ito at nagbigay-galang sa Uncle Atticus niya, saka sumulyap sa katabi nito na tila wala namang pakialam sa presensya ng bagong dating. "Dumaan lang po ako para ihatid itong mga papeles na kailangan niyo raw pong aralin at pirmahan, sabi ni Papa." Baling nito kapagkuwan sa Daddy niya sabay abot ng hawak nitong mga folders. Mayroong bagong negosyong binabalak na itayo ang Daddy niya at ang Uncle Greg niya. Ayon sa narinig niya sa usapan ng mga magulang ay kasalukuyan pa lamang iyong pinag-aaralan ng mga ito. "Yes. Nabanggit na sa akin iyan kagabi ng Papa mo." Tumatangong sabi ng Daddy niya nang abutin ang mga iyon sa binata. "Bakit ikaw ang nagdala?" Kakamot-kamot ng batok na ngumisi si Gray. "Masama po kasi ang pakiramdam ni Mama. Hindi po maiwan ni Papa, we were all thinking... that she might be pregnant, again." "What?!" Bulalas ng Mommy niya na napahawak pa sa dibdib. Kagat ang pang-ibabang labi na pigil-pigil niya ang pagtawa sa reaksyon ng Mommy niya. Sino nga ba naman kasi ang hindi magugulat sa balitang dala nito? At that age of forty, ay buntis na naman ang Aunt Toni niya sa ika-anim nang anak ng mga ito. Puro lalaki kasi ang limang naging anak ng Uncle Greg at Aunt Toni niya, kaya pilit na naghahabol ang una, na baka sakali raw ay magkaroon pa ito ng prinsesa. "Oh, my God! Balak yata talagang magtayo ng basketball team iyang ama mo!" naiiling pa ring sabi ng Mommy niya. Tawa naman ng tawa ang Daddy at Uncle Atticus niya sa reaksyon nito. "Darling, malay mo nga naman, maka-babae na sila, this time." Nakangisi pa ring sabi ng Daddy niya. May ibinulong ito sa asawa sanhi upang namumulang hinampas ito ng Mommy niya sa hita. Lalong lumakas ang tawa ng Daddy niya. Isang tanawing kahit na kailan ay hindi niya pagsasawaang tingnan. Lumaki silang magkakapatid na lantarang ipinakikita ng kanilang mga magulang kung paano ang mga ito maglambingan. May mga pagkakataon ngang sila na ang umiiwas kapag hindi na nila kinakaya ang kakesohan ng mga ito. Naiiling na lamang na bumaling siya kay Jet. "Love, you should go. Baka matraffic ka, ma-late ka pa." "Yeah." Anitong tumingin pa sa orasang pambisig. "Babalik ako mamayang gabi, okay? You, rest. Huwag matigas ang ulo, please?" Namumungay ang mga matang anito sa pagkalambing-lambing na tinig. Nakangiting tumango lamang siya. Ngumiti naman ito at hinalikan siyang muli sa noo, matapos ay sa labi. "I love you." "I love you, too." Nakapikit na niyang sagot dito. "Mag-iingat ka ha." "Yeah." Muli ay tikhim na naman ng Daddy niya ang nagpahiwalay sa kanila. KJ! "Tutuloy na po ako..." baling ni Jet sa mga ito. "...Tito, Tita... Sir..." Parehong tango lang ang isinagot ng ama at tiyuhin niya. "Mag-iingat ka, hijo." sabi naman ng Mommy niya. Matamis itong nginitian ng binata. "Ako din po, Auntie, Uncle, aalis na. May klase po ako ng nine o'clock." Paalam din ni Grae sa mga ito. "Tito..." alanganing ngiti ang ibinigay nito sa Uncle Atticus niya bilang pamamaalam, saka sinulyapan ang nakabusangot na namang si Zyrist. "Zy..." Isang irap lang ang isinukli ng dalaga rito. "Zyrist, hija, bakit hindi ka na lang kay Grae sumabay? Parehong school din naman ang papasukan ninyo." suhestiyon ng Mommy niya na ikina-angat ng tingin ni Gray dito. Hindi nakaligtas sa kanya ang pag-ilaw ng mga mata nito. Lihim na napa-angat ang kilay niya. Hmm... "It is okay, Tita, si Dad na lang ang maghahatid sa akin." Pilit nitong nginitian ang Mommy niya. "Dad...!" Baling naman nito sa ama sa makahulugang tingin. Kung hindi nabasa ng ama ang mensahe blna kalakip ng tingin na iyon, o, sadyang hindi lang nito pinansin ay hindi mawari ni Martina. Nang sumagot ito ay halos manlaki ang mga mata ng dalaga. "Your Tita Dawn is right, hija... sumabay ka na lang kay Grae. Pareho naman kayo ng school na papasukan. Maaalalayan ka pa niya sa paghahanap ng mga classrooms mo." anito saka bumaling kay Grae. "Is it okay, Hijo? Paki-alalayan na lang ang anak ko on her first day. Alam mo na... wala pa siyang kakilala doon." "Dad!" "Of course, Tito!" Magkasabay pang sagot ng dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD