Saan ba kasi tayo pupunta, Kinn? Baka naman kinikidnap mo na pala ako ha!” walang pigil na lintanya ni Adeline. Humalakhak naman bigla si Kinn dahil sa sinabi ng kaibigan.
“Kung mangki-kidnap ako doon na sa mas maganda pa sa'yo. Atleast doon sulit!” pilyong sagot sa kanya ng kaibigan. Hinampas niya bigla ang braso ni Kinn dahil sa walang prenong bibig nito.
“Kapag ako gumanda who you ka talaga sa akin!” hinampo niyang saad. Humalikipkip ito bago binaling ang paningin sa labas ng bintana.
“No need to say that. Mas...maganda ka kaysa sa kanila.” mahinang bulong ni Kinn habang diretso na nakatingin sa karsada habang nagmamaneho. Mahinang bulong ngunit hindi 'yon lumampas sa pandinig ni Adeline. Hindi na lamang niya nagawang bumaling para hindi mahalata na narinig niya iyon. Marahil hindi naman talaga sumiseryoso itong kaibigan niya ngunit sa oras na'to parang nanibago siya. Sanay kasi siya na dinadaan sa biro ang lahat.
It was exactly twelve o'clock when they arrived in Manila. Walang alam si Adeline kung saan talaga ang punta nila. But for Kinn inaya niya si Adeline para mag liwaliw! Para pambawi narin sa atraso niya kaya ipapasyal niya ang kaibigan. Bukod doon ay espesyal ha araw ito sa kanya. Sa kanila rather. Kinn and Adeline are bestfriend since the first time they met. Hindi maiipagkaila ni Kinn na iba ang pagtrato niya kay Adeline. Parang kapatid kung ituring kapag nagbabardagulan sila. At parang girlfriend kung ituring sa t'wing nag ka-quality time sila.
He is Akinn Ruiz Cuevas only son of the Cuevas couple who are well-known in the town of San Agustin. Sa masaganang bayan ng San Agustin kung saan makikita ang ekta-ektaryang mga puno ng mga mangga, mais, kape, cocoa at iba pa. Ang Cueavas Corp ang nangunguna pagdating sa pag i-export ng ibat-ibang klase ng mga goods at pumapangalawa doon ang Nicolao Agrivest Corp. Cuevas Corp and Nicolao Agrivest Corp is the most well-known Agricultural Industry in the province of Batangas.
“Hey! Hindi ka ba masaya? Can we enjoy the noise of Manila first? Lumanghap naman muna tayo ng pollution. Tss!” saad ni Kinn kay Adeline na kasalukuyang naka-upo lamang sa isang bench hindi kalayuan sa Mall. Hindi naman sa hindi siya masaya nalulungkot lang siya dahil sa mga naalala niya. The Mall she could see not far from where she was sitting was the Mall she dreamed of visiting with her family. It's just sad because she's not with her parents now. Suminghap siya bago napagpasyahang tumayo. Dahil masyadong apurado ang kasama niya hinawakan niya ang palapulsuhan ni Kinn at nangunguna-nguna siyang maglakad patungo sa Mall. Pilyong tumawa naman si Kinn habang nagpapatianod sa paghila sa kanya ni Adeline. Nang tuluyan na silang makapasok sa JMI Mall sobrang namangha si Adeline habang nakatuon ang paningin sa palibot ng Mall. This Mall is one of the best spot Mall around the metro back then and also until now. Napaka-unique lang kasi ng disenyo ng Mall na ito kumpara sa ibang Mall na napapasukan niya. Honestly crush niya ang arkitekto na dumisenyo ng Mall na ito kahit isang beses niya palang ito nakita sa telebisyon. Napatingin siya bigla kay Kinn nang magsalita ito sa kanyang likuran.
“Did you like it here?” aniya ng kaibigan. Nakangiti siyang tumango bilang sagot sa tanong ng kaibigan. Hindi niya alam kung alam ni Kinn na isa sa mga pangarap niya na mapuntahan ang Mall na ito. Ni minsan naman kasi ay never siyang nag o-open up sa kaibigan nito. Kahit pa sabihing malapit na kaibigan niya ito. Nag o-open up naman siya pero hindi lahat kinu-kwento niya. Adeline is the kind of woman who likes to harbor grudges and resentments. Ayaw niya ng kaawaan siya ng ibang tao kahit pa sabihing kaibigan niya pa ito. She just wished that his friend didn't know what resentment and hatred she was harboring. Matapang na tao si Adeline ngunit ang tapang na iyon ay nawala simula nang mawala ang mga magulang niya. Pakiramdam niya hindi niya kayang ipaglaban ang sarili kung sakali na may mang-api sa kanya ulit ngayon.
“The owner of this Mall is my friend,” pagmamayabang sa kanya ni Kinn. Hindi siya umimik bagkus napa-O shape na lamang ang kanyang bibig dahil sa ibinulgar ng kaibigan. Alam naman niyang kilalang tao si Kinn dahil apelyido palang nito ay kinakakatukan na lalo na pagdating sa industriya ng agrikultura. Kaya hindi malabong mangyari na hindi ito makakahalubilo ng mga kilalang tao. Kahit naman sabihin na hindi pa man pinapasok ni Kinn ang mundo ng negosyo masasabi parin na kilala siya ng ilang sikat na mga negosyante. Sa apelyido palang nito makikila na agad siya. He's father is one of the richest business man in the Philippines. Kahit nga siguro yung nuno sa punso ay kilala din siya!
Nilaan nila sa pamamasyal at pag noud ng sine ang ilang oras na natitira bago sumapit ang alas nuebe ng gabi. Hindi maipaliwanag ni Adeline ang kasiyahan na nararamdaman ngayon. Nagpapasalamat siya sa kaibigan dahil kahit papaano ay nakarating siya sa Mall na matagal na niyang gustong marating. Nahihiya man niyang tanggapin ang mga pinamili ni Kinn para sa kanya at sa kanyang Lola at Mamay ngunit wala narin siyang magawa nang bantaan siya ni Kinn na itatapon ang lahat ng iyon kung hindi niya tatanggapin! So it''s better to accept than to be exiled!
Madami-dami din 'yon!
Alas dose ng madaling nang makarating sila sa Hacienda Theresa. Bit-bit ang mga pinamili sa kanya ni Kinn nang basta siya nito hawakan sa palapulsuhan. Napatigil siya bigla at dahan-dahan na binaba muna sa lupa ang mga paper bag. Hinarap niya ito ng may pagtataka dahil bakit naman siya pinigilan nito eh kung pasalamat lang ang gusto nitong marinig eh, kanina niya pa iyon nasabi! Baka nga binging-bingi na si Kinn sa kakasabi niya ng salamat!
“Thank you,” pasalamat sa kanya ni Kinn. Tumaas naman ang kanyang isang kilay dahil bakit ito ang nagpapasalamat na dapat siya ang magsabi no'n kahit nasabi na niya ng ilang ulit! Napangiti si Kinn dahil sa naging reaksyon niya.
“Ano ka ba! Ako nga dapat ang magpasalamat sa'yo. Sa dami mo ba namang pinamili sa amin at staka nag laan ka talaga ng oras para sa pamamasyal natin,” seryosong wika niya kay Kinn. Napakamot naman sa ulo si Kinn dahil sa mga sinabi niya. But kidding aside, Kinn is thankful because he expirience to go out with Adeline. He gave his best to make Adeline happy even for that simple sightseeing.
"The things I bought you are my peace offering because I have been in arrears with you. And thank dahil you made my day extra special and happy,” seryoso na saad ni Kinn sa kanya.
“Bakit? Anong meron? Hindi mo naman birthday ah!” takang tanong niya kay Kinn.
“Yesterday was the day we became friends. Maybe you don't remember that pero ako alalang-alala ko yo'n. Lalo na nang nadapa ka sa mismong harapan k— Awww!” mariing hiyaw ni Kinn nang maramdaman ang kurot sa kanya ni Adeline! Kinurot lang naman siya ni Adeline dahil pinaalala na naman nito ang kalampahan niyang taglay. Ayos na sana eh! Seryoso na yung moment na yun eh kaso talagang hindi nga yata mawawala sa katawan ng kaibigan niya ang pagiging pilyuhin nito. Talagang naiisingit parin talaga ang pagiging mapag-biro.