CHAPTER TWO

1294 Words
Habang abala si Adeline ng pagtitimpla ng kape hindi niya maiwasan na hindi mapatingin sa gawi ni Kinn habang kausap ang kanyang Mamay at Lola. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng tatlo kaya hindi muna siya pumunta doon. Hihintayin na lamang niyang matapos kung ano man ang pinaguusapan mg mga ito. Binalatan nalang muna niya ang suman at nilagay sa isang tabi kasama ang latik nito. Muli siyang napatingin sa pwesto ng nina Kinn at ngayon mga nag tatawanan na sila. Mukhang ayos na ika niya sa kanyang isip. Kagat ang ibabang labi tumayo na siya at kinuha na ang isang tray na may laman na apat na tasa ng kape at isang bandihadong suman sa lihiya. Nagsimula na siyang humakbang ngunit sa paghakbang ng kanyang isang paa ay napatid siya! Mabuti nalang at nakontrol niya ang sarili para hindi matapon ang hawak na tray. Nanlamig siya bigla habang tiningnan ang tatlo na nakatingin din pala sa kanya. Nakita niya kung paano tumayo ng mabilis si Kinn upang abutin ang hawak niyang tray. Napalunok siya ng lihim dahil umiiral na naman ang kanyang pagiging malamya! “Okay ka lang ba? Just slow down especially when you're carrying something hot. Hindi mo naman kailangan magmadali eh, ako lang 'to, De! Tataranta ka agad eh! Akin na nga 'yan,” nag aalalang tanong sa kanya ni Kinn na may kasamang panenermon at pamimilosopo! Inabot niya ang hawak na tray. Ngumiwi siya habang tinitingnan ang pilyong ngisi ni Kinn! “Ang sakit mo kasi sa mata! Agang-aga nambu-bwesit na agad!” pabulong niyang pangbabara sa kaibigan. Hindi niya maaring lakasan ang imik lalo na at nasa piling lang nila ang Lola at Mamay niya. Kahit gustong-gusto na niyang batukan si Kinn tinitiis niya nalang muna dahil medyo malakas itong kaibigan niya pagdating sa kanyang Lola. Napapasinghap na lamang siya habang nakabuntot sa likuran ni Kinn. “Oh, apo pagkatapos mo mag kape mag gayak kana. Pinaalam ka sa amin ni Sir, Kinn. Huwag na huwag kang hihiwalay sa kanya ha, lalo na kapag nasa Maynila na kayo! Nako! Kinamang dami ng tao doon baka mawala ka,” wika ng kanyang Lola na siya namang kina-samid niya! Napa-ubo siya ng mahina dahil sa sinabi nang kanyang Lola! Wala man lang siyang kaalam-alam! Binalingan niya si Kinn na may pagtatakang tanong sa mukha ngunit nginisihan lang siya ng kaibigan! Kung makukutusan niya lang ito kahit kaharap ang Lola at Mamay niya panigurado kanina niya pa ito nagawa no'ng nasa labas palang sila! Kinn is the kind of guy who loves surprises. Just like now, Adeline didn't know where they were going. Kaya naman pala kuntudo kung makaporma ang kaibigan! Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang sa taboy nang kanyang Lola. Hindi naman siya pwedi mag dahilan dahil hindi naman 'yon papakinggan ng kanyang Lola. Palibhasa anak ng may ari ng hacienda kaya bilang pakikisama ay umo-oo nalang ang dalawang matanda. Staka hindi naman nila ipagkakatiwala ang apo kung hindi ito mabuting tao. “Ano ba kasi ang gagawin natin doon? Bakit pati ako isasama mo pa!” mariing bulong niya sa kaibigan habang ang tasa na may lamang kape ay nasa labi na. Para nga naman hindi mahala ng dalawang matanda na nanggagalaite na siya sa yamot! Para-paraan nalang talaga kung paano niya ma-malditahan ang kaibigan! Napatawa ng lihim si Kinn nang makita kung paano siya nagsasalita nang hindi man lang bumubuka ang mga bibig. Lalo siyang naiyamot dahil sa pagpigil ng tawa ng kaibigan! “Sip that coffee and then go the bathroom to take a shower. Dalian mo! Ayaw ko nang babagal-bagal. Five minutes lamang ang tinatagal ng inip ko,” seryosong taboy sa kanya ng kaibigan. Napapakunot nalang ang kanyang noo dahil sa iritasyon na dumadaloy sa kanyang katawan! Mabilis niyang hinigop ang kape bago walang sabi na tumayo at tumungo sa kanyang kwarto para kumuha ng tuwalya. Pero bago pa siya makahakbang muling bumulong si Kinn. “Make yourself beautiful, ayaw ko nang may kasamang pangit,” segundang pang-iirita sa kanya ni Kinn. Hindi siya sumagot at basta nalang niya inirapan ang kaibigan! Aso at pusa sila kapag nagsama. Pero kapag seryoso ang isa sa kanila seryoso din ang pakikitungo nila sa isat-isa. Kapag seryoso, seryoso! Kapag asaran, asaran! Diyan umiiral ang kanilang pagka-kaibigan. Imbes na magmadali ng pagliligo mas lalo niya pang binagalan ang kilos. Kahit diyan man lang ay makabawi siya sa pang-aasar ng kaibigan nito sa kanya. Pakanta-kanta lang habang nagsasabon ng katawan, habang nag lalahid ng shampoo. “Manigas ka sa paghihintay! Kaka-asa—” naputol ang kanyang huling sasambitin dahil may boses na basta nalang umimik sa labas ng banyo na inuukupa niyang liguan! And she knows who it is! Boses palang naiirita na siya! “I hear what you are saying.. Dalian mo d'yan baka buksan ko 'tong pinto. Ikaw lang yung palagi lumalabag sa limang minuto kong inip. Hurry up, woman!” walang pakundangang imik ni Kinn sa labas ng pintuan ng banyo na kasalukuyang pinagliliguan niya. Dahil sa katarantahan na baka nga buksan ni Kinn ang pintuan. Naitakip niya ang kanyang isang palad sa kanyang bibig para hindi makagawa ng ingay. Mabilis siyang nag buhos! Kulang nalang buhatin niya ang timba at basta nalang ibuhos sa kanyang katawan. Shet ka! Mariing bulong niya sa habang nag tatapis ng tuwalya. Binuksan niya ng bahagya ang pintuan ng banyo. Sumilip siya na tanging ang isang mata lamang ang nakasilip. Nang makita na wala namang tao marahan niyang binuksan ang pintuan. Nilakihan niya ang pagkakabukas at doon nalang ang gulat niya nang bulagain siya ni Kinn! “Akinn naman!” mariing tawag niya sa pangalan ng kaibigan. Mahigpit siyang napakapit sa tuwalyang nakatapis sa kanyang katawan. Pakiramdam niya sobrang pula ng kanyang pisngi nang mapagtantong nakatapis lamang siya at nasa mismong harapan niya ang lalaking kaibigan. Para mabilis na iwasan si Kinn walang sabi siyang naglakad patungo sa kanyang kwarto upang mag bihis! Narinig niya kung paano pilyong humalakhak si Kinn! She's pissed! Mabilis na nagbihis si Adeline dahil minayat-maya na siyang puntahan ng kanyang Lola. Nakakahiya daw kung pahihintayin niya pa ng matagal si Kinn. Umismid nalang si Adeline dahil kung makabahala naman ang kanyang Lola sa kaibigan nito eh daig pa ang senyorito. Eh, kung nagkataon nga na wala na do'n ang kanyang Mamay at Lola eh kanina niya pa 'yon nabatukan! “Gorgeous, huh? Nice!” mangha na wika ni Kinn sa kanya. Napa-ismid lang siya dahil alam niyang kapilyuhan lamang ang sinabi n'yon. Sinong niloko niya? Ika niya sa kanyang sarili habang sinusukbit ang sling bag na dala. She didn't really believe in his friend's admiration about her looks. For her, it was just a joke! But after all, Kinn's admiration to her are all facts. Dinadaan man nito sa biro o kapilyuhan pero lahat ng iyon ay totoo. Kinn is not good at expressing his feelings, so he prefers to joke instead of being serious. At doon nasanay si Adeline. For Kinn, Adeline is the woman who can't get tired of looking at her, even if he says her whiteness is dazzling, he still likes her more. Lalo na ang hubog nang mukha nito. Medyo singkitin ang mga mata at matangos ang ilong. Her body is like a model's body. He admires Adeline since the first time they met and that's when his liking for his friend started. Ngunit bilang respeto at pag galang narin kay Adeline at sa kanilang pagiging magkaibigan hindi niya ito sinabi. Naisip niya na baka kapag sinabi niya ito ay lumayo ang loob sa kanya. Kaya marahil dinadaan nalang niya sa biro ang lahat! Hindi niya maamin kay Adeline ang tunay niyang nararamdaman at okay lang yo'n sa kanya. Ang importante magkaibigan sila at suportado nila ang isat-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD