"Greg, pwede ba! Ayokong magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan natin," mahinahon kong sinabi sa kanya kahit nakikita ko na ang galit sa kanyang mata. Hindi na ako nagdalawang isip na umalis sa grocery at umuwi. Pagdating ko, nakahanda na ang pagkain pero nang silipin ko ang kwarto ni TIta Myline ay mahimbing na ang tulog niya kaya hindi ko na siya tinawag para sumabay sa akin sa tanghalian.
Matapos kong kumain ay naligo na muna ako at nagsimulang gawin ang mga assignments ko at proyekto bago ang sa ibang kaklase ko pero hindi sa mga gawain iyon nakatutok ang isip ko kung hindi kay Dexx. Pati ang huling sinabi niya ay paulit - ulit na tumatakbo sa isipan ko.
"Tao po!" narinig kong tawag at sinundan iyon ng mga pagkatok. Hindi ko namalayan ang oras at alas singko na pala ng hapon. Agad akong lumabas ng kwarto, nakashort at sando lang dahil wala na akong balak pang lumabas.
"OMG!" Napaatras kong reaksyon dahil si Dexx ang nasa labas at simpleng pangbahay lang ang suot ko. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha pero kumilos na lang ako ng normal para hindi siya makaramdam ng pagkailang.
"Naparito ka?" tanong ko sa kanya at hindi ko maisip kung ano ang kailangan niya dahil si Tita Myline ay nagpaalam na pupunta sa grocery.
"Hi! Tinanong ko kasi si Myline kung nasaan ka at nasabi niyang busy ka sa paggawa ng assignment at projects kaya naisip kong pumunta dito at tulungan ka," sagot sa akin ni Dexx at pinatuloy ko na siya sa loob.
"Upo ka muna dito, kukuha lang ako ng miryenda," Tumakbo ako papunta sa kwarto para magpalit ng damit dahil sa suot ko. Kung nandito si Tita Myline, malamang ay papagalitan ako noon. Nagsuot na ako ng t-0shirt at mahabang shorts saka lumabas ng kwarto.
Dumiretso na ako sa kusina at ipinagtimpla siya ng juice tsaka ginawaan ng sandwich. Nakatingin lang siya sa kisame pagdating ko kaya inilapag ko na sa lamesita ang miryendang ginawa ko.
"May maitutulong pa ba ako sayo?" tanong niya sa akin nang maupo ako at agad siyang uminom sa juice na ginawa ko.
"Wala na, natapos ko na ang lahat ng research ko. Magtatype na lang ako ng iilan sa ipapasa ng mga kasamahan ko sa group para bukas," sagot ko sa kanya at tumango lang siya doon at nag - umpisang kainin ang sandwich. Pinagmasdan ko lang siya habang ginagawa iyon at wala naman ako maisip na pwede namin mapag - usapan.
Binuksan ko na lang ang radyo at inilipat - lipat iyon sa magaganda at makabagong tugtugin. Tahimik lang kaming dalawa habang ang mga kamay ko ay nakapatong sa mga tuhod ko tapos ay kumakain naman siya.
Naisip ko, pagkakataon para makausap siya tungkol sa sinabi ko nung nakaraang araw, kaya huminga muna akong malalim at hinigpitan ang kapit sa aking tuhod bago nagsalita.
"Ah, ano, tungkol pala sa narinig mo na usapan namin nung nakaraan.." mahinahon kong sabi at tinitigan lang siya. Inilapag niya ang sandwich pero ang buong atensyon niya ay nasa akin.
"pasensya ka na..." Binuga ko ang lahat ng hangin na naipon ko. Hindi siya sumagot sa sinabi bagkus, hinawakan ang kamay ko at pinisil ito ng kaunti.
"Totoo naman ang sinabi mo, Rion. Malaki ang agwat ng edad natin pero nagbabakasali ako na sana, may himala," sagot niya at napatingin na lang ako sa kanya dahil naramdaman ko ang sinseridad sa bawat salitang sinabi niya.
"Kahit na, humihingi pa rin ako ng pasensya sayo," sagot ko sa kanya at hindi na siya sumagot pa bago nagpaalam. Pagkaalis niya, iniligpit ko na ang pinagkainan at nagbihis na ako muli ng pambahay at ilang minuto lang, narinig kong dumating na si Tita Myline.
"Rion, magbihis ka ng maganda mamaya at may pupuntahan tayo." seryosong tono ang nanggaling kay Tita Myline pero tumango na lang ako dahil kapag ganoon siya, maiirita siya dahil lahat ng sagot na lalabas, para sa kanya ay hindi tama.
Wala naman akong pasok ng araw na iyon pero sa dami ng ginawa ko, nakaramdam na ako ng pagod. Sakto na rin ang inuutos ni Tita Myline kaya nag - asikaso na ako para hindi ko na siya paghintayin pa. Wala akong ideya kung saan kami pupunta kaya simpleng pantalon at blouse na lang ang isinuot ko saka pulbos at liptint.
Naglakad na kami palabas ng bahay at ang landas na pinuntahan namin ay ang patungo sa grocery kaya lam kong doon ang punta namin. Pumara siya ng tricycle at sinabing sa palengke kami ihatid.
"Mamalengke po ba tayo ng ganitong oras? Bakit kailangan pang magsuot ng maganda?" tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin at hinaplos ang buhok ko.
"Basta, supresa ko iyo sayo, okay?" sagot niya sa akin at tumango na lang ako. Ngayon ko lang ulit nakitang masaya si Tita matapos ang pag - alis ni Markus ay naging matamlay siya.
Pagkababa, sinundan ko na lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa bilihan ng mga damit. May isang tindahan siyang hinahanap at nang makita niya, iniabot sa kanya ang isang puting dress.
"Sukatin mo to," utos niya sa akin at itinuro ng babae ang fitting room nila. Habang naghuhubad, naririnig ko ang kwentuhan nila. Nalaman kong regalo ito sa akin ni Tita Myline at gusto niyang isuot ko ito sa araw ng graduation ko. Medyo naluha ako sa narinig ko dahil sinabi rin ni Tita Myline kung gaano siya kaproud sa akin at sobrang natutuwa siya hindi lang para sa akin, pero para sa mga magulang ko dahil natupad niya ang isa sa mga parangap nila, ang makapagtapos ng pag - aaral ang mga anak nila.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salimin at hindi ko akalain na babagay sa akin ang dress na iyon. Sobrang simple lang naman nito pero parang sinukat iyon para sa akin dahil sa kitang kita ang hubog ng aking katawan.
"Tita, yung zipper sa likod." Hinawi ko ang kortina at lumabas habang nakakaramdam pa rin ng hiya.
"Bagay na bagay sa pamangkin mo," sabi ng tindera pero ang tingin ni Tita Myline ay hindi maaalis sa akin. Tumalikod na ako at inayos ko ang mahaba kong buhok para maayos agad ang zipper.
"Ang ganda ganda mo talaga, kamukhang kamukha mo si Anna." Bulong ni Tita Myline sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Gumanti naman ako ng yakap pero mabilis rin akong kumalas dahil baka pagtinginan kami ng mga tao.
Hinubad ko na agad iyon para makaalis na rin kami sa tindahan dahil nagugutom na si Tita. Sa isang kilalang fastfood lang kami kumain ng pinapili niya ako kung saan ko gusto at kahit mamahalin ay walang problema dahil regalo niya na rin iyon sa akin.
Habang naghihintay kami sa pila, nagulat ako ng biglang sumulpot sa harapan namin si Dexx.
"Dito lang ba talaga ang gusto mong kainan?" tanong sa akin ni Dexx at tumango lang ako pero nang hilahin niya ako at itulak naman ako ni Tita Myline palabas ay hindi na ako nakalaban pa. Sumunod na lang din ako dahil ayayokong pagtinginan kami ng mga tao.
"Nakapagpareserve na ako talaga ngayong araw, hindi ko lang masabi kanina kung paano kita maisasama kaya humingi ako ng tulong kay Myline," pagpapaliwanag ni Dexx habang nagmamaneho kami pero hindi na ako sumagot dahil naiba na naman ang topic ng usapan.
Matagal rin ang naging byahe namin dahil sa city proper na kami dinala ni Dexx. Dito, maraming mga restaurant na hindi kaya ng isang pobre na kagaya ko. Ngayon lang din ako nakapunta sa ganitong klaseng kagandang lugar.
"Saan tayo kakain?" tanong ko sa kanya pero nagpark siya sa isang restaurant na punong - puno ng liwanag at unang tingin pa lang sa mga kumakain doon, mahihiya kang gumawa ng ingay at baka sabihin na unang beses kong makapunta doon.
Nagmatyag lang ako sa mga kinikilos ng mga tao doon at kung gaano sila kahihinhin at katahimik kumain.
Pagkapasok namin, ramdam ko agad ang lamig ng aircon at may sumalubong na sa aming isang waiter. Hinanap ng waiter ang pangalan ni Dexx sa isang papel at inilahad ang kanyang kamay saka nagsalita para ituro kung saan kami dapat pumuwesto.
Iniurong ni Dexx ang upuan para kay Tita Myline at ganoon rin ang ginawa niya sa akin. Nagpasalamat ako sa kanya at lumapit na agad ang isang waiter sa amin at binigay ang mga menu. Wala akong alam sa pagkain doon dahil puro sulat lang at walang picture.
"We've made a reservation," sabi ni Dexx sa waiter at humingi iyon ng pasensya saka binawi ang mga menu.
"Kailangan ba talaga, dito kami kakain?" tanong ko kay Dexx nang kaming tatlo na lang ang nandoon. Tumango lang si Dexx at si Tita Myline naman ay nagagalak lang sa amin dalawa. Hindi ko na gusto pang kontrahin ang mga nangyaril.
"Rion, magpalit ka kaya muna ng damit?" Nilahad niya ang kanyang kamay at hawak ang plastik kung nasaan ang dress na binili niya kanina. Pansin ko na rin kasi na puro magagadang dress ang suot ng mga kumakain doon kaya kahit isang beses man lang ay maranasan ko naman ang sumabay sa kung ano ang nagagawa ng mga kaedad ko ngayon.
Nagpalipat - lipat nang tingin sa amin si Dexx at tila hindi alam kung ano ang gustong mangyari ni Tita pero ako, alam kong gusto niyang mag - ayos ako para makasabay sa mga babaeng nandoon ngayon kasama ang kanilang mga asawa o ang kanilang mga nobyo.
Sinamahan ako ni Tita Myline sa Comfort Room para tulungan magbihis. Kahit ang parteng iyon ng restaurant at mas malaki pa sa kwarto ko, doble pa nga nito. Namangha rin ako ng husto dahil tiles ang sahig nito at puting - puti, kamay may dumi, madaling makita iyon.
Habang kaming dalawa lang ang magkasama, ginawa ko na iyong oportunidad para maparamdam kay Tita Myline kung gaano ako nagpapasalamat sa lahat ng nagawa niya para sa akin. Paglabas ko ng cubicle, lumapit ako agad sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"Tita, maraming salamat sa pagkupkop mo sa akin. Hindi ko man madalas masabi ito pero ginagawa ko ang lahat para maparamdam po iyon," bulong ko sa kanya at gumanti naman siya ng yakap sa akin at tinapik pa ang likod ko.
"Walang anuman, masaya rin ako at natupad ko ang isa sa mga pangarap ni Anna. Hindi man kita tunay na anak o si Markus pero habang nasa puder ko kayo, tinuring ko kayong mga sarili kong anak. Mahal na mahal ko kayo," bulong niya sa akin at kumalas na kami parehas dahil bumukas ang pinto at mabilis namin pinunasan ang mga luha sa pisngi namin.
Inayos naman na ni Tita Myline ang damit ko at nilagyan niya pa ako ng lipstick bago lumabas. Gusto ko rin makita kung ano ang magiging reaksyon ni Dexx sa suot kong ito. Sana ay hindi niya isipin na gusto kng makuha ang atensyon niya, kahit iyon ang gusto kong mangyari.
"Crush mo si Dexx, noon pa diba?" tanong sa akin ni Tita Myline, napalingon ako sa kanya at abot - tenga ang kanyang ngiti. Idinikit niya ang ilang mga daliri niya sa pisngi ko at pinakita sa akin ang pocket mirror niya. Kitang - kita ko ang pamumula ng pisngi ko nang oras na iyon kaya sunod - sunod ang paghinga ko ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
Pagbalik sa table, halos lumuwa ang mata ni Dexx ng makita niya ako at narinig ko sa likod ang bulong ni Tita Myline.
"Kung ano ang nasa puso mo, sundin mo.."
Isang buwan na lang bago ako makagraduate ay hindi na muna ako pinaghanap ng trabaho ni Tita Myline at naisip niyang sa grocery muna ako magtrabaho para makapagpahinga rin at makapagbakasyon kahit isang linggo. Katatapos lang namin mag - almusal at kasama namin muli si Dexx dito.
"Babalik ba kayo dito para sa tanghalian?" tanong ni Tita Myline habang kumakain ng papaya bilang panghimagas.
"Siguro po. Dadaan muna ako sa school bago sa grocery," sagot ko at kumuha na rin ako ng papaya.
"Sa labas na lang ako kakain at isasama ko si Rion," sagot naman ni Dexx. Huminga na langa ko ng malalim dahil nakita ko sa mukha ni Tita Myline ang pagkadismaya.