CHAPTER ONE
Pawisan na si Adeline habang naglalakad patungo sa University na pinapasukan. Sobrang layo nang nilalakad niya sa araw-araw simula lunes hanggang byernes. Kapag may NSTP pa sila idagdag na rin ang araw ng sabado! Mabuti nalang kahit sobrang layo ng nilalakad niya at palagi pang tirik ang araw sa kanya ay hindi siya nangingitim. Palibhasa natural na kutis niya na ito.
Tagaktak ang kanyang pawis bago nakarating sa University. Imbes na dumiretso siya sa kanyang room mas pinili nitong tumungo muna sa rooftop upang magpahangin habang pinatutuyo din ang pawis na nasa kanyang likod. Kabilin-bilinan pa naman ng kanyang Lola na huwag na huwag mag papatuyo ng pawis sa likod! Ibig sabihin kapag napapagpawisan siya tuyuin niya agad iyon gamit ang towel. Hindi naman spoiled si Adeline sa kanyang Lola at Lolo. Kumbaga iniingatan lang nila ang kalusugan nang kanilang nag-iisang apo. Hindi rin masasabi na marangya ang kanilang kanilang buhay. Dahil una sa lahat naninirahan lamang sila sa isang Hacienda na pagmamay-ari ng isang pamilya na pinaka-malapit sa Lolo at Lola ni Adeline. Tuwing araw ng linggo kapag walang pupuntahang importante si Adeline na may kaugnayan sa kanyang school tumutulong siya sa kanyang Lolo at Lola. Nakiki-ani din ito ng mga kape at kung ano-ano pa. Ganyan ka sipag si Adeline! Ganyan din siya ka responsableng apo. Kahit pa sabihing college na ito at tanging pag-aaral lamang sana ang gagawin sa mga katulad niyang koliheyana. Kabaliktaran naman si Adeline! Wala sa bokabularyo niya ang sumunod sa layaw ng iba! Ang katwiran niya, isa lang siyang mahirap na kailangan tulungan ang mga taong umaruga sa kanya. Hindi niya kailangan makipagtapatan ng antas para masabing college girl siya. Ang pinupursige niya ay ang pag-aaral niya. Ang makapagtapos ng kursong pangarap niya para kapag nagkataon na nakatapos siya maiiahon niya sa hirap ang kanyng Lolo at Lola. At maibalik ang mga naitulong ng mga taong tumutulong sa kanya. Hindi lang talaga mahahalata na isa siyang haciendera. Sa taglay nitong ganda at kaputian aakalin mo nga namang taga siyudad siya at hindi taga probinsya.
Siya si Adeline Hope Valderrama. Kung anong ganda ng pangalan niya ganon din siya kaganda. Pangalan palang makikitaan mo na agad ito ng pag-asa.
“Pupunasan na kita. Mukhang hirap na hirap ka kasi d'yan!” bungad ng lalaking papalapit sa kanyang pwesto.
Itinigil niya pansamantala ang pagpupunas ng kanyang likod at pinagtuunan ng pansin ang lalaking nagsalita. Binalingan niya ito at nakita niya kung paano kumunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Sa hitsura nito parang iritadong-iritado. Nagsalubong din bigla ang kanyang kilay!
“Mukha mo! Ayusin mo nga yang awra ng mukha mo! Para kang naghahamong ng away d'yan! Bakit ka ba nandito? Hindi niyo pa naman vacant ah.” sunod-sunod na pagkakasambit ni Adeline.
“Hindi nga. Nakita lang kita na umakyat dito kaya nag alibi muna akong mag c-cr. Namiss kita eh!” wika ng lalaki. Nasa tapat na nito kung kaya't ginulo-gulo nito ang kanyang buhok na ga balikat.
“Ano ba Kinn! Parang ogag naman 'to. Umalis ka na nga dito! Nagpapahinga yung tao guguluhin mo.” iritadong sambit ni Adeline sa lalaki.
Lalo lang na irita si Adeline ng basta nalang siya inakbayan no'ng Kinn. Hindi nalang siya umimik at pinabayaan nalang na akbayan siya ng kanyang kaibigan. Sanay naman siyang palagi na inaakbayan nito. Doon lang siya naiirita kapag ginulo ang kanyang magandang buhok.
“Ano oras labas mo mamaya?” tanong ni Kinn sa kanya.
“Alas kwatro pa. May exam kami ngayon, eh.” saad ni Adeline habang pinapasadahan ng tingin ang mga paang nakalambitin sa bench na inuupuan.
Tumango-tango naman si Kinn habang naka-akbay parin sa kanya.
“Okay.. Wait me here later when you're out. Mas ma uuna kang lumabas sa akin kaya wag kang mag tatangka na umuna! Hintayin mo ako dito. Deal?” mariing saad ni Kinn sa kanya. Hindi sumagot si Adeline kung kaya't hinila siya palapit ni Kinn sa katawan nito. Bigla naman siyang na alarma nang gawin iyon ni Kinn kung kaya mabilis niyang pinigilan ang paghila ng kaibigan.
Tumayo siya at inayos ang sout na uniporme. Yamot niyang tiningnan ang nakangising kaibigan.
“Oo na! Sasagot naman eh, hihilahin mo pa! Tayo na nga, sabay na tayo bumaba,” yakag ni Adeline kay Kinn.
Si Adeline at Kinn ay malapit na mag kaibigan simula nang lumipat sina Adeline sa Hacienda Theresa. Ang mga magulang ni Kinn ang nag mamay-ari nang Hacienda. Sa tulong ng pamilya ni Kinn kaya nakapag-aral si Adeline. Isa siyang scholar sa sa pinapasukang koliheyo. Hindi pinagmamayabang ni Adeline sa ibang tao ang pagiging magkaibigan nila ni Kinn. Kapag sa tuwing nasa labas sila ilang na ilang si Adeline kapag kasama niya si Kinn. Palibhasa kilalang tao ang kaibigan nito. Alam niya rin naman na madaming nanggagalaite sa inggit sa kanya kapag nakakasama niya ito sa campus. Ngunit para wala nang madaming issue siya na ang umiiwas kay Kinn. Kaya minsan nabubugnot na rin si Adeline dahil may katigasan din ang ulo ng kaibigan niya. Sa halip na umayon sa kanilang pinagkasunduan mas lalo pa itong lumalapit kay Adeline para iwasan ang mga babaeng malimit ipagsiksikan ang sarili sa kaibigan nito.
Hindi palabiro at at pala-imik si Adeline kapag ibang tao ang kaharap niya. Isa siyang mahiyaing binibini kapag nasa campus siya. Lumalabas lang talaga ang kadaldalan nito kapag si Kinn na ang kaharap niya.
“Just wait for me later,” paalala muli ni Kinn sa kanya.
Hindi na nagsalita si Adeline bagkus pinagpatuloy nalang ang paglalakad papasok sa hallway papunta sa kanyang classroom.
Halos isang oras ang ginugul ni Adeline sa pag sagot sa kanyang exam bago niya ito ipinasa. Ayaw niyang madismaya ang kanyang Lolo at Lola kaya kahit mahirap para sa kanya hindi siya nawawalan ng pag-asa. Paaanhin at makakapagtapos din siya. At makakamit ang kursong pangarap niya.
Kanina pa siya inip na inip kakahintay kay Kinn. Inabot na siya ng labasan ng mga lamok pero wala parin ang kaibigan nito.
“Mabuti pang umuna na ako kanina! Hindi na sana ako napapak ng mga lamok!” mahinang imik niya bago dinampot ang bag. Nagsimula na siyang mag marsta pababa ng rooftop.
Kapag ganitong oras marami pa rin namang istudyante sa campus nila at safe pa naman na maglakad pauwi sa hacienda. Marami-rami rin naman kasi ang mga pumapasok doon sa pinapasukan niya ring University. Diretso lamang ang lakad niya kahit madaming sumisipol sa kanyang kalalakihan na kasalukuyang naglalaro ng basketball. Binabaliwala niya lang ito na para bang bingi lamang siya. Total sanay na rin naman siya sa mga lalaking palagi nalang siya sinisipulan! Habang naglalakad nagsisimula na naman siyang mayamot dahil sa naging usapan nila ni Kinn! Kung hindi lamang ito nag paghintay siguradong madami na siyang nagawa sa kanila. Nakatulog pa sana siya ng pag-haharvest ng mangga. Hindi siya mag aaksaya ng pera kaya pinili niyang lakarin na lamang ang pauwi papunta sa Hacienda Theresa. Nang nasa kalagitnaan na siya ng hacienda nakita niyang may umiilaw sa likuran niya. Ilaw ng kotse! Maya-maya nga ay panay na ang busina niyon. Hindi niya pinapansin 'yon at diretso parin ang paglalakad ng mabilis. Alam naman niya kung sino 'yon! Si Kinn lang naman 'yon! Ang kaibigan niyang nagpapahintay hintay pa sa kanya hanggang sa inabot na siya ng gabi kakahintay ngunit hindi man lang dumating!
“Ewan ko sa'yo! Nakka-inis ka!” sambit niya habang mabilis na naglalakad. Konting lakad nalang din naman at bahay na nila kaya mas lalo niya pang binilisan. Ngunit mas mabilis parin talaga ang mga gulong ng kotse kesa sa mga paa niya! Ayan tuloy naabutan pa siya!
“Hey! Hope!” malakas na tawag sa kanya ni Kinn habang sinusundan siya ng kotse nito. Hindi niya ito tinapunan ng kahit isang tingin man lang.
“Hopin mo mukha mo! Ang galing mo naman mag paghintay tapos hindi naman sisipot!” bugnot na sambit niya habang mabiliis na naglalakad. Ngunit ganon nalang ang gulat niya nang hinarangan siya ng kotse ng kaibigan. Tumuwid siya ng pagkakatayo bago tiningnan ng masama ang kaibigan.
“Pasok kana please. Usap muna tayo bago kita ihatid sainyo. Don't worry ako ang magpapaliwanag kina Lola,” pakiusap ni Kinn sa kanya. Dahil gusto rin naman niya marinig ang dahilan nito kaya napagpasyahan niyang pumayag sa gusto nito. Sumampa siya sa kotse nang makitang binuksan nito. Inayos niya muna ang pagkaka-upo bago sinalubong ang tingin ng kaibigan. Lalo lang nangunot ang noo niya nang maalala na naman ang pagpapahintay nito sa kanya. Hindi siya umimik at nanatili lamang na naka-upo.
“Sorry na.. Napasarap lang sa pakikipag kwentuhan kaya hindi ko naalala ang usapan natin. Please forgive me my Hope,” pang-aalo ni Kinn sa kanya. Inirapan lamang niya ang kaibigan bago humalukipkip.
Ilang segundo bago siya umimik.
“May pa hintay-hintay kapa di ka naman pala sisipot! Kung umuwi nalang sana ako natulungan ko pa sina Lola na mag harvest ng mangga,” saad ni Adeline habang ang paningin ay sa labas nakatutok.
Sa sitwasyon nilang dalawa daig pa nila ang mga mag syota dahil sa mga tampuhan. Kinn is the kind of man that when Adeline sulks, he will pursue her until Adeline forgives him. They're Bestfriend thats why hes into her. No feelings allowed! Pero paano kapag hindi na napigilan? Para naman kay Adeline hindi niya priority ang pakikipag relasyon dahil mas kailangan niyang mai-pukos ang sarili sa pag-aaral.
Kinabukasan maaga nagising si Adeline upang mag saing ng pambalot ng kanyang Lolo at Lola. Ngayong araw kasi naka schedule ang pag ha-harvest ng mga mais. Hindi siya pinayagan ng kanyang Lola na sumama dahil wala naman siyang gagawin doon. Mas mabuting sa bahay nalang siya at mag review dahil sa lunes ay continuation ng kanilang exam. She is currently a first year college student in the Education course. Ang kursong iyan ay pangarap niya na pangarap din ng kanyang Mama para sa kanya. Hindi mo makikita kay Adeline ang pagiging masalimoot nito. At mas lalong hindi niya pinapakita sa kanyang Lolo at Lola bagkus sinasarili na lamang niya ang mga poot na nararamdaman sa tuwing naaala niya ang nangyari. She is a very happy girl but when she remembers what happened in the past years she can't get rid the painful past. Kahit na resolba na ang kasong iyon para sa kanya hindi niya kayang magpatawad. Wala sa bokabularyo niya ang mag tanim ng hinampo o galit sa kapwa niya pero kung ang mga taong ito ay sangkot sa insedenting nangyari sa mga magulang niya makakapagtanim talaga siya. Kilala niya ang mga taong may salarin sa aksidenteng nangyari sa kanila pero nananatili lamang siyang pipi. Bahala na ang diyos sa kanila.
“Bakit ang dami mo naman yatang ibinalot, apo. Jusko! Gasino na ba ga ang kain namin ng iyong Mamay. Bawasi yaan, bawasi,” bulas sa kanya nang kanyang Lola nang makita ang hinanda nitong binalot. Tampapaw naman nga sa isang tupper na balutan.
“La, naman. Kasama na hu diyan ang almusal, meryenda at tanghalian ninyo ng Mamay. Huwag na po ninyong pabawasan 'yan,” malambing na wika niya sa kanyang Lola. Nag aalala lang naman siya sa kalusugan nang kanyang Lolo at Lola. Mga senior na ito pero patuloy parin ang pag tatrabaho sa Hacienda kahit hindi na sila pinapahintulan ng may ari na magtrabaho. May pension naman ang kanyang Lolo at Lola at kayang-kaya silang mabuhay doon. Ngunit hindi rin paawat ang mag-asawa kung kaya't pinabayaan nalang din ni Adeline. Palibhasa ay mga matatanda na kaya hinahanap din ng katawan ang trabaho. Lalo na at sanay na sanay sa trabaho kahit noong mga kabataan pa ng mga ito.
“Ineng hayaan mo na muna 'yan diyan. Ako na ang bahala na mag gayak ng aming binalot. Harapin mo muna doon si Sir, Akinn. Papasukin mo muna para makapag kape, nasa labas eh,” bungad sa kanya ng kanyang Mamay. Nag taka naman siya agad dahil sa sinambit ng kanyang Mamay. “Sige po, May,” saad niya. Nag hinaw muna siya ng kanyang kamay bago tumungo sa labas upang tingnan ang kaibigan. Nag tataka lamang siya dahil bakit maaga pa sa uwak kung pumunta sa kanila ang kaibigan nito. Wala naman siyang pasok para sunduin at isabay papunta sa university. Pagkalapit niya sa pintuan hinanap kaagad ng kanyang panigin si Kinn at nakita niyang pormado itong nakasandal sa magarang kotse na dala. Nagsalubong ang mga kilay niya habang tinitingnan ang kaibigang nakahalukipkip pa habang nakasandal sa kotse nito. Tumingin siya sa langit bago binalingan ulit ng tingin ang kaibigan. Alas singko na nang umaga pero madilim parin.
“Ang aga mo naman yata Sir, Kinn,” magalang niyang saad sa kaibigan. Kapag medyo may hinampo siya kay Kinn tinatawag niya itong Sir. At kapag alam niyang andito siya sa sarili nilang bahay ay gumagalang talaga siya sa kanyang kaibigan dahil 'yan ang turo sa kanya ng kanyang Lolo at Lola.
Ang kaninang nakangiting mukha ng kaibigan ngayon napalitan ng pagkabugnot. Ayaw na ayaw ni Kinn na tinatawag siya ni Adeline ng Sir. Pakiramdaman niya matanda na siya!
“Sir, huh? Sige alis na ak—”
Mabilis na inisang hakbang ni Adeline ang pagitan nila ni Kinn upang pigilan ang ginawang pag pihit ng kaibigan pabalik sa loob ng kotse nito. Napangisi ng lihim si Kinn nang maramdaman ang mahigpit na paghawak ni Adeline sa kanyang braso.
“Ikaw pa ang may ganang mag tampo eh ikaw na nga ang may nagawang mali kagabi. Tss! Napakatampururot mo, Kinn! Akin na yang dala mong suman sa lihiya,” deri-deritsong litanya ni Adeline sa kaibigan. Napatda siya nang bigla siyang nilapitan ni Kinn! Sobrang lapit na halos magdikit na ang kanilang mukha. Nangunot bigla ang noo ni Adeline. Humakbang siya paurong upang dumistansya.
“Sabi ko ang suman akin na! Hindi ika—”
“Akinn at suman? Kaya ako lumapit sayo kasi hawak ni Akinn ang suman! Ano ba Hope commonsense naman,” pamimilosopong saad ni Kinn kay Ade.
Hindi makapaniwala si Adeline na sa ganitong kaaga ay maiirita agad siya sa presensya ng kaibigan nito. Hindi pa nga siya nakakapag-kape pero mukhang nag papa-palpitate na ang did-dib niya dahil sa kapilyuhan ng kaibigan. Huminga siya ng malalim bago tiningnan ng masakit ang kaibigan.
“Bakit ba kasi sa dinami-dami ng pweding ipangalan at ipalayaw sayo bakit Akinn pa? Jusko! Mapag-angkin naman yang pangalan na yan! Halika kana nga,” pamimilosopo ni Adeline kay Kinn bago ito niyakag sa loob ng kanilang bahay.
Hindi na umimik si Kinn at basta nalang nag kibit balikat bago sumunod kay Adeline papasok sa loob ng bahay. Feel at home si Kinn kapag bumibisita siya sa bahay ng mga Valderrama. Kahit anak pa siya ng may-ari ng Hacienda Theresa hindi niya pinahintulutan na galangin siya. Pero wala siyang magawa kung kabaliktaran sa gusto niya ang pakikitungo sa kanya ng mga Valderrama at nang iba pang taohan ng Hacienda.