"Goodmorning!" bati ko sa kanila para mabago ang mga tingin nila sa amin ni Dexx dahil pagbaba ko pa lang ng sasakyan, napansin ko na natigil silang lahat sa kanilang ginagawa.
"Goodmorning, Ma'am!" bati nila pabalik at tinuloy na lang ang kanilang trabaho.
"Dexx, baka may gagawin ka pa? Kaya ko na pumasok mag - isa. Hindi mo na ako kailangan ihatid pa sa school," sabi ko sa kanya dahil hindi pa rin siya umaalis at kailangan ko pang tingnan kung kumpleto na ang mga trabahador ni Tita Myline at ilang minuto na lang ay kailangan na nilang magbukas.
Naglakad na ako papasok sa grocery at pumunta sa office namin kung nasaan ang mga papeles. Paglingon ko, nagulat ako ng makita k siyang nakatayo sa labas ng pinto at nakatayo habang tinititigan ako.
"Ah, hindi. Hintayin na lang kita dito. Gusto ko rin makatulong. Nasaan yung listahan ng mga kahon na sinasabi ni Markus? Nagbilin siya sa akin na ako muna ang magbilang ng mga iyo," sabi niya sa akin at pinagmamasdan ang loob ng grocery.
"Ah, gano'on ba?" sagot ko at hinahanap ko na ulit ang portfolio kung nasaan ang mga photocopy ng mga box at pangalan ng mga pagkain saka ko iniabot iyon sa kanya. Inumpisahan niya na muna tingnan ang mga iyon at saka kumuha ng ballpen sa lamesa.
"Ihahatid muna kita sa school at babalikan ko na lang ito mamaya para bilangin ang mga kahon. At isa pa, sinabi rin sa akin ni Myline na ipakilala mo ako sa mga empleyado niya," utos niya sa akin at hindi niya na binitawan ang portfolio.
"Sige, halika na dito at ipapatawag ko na ang lahat ng empleyado." Lumakad na ako papalabas ng kwartong iyon at inilock ko na muna tsaka nagpunta sa parking lot ng grocery kung saan may daan papunta sapwesto kung saan nagpapahinga ang mga empleyado namin.
"Kristina, pakitawag ang lahat at may sasabihin ako," utos ko sa isang cashier at naghintay na lang kami ni Dexx sa kanilang lahat. Habang hinihintay ang lahat, Nag - umpisa na akong tingnan kung kumpleto na ang mga tauhan namin.
Mabilis ko naman napakilala si Dexx dahil nagmamadali na rin ako para makapasok sa school. Nasa tapat na kami ng sasakyan ng bigla akong tinawag ni Greg, ang isa sa mga malapit sa aking kargador.
"Bakit magkasama kayo? Anong relasyon niyo?" Hinablot niya ang kamay ko at tinapik naman ni Dexx ang kamay niya kaya nabitawan niya ako. Kitang kita ko ang pagbilis ng paghinga ni Greg kaya napaatras ako dahil sa inaasal niya. Minsan ko nang nakita ang ganoon niyang reaksyon dahil sa galit ng may nahuli siyang shoplifter sa grocery.
"Wala kaming relasyon. Kagaya ng sinabi ko, siya ang papalit kay Markus dahil biglaan ang pag - alis nito. Hindi ko rin kailangan magpaliwanag sayo, Greg. Bumalik ka na sa trabaho mo at madami pa akong inaasikaso," sagot ko sa kanya at ako na ang kusang sumakay sa sasakyan ni Dexx. Agad naman siyang sumunod sa akin at nagsimulang magmaneho.
Hindi na ako kumubo habang nagmamaneho siya kahit tinatanong niya ako ng ilang mga bagay kung ano ang mga gusto ko. Wala akong sinagot sa kahit isa niyang tanong at wala sa isip ko ang mga gano'on klaseng bagay.
Nakita ko kung paano mabaliw sa pagmamahal ang kapatid ko noon, kaya ginagawa ko ang lahat para hindi ko maranasan ang pagkakaroon ng mararamdaman para sa ibang tao, pero nasa harap ko ngayon si Dexx.
"Dexx, matanong ko lang. Ayoko mag - assume pero, para saan ang bulaklak na ibinigay mo sa akin kaninang umaga?" tanong ko sa kanya habang nasa parking lot na kami ng sasakyan. Alam ko sa sarili ko na may gusto ako kay Dexx pero hindi ko pa siya lubos na kilala.
"Wala. For friendship?" Nauutal niyang sagot sa akin pero umiling na lang ako. Ayoko magkaroon ng kahit anong relasyon kay Dexx maliban sa pagiging magkaibigan namin at isa pa, gusto kong makatapos ako sa pag - aaral.
"Wait, Rion. Walang kahulugan yung mga bulaklak na iyon. Gusto ko lang mapalapit sayo dahil wala naman akong kakilala sa grocery, bukod sayo," sagot niya sakin at yumuko. Marahil ay totoo naman ang sinasabi niya sa akin kaya hinayaan ko na lang siya.
Mabilis lumipas ang mga araw at mag - iisang buwan na palà namin nakakasabay sa almusal si Dexx.
"Dexx, another flower again, huh?" narinig kong tanong ni Tita Myline habang nasa hapagkainan ako at nakaugalian ko na siyang hintayin tuwing umaga. Tumayo agad ako nang dumating siya sa lamesa.
"Ah, Dexx, halika kumain ka na," malugod kong pag- aaya sa kanya habang nakatingin sa hawak niyang bulaklak. Maaliwalas ang kanyang pananamit at bagong ahit siya ngayon. Mas naging bata siyang tingnan dahil sa paglilinis niya ng kanyang itsura.
"Ah. Salamat." inilahad niya ang kanyang kamay para iabot sa akin ang bulaklak at malugod kong tinanggap iyon. Nakatitig pa ako sa kanya ng ilang minuto habang hawak pa rin ang bulaklak.
"Aba nako, napakaaga, parang nilalanggam na ako!" masiglang sabi ni Tita Myline na biglang lumabas galing sa Living Room. Napayuko na lang ako dahil sa pang - aasar sa amin ni Tita habang si Dexx naman ay tuawa at naunang umupo. Itinabi ko na lang muna ang hawak kong bulaklak at inayos na ang sarili.
Nilagyan ko ng kanin at ulam ang plato ni Dexx at malugod naman siyang nagpasalamat sa akin. Hindi na iyon pinansin pa ni Tita Myline at nag - usap na lang sila tungkol sa grocery. Hindi na ako nakisali sa kanilang usapan dahil ang tanging ginagawa ko lang naman doon ay ang tingnan ang attendance ng mga empleyado at kung tugma ang mga bilang ng pera ng cashier at ang ibinibigay nila.
Ang trabaho naman ni Tita Myline ay magpasahod, maghulog ng benefits ng mga tao, at mag - order ng mga items para sa grocery. Basta kahit anong tungkol sa pera para sa grocery at sa empleyado ay siya ang humahawak.
Si Dexx naman ay ang kinuha lang namin manager at tagabilang ng mga box kung tugma sa order ni Tita Myline. Nagkekwento si Dexx araw - araw kung may kakaibang nangyari sa grocery at kung maayos ang pagtatrabaho ng mga empleyado lalo sa pagsasalansan ng mga paninda nila.
Pag - uwi ko isang gabi, iniaabot ko na ang pera kay Tita Myline at inumpisahan ko na i-tally ang mga pera. Pagod na ako ng araw na iyon dahil sa dami ng ginawa ko sa school, buti na lang at inihatid ako ni Dexx sa grocery at pati na rin sa bahay kaya nakapagpahinga ako habang nasa byahe.
"Kailan mo sasagutin si Dexx?" tanong sa akin ni Tita Myline habang binubuksan ang isang supot ng paborito niyang mani. Huminga ako ng malalim bago nagsimulang sumagot.
"Hindi po siya nangliligaw sa akin, Tita. Wala naman po siyang sinabi na nililigawan niya ako. And besides, alam naman natin pareho ang laki ng agwat namin ni Dexx. Baka kung maging kami, masabihan pa ako ng kung ano ng mga tao dito. Hindi ko siya gustong maging boyfriend--" Natigil ako sa pagsasalita ng makitang nanglaki ang mata ni Tita Myline at tumayo bigla.
"Dexx... Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Tita Myline at pakiramdam ko, umalis ang kaluluwa ko sa katawan at wala akong lakas para lumingon. Narinig niya kaya ang sinabi ko? Sana ay hindi dahil ngayon ko lang hihilingin na sana, lamunin ako ng lupa.
"Gusto ko sanang supresahin kayo at magdinner na ako naman ang taya." Mahina niyang sabi at iniwan ang dala niyang pagkain saka mabilis na lumabas ng bahay. Narinig niya ang sinabi ko!
"Rion! Sundan mo si Dexx. Malamang, narinig niya ang mga sinabi mo sa kanya!" Tinulak ako ni Tita Myline palabas ng pinto pero umiwas ako sa kanya dahil nahihiya ako at ayokong naghahabol sa isang lalaki.
"No! Bahala siya kung papaniwalaan niya ang gusto niya," mataray kong sagot kay Tita Myline at bumalik na ako sa ginagawa ko. Hindi maalis sa isip ko ang kakaibang reaksyon ng mukha ni Dexx at tumatak na talaga iyon sa isip ko.
Kaya ko lang sinabi ang bagay na iyon dahil ayokong isipin ni Tita Myline na madali akong makuha ng mga lalaki sa simpleng pagpunta sa bahay. Isa pa, malaking aral sa akin ang nasaksihan ko kay Ate Genesis. Madali siyang nakuha noon ni Kuya Aero at nagawang iwanan ang lahat. Iyon ang isang bagay na hinding hindi ko gagawin at kung magmamahal ako, sisiguraduhin kong isip ang papaganahin ko at hindi ang puso.
Hindi ko na pinansin si Tita Myline habang pinipilit niya akong kausapin si Dexx. Naging abala na lang ako sa pagtatapos ng trabaho ko sa grocery at nagpahinga na.
Kinabukasan, tapos na akong maligo at hinihintay ko na lang si Dexx pero ilang minuto na lang ay malalate na ako sa school pero wala pa rin siya. Kaya nagpasya na akong umalis.
Simula ng araw na iyon, hindi na pumupunta si Dexx sa bahay para sunduin ako at ihatid sa grocery pero patuloy pa rin siyang pumapasok sa grocery dahil sa kagustuhang tulungan kami ni Tita Myline.
Nakaramdam ako nang hiya dahil sa nasabi ko pero binaliwala ko na lang iyon dahil totoo naman ang sinabi ko na mas matanda sa akin si Dexx. Nagpatuloy na lang ako sa pagtatrabaho kahit hindi kami nagpapansinan ni Dexx.
"Goodmorning!" bati ko sa kanilang lahat pagdating ko ng grocery at napunta agad ang tingin ko kay Dexx habang binibilang ang mga box na ibinababa nila Greg. Hindi na bago sa akin ang hindi niya paglingon sa tuwing bumabati ako sa kanila kaya sinanay ko na lang ang sarili ko sa ginagawa niya.
Sinabi ko lang naman ang totoo kay Tita Myline, na sobrang laki ng agwat ng edad namin. Kahit marinig niya naman iyon, hindi siya dapat masaktan dahil totoo naman ang sinasabi ko. Aaminin ko na crush ko siya pero hanggang doon lang iyon dahil gusto ko pa rin makatuluyan ang isang taong kaedad ko.
Naglakad na ako papasok sa grocery na may ngiti pa rin sa labi nang makasalubong ko siya pero wala akong nakitang reaksyon sa kanyang mukha bukod sa pagiging seryoso lang nito.
Matapos kong icheck ang attendance, si Dexx na lang ang hindi pa nakakapirma at wala naman problema iyon, ang mahalaga, nandito siya. Inumpisahan ko nang tapusin ang paglilista ng kinita ng grocery kagabi dahil hindi ko iyon natapos pero nagpaalam ako kay Tita Myline na hindi ko magagawa iyon dahil sa paghahabol ko ng gawain sa paaralan.
May thesis na akong hinahabol para sa kurso kong Information Technology at alam ko sa sarili ko na ako lang naman din ang inaasahan ng mga kasamahan ko sa paggawa ng thesis namin. Sila na ang bahala sa iilang mga research paper, pagpapa - photocopy at pagpapa - bookbind ng ipapasa namin.
Malapit na rin akong makatapos sa pag - aaral at ilang buwan na lang ang kailangan ko para mangyari yon. Itinigil ko na ang pagtaggap ng mga proyekto dahil sa Thesis na inaasikaso ko. Mas importante iyon sa akin at may sapat naman akong ipon para sa plano ko ring paghahanap kay Ate Genesis.
Wala akong pasok sa eskwelahan kaya buong araw akong nasa grocery. Nauna akong dumating kay Dexx at siya na lang talaga ang hinihintay para mailabas na ng mga tauhan ang mga produkto at mailagay sa kanilang cabinet.
Nakapolo shirt siya na blue at itim na pants. Bagay na bagay sa kanya ang ganoong klase ng pananamit dahil kitang kita ang pagiging lalaki niya. Lumapit siya sa akin at iniabot ang kanyang kamay.
"A-anong kailangan mo?" Lumingon ako sa likuran ko para tingnan kung ano ang kailangan niya pero mas lumapit pa siya sa akin, dahilan para maamoy ko ng husto ang kanyang pabango.
"Yung attendance." Umatras ako dahil nakakahumaling ang halimuyak niya. Napansin ko na kumunot ang kanyang noo dahil sa pag - atras ko. Iniabot ko na lang ang attendance saka ko siya iniwan sa opisina.
Hanggang tanghali ay nanatili ako sa grocery at umuwi na rin ako para magtanghalian at asikasuhin naman ang mga gawain ko sa school. Habang papalabas ako ay hinila ako ni Greg.
"Bakit hindi na kayo nag - uusap? Nakuha niya na ba ang gusto niya sayo?" Hinawi ko ang kapit niya sa akin dahil nakaramdam ako agad ng sakit sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin.