Panimula
"Bye!" pagpapaalam ko sa Dean ng School dahil may hinabol pa kaming deadline ng mga grade. Inayos ko na ang mga gamit ko bago lumabas sa office.
"Gusto mo, ihatid na kita sa inyo? Masyado na kasing gabi kung uuwi ka pa mag - isa. Nag -aalala ako sayo." Nakatingin na alok ni Ma'am pero tumanggi na ako at iniiwasan kong may makakitang close kami. Nasasabihan rin kasi akong Teacher's pet kahit hindi naman totoo kaya mas gugustuhin ko na umuwi mag - isa kaysa ang magkaroon ng ilang pag - uusap tungkol sa akin.
"Salamat na lang po, kaya ko na po ito," sagot ko sa kanya at nauna na akong umalis. Madilim na ang hallway dahil patay na ang mga ilaw. Tanging Guard na lang ang nandoon dahil alam nitong nasa loob pa kami.
"Goodnight, kuya!" bati ko sa kanya ng palabas na ako ng eskwelahan at ngumiti lang siya sa akin. Wala na masyadong tao sa daan kaya nagmadali na akong maglakad papauwi. Ilang minuto lang naman ang tatahakin ko. Kung noon, hatid sundo ako ni Markus, ngayon ay wala na dahil isang buwan na rin siyang nakaalis.
Nasa madilim na ako na parte ng daan ng may marinig akong kaluskos galing sa mga talahib. Dito kasi sa amin, kailangan ko rin lagpasan ang parte na ito. Madilim pa dito dahil wala pang pondo ang barangay namin para lagyan ito ang bawat isang kalye ng poste ng ilawilaw. Nakakatakot talaga ang lugar na ito kung bago lang ang dadaan pero sanay na ako sa ganitong sitwasyon kaya alam kong hindi ako mapapahamak.
Huminto ako sandali para tingnan kung ano ang nsa loob ng talahiban ng biglang lumabas ang tatlong lalaki. Amoy na amoy sa kanila ang kalasingan at doon na ako nakaramdam ng kaba dahil kakaiba ang mga ngiti nila nang makita ako. Umatras agad ako ng makita kong kakaiba na rin ang tingin nila sa akin. Binilisan ko ang pag - atras ko hanggang sa nagsimula na akong tumakbo. Naging mabagal pa noong una ang paghabol nila sa akin dahil sa kalasingan nila pero unti - unti na silang bumilis. Hindi nila magawang makasigaw dahil alam nilang makakuha ito ng atensyon.
"Tulong!" sigaw ko habang tumatakbo pero ilang kilometro pa ang layo ng lugar na may bahay kaya kahit sumigaw ako, walang makakarinig. Mali ang nagawa kong iyon dahil napansin agad ng isa sa kanila na kahit gumawa ng ingay, walang makakrinig. Nagsimulang tumulo ang luha sa aking mga mata at pakiramdam ko, katapusan ko na. Nakaramdam na ako ng pamimigat ng paa pero hindi ito ang oras para mapagod. Kailangan kong tumakbo ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa bahay pero malayo pa ito kung tutuusin.
Naisip kong ihagis ang bag ko dahil nakakasagabal ang laman nito sa pagtakbo ko pero naaalala ko ang mga bagay na iniwan sa akin ni Markus. Ang pang - spray lang ang nadala ko kaya agad kong kinuha ito sa bulsa ng bag ko.
"Miss, saan ka pupunta!" sigaw ng isa pero hindi ako nagpatinag at hinubad ko na ang sandals kong suot para mas makatakbo ako ng mas mabilis. Hingal na hingal na ako pero hindi pa rin sila tumitigil sa kakahabol sa akin ng maramdaman ko ang biglang paghablot nila sa aking buhok.
Napakapit ako sa ulo ko dahil doon at bigla ko na lang naramdaman ang isang bagay na tumusok sa likod ko. Dahilan para mapaupo ako dahil sa sakit na dulot noon. Sinipat ko ang parteng iyon at nakita ko ang sarili kong dugo.
"Maawa kayo sakin! Pakiusap. Hindi ako magsusumbong, pauwiin niyo lang ako." Pagmamakaawa ko sa kanila pero sinampal ako ng isang lalaki at napasubsob ako s semento. Hindi pa sila natigil nang pinagsisipa nila ako. Tinitigan ako ng isang lalaki at iniangat ang ulo ko para tingnan siguro kung humihinga pa ako. Sinampal niya ako ng paulit ulit at namanhid na ang pisngi ko sa ginagawa niya.
Hawak - hawak ko ang peppermint spray at nang nakaroon ako ng pagkakataon, inispray ko sa lalaki iyon dahilan para mabitawan niya ang ulo ko. Narinig ko na lang na sunod - sunod ang pagdaing nito sa sakin pero ang sumunod na nanakit sa akin ay ang isa niyang kasamahan. Iniharap ako nito at hinawakan ang dibdib ko. Pilit akong kumapit sa kamay niya para pigilan siya dahil alam kong katawan ko na talaga ang habol niya. Sinampal niya ako at sinuntok sa tiyan. Tiniis ko ang sakit ng ginawa nila sa akin. Sinusubukan niyang alisin ang suot kong uniporme pero pinipilit kong ipagtanggol ang sarili ko hanggang sa punitin niya na talaga ng husto ang damit ko.
"Please! Huwag po!" Tinutulak ko at pagmamakaawa sa kanya pero isinubsob niya ang kanyang mukha sa aking dibdib at pinaghahalikan ito ng paulit ulit. |Wala na akong nagawa kung hindi ang humagulgol na lang at magdasal na sana matapos na ang lahat ng ito. Hindi pa siya nakuntento at matapos pagsawaan ang aking dibdib, sinaksak niya ako sa tiyan ng paulit - ulit. Natigil ang ginagawa nila nang mapansin ko ang ilaw galing sa isang kotse. Nakahandusay na ako sa kalsada at ang pagtakbo na lang nila ang naririnig ko ng mga oras na iyon.
"T-tulong.." bulong ko at iniangat ko pa ang kamay ko. Madilim pa rin sa parteng iyon kung saan nila binaboy ang katawan ko kaya hind ko na napansin kung sino ang taong tumulong sa akin. Unti - unting lumapit ito sa akin pero dahil sa sakit na nararamdaman ko, bumibigat na ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong napapikit at nawalan ng malay.
"Rion!" sigaw ni Tita Myline na naging dahilan para magising ako. Nasa isang hospital na ako at nang sinubukan kong bumangon, puro sakit ng katawan ang naramdaman ko. Kahit mahirap, hinahanap ko kung nasaan si Tita Myline. Pero wala siya sa loob ng kwarto, naririnig ko lang ang mga usapan nila sa labas at wala akong maintindihan sa kahit anong mga bagay ang pinag - uusapan nila.
Sinubukan kong magsalita pero walang boses na lumalabas sa lalamunan ko at masakit pa rin kapag igagalaw ko ang ulo ko. Hanggang sa pumasok ang dalawang nurse at lumapit sa akin, pinilit kong igalaw ang kamay ko para makakuha ng atensyon. Napansin ako ng isang nurse kaya agad siyang tumawag ng doktor. Pumasok rin sa kwarto ko si Tita Myline kasunod ang ilang nurse.
Malabo pa ang paningin ko ng mga sandaling iyon pero kitang kita ko ang galit sa mukha ni Tita Myline ng lumapit siya sa akin. Aktong hahawakan niya ako pero pinigilan siya ng isang pulis.
"Rion! May natatandaan ka ba sa nangyari?" tanong sa akin ni Tita Myline at bigla akong nakaramdam ng sakit ng ulo kaya napahawak ako dito. Naramdaman kong may benda ako sa ulo ko at pinilit kong isipin kung ano ang nangyari pero wala akong naaalala.
"W-wala akong naaalala, gusto ko rin magtanong kung bakit ako nandito sa hospital?" tanong ko sa kanila at pinilit ko pa may lumabas na salita sa akin hanggang sa humagulgol ng iyak si Tita Myline. Inilabas siya ng iilang pulis at pumasok naman ang doktor.
"Excuse me lang po, kailangan po namin kunin muna ang vital signs ng pasensya at mas makakabuti kung hindi tayo makakadulot ng stress sa kanya ngayon," sabi ng doktor sa natirang pulis at pumunta na lang ito sa sulok.
May kinuha ang doktor na parang flashlight at itinutok iyon sa aking mata. Wala ako masyadong makita ng oras na iyon tapos ay ang isang popsicle stick naman para tingnan ang aking bibig. Sumunod na lang ako sa lahat ng ginawa ng doktor, pati ang pagkuha ng temperatura ko at blood pressure ay ginawa sa akin.
"Limang araw ka ng tulog simula ng mangyari ang krimen," paunang sabi sa akin ng doktor kaya agad kong tiningnan ang katawan ko. Marami akong pasa sa braso at inialis ko ang kumot sa paa ko. Kitang kita ko rin na may iilang pasa ako sa binti. Sinubukan kong umupo pero agad akong napabalik sa pagkakahiga dahil sa sakit na naramdaman ko sa aking likod.
Doon ko naaalala ang pag - saksak at pangbu - bugbog na ginawa sa akin ng tatlong lalaki. Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha ko ng mga oras na iyon.
"Naging biktima ka ng rape at sinubukan ka pang patayin," sunod na sinabi ng pulis na sobrang nagpatigil ng mundo ko. Narape ako? Kaya pala may kirot rin akong naramdaman sa aking p********e. Narape ako. Narape ako. Ilang beses nagpaulit - ulit sa akin pero kahit ganon, hindi ko magawang matanggap.
"Huling natatandaan ko, binubugbog nila ako pero may dumating na kotse, alam kong iniligtas ako ng kung sino man iyong taong iyon," sigaw ko sa kanila pero pilit lang nila akong pinapakalma. Masakit pa rin ang katawan ko pero pinilit kong gumalaw at kumawala sa kanila. Hirap na hirap akong ikilos ang katawan ko ng mga oras na iyon pero naiisip ko lang na kailangan kong makatakas kung sakaling panaginip man ang lahat ng ito,
"Please, calm down!" sigaw sa akin ng doktor pero hindi ako tumigil at inalis ko ang benda na nasa ulo ko. Hinawakan ng pulis ang mga kamay ko at ang doktor naman ay tumawag na ng ilang nurse.
"Hindi! Hindi ito totoo, panaginip lang ito!" sigaw ko at nagsimula na akong alisin ang suwero sa kamay ko pero agad akong pinigilan ng doktor at pulis. Sumunod naman ay ang pag - pasok nila Tita Myline at ilang mga nurse. May itinurok sila sa akin at ilang sandali pa, unti unti akong nakakaramdam ng pagkaparalisa sa katawan ko. Iniangat ko ang kamay ko para mahawakan si Tita Myline at inabot niya naman ito. Doon pumasok sa isip ko na totoo ang lahat ng ito. Naging biktima ako ng rape at muntikan pa akong mamatay. Hindi ko na mapigil ang luha ko ng mga oras na iyon.
"Tita, gisingin mo ko sa panaginip na to. Hindi totoo ang nangyari sa akin," huling salitang natatandaan ko hanggang sa makaramdam na ako ng antok at di ko na magawang labanan pa ito.