CHAPTER FOUR

951 Words
Hirap na hirap si Adeline habang bakintol ang mga inani nilang kape. Madilim-dilim pa sila nang umalis kanina dahil baka maka-ulan pa kapag nag patanghali sila. Kahit hirap na siya hindi man lang siya nag rereklamo. Wala pa sa kalingkingan ang nararamdaman niyang pagod kumpara sa pagod na dinadanas ng kanyang Mamay at Lola. Wala siyang karapatan na magreklamo dahil mahirap lamang siya. Pawisan ang noo at likod niya bago siya nakarating sa kubo kung saan binabagsak ang mga hinarvest na kape. Umungkot muna siya ng ilang minuto bago ulit bumalik kung saan namimitas parin ang ibang haciendero at haciendera. Nakailang pabalik-balik na si Adeline sa kubo habang bit-bit ang kaing na puno ng kape. Nang malapit na siya sa kubo kung saan ilalagay ang kaing na dala doon pa siya napatid sa isang ugat na nakaultaw sa lupa! Mabuti na lamang at hindi natapon ang kape na nasa kaing dahil may dyaryo naman nakatakip bago tadtad pa ng tali na istraw. Napapakagat nakang siya siya ng kanyang ibabang labi habang dinadampot ang kaing. Mabuti nalang talaga at walang tao na nakakita sa kanya! Habang naglalakad patungo sa kubo hindi niya mapigilang hindi bumulong! Sinisi niya ang lampa niyang paa! Paano ba naman kasi hanggang ngayon dala niya parin ang pagiging malamya niya lalo na kapag natataranta siya! “Hay nako! Hindi ka talaga pwedi maging server kahit saang shop! mariing bulong niya sa kanyang sarili habang binababa ang kaing na dala. Napabaling siya bigla sa kanyang likuran nang may narinig siyang umimik. Ang kanyang Lola. Nakangiti itong nakatingin sa kanya. “Kapulong mo naman yang sarili mo, apo. Bakit, napadali kana naman baga?” deritsong imik ng kanyang Lola. Napatawa naman siya basta dahil sa malalim na salitain nito. Batangueño talaga. Niyuko niya ang kanyang paa na napatid sa ugat bago tiningnan ang kanyang Lola. “Opo, La. Hindi ko po kasi napansin yung ugat na naka-ultaw sa lupa,” marahang paliwanag niya sa kanyang Lola habang ginagalaw-galaw ang paa. Pinaiiko-ikot niya ito na para bang hinihilot niya sa pamamigitan ng ganon. Adeline is a little clumpsy. Lalo na kapag natataranta na siya. Simula nang mangyari ang aksidente kung saan kasama siya naging dahila iyon ng pagiging malamya niya. Palibhasa naipit ang kanang paa kaya siguro minsan nawawalan iyon basta ng pakiramdaman. Pero kahit na ganon hindi niya malimit na indahin 'yon dahil tuma-timing lang naman ang pag atake no'n! Kaya takot na takot siya minsan maging serbidora sa tuwing may harvest sila. Kaya malimit na hindi siya pinahintulutan ng kanyang Mamay at Lola na sumama sa pag ha-harvest dahil baka madisgrasya na naman siya katulad lamang ngayon! Tila dismayado na naman ang kanyang Lola dahil may katigasan din ang ulo niya. For her maliit na bagay lamang ang nararansan niyang sakit kumpara sa dalawang matanda na hanggang ngayon patuloy parin ang paghahanap buhay! Ang tanging gusto lang naman niya ay ang makatulong pero paano naman siya makakatulong ng maayos kung kaakibat nito ay ang disgrasyang naka-abang palagi sa kanya She heaved out a deep sigh. Pinabalik siya ng kanyang Lola sa kanilang bahay upang makapagpahinga na. No'ng una ayaw pa ni Adeline kaso kapag ang kanyang Lola na ang nagsabi sumusunod na agad siya. Nag lalakad siya na para bang hindi natatalaban ng sikat ng araw habang bit-bit ang ecobag bag na may laman na mga plato at baso at kutsara. Kahit may payong naman siyang dala hindi man lang nag abala na buksan iyon kahit nasa kamay lang naman niya! Ang katwiran niya malapit lang naman ang bahay nila kaya hindi na nito bubuksan. Palinga-linga siya sa mga dinadaanan nag babakasakali na mahagip ng paningin niya ang pilyong hitsura ng kaibigang si Kinn. Napabuntong hininga na lamang siya nang hindi man lang niya nakita si Kinn hanggang sa makarating siya sa kanilang bahay. Nag tataka siya dahil kahit mag paramdam sa txt o tawag ay wala! Kahit naman kasi aso at pusa sila nami-miss niya parin si Kinn. Pagkababa niya ng dalang ecobag sa lamesa hinalwat niya 'yon at hinugasan na ang mga ginamit nilang pinagkainan. Nag imis siya sa loob ng bahay nila pati sa labas pagkatapos no'n nag luto na siya ng kanin at pang-ulam nila. Tila natapos na niya lahat ng kanyang gawain ay hindi parin nag ttxt ang kanyang kaibigan. Dahil medyo nagtatampo na siya pinabayaan nalang niya! “Bahala ka kung ayaw mo mag paramdam! Sinong tinakot mo!” mariing sambit niya sa kanyang sarili habang papasok sa kanyang kwarto. Liligo na lamang siya para maging presko dahil kumukulo na naman ang kanyang dugo! Hindi paman siya nakakabuhos ay narinig niyang may tumatawag sa kanilang labas ng bahay. Napa-umis siya nang makumpirma kung sino ang tumatawag sa kanilang labas ng bahay. Si Kinn! Ang kaibigan niyang kanina niya pa hinihintay! Imbes na bilisan ang pagliligo mas lalo lang niyang binagalan! Makabawi man lang sa maghapon niyang hindi pagpaparamdam! Ngunit kapag sinu-swerte naman nga ang kaibigan niya nadatnan ng kanyang Mamay at Lola niya ang kaibigan nitong kanina pa hiyaw ng hiyaw sa labas ng bahay nila! Mission failed! May sermon pa siya sa kanyang Lola! Pagkalabas niya ng kwarto bumungad sa kanya ang nakangising kaibigan. Inirapan niya ito bago tumungo sa kusina upang uminom ng tubig. Narinig niyang tumayo si Kinn upang sundan siya sa kusina. Hindi niya pinapansin ang presensya ng kaibigan kahit sobrang nagpapansin na ito sa kanya. “Hi Miss, beautiful.” pilyong bungad sa kanya ni Kinn habang nakatayo na nakatingin sa pwesto niya. Hindi parin niya ito pinapansin hanggang sa masamid siya ng iniinom na tubig. Napatawa nalang siya ng tuluyan dahil sobrang galing ng kaibigan niya na kuhanin ang atensyon niya kahit sa munting biro lang nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD