Chapter 2

2013 Words
Habang nakahiga na ako sa kama para magpaantok, biglang may tumawag sa akin na hindi kilalang number. Sinagot ko na lang ito kahit walang idea kung sino. "Hello, si Rion po ito?" tanong sa akin ng lalaking medyo paos ang boses at may bahid ng pagkahiya ang kanyang tono. "Yes po, sino sila?" tanong ko pabalik at bumangon ako para maupo. Hindi ko maisip kung sino ang tatawag sa akin ng ganitong oras, wala naman din akong pinagbibigyan ng cellphone number ko maliban kung ako rin mismo ang nagbigay nito. "Si Dexx ito. Hindi ka na kasi sumagot sa huling email ko sayo kaya tinawagan kita. Matutulog ka na ba? Nakakaistorbo na yata ako," sabi niya sa akin at napangiti na lang ako ng hindi ko malaman ang dahilan. "Naku, hindi naman. Kaso diba malinaw naman na usapan natin na tutulungan kita. Nagulat lang ako dahil wala naman ako inaasahang tawag ng ganitong oras," sagot ko sa kanya at narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. Isa si Dexx sa alam kong butihing kaibigan ni Markus pero masyado siyang matanda para sa akin. Limang taon ang agwat namin at naririnig ko rin sa mga kwento ng iba na maraming nagkakandarapang babae sa kanya. Matagal ko nang kilala si Dexx, high school pa lang ako ay nakikita ko na siya palaging dumadalaw sa bahay para sunduin si Markus. Kaedad niya lang kasi ito. Noon pa man ay may paghanga na ako sa kanya dahil sa pagiging maginoo siya sa amin ni Tita Myline. Isa rin kasi siya sa mga nilapitan noon ni Tita Myline para sa pagpapatayo ng grocery. Mayaman ang pamilya nila Dexx kaya naman nagawa niyang mabigyan ng puhunan si Tita noon. Pero natigil ang pagpunta niya sa bahay at nabalitaan ko na lang na nasa ibang bansa ito para sa pag - aasikaso ng kanilang negosyo. Natigil rin ang paghanga na nararamdaman ko sa kanya at nagfocus na lang sa pag - aaral ko at ngayon, hindi ko akalain na tatawagan niya ako bigla kaya hindi ko mapigilan ang saya na nararamdaman ko. hi "Gusto ko lang rin marinig ang boses mo," sabi niya sa akin at nakaramdam ako ng pag - init ng pisngi ko. Kinuyom ko na lang ang kamay ko sa kumot dahil sa emosyonal na nararamdaman ko. "Talaga ba? Ikaw pa lang ang nagsasabi niyan sa akin," sagot ko sa kanya at kagat labi akong naghintay sa sagot niya sa akin. "Totoo naman na maganda ang boses mo. Depende lang yan sa nakikinig. Ano pala gusto mong pasalubong?" tanong niya sa akin at wala sa isip ko ang mga materyal na bagay. Ang gusto ko lang ay makita ko siya ulit kahit patago ang pagtingin ko sa kanya. "Ha? Bakit kailangan mo kong bigyan ng pasalubong? Kahit wala na pong ganyan, kuya Dexx," sagot ko sa kanya at may halong pagpipigil sa nararamdaman ko. Siya kasi ang pinakaunang crush ko at halos tumagal ng ilang taon at ngayon, nakakausap ko na siya. Kinabukasan... Pagtapos namin maghapunan, hindi muna kami pinaalis ni Tita Myline dahil sa pag - uusapan ang planong paghahanda bukas. "Ano ba gusto mong handa, Markus?" tanong ni Tita at binuksan ang kanyang notebook para ilista ang mga rekado. Iniligpit ko na lang muna ang mga napagkainang plato at nahlinis ng lamesa. Narinig ko sa pag - uusap nila ang bicol express, lumpiang shanghai, fish fillet at pininyahang manok. Lahat, paborito ni Markus. Alam kong hindi gusto ni Tita Myline ang pag - alis ni Markus dahil sa nakasanayan niya na ang presensya ni Markus. Mas nauna kasi niyang kinupkop ito kesa sa akin at parang anak na rin ang trato niya dito. Isa pa, maaasahan talaga si Markus pagdating sa grocery niya. Nakatoka kasi si Markus sa pagbabantay g delivery para sa grocery. May iilan kasing trabahador na dinadaya ang kahon - kahon ng paninda noon. "Maaga kitang gigisingin bukas, Rion. Tulungan mo ko sa pagluluto at kaming dalawa ni Markus, mamamalengke," bilin sa akin ni Tita Myline habang nasa hapag - kainan pagkabalik kk galing kusina. Tumango na lang ako sa kanya at nag - asikaso na para maglinis ng katawan, may mga assignment at projects pa kasi akong kailangan tapusin para ipasa sa lunes. Abala ako sa pagsusulat ng makatanggap ako ng tawag sa isang di kilalang numero. Hindi ko na muna sinagot iyon dahil alam kong isa sa mga kaklase ko iyon na magpapagawa sa akin ng kanilang proyekto. Mas uunahin ko munang tapusin ang mga kailangan kong ipasa bago ang sa ibang tao. Pagkagising ko kinabukasan, agad na akong naglinis ng bahay dahil paniguradong marami kaming magiging bisita. Dito kasi sa lugar namin, basta may malaman silang may handaan ay pumupunta sila kahit hindi sila imbitado. Nagsimula akong alisin ang mga agiw, magwalis at maglampaso ng saktong dumating sila Tita. "Dapat mamaya ka na lang naglinis dahil madudumihan na naman ang bahay," sabi sa akin ni Tita Myline pero hindi ko na siya pinansin at dinala ko sa kusina ang mga pinamili nila kasunod ni Markus at sinimulan kong hugasan ang mga karne. "Rion, magpakulo ka ng tubig ha. Damihan mo tapos hugasan mo yung baboy at buto buto tsaka isalang mo. Lagyan mo ng kaunting asin at paminta," utos ni Tita Myline galing sa sala. "Opo!" sagot ko sa kanya at sinunod ang utos niya. Habang hinihintay kong kumulo ang tubig, isa isa ko namang inalis ang patatas, carrots at ilang gulay, hinugasan ang mga ito at binaltan na rin. Hindi ko na muna ginalaw at inumpisahang iwain. "Binilihan kita ng kakainin dyan. Kumain ka na muna ng almusal bago ka magsimulang maghanda ng pangsahog," utos niya sa akin at iniabot ni Markus ang supot.ng kakanin. Nagtimpla na rin ako ng kape at nagsimulang kumain. Naumpisahan na ni Markus ang paghuhugas sa mga karne at gulay, hindi naman kasi siya marunong sa paghihiwa ng mga ito kaya ayun lang ang matutulong niya sa amin, pati na rin ang pagbili niya ng mga iilang sangkap pa. "Tita, aalis muna ako, may mga ipapabili ka pa ba? susunduin ko lang ilang mga bisita ko," usal ni Markus habang nagsisimula na akong maghiwa. "Wala naman! Kung meron, itetext ka na lang namin," sagot ni Tita Myline sa kanya kaya agad na siyang lumabas ng bahay. Pumunta na rin sa kusina si Tita Myline at nagsimula ng magtrabaho. Hindi na kami nag kikibuan habang nagluluto dahil may nakatoka na sa akin oara lutuin. Matapos ang ilang oras na pagluluto ay nag - asikaso na ako ng sarili para kung may dumating na bisita ay maharap ko na. Paglabas ko ng kwarto, nasa Sala na si Markus at may kausap na babae. Isa isa na rin inilabas ni Tita Myline ang mga handa at inilapag sa lamesa nakalaan para dito. "Markus, pakainin mo na ang nga bisita mo," utos ni Tita at agad naman niyaya ni Markus ang dalawang babae. Umupo na muna ako sa sofa at pinagmasdan ko muna sila. Hindi na lumabas pa ng kusina si Tita Myline pagkatapos niya ihanda ang pagkain. Sunod sunod na ang pagdating ng mga bisita kaya nagsimula na akong asikasuhin ang iilan sa kanila. Pati si Tita Myline ay tumulong na rin dahil ang iilan sa djmating ay mga kaibigan niya at kapitbahay. "Mare, ayan na ba yung si Markus?" bulong ng isang kumare ni Tita at tinuro si Markus habang kausap ang iilang bisita nito. "Oo, mare. Masyadong naging matured ang itsura at tumangkad ng husto," pagsang - ayon naman ni Tita Myline sa kanyang kausap at tiningnan ang lamesa para sa mga pagkain. Napansin niyang ang kaldereta at bicol express ay paubos na. Nagpaalam na muna siya sa kanyang mga kausap at nagtungo sa kusina. "Rion, pahingi naman ng bicol express," bulong sa akin ni Tita ng makasalubong ko siya papunta sa kusina, bitbit ang mga plato na pinagkainan ng kanyang bisita. Paalis na kasi ngayon si Markus papunta sa bansa kung nasaan ang kanyang mga magulang. Biglaan siyang pinauwi at hindi masabi sa amin ni Markus ang dahilan ng pag - uwi niya. Hindi na ako sumagot pa at sinunod ko na lang ang kanyang iniuutos. Hindi ko alam kung saan ko ibibigay ang pinakuha niyang bicol express kaya nilibot ko na lang ang sala para kung may maghanap ay ibibigay ko pero pagdating ko, walang pumansin sa akin, aktong babalik na ako sa kusina para hugasan ang mga plato. Paglingon ko, nahagip ng mata ko sa pintuan si Dexx. Nakablue na polo at may stripes ng puti at itim. Nakaipit sa kanyang pantalon ito at nakasuot siya ng brown na sapatos. Walang nagbago sa kanyang itsura, mahaba pa rin ang kanyang buhok pero abot lang sa kanyang tenga. Nakatuon lang ang atensyon niya kay Markus dahil sa kwentuhan nila.Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pag - aasikaso ng mga bisita at inilapag ang hawak kong isang plato ng bicol express. Sa isip ko, sa mga palabas lang naman nangyayari ang mga pagkakataon na magugustuhan ng isang lalaking kagaya ni Dexx ang tulad ko. Mahirap, wala pang nararating sa buhay at hindi ganoon kaganda. May kaunting kirot sa puso ko dahil doon pero kailangan kong tanggapin ang reaidad na hindi ang tulad ko ang magugustuhan ni Dexx. "Rion, kailan ka makakatapos sa pag - aaral?" tanong sa akin ng isa sa nga kapitbahay ni Tita Myline. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya dahil sa pagtatanong niya. Alam ko naman sa sarili ko na kumukuha lang ito ng bagay na pwede niyang ma - chismis sa akin. "Ate Marites, gusto mo pa ba ng leche flan? madami pa po doon? Bibingka, gusto mo rin?" tanong ko sa kanya at sarkastiko na akong ngumiti at tumayo para asikasuhin ang iba pang bisita. Ayoko kasi sa ibang kaibigan ni Tita Myline dahil marami silang chismis. Isa sa mga dahilan kaya di ako lumalabas ay dahil sa kanila. Nakarinig ako noon ng usapan nila tungkol sa pag - aampon sa akin ni Tita Myline. Hindi kasi nila alam na may iba pang kamag - anak si Tita Myline. Natapos ang araw na iyon na sobrang pagod. Umupo na muna ako sa sofa nang maubos ang lahat ng bisita. Sumandal ako sa sofa at ipinikit na muna ang mata ko nang maramdaman kong may tumabi sa akin kaya agada kong napabangon. "Hi!" sambit ng isang boses at agad akong napakilos at natitigan siya. Lumingon pa ako sa paligid at baka nananaginip lang ako dahil nasa harapan ko na talaga ngayon si Dexx at kausap ko pa. "Nagulat ba kita? Pasensya ka na at naistorbo kita," mahinhin na sabi sa akin ni Dexx. Una kong napansin ang kanyang nangungusap na mata na bagay na bagay sa kanyang maamong mukha. Lumunok muna ako bago ako nagsimulang magsakita. Nag - iisip ako ng pwede kong idahilan para makaalis sa harapan niya dahil ayokong mahalata niya ang kaba na nararamdaman ko. "Ah, hindi naman. Ayos lang naman sa akin," sabi ko sa kanya at ngumiti ng kaunti saka bumalik sa pagkakaupo ko. Dahan dahan ang ginawa kong pag - upo dahil sa naiilang pa ako sa kanya at umubo siya ng kaunti habang umuusog papalapit sa akin. Para kaming bata na aatras at aabnate sa maliit na sofa na iyon kaya nagdesisyon na akong tumayo. "Tumatawag ako sayo kagabi, gusto ko sanang puntahan ka dito pero hindi mo pinapansin ang tawag ko," sabi niya sa akin at naaalala ko ang di kilalang numero na tumawag kagabi. Sana pala, sinagot ko na ang tawag na iyon. "Ah, ikaw pala yun. Hindi kasi ako sumasagot ng tawag sa mga numerong hindi nakasave sa cellphone ko. Pasensya ka na," sagot ko sa kanya at umatras ako ng isang hakbang. Nakatitig pa rin siya sa akin habang umaabante papalapit sa akin. Hindi ko magawang alisin ang titig ko sa kanya dahil sa hinahatak ako nito. Traydor rin ang katawan ko pagdating kay Dexx. "Ah, sige at maghuhugas pa ako ng iba pang plato," pagpapaalam ko sa kanya pero hinawakan niya ako sa siko kaya nakaramdaman ako ng paninigas ng kalamnan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD