"Tulungan na kita," sabi niya sa akin at inayos niya agad ang suot niyang polo. Tinupi niya iyon hanggang sa kanyang siko,. unti - unti naman na ako naglakad papalayo sa kanya ng sandaling iyon dahil sa atraksyon na nadudulot niya sa akin. Lalapit na sana siya sa akin pero napansin kong pumasok sila Markus kaya napaatras ako sa kanya.
"DJ! Nandito ka pa pala. Kala ko sumabay ka na kay Alex?" tanong ni Markus sa kanya at nagkaroon ako ng pagkakataon na lumayo sa kanya saka dumiretso sa kusina. Sinisilip silip ko na lang siya at napansin kong sinusundan niya ako ng tingin habang nakaakbay si Markus sa kanya. Napakagat labi na lang ako at nagsimula na hugasan ang natitira pang plato.
Napasandal na lang ako sa dingding dahil sa lamig na nararamdaman ko at pagtaas ng balahibo ko sa braso dahil sa pagdidikit ng aming balat. Nagtagal ako ng ilang minuto na nakasandal bago tinuloy ang plano kong hugasan ang iilan pang natirang plato at kawali.
Narinig kong pumasok na si Markus sa bahay at inilock ang lahat ng pinto at bintana. Balak ko pa sana linis ang sala pero nang sumilip ako sandali, nakita ko si Markus na nagwawalis na ng sala at pinagpatuloy ko na ang paghuhugas ng plato.
"Rion," tawag sa akin ni Markus kaya naghugas ako ng kamay saka ko siya hinarap. Seryoso ang kanyang ekspresyon ng kanyang mukha pero kitang kita rin ang pagod sa kanya. Nakasuksok sa bulsa ng kanyang pantalon ang mga kamay niya at parang pinag - iisipang mabuti ang sasabihin niya sa akin. Kunot ang kanyang noo at inilabas niya ang isang kamay para suklayin ang kanyang buhok.
"Mas matanda sayo si Dexx at ako na ang nagsasabi sayo, layuan mo siya. Hindi kita mapoprotektahan dahil aalis na ako. Binabalaan kita, walang mangyayari kung gugustuhin mo si Dexx. Iwanan mo na yan, pagod ka na. Ako na magpapatuloy niyan." Lumapit na siya sa akin at tinulak ako papalayo sa lababo. Tinitgan ko muna siya habang sinasabunan ang ilang plato nang bigla niya akong lingunin. Ngayon ko lang nakita ang ganitong kaseryosong mukha ni Markus. Gusto kong maniwala sa kanya dahil mas kilala niya si Dexx sa akin, pero gusto ko rin makilala siya ng kubos at hayaan ang sarili ko magdesisyon.
"Alam ko naman mas matanda siya at matanda na rin ako . Hindi mo naman ako kailangan pang proteksyonan pa. Kaya ko sarili ko, salamat sa paalala," sabi ko sa kanya ay nagtungo na ako sa kwarto ko. Kumuha na ako ng damit pangtulog at nagtungo sa cr para maglinis ng katawan.
Maaga ko rin kasi pinagpahinga si Tita Myline dahil madaling araw pa lang ay gising na siya at namalengke kanina. Si Markus din naman ay maagang gumising pero sanay naman siya sa pagpupuyat at pwede rin siyang bumawi ng tulog habang nasa flight niya.
Nakaharap ako sa pader ng marinig kong bumukas ang pinto ng aking kwarto at may naglakad dahan - dahan at may inilapag sa study table ko. Marahan akong humarap at nakita ko nakatalikod na si Markus, nalipat naman ang mata ko sa malaking box na nakabalot pa ng itim na wrapper. Naisip kong bukas na lang ito buksan at humiga na ako ulit.
Hindi ko maalis sa isip ko na sinusundan ako ni Dexx ng tingin at nalaman ko pa ang kanyang palayaw. Pati na rin ang paghawak niya sa akin ay di na matanggal sa isipan ko. Ang ekspresyon ng kanyang maamong mukha ang siyang nagpatulog sa akin ngayong gabi.
Maaga ulit kaming gumising dahil kailangan maaga si Markus ng dalawang oras bago ang kanyang flight. Nagmadali na ako sa pagligo at sa byahe na lang kami kakain, sabi ni Tita Myline. Paglabas namin, naghihintay na ang sasakyan ni Dexx.
"Rion, dito ka na sa harap." Binuksan niya ang pinto ng kotse pero inunahan ako ni Markus. Ngumiti na lang ng mapait si Dexx at sumakay na ako sa likod katabi si Tita Myline at ang mga bagahe ni Markus ay nandoon rin.
Tahimik lang kami sa byahe, pati ang pagkain namin ay wala rin gaanong nagsasalita. Hanggang sa makarating na sa Airport, doon lang naglakas ng loob si Tita Myline na magpaalam kay Markus. Si Dexx ang nagbaba ng iilang bagahe ni Markus para makababa rin kami, nang aktong hahawakan niya ang kamay ko, pinigilan siya ni Markus at tinitigan ng masama. Nasa likod lang kami nila Markus at Dexx habang naglalakad.
"Hanggang dito na lang tayo," sabi sa amin ni Dexx at bago tuluyan pumasok, niyakap ni Tita Myline si Markus at umiyak ng ilang minuto. May tumakas ring luha kay Markus ay sobrang hinigpitan nito ang yakap niya kay Tita Myline. Naluha na rin ako ng bumaling si Markus sa akin. Niyakap niya rin ako ng mahigpit.
"Mangako ka sa akin, huwag mo pagkakatiwalaan si Dexx at si Tita Myline, huwag mo pababayaan. Yung iniwan kong box, dalahin mo lagi laman at wag na wag mo aalisin sa bag mo. Maniwala ka sa akin, hindi mo pagkakatiwalaan si Dexx. Para sayo rin tong sinasabi ko," bulong niya sa akin at tinapik tapik ang likod ko. Khmalas siya sa pagkakayap niya at hinawakan ang dalawang balikat ko saka himalikan ako sa noo. Mag tumulong luha sa akin dahil pakiramdam ko, nawalan na naman ako ng kapatid.
Yumakap ulit ako sa kanya at ganoon rin siya si Markus sa akin. Kapatid na ang naging turing ko sa kanya matapos akong iniwan ni Ate Genesis, si Markus na ang isa sa mga taong nag - aruga sa akin. Kumalas na siya sa pagkakayakap niya at tinapik ang braso ni Dexx at tuluyan na siyang pumasok. Yumakap naman sa akin si Tita Myline at umiiyak pa rin siya.
"Halika at kailangan muna kumalma ni Myline," sabi niya aa akin at sumunod na lang ako hanggang sa makarating kami sa isang restaurant.
"Bakit ang dami ng niluto niyong itlog at hotdog, Tita?" tanong ko sa kanya at napansin kong nagulat siya sa tanong ko. Agad naman akong nakahalata at naisip kong nakalimutan niyang wala na si Markus at napasobra siya ng nilutong almusal.
"Sorry." Kinuha niya ang plato kung nasaan ang mga ulam at hiniwalay ang pagkain na para kay Markus tsaka tinabi sa rice cooker. Umupo na siya sa lamesa at tahimik na kumakain. Hindi na rin ako nagsalita pero nang biglang may kumatok, agad akong tumayo at inalam kung sino ang bisita namin ng ganoon kaaga.
Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Dexx at may hawak pa siyang bulaklak. Maaliwalas ang kanyang ngiti ng umagang iyon at nakakadulot ng positibong pakiramdam sa akin.
"Goodmorning." Abot niya sa akin ng dala niyang bulaklak at pumasok na sa loob. Hindi ko na siya napigilan pa at pinatuloy ko na lang din para makasabay sa amin sa pag - aalmusal.
"Mag - almusal ka na muna," sabi ko sa kanya at lumingon siya saka hinawakan ang kamay ko pero binitawan niya rin saka tumitig sa akin.
"Nasaan si Myline?" tanong niya sa akin at itinuro ko na lang sa kanya ang hapag kainan namin. Naglad na siya papunta doon at hinalikan sa pisngi si Tita Myline. Inalok na rin siya nito para kumain at malugod naman niyang tinanggap iyon. Umupo siya sa pwesto ko kaya naman nilipat ko na lang ang plato ko at ang baso ko ng kape sa pwesto kung ni Markus noon.
"Rion, maghain ka ng pagkain para kay DJ." Tumayo agad ako at sinunod ang utos ni Tita Myline sa akin. Nakangiti akong pinagsasandok siya ng pagkain at pati na rin sa pagbalik ko sa lamesa.
"Kain na." Umupo na ako sa pwesto ko at nakinig na lang sa usapan nila tungkol sa grocery ni Tita Myline. Nakiusap pala si Markus kay DJ na siya na muna ang pumalit sa kanya sa naiwanan na responsibilidad ni Markus. Masaya namang pumayag si Tita Myline
"Wala ka bang pasok ngayon, Rion? Ihahatid na kita," tanong sa akin ni Dexx at nasamid ako sa tanong niyang iyon at agad akong binigyan ng baso ng tubig.
"Ah-ano, meron," sagot ko at tumingin kay Tita Myline dahil napansin kong palipat - lipat siya ng tingin sa amin ni Dexx. Inilapag ko na ang baso ng tubig at naghihintay na lang nang susunod na sasabihin sa akin ni Tita Myline.
"Malalate ka na, magpahatid ka na lang. Okay lang ba sayo, Dexx? Mabilis lang maligo si Rion." Tumawa si Tita Myline at tumayo na siya dahil kanina pa pala siya tanong kumain. Kumindat siya sa akin bago nagtungo sa kusina.
"Kuya DJ, ok lang naman ako kahit wag mo na ihatid. Mabilis lang naman ang byahe papasok at maaga pa, hindi naman ako malalate," sagot ko sa kanya pero umiling lang siya at nagpatuloy na lang sa pagkain kaya ganoon na rin ang ginawa ko.
Sa kinikilos niya, alam kong hindi niya tatanggpin ang pagtanggi ko kaya mabilis ko na tinapos ang pagkain para makapagmadali sa pag - aayos.
Habang nasa kwarto ako, hindi ko alam kung ano ang dapat kong suotin dahil si Dexx ang makakasama ko. Kung ako lang mag - isa, normal na pantalon at t-shirt lang naman ang sinusuot ko. Habang tinitingnan ang mga damit, nagulat ako sa biglang may kumatok.
"Rion, may iutos sana ako sayo," sabi sa akin ni Tita Myline at binuksan ko na agad ang pinto ng kwarto ko para magtanong na kung ano ang magandang isuot.
"Ano poyun?" Hinawakan niya ang kamay ko habang nag - aayos ako ng mga damit saka siya pumuli para sa akin ng isusuot.
"Ito, bagay sayo. Alam ko naman kasing hindi ka marunong mamili ng isusuot," sabi niya at hawak hawak ang isang kulay itim na dress. Hindi ko pa iyon nasuot simula nang ibigay sa akin ni Tita Myline iyon bilang regalo sa birthday ko nung isang taon. Tinapat niya iyon sa akin para sukatin at umalis na ng kwarto ko.
Inilapag ko ang dress, nagdadalawang - isip ako kung isusuot ko ba talaga dahil para akong nagpapaganda para kay Dexx. Normal na pananamit ko na lang ang isusuot ko at itatabi na lang ang dress na iyon para sa mga importanteng okasyon. Nagpatuloy na ako sa pag - aayos dahil ayokong paghintayin si Dexx.
Pagtapos ko maligo, nagpulbos lang ako at liptint saka kaunting pabango saka lumabas ng kwarto. Narinig ko ang masayang pag - uusap nila Tita Myline habang patungo ako sa Living Room.
"Halika na, dadaan pa ako sa grocery para buksan iyon," sabi ko sa kanya at nagpaalam na siya kay Tita Myline. Kumaway na rin ako sa kanya pero nakita kong nakasimangot na siya dahil hindi ko sinunod ang gusto niya.
Paglabas namin ng bahay, namangha ako sa mamahalinn niyang kotse na nakaparada sa harapan ng gate. Kulay itim ito pero hindi ko alam ang tatak o pangalan ng sasakyan ni Dexx. Alam kong may kaya siya sa buhay kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya ganito sa akin, isa lang naman akong simpleng babae.
"Dito ka na sa harap sumakay, tabi tayo." Binuksan niya na ang pintuan ng sasakyan at sumunod na lang ako dahil ayoko naman siyang magmukhang driver kung sa likod ako sasakay.
"Ah!" Naitulak ko siya dahil pagkasakay niya sa sasakyan at lumapit siya gad sa akin. Nahinto siya sandali pero nagpatuloy siya sa gagawin niya, ang pagsusuot ng seatbelt ko. Ngumiti lang siya sa akin at umayos na nang pag - upo at binuhay ang makina ng sasakyan.
"Anong kotse ito?" tanong ko sa kanya habang nasa byahe kami. Tumingin siya sa akin at ngumiti lang. Nakakadala talaga ang mga ngiti niya sa akin kaya napapangiti na rin ako.
"Honda," sagot niya sa akin at hindi na ako ulit umimik pa. Inilabas ko ang aking cellphone at isa isa ko na lang binasa ang mga text sa akin. May iilan na naman nagpapagawa ng kanilang mga assignment, naging abala na ako sa pagsagot ng mga text nila at hindi ko na namalayan na malapit na kami sa grocery.